logo text

Chapter 9: Rodelio's Birthday

Lumapit si Gabriel at umupo sa dulo ng kama ni Katherine.
"Ano kailangan mo?" Tinarayan pa siya ng dalaga.
Ilang segundo pa bago muling sinubukan ng binata na magsalita, "Gusto ko na sana makipagbati sa'yo. Di dahil sa gusto ng lolo kundi dahil sa pinagsamahan na rin natin."
Tinawanan lamamg siya ni Katherine, "Pinagsamahan? Paano tayo nagkaroon ng pinagsamahan?"
Napasapo nanaman ng noo si Gabriel sa ugali ng babaeng nasa harapan niya.
"Wala nga ba?" tanong na lang niya sa dalaga.
"Wala naman talaga eh!" Pagtanggi pa rin sa kanya nito.
"Eh kahit wala, di man lang ba tayo magkakasundo?" pahayag ni Gabriel na pilit niyang maging maayos na sila ni Katherine. "Totoo naman kasi na hindi kita sinumbong dahil ayaw ko ng nagagalit ka pa sa'kin."
May bahagi sa puso ng dalaga na dapat maniwala na siya sa sinasabi ni Gabriel pero dahil sa tuwing naalala niya ang mga nakaraan na nagsusumbong ito sa lolo niya ay baka maaaring ginawa pa rin ito ng binata. Nagsinungaling lamang siya para matigil na ang kanilang diskusyon.
"Pasensya na, inaantok na ako. I need to sleep now." Akmang itatalukbong na sana niya ang kumot ay biglang hinila iyon sa kanya ni Gabriel dahilan para mapaupo siya at niyakap ang sarili.
Napakamot ng ulo si Katherine, "What's wrong with you, uh?"
"Ikaw 'tong ayaw akong kausapin kaya ayan!" giit ng binata sa kanya.
"Inaantok na kasi ako eh at pagod. Kailangan ko na magpahinga," reklamo ng dalaga.
"Di ka naman tatakbo eh. Kakausapin mo lang naman ako at makikipagbati. Di ka naman mapapagod niyon," paliwanag pa rin sa kanya ni Gabriel subalit hindi nagpatinag si Katherine.
"Inaantok na talaga ako. Bukas na lang pwede?" Pilit inagaw ng dalaga ang kumot na sa kamay ng binata. Sa paghihilahan nilang dalawa ay nauwi ito sa biglang pagpatong ni Gabriel ibabaw niya.
Nagtinginan silang dalawa sa mata. Biglang lumakas ang kabog ng puso ni Katherine na tila tumakbo siya ng ilang kilometrong layo. Hindi niya magawang idilat kanyang mga mata at nanatili siyang nakatitig sa magagandang mata ni Gabriel.
Nang nakabalik siya sa wisyo kaagad niyang itinulak ito palayo sa kanya.
"I'm sorry!" Biglang napatayo si Gabriel sa nangyari. "Di ko sinasadya. Ikaw naman kasi."
"Ok na," tanging sagot ni Katherine.
"Anong ok na?" Naguguluhang tanong ng binata sa kanya.
Sinimangutan pa ng dalaga si Gabriel, "Ayos na tayo. Bati na tayo ganoon.." sabi niya lang na di tumitingin sa binata. Bigla siya nakaramdam ng pagkailang sa nangyari lalo na ang eksenang napatitig sila sa isa't isa.
"Talaga? Walang biro?" Paninigurado ng binata sa kanya.
"Oo!" Mahina subalit hindi pa ring napapakaling sagot ni Katherine. Sobrang lakas pa rin ang pagtibok ng puso niya.
Nang sinubukan niyang tumititig sa mukha ni Gabriel na nakangiti ngayon ng tipid ay kaagad na siyang nahiga at tinalukbong ang sarili.
"Magkaibigan naman tayo di ba? Kaya, natutuwa akong bati na tayo." dinig pa niya kahit di pa nagagawang pumikit ng ulo. "Sige, matulog ka na. Good night!"
Matapos niyon ay wala na siyang narinig na nagsalita pa kaya ipinikit na ni Katherine kanyang mga mata hanggang sa nakatulog.
KINABUKASAN ay nagtungo sila sa isang botique shop na kung saan suki na ang kanyang lolo rito pati ang ina ni Katherine. Ang Ella Vaile's Botique.
Pinakuha kasi sa kanila ang mga damit na susuotin sa birthday ni Mr. Rodelio. Titignan na sana ni Katherine ang nasabing dress nang may biglang tumawag sa kanyang phone. Si Denzel. Lumayo siya saglit at saka sinagot ang tawag.
"Hi, Kath. Where are you?" tanong ng binata sa kanya.
"Nandito ako ngayon sa isang botique na itinuro ni Lolo. Why?" sagot kaagad ni Katherine.
"Pwede mo pa sabihin sa'kin 'yong pinaka-favorite song ni Sir Rodelio?" aniya ni Denzel. "Isa ito sa ireregalo ko sa kanya. Kakanta ako sa birthday niya."
Natigilan saglit si Katherine sa kanyang narinig. "Really? Magugustuhan ni Lola 'yang suprise mo. Teka, iisipin ko muna 'yong song na paboritong-paborito niya."
Ilang segundo pa iniisip-isip ng dalaga ang awitin na 'yon saka siya nagsalita. "Heto 'yong favorite song ni lolo at theme song din nila ni lola noong kabataan pa nila hehe."
Natutuwa si Katherine habang ini-imagine ang teenage days ng kanyang lolo at lola habang kinakanta nito kanilang favorite songs.
"Unchained Melody by Righteous Brothers, 'yan yong title ng song na gustong-gustong ni lolo. Meron pa nga siyang plaka niyan eh sa mini library," kwento ng dalaga kay Denzel.
"Mukhang maganda nga saka malumanay 'yong song at sakto sa boses ko," dinig na dinig ni Katherine ang pagtawa ng binata sa kabilang linya. "Thanks for this, Kath. Mamaya papraktisan ko na 'yong song."
"Pwede parinig after para makita ko if ok na?" sabi ulit ni Katherine.
"Sure. Sige na, Kath. Need ko ng ibaba ang phone. Tawag na kasi ako ng talent manager namin."
Nagpaalam na nga sila sa isa't isa. Ibinababa na nga kaagad ni Katherine ang phone at sandaling napatitig sa isang malapad na salamin na kung saan kita ang labas ng shop. Maya-maya ay nabaling ang kanyang mga mata sa di kalayuan. Nawala ang kanyang mga ngiti nang makita niyang may hinalikan si Gabriel na isang babae. Hinalikan ito sa noo.
"Siya na ata 'yong girlfriend ni Gabriel. Buti na lang nagkabalikan na sila," tanging saad ng dalaga subalit ramdam niya ang biglaang kirot sa kanyang puso. "Ano ba self umayos ka nga!" sigaw niya muli sa isip habang nakatitig siya sa kinaroroonan ng binata at ang girlfriend nitong si Hannah.
Naghawak kamay pa mga ito at malapad ang ngiti sa isa't isa.
"Pigilan mo ang sarili magmahal ng lalaki na may pag-aari ng iba. Ano ka ba? Nandyan naman si Denzel oh. Ginagawa lahat para sa'yo, tzk," muling sambit ng dalaga sa kanya isip.
Mga ilang minuto pa ay naglakad na siya pabalik sa kanyang kinaroroonan kanina.
"Hoy, Kath saan ka ba galing?" tanong sa kanya ni Arianne.
"Tumawag kasi si Denz kanina may tinanong lang." Pilit lamang siya na ngumiti at kinausap ang isang designer na nagtahi ng kanyang dress.
Kahit nakaramdam man siya ng lungkot naging masaya pa naman siya para sa kaarawan ng kanyang lolo na gaganapin bukas. Kailangan niyang magpakatatag. Paghanga lang 'yon. Magmamahal pa siya ng lalaki na nagmamahal din sa kanya ng tunay.
Nagtungo sila sa isang mall para bumili rin ng pangregalo kaya tanghali na rin sila nakauwi ng mansion.
Pagkarating-karating ay isinilid ni Katherine sa loob ng aparador ang dress na ipinatahi ng kanyang lolo. Napapangiti siya sa tuwing tinititigan ito. Isang kulay lavender na hapit sa kanyang katawan na may hanggang tuhod ang haba ng bestida na may simpleng designs lamang.
Sumapit ang alas-otso ng gabi. Pinilit ni Katherine na makatulog subalit hindi siya dinadalaw nito. Paulit-ulit rin lumalabas sa kanyang isipan ang nakitang eksena kanina.
Napapikit ang dalaga sa kanyang iniisip, "Grr! Bwiset talaga."
Hindi siya nakatagal kaya naisipang bumangon at naglakad palabas ng kanyang kwarto. Madillim na ang paligid nang madatnan na niyang tulad na si Arianne sa silid nito. Dahan-dahan lamang siya naglakad palabas.
Binalak niyang magtungo sa mini-library para magbasa ng libro. Kasalukuyan siyang kumukuha ng isang non-fictional book nang bumungad sa kanya ang mukha ni Gabriel.
Nagtinginan sila saglit. "Bakit nandito ka pa?" sermon ni Gabriel kay Katherine. "Masyadong nang malalim ang gabi para magising ng ganitong oras."
"Gabing-gabi na ba?" Napatitig si Katherine sa kanyang orasan. "Alas-nuwebe pa lang kaya," katwiran pa niya. "OA!"
Kinuha na niya ang "Noli Me Tangere" na libro na isa sa paborito niyang basahin kasabay ang El Filibusterismo. Hindi siya nagsasawang basahin 'yon dahil marami siyang natutunan doon at nagkakaroon siya ng awareness sa nangyayari sa nakaraan na pwede niya ihantulad sa ngayon.
Naupo nang maayos si Katherine saka simulang basahin ito.
"Hindi ka ba makatulog?" dinig niyang tanong mula kay Gabriel na umupo rin at nakaharap ito sa kanya.
Tanging pagtango lamang ang nagiging tugon niya at muling binalik ang mga mata sa aklat na binabasa. Di niya kayang titigan ang binata ngayon. Para siyang yelo na natutunaw kapag tumititig ito sa kanya. Nagiging palaisipan pa rin sa dalaga kapag nakatingin siya sa mata ng binata na tila familiar na familiar na siya rito at sobrang tagal na rin niya nakikita ito. Hindi lang niya maalala kung kailan.
"Excited?" Tumango ulit si Katherine na hindi tumititig kay Gabriel.
"Parang ngayon mo pa lang binabasa 'yan para di ka makalingon kapag kinakausap kita."
Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. Pilit niyang maging maayos lang pero di pa rin mapakali.
"Pasensya na. Dinadamdam ko lang bawat dayalogo sa nobela." Pagdadahilan na lang ni Katherine.
"Siya nga pala..." saad ni Gabriel. "Nagkita kami kanina ni Hannah."
Halos nanigas ang dalaga sa kanyang kinauupuan nang marinig niya 'yon.
"Gusto niya makipagbalikan sa'kin at syempre, masaya ako," kwento pa sa kanya.
Ngayon distracted na siya sa kanyang binabasa pero pilit niyang itinutututok mga mata sa nobela.
"Na-realized na mahal pa rin niya ako at di niya kinaya na nag-break kami. Nabigla daw siya dahil sa lungkot at inis na di niya ako nakikita," dagdag pa ni Gabriel. "Sobrang saya ko kanina."
Sa wakas, napalingon na rin si Katherine kay Gabriel dahil di na niya kinaya ang nararamdaman.
"Congrats pala kung gano'n!" Pinilit niyang ngumiti saka itiniklop ang libro na kanyang binabasa. Nawalan na siya ng gana bigla.
"Thank you," nakangiting sagot ni Gabriel sa kanya.
"Mabuti na lang na-realized pa rin niya kundi napakalaking panghihinayang 'yon na iwanan niya ang isang tulad mo." Biglang pahayag ni Katherine sa binata.
Mga ilang sandali ay nagpanggap siyang umuugab, "Woahhh! Inaantok na'ko. Paano, babalik na me sa kwarto." Paalam na lang niya kahit di pa siya dinadalaw ng antok.
Ayaw lang niya marinig ang iba pang sasabihin ng binata sa kaniya.
"Sige, good night," tugon ni Gabriel.
"Good night din." Naglakad na rin palayo ang dalaga palayo sa kanyang kinaroroonan kanina.
Nagmadaling pumasok ng silid at nahiga sa kanyang kama. Huminga siya nang malalim.
"Hays, bakit ganito?" tanong niya sa sarili. "Dati hindi naman naiilang kapag kausap siya. Di ko lang alam ba't bigla ko na lang 'to naramdaman."
Pinilit na lang niya ang sarili na makatulog dahil no choice siya kaysa naman magwala siya.
KINAUMAGAHAN. Abala lahat para sa birthday celebration na gagawin mamayang gabi. Samantala, si Katherine naman ay nagtungo sa isang pool.
Bente minutos pa lang pamamalagi niya ay kaagad siyang pinuntahan ni Gabriel doon. "Nandito ka lang pala."
"Yeah!" maikling sagot ng dalaga habang nakaupo lamang siya sa gilid ng pool. "Wanna join?"
Tumanggi kaagad ang binata, "Ikaw na lang. Babantayan lang kita dito habang nagchi-check sa paligid for security."
Tumango lamang ang binata. Maya-maya ay may tumunog na phone- kay Katherine pala. Kaagad niyang kinuha itong nakalapag sa table.
"Hello, Denz!" Tapos tumitig siya kay Gabriel habang kausap si Denzel sa kabilang linya.
Nag-request itong mag-video call sila para ipakita 'yong preparation nitong kanta na ipe-perform mamayang gabi.
"Sure. I will end this call first. Uupo lang ako nang maayos saglit."
Habang kinakausap ni Katherine si Gabriel ay di maiwasan ni Gabriel na mailang.
"Sige. Ready na!" sambit ng dalaga.
Sinimulan na ng binata kantahin ang song. Napangiti si Katherine dahil dito nagawang sumilip ni Gabriel sa kanyang phone.
Napansin din ni Denzel na nasa likod ng dalaga ang personal bodyguard nito nang papatapos na niyang kantahin ang song.
"Hey, Gab! What are you doing there?" Gulat na tanong ni Katherine sa kanya na walang kaalam-alam.
Hindi nito sinagot kanyang tanong, "Ayos ah may harana." Napangiwi na lang ng kaunti ang dalaga sa sinambit ng binata.
"Nothing. I'm just sharing this song to her," paliwanag ni Denzel kay Gabriel na mabilis lamang tumango. "Kasama mo pala siya, Kath?"
"Hindi ko nga alam eh. Bigla lang siya sumulpot," paliwanag din ni Katherine sa kaibigan.
"I see." Tumango lamang ito sa kanya. "Eh paano, see you later na lang. Kailangan ko na rin mag-prepare."
"Sige, Denz. See you then." Nakangiti pa ang dalaga nang nagpaalam sila sa isa't isa ng kaibigan. "Eh, ikaw may importante ka bang sasabihin?"
"Wala naman. Hinahanap kita sa loob ng palasyo pero wala ka doon kaya naglibot ako sa palibot ng compound at nandito ka lang pala," paliwanag ni Gabriel kay Katherine.
"Gusto ko lang i-relax ang sarili lalo na birthday ni lolo. I need to be ok eventhough I'm not," pahayag ni Katherine dahilan para kumunot ang noo ni Gabriel.
"Huwag mo muna isipin ang problema. Mag-enjoy ka na lang muna at magpasaya," payo ni Gabriel sa kanya at napangisi si Katherine.
"Sana nga," maikling sagot ng dalaga saka siya tumayo na at balak lisanin ang pool. Kailangan na niya magbihis ng pambahay at magpahinga sa loob ng mansion.
"Aalis ka na?" Habol sa kanya ni Gabriel. Tumango siya nang mabilis na tugon.
"I need to reserve my energy this evening." Patuloy lamang sa paglalakad ni Katherine nang biglang dumating si Alfred at hingal na hingal itong palinga-linga sa paligid.
"Nandito lang pala kayo, Ma'am Katherine," sambit ni Alfred habang naghahabol pa ng hininga. "Oh, nag-date ba kayong dalawa dito?" Bakas sa kanya ang pagngiti sa mga labi na tila inaasar sina Katherine at Gabriel.
Napaiba lamang ng tingin si Gabriel habang napanguso si Katherine sa kanyang narinig.
"Ano ka ba, Kuya Fred tzk!" reklamo ng dalaga sa kanya. "Sinundan lang kasi ako ng isang 'to dito. Mag-isa lang ako actually nagpunta ng pool para mag-relax."
"Akala ko nag-date kayo hahaha." Mas lalo pang lumakas ang tawa ni Alfred.
"Alam mo naman mayroon akong very strict na bodyguard at parang buntot ko na rin dahil kung nasaan ako, nandoon din siya," nakangiwi pa ring saad ng dalaga sa isa pa niya personal bodyguard.
"Gano'n naman talaga ang trabaho ko ang sundan ang amo kung saanman siya magpunta, tzk," katwiran rin sa kanya ni Gabriel.
"Siya nga pala, Ma'am Katherine kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Arianne sa kwarto mo eh." Pag-iiba muna ni Alfred ng usapan.
"Ah, bakit?" Nagtatakang tanong ni Katherine rito.
"Sabi niya baka nagtanan ka na raw kaya naman nataranta ako sa paghahanap sa inyo. Pinuntahan ko rin nga si Sir Gabriel sa kwarto niya pero wala rin siya doon," direktang paliwanag ni Alfred sa dalaga. Unti-unti nang nawawala ang kanyang pagkahingal.
"Ah, tanan?" Naguguluhang tanong ni Katherine.
"Oo, baka nakipatanan ka na raw kay Sir Denzel. Pffft!" Nagpipigil ng tawa si Alfred habang sinasambit iyon at napatitig siya kay Gabriel na walang imik lang subalit napansin niya kaagad ang biglaang pagbabago ng facial expression nito.
Natawa rin si Katherine sa sinabi ni kanyang personal bodyguard, "Hahahaha! Pwede, gagawin ko 'yan kahit maraming bantay."
Nagawa ng dalaga na sumabay sa biro kahit plano lang niya magparinig sa binata.
"Hala, tapang!" Napabilib sa kanya si Alfred.
"Gano'n naman talaga ang pag-ibig gagawin mo lahat para sa kanya kahit may nilabag ka mang anumang batas." Napahugot na tuloy si Katherine sa kanilang kwentuhan ni Alfred.
"Sabagay, tama naman kayo," aniya ni Alfred.
Biglang sumingit sa kanilang usapan si Gabriel, "Baka hinahanap ka na ni Arianne."
"Mabuti pinaalala mo. Hay!"
Nauna na ngang naglakad si Katherine sa dalawang binata pabalik ng mansion. Kaagad naman siyang binalot muli ni Gabriel ng tuwalya.
"Malalamigan ka." Isang kakaibang tingin ang iginawad ng binata kay Katherine. Sandali nagkaroong ng "slow motion" sa pagitan nila.
"Thanks!" Tipid na ngumiti ang dalaga saka ito naglakad nang matulin papasok ng palasyo.
Tinapik ni Alfred si Gabriel sa balikat saka nagsalita, "Tingin ko hulog ka na sa kanya!" saka ito nauna nang naglakad sa kapwa niyang bodyguard.
Napakunot naman kaagad ang noo ni Gabriel sa sinabi ng kanyang katrabaho. Masyado siyang naguguluhan sa kanyang sarili. Dapat nga si Hannah ang iniisip niya dahil ayos na silang dalawa pero parang may iba siyang nararamdaman.
Pagsapit ng gabi, naka-ready na ang lahat. Sasakyan na gagamitin papunta sa venue ng celebration at mga tauhan na magbabantay sa kanila. Dahil alam nilang nasa malapit lamang ang kalaban na nais umatake sa kanila.
Palabas na sana ng kwarto si Katherine nang may narinig siyang anumang lagabog sa sahig. Nakita niyang nahulog kanyang jewelry box at nagkalat amg iilang alahas niya roon. Nagkaroon ng kaunting crack jewelry sa pagkakahulog. Inabot pa ng ten minutes ang dalaga bago nakalabas ng kanyang silid.
Biglang lumakas ang tibo ng kanyang puso. Kinukutoban siya sa masamang mangyayari kaya naman nanalangin kaagad siya bago tuluyan nang nilisan ang silid.
"Haaaah!" Gulat na sambit ni Katherine nang biglang nagsalita si Arianne.
"Uy, Kath. Ok ka lang ba?" tanong ng pinsan sa kanya.
"Oo. Nagulat lang kasi ako. Ikaw kasi bigla ka na lang nagsasalita diyan!" sabi niya na di pa nawawala ang kanyang kaba.
"Sorry. Excited lang kasi ako," tugon ni Arianne at tumititig sa kabuuan ni Katherine. "So, gorgeous!"
"You too." Nangiti ang dalaga. "Ano, let's go? Baka naghihintay na si lolo."
"Yeah, let's go." Sinarado na ni Arianne ang pintuan ng kanilang kwarto saka nagtungo sa silid ni Mr. Rodelio.
Binati na nilang "Happy Birthday" pero babatiin nila ulit ito.
"Anong oras ba tayong pupunta ng party, Mama?" isang tinig na nagmumula kay Avril na nakabihis na rin ng kulay asul na dress kitang-kita kanyang makinis na kutis sa bandang likuran pati hubog ng kanyang pangangatawan. "Di ba ala-syete simula ng party?"
"Mamaya na. Hayaan na lang muna sila mag-enjoy saka tayo aatake," sagot ni Melanie sa kanyang anak.
"Ok. Sabagay, mas exciting 'yon!" sambit pa ni Avril na nanatili lamang nakaupo sa malambot na sofa.
"Nagawa ko nang i-hack ang CCTV ng hotel. Wala pa sila roon pero maraming tao na ring nagsisidatingan," singit sa kanila ni Alicia na nakatutok sa screen ng computer.
Napaismid naman si Avril at nagsalita mul, "Kung gano'n maraming invited sa birthday ng matandang 'yon at mas exciting pa magaganap." Bahagya pa itong natawa na sinang-ayunan pa ng ginang.
"Paparating na rin sila Roger maya-maya. Be ready," sambit ni Melanie matapos mabasa ang text mula sa kanyang tauhan.
Kasalukuyang naglalakad sila Katherine, Mr. Rodelio at Arianne pababa ng hagdan habang hinihintay sila ng mga kasamahan sa ibaba.
Napatulala si Denzel nang makita si Katherine sa suot niyang dress na lavender at naka-offshoulder ito. Three inches ng heels ang ginamit pa ng dalaga dahilan na mas dumagdag kanyang taas.
Si Gabriel naman ay nahumaling sa ganda ng kanyang amo lalo nang napatitig ito sa kanya ng sandali at napunta sa kaibigan nitong nasa tabi lang niya. Mas matagal niya nakatitig ang dalaga kay Denzel.
Nang nakababa na sila kaagad na may bumati kay Mr. Rodelio.
"Thank you so much!" Malapad na ngiti ang iginawad niya sa mga bumati sa kanya.
"You look so beautiful tonight, Kath," sambit ni Denzel nang may buong paghanga sa matalik na kaibigan.
"Thank you..." tugon ng dalaga.
Humiwalay na sina Katherine at Arianne sa kanilang lolo upang ito maunang maglakad palabas ng mansion. Samantala, kaagad naman umangkla si Denzel kay Katherine. Napansin 'yon ni Gabriel dahilan mailagay niya ang kamay sa loob ng bulsa. Napansin iyon nila Arianne, Alfred at Patrick.
"Good evening, Miss Arianne!" nagulat naman siya nang may lalaking umangkla din sa kanya si Yael.
Napansin naman ito ni Katherine, "Hey, what's the meaning of this?"
Halos mabilaukan si Yael sa biglaang tanong ng kanyang amo, "Ahm, aalayan ko lang po si Ma'am Arianne."
"Tzk, umayos kay Kuya Yael. Alam mo na siguro mangyayari kapag sinaktan mo damdamin ni Arianne." Babala ni Katherine isa sa personal bodyguard niya.
Namawis doon si Yael, "Opo, Ma'am."
Kilala na niya kasi talaga si Katherine. Iba 'yon kapag nagagalit lalo na kapag tungkol sa mga taong mahalaga sa dalaga.
Nakarating kaagad sila sa isang pinaka-exclusive hotel sa lugar, ang Empire Hotel. Mabilis silang nakapasok doon at halos marami na ring tao sa venue. Karamihan mga businessmanagers ang naroon mga kaibigan ni Katherine na sila Elaine, Therese, Jane, Kyla at Harley at kanyang iilang relatives na magulang din ni Arianne.
Nagbeso-beso silang lahat saka naupo sa isang mesa na tanging VIP lamang ang maaaring pumuewesto roon.
Mga ilang sandali pa ay nagsalita na ang MC na si Kevin upang ipakilala na ang celebrant. Kaibigan din ni Denzel sa showbiz ang lalaking nagsasalita ngayon sa kanilang harapan. Hindi straight na lalaki more in silahis ito pero kung manamit naman talaga ay parang tunay na guy.
"Good evening, everyone!" bungad ng binatang MC. "We have to introduce now the celebrant this beautiful night, wala ng iba kundi si Mr. Rodelio Yuzon." Nagpalakpakan ang mga tao habang naglalakad ang matandang lalaki papuntang stage.
Nagpasalamat kaagad siya matapos iabot sa kanya ang mikropono. "Hello! Good evening, everybody," nakangiting bungad ni Mr. Rodelio. "I'm grateful na dumalo kayo sa ganitong engrandeng selebrasyon. This is another time again for me mag-celebrate ng ganito sa kabila ng sobrang busy sa pag-aasikaso ng company. Now, I was 70 years old but happy na maganda pa rin ang kalusugan sa kabila ng lahat," kwento pa niya.
Umabot pa ng five minutes kanyang introduction hanggang sa binanggit na niya ang pangalan ng kanyang mga apo. "So, I would like you to meet the incoming CEO of R&T Wines Corporation, Ms. Katherine Grace Yuzon."
Nagulat na lamang ang dalaga sa biglaang anunsyo ng kanyang lolo. Talagang ipinamalita sa harap ng mga tao na siya ang tagapagmana ng matandang lalaki at magiging may-ari ng nasabing negosyo.
Mas lumakas ang palakpakan pa ang narinig nang nakaakyat na ng stage si Katherine.
Bakas sa mukha ni Arianne ang pagiging proud sa kanyang pinsan sa halip na insecurities.
"Hello po!" Medyo naiilang pa rin ang dalaga ang magsalita sa harapan kahit sanay na rin siya humarap sa mga tao. "I didn't expect na I would be the next CEO ng R&T Wines Corporation. Hindi ko man masabi pero magagawa ko naman siya sa abot ng aking makakaya. Lolo trusted me on this so I have to grab the opportunity."
Sa totoo lang, hindi pa ganap na tanggap ng dalaga ang ganoong announcement ng kanyang lolo. Gusto niya lang magmukha lang na OK sa harap ng lahat.
"Iyon lamang po. Thank you."
"Hay, medyo mahiyain pa rin talaga ang aking apo pero still nasa dugo pa rin niya ang tatak Yuzon na may galing sa pagpapatakbo ng negosyo." Pagmamalaki pa rin sa kanya ni Mr. Rodelio ksya tanging pagngiti na lang ang iginawad niya sa lahat.
"Bukod kay Katherine, I would like also announce the new COO of the company." Nagulat ang dalaga sa kanyang narinig. "She is one of my grand daughter too. No other than Miss Arianne Yuzon Rivera."
Kitang-kita sa mukha ni Arianne ang pagkagulat dahil di niya inaasahan na may ganoong pasabog kanyang lolo. Di siya makapaniwala na siya rin ang susunod na COO ng kanilang kumpanya.
Halos mangiyak-ngiyak ang dalaga habang naglalakad patungong stage.
"Di ko po inaasahan 'to, Lolo," sambit ng dalaga na di pa ring makapaniwala sa kanyang narinig.
"Alam kong kaya mong gampanan ang malaking responsibility ng company kaya sa'yo ko binibigay ang position bilang Chief Operative Officer."
Maraming pang na-introduced na tao si Mr. Yuzon kabilang roon kanyang personal secretary, kanyang natitirang anak na si Sonia Yuzon na ina ni Arianne at iba pa.
Mga ilang sandali ay bumbaba na sila sa kanilang stage at muling nagsalita ang MC upang ipaalam sa lahat ang magpe-perform sa gabing 'yon.
"I would like to introduce to you the performer this evening, Denzel Haze Villarosa." Nagpalakpakan ang mga tao.
Nagbago ang facial expression ni Gabriel sa kanyang narinig.
Kaagad na naglakad ang binata sa stage saka nagsalita, "Happy Birthday po, Mr. Rodelio. This song is one of my gift for you at sana po magustuhan niyo."
Napahiyaw si Katherine dahilan mapatitig sa kanya si Denzel pati si Gabriel sa kanilang dalawa.
Napalingon din si Mr. Yuzon sa kanyang apo, "Katherine?"
Biglang tumunog ang musical instrument saka sinimulan ni Denzel kantahin ang song na "Unchained Melody" by Righteous Brothers.

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • avatar
    Marvin Villanueva Banal

    nice book

    28/05/2024

      0
  • avatar
    Ryan Jalova Cruz

    nice

    08/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata