Ocho

"Yana, umuwi na kaya tayo?"
Nasa harap kami ngayon ng isa sa five star hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Chase. My jaw literally dropped as I stared at the Château-style building na sa palagay ko ay may more than twenty floors.
Napansin ko rin ang iba't ibang magarbong sasakyan at ang pumapasok na napaka gaganda at gwapong mga bisita na palagay ko ay ang mga Rodriguez.
May mga nagkukumpulaang reporters din sa entrance ng hotel, yung totoo? Artista ba o mga model ang pamilyang Rodriguez?
"Isang malaking hindi Ate! Nasabi na natin kay Tita—" ngumiti ng peke si Yana ng sinamaan ko siya ng tingin "Ibig kong sabihin nasabi ko na kay mother in law, joke lang! 'Wag ka ngang brutal Ate, hindi ako battered sister! Anyway subway kung gusto mo talaga ireject si Tita mas magandang gawin mo 'yun ng harap harapan at ipaintindi mo sa kanya ng maayos ang rason mo, okay?"
Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmasdan ang pagpapuppy eyes ni Yana. She's already twenty-years-old but she still acts like a chid begging for a toy. Napabunting hininga na lamang ako. Napaka ganda talaga ng kapatid ko.
She's wearing a light pink fitted sheer bodice with a collared neckline and bishop sleeves with puffed accents cocktail dress. May nakalagay na mga beads and floral appliques, nakalugay rin ang straight na buhok niya.
Para talagang manika ang kapatid ko. Alam kong rason niya lang 'yan para mapapayag ako pumunta rito pero wala talaga akong laban sa kakulitan niya.
At isa pa, sayang naman ang effort niya magbihis. Labag sa loob akong pumayag at isang ngiting abot-tenga ang gumuhit sa mga labi ni Yana. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at naglakad patungo sa building dala-dala ang invitation card.
Pumasok na kami sa lobby at mas lalo akong napanganga ng makita kung gaano kalawak at sosyal sa loob. May malawak na hagdan sa gitna ng hotel na may red carpet at ang disenyo naman ng trailers ng hagdan ay golden flower pattern.
Sinalubong kami ng isang lalaki na mukhang empleyado at inabot naman ni Yana ang invitation. Wait... ibig ba sabihin nito aakyatin namin ang hagdan 'to habang nakasuot ng heels?! Wala na akong panahon upang makapagreklamo ng magsalita ang lalaki.
"This way, Miss Alyanna Rivera and Miss Malia Rivera," sambit ng isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo at bowtie.
Inalalayan niya kami papunta sa venue. Halos sundan na ako ni Yana pati sa banyo para lang papuntahin ako dito sa gathering ng isang linggo, napabuntong hininga na lamang ako. Well, at least I'll let Yana enjoy the party.
Bumukas ang malaking pintoan at ang nakangiting Mrs. Rodriguez ang sumalubong sa amin.
Mrs. Rodriguez hair was tied in a low knot resting on the base of her neck at may suot din siyang hikaw na may malaking dyamante na hugis puso.
She looks very elegant and sophisticated in her evening gown with ivory embroidery, shining rose gold fabric constructing the neckline and shoulders, and a long mermaid rose gold skirt. Just wow.
"Sabi ko sayo Tita, ako ang bahala." nakangiting sambit ni Yana.
Bago ko pa siya makurot sa tagiliran ay bigla siyang tumakbo sa likod ni Mrs. Rodriguez. Lahi ata talaga ng magaganda at gwapo ang Rodriguez.
"Sa totoo lang po suporta talaga ako sa kasal ni Ate at ni mysterious oppa," kunyaring bulong ni Yana "Malapit na magmenopause si ate, wala pa rin akong pamangkin."
Napairap nalang ako sa inasal niya at isang magiliw na tawa ang naging sagot ni Mrs. Rodriguez. Mukhang magkakasundo si Yana at Mrs. Rodriguez, well hindi naman ganun ka nakakagulat.
Sa sobrang pagkabubbly ni Yana ay gustong gusto siya ng matatanda, mas lalo na mga bata.
"I knew navy blue would compliment your skin tone, bagay na bagay sa'yo ang off shoulder with puff sleeve long tulle evening dress. I personally designed that for you, my dear. I haven't lost my touch in fashion talaga." Masayang wika ni Mrs. Rodriguez.
Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang ilibot at ipinakilala sa mga kamag-anak niya. Now, tell me paano ko ba masasabing hindi ko kayang magpakasal sa kanyang anak?
"Magbabanyo lang po ako," magalang na pagrarason ko kay Mrs. Rodriguez.
Hindi ata matatapos ang meet and greet ni Mrs. Rodriguez. Isang buong henerasyon ata ang dumalo sa pagtitipon na 'to, pagod na pagod na ako.
Pero kung ikukumpara mo sa ibang pamilya ay kung ito talaga ang lahat ng Rodriguez ay napaka liit ng angkan nila.
Hindi talaga ako sanay na magsuot ng killer heels na ipinadala ni Mrs. Rodriguez kasama ng gown na suot ko ngayon, literal na killer heels talaga.
Dumeretso ako sa isang bakanteng upoan at nagpahinga sa isang sulok dahil ayaw ko talaga sa lugar na maraming tao. Hindi ko din maintindihan kung bakit hanggang ngayon ang andito pa rin ako. Napabuntong hininga na naman ako.
Gusto ko na umuwi, sinundan ng aking mga mata si Mrs. Rodriguez, maraming siyang kausap kaya naman hindi ako makahanap ng tyempo para kausapin siya at mukhang masyadong masaya na si Yana sa mga kausap niya.
Nahagip ng paningin ko si Chase at kausap ang ibang bisita habang nakayakap ang kamay nya sa isang napaka gandang babae na parang isang modelo sa isang sikat na magazine, mukhang nagdala ata siya ng date niya ngayon. Well, ayon sa narinig ko sa isa sa mga Rodriguez. At wala na akong pakialam doon.
"Gusto ko na talaga umuwi." bulong ko sa sarili ko.
Tumayo ako at napagdesisyonan na pumunta nalang muna sa CR. Pumasok ako sa cubicle at nang makalabas ay tinanggal ko ang suot kong gloves at naghugas ng kamay. Nasubsob ako sa sink ng may biglang makabangga sa akin.
"Sorry, Miss."
Napatitig ako sa nakabangga ko at sandaling napatulala. Napaka ganda niya, siya na ata ang pinaka maganda sa mga nakita ko dito.
She have a set of gorgeous hazel eyes, porcelain clear skin and killer set of brow. Napaka kalmado ng awra niya pero teka, bakit parang pamilyar siya?
"A-Ayos lang." nauutal kong sagot.
Nginitian niya ako at tuloyang lumabas ng CR ng mahagip ng mata ko ang isang kwintas na palagay ko ay kanya. Tinawag ko siya para ibalik sana ang kwintas ng sa 'di inaasahan ay bigla akong may nakitang pangitain.
Ang dilim, nasaan ako? Wala akong makita, bakit? Unang pagkakataon 'to na may makita akong pangitain ng dahil sa isang bagay.
Sinubukan kong maglakad at maghanap ng ilaw. Sa ilang minuto kong pangangapa ay may nakita akong ilaw sa harap ko kaya agad akong tumakbo papunta roon.
Isang nakakasilaw na ilaw ang sumalubong sa akin bago ko natagpuan ang sarili ko sa gilid ng dalampasigan.
Napaka linis at linaw ng tubig. Nagkunot ang noo ko ng may nakitang pigura ng tao sa malapit na puno. Naglakad ako patungo roon at nagulat sa nakita.
Teka, siya 'yung babaeng nakabangga ko. Lumapit ako sa kanya at nakita kong mahimbing lang siyang natutulog sa buhangin. Naagaw ng kanyang kumikinang na kwintas ang aking atensyon, suot suot pa rin niya ito kaya hinawakan ko 'to. Isang pangalan ang naka engrave dito... Elena?
Nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko. Leonor? Anong ginagawa niya dito? Anong nangyayari?
Hindi ko maintindihan. Galit at poot ang nakikita ko sa mga mata niya. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ito ang tipikal na pangitain ko sa nakaraang buhay ng isang tao, may kakaiba rito pero...
"You just made every woman your enemy, Malia Rivera."
Napalingon ako sa nagsalita. Chase? Nasaan ako? Napahawak ako sa ulo ko trying to remember ano ba talaga ang nangyari.
Ang huli ko lang naalala ay ang pangitain ko ng hawakan ko ang kwintas. Elena? Parang narinig ko na ang pangalan na 'yun. Pero saan? At paano ako napunta sa higaan na 'to?
"Anong nangyari? Anong ginagawa ko dito?"
"Do you want me to remind you what you did in front of all our guests last night?"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko.
"First, kinwelyohan mo ako," nanlaki ang mata ko ng inilapit niya ang mukha niya sa akin "Second, you kissed me," when our lips were inches apart bigla naman siyang ngumiti ng pilyo "And, third you told me to marry you."
Naitulak ko siya palayo. Ako? Hahalikan siya? Sasabihan siya na pakasalan ako? Ano namang kahibangan ang pinagsasabi nitong si Chase?
Ang ipinunta ko lang naman dito sa gathering nila ay para tanggihan ng maayos ang mama niya. Wala akong balak pakasalan siya!
"Hindi ko gagawin 'yan" sambit ko.
Kailangan kong umalis dito, ang daming kababalaghan ang nangyayari. I need to run away before everything runs out of control.
Tumayo na ako sa higaan pero bigla naman akong nawalan ng balanse kaya napahawak ako sa braso ni Chase.
"Rafael!"
Ito na naman, hindi ko na naman makontrol ang katawan ko. Anong nangyayari? Lumapit sa akin ang babaeng tumawag kay Rafael at niyakap ako ng mahigpit. Si Leonor?
"Matagal na akong nasasabik na makita kang muli, isang taon na ang nakalipas nang huli tayong nagkita. Kamusta ang pamilya mo? Naayos mo na ba ang problema sa inyo? Maaari na ba tayong magkasama muli?" excited at sunod sunod na tanong ni Leonor sa akin.
Yakap-yakap ako ni Leonor pero imbes na yakapin siya pabalik ay hinawakan ko ang magkabilang braso niya at idinistansya siya sa akin.
Umiling ako at ramdam ko ang lungkot na nararamdaman ni Rafael. Parang may kung anong nag-aaway na insekto sa tiyan ko at tumutusok ng karayom sa dibdib ko.
Mula sa masaya at nananabik na ngiti ay biglang napalitan ito ng gulat at sakit sa sunod na lumabas sa bibig ko.
"Ikakasal na ako."
Nabalik lang ako sa huwisyo ng may maramdaman akong malambot sa labi ko. Saglit akong natameme bago na proseso ng utak ko ang nangyari.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko ng mapagtanto anong nangyayari. Matagal akong natulala bago naproseso ang nangyari.
Nang mapagtanti ay naitulak ko na naman siya ng malakas kaya pareho kaming nawala sa balanse at napaupo sa sahig.
Napadaing ako sa sakit at nahaplos ang kumikirot na pwet ko.
"First kiss ko 'yun!" Inis kong singhal
Agad kong kinuha ang hand bag ko na nasa tabi ko lang pala at kinuha ang alcohol sa loob saka hinugasan ang bibig ko gamit 'to. Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Chase kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Hindi pa rin siya tumitigil na halos pulang pula na ang buong mukha niya.
"You're 27 but that was your first?" Impit na tawa ni Chase "And let me remind you, ikaw ang unang humalik sa akin."
Teka, paano niya nalaman ang edad ko? At ano naman ngayon kung 27 na ako at unang halik ko 'yun? Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko.
"Hindi ko nga sabi gagawin 'yun eh! At para sa lalaking mapapangasawa ko lang dapat ibibigay ang una at ang mga susunod na halik ko!" Inis kong sumbat
Mas lalo akong nainis sa mga ngiti sa labi niya. Bakit ba mas lalo ako naiinis sa mga ngiti niya? At bakit ba napaka gwapo niya?! Mas nakakainis 'yun eh!
"Then, that's me, I guess." mapang-asar niyang sagot
Tsk. Tumayo siya at lumapit sa akin saka hinawakan ang baba ko, agad ko namang iwinakli ito. I meed yo run away, it feels like if I don't... Wala na akong kawala sa kanya.
Tinalikuran ko siya at binuksan ang pinto ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya naman napalingon ako sa kanya. Isang ngiting naaaliw ang nakapalitada sa kanyang maninipis na labi.
"Up until now, since she left me it's the first time I met an interesting girl beside her. Let's give it a try then. I'm accepting your offer, try to make me fall in love, my future wife."

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Renz Delos Santos

    thank you for wonderful story na insite talaga ako

    17/01/2025

      0
  • avatar
    Crisbalderama

    kgigf

    24/06/2024

      1
  • avatar
    VicenteCristine Joy

    I love it

    21/03/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata