Homepage/The Long Lost Princess Of Monarch Kingdom/
Chapter Twenty One
Nakasimangot ang tatlong na babae habang nililinisan nila ang isang maduming fountain na nasa likod lang ng paaralan, pinakasulok ito ng paaralan. Matapos ang nangyaring kaganapan kanina ay pinatawag sila at ito ang ibinigay na parusa sa kanila. Ang nangyaring kaganapan kanina ay nakatatak parin sa isipan nila lalo nang makita nila ng harap-harap ang mga Knights, kung ang iba ay nanginginig na sa takot ibahin mo ang apat dahil hindi takot ang naramdaman nila kundi kasayahan dahil sa wakas nakita na rin nila ang mga Knights, ang tutulong sa kanila na makalabas sa mundong pinasukan nila ngunit nagkakamali sila dahil matapos ang nangyari sa loob ng intablado ay hindi na nila nakita ang mga ito, pinatawag silang apat at ito ang naging parusa nila.
"Ano ba yan! Mukha ba tayo tagalinis?" Naiinis na ani ni Bea sabay tapon ng walis na hawak nito at napapagod na umupo sa gilid. Napailing nalang si Dalia sa nakita habang si Chanel ay patuloy na nalilinis. Habang si Zia naman ay parang kung sinong tambay kung makaupo ito at hindi galing sa mayamang pamilya, ngumunguya pa ito ng bubble gum na baon nito galing sa mundo ng mga tao bago sila mapadpad sa mundo ng Monarch.
"Sa tingin niyo, makikita ba natin ulit ang mga --" Sabay na napatingin ang tatlo kay Chanel ng bigla nalang ito magsalita at napatigil, kita ang pagtataka sa mukha nito na para bang may inaalala.
"Ano? Ano? Sabihin mo na hiwag kang masuspense!" Naiinip na ani ni Bea habang si Zia naman ay tumaas lang ang kilay habang hinhintay ang sunod na sasabihin ni Chanel.
" Teka lang! Nakalimutan ko ang tawag sa grupo nila" Nalilitong sabi ni Chanel.
"Ano bang tawag sa kanila?" Nagtatakang tanong din ni Dalia.
"Aba, ewan ko" Kabit-balikat na ani Bea kaya naman sabay silang tumingin kay Zia, agad naman na tinuro ni Zia ang sarili, sabay naman na tumango ang tatlo.
"Milo? Sprite? Anong alam ko jan? Mukha bang interesado ako? Baka yon tawag sa kanila kasi sabi no Dalia royalties sila, malay mo iyon tawag sa kanila, Coke" Nakangising sagot naman ninZia dahil pati ito ay hindi maalala. Sabay naman na umirap si Dalia at Bea habang si Chanel naman ay napahagikgik.
Sa kabilang banda naman ay may isang babae ang nakaupo sa pinakamataas na puno habang pinapanood at pinapakinggang ang apat na babae, sina Zia, Dalia, Bea at Chanel. Hindi naman nito maiwasan ang mapailing ng marinig ang pinagsasabi ng apat habang hinuhulaan ang tawag sa royalties. May isang malaking katanungan ang pumasok sa isip nito, sino ang mga ito? Hindi nila kilala ang royalties at mukha wala sila kaalam-alam sa lugar na pinasukan nila ngunit sa nakita nito kahapon ay hindi man lang sila natakot ng makita ang Knights.
"What are doing here?" Agad naman lumingon ang babae sa likod nito ng may magsalita akmang sa sagot na sana ito ng may nagsalita sa baba, si Chanel. Tumingin naman ang bagong dating sa tinitignan ng kaibigan.
"Royalties? Hindi kaya mga anak sila ng Jari at Reyna yung tulad sa disney land?" Agad naman tumaas ang kilay ng bagong dating ng marinig ang sinabi ni Chanel.
"Sino sila?" Hindi nito mapigilan na tanong nito sa kaibigan at tinignan ng mabuti kung nasaan sina Zia.
"Wait, sila yung kahapon right?"
"Sila nga" Sagot nito sa kaibigan.
"That's probobly their punishment" Mahinang sambit nito na ikinatango ng babaeng nauna kanina.
"Btw," Napatingin naman ang bagong dating sa kaibigan ng magsalita ito. "Ikaw, bakit ka andito?"
Agad naman ito napaayos ng tindig nang marinig ang tanong ng kaibigan, syaka nito naalala ang pakay nito.
"Um," Tumikhim muna ito at tumingin saglit sa pwesto nina Zia bago binalik ang tingin sa kaibigan nakatingin nasa kanya.
"Pinapatawag ka ng Prinsesa Freya" Pagkasambit ng pangalan ng Prinsesa ay agad naman tumayo ang kaibigan nito.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Kanina pa ba?" Aligagang tanong nito sa kaibigan dahil sa kaba, alam nilang dalawa kung paano ka mainipin ang Prinsesa Freya na minana nito sa Mahal na hari.
"Mga limang oras na ang nakali-" Hindi na natapos ang sasabihin nito ng biglang nawala ang kausap nito ng wala pang isang segundo ang nakalipas, napailing nalang ito at sumunod na din sa kaibigan.
"Sira ka talaga!" Nayayamot na ani ni Zia kay Bea. Nagtataka siguro kayo kung ano ang ginagawa nila ngayon? Andito sila sa loob ng library kung saan may hinahanap, nalaman kasi nila kay Milla na dito sila pwede makakuha ng sagot kung paano sila makakalabas at makabalik sa mundo ng mga tao.
"Malay ko ba. Ano ba kasing hinahanap natin?" Nakasimangot na tanong nito kay Zia na busy na ngayon sa kakahalungkat sa pinakadulong bahagi ng book shelf.
"Portal, ano pa ba? Can you just find it? Isa pang dada Bea isasabit kita dito" Hindi mapigilan na sambitin ni Dalia.
Habang si Zia naman ay akmang aalis na sa pwesto nito ng may nahulog na isang makapal na libro sa harapan nito. Agad naman napatingin ang tatlo sa kanya ng marinig ang pagbagsak nito.
"What happened?" Sabay na tanong ni Bea at Dalia habang si Chanel naman sa likod nila ay kuryosong tumingin sa pwesto ni Zia.
Nagkabit-balikat naman si Zia sa dalawa sabay pulot ng librong nahulong sa harapan nito, kaya naman bumalik na kang ang tatlo sa ginagawa nila. Tinignan ito ng mabuti ni Zia, makapal at luma na ito.
"Ano ito?" Bulong ni Zia sa sarili sabay bukas ng librong hawai ngunit sa pagbulas nito ay yon ang pinagtataka ni Zia, walang sulat ang nakalagay sa loob ng librong nahulog.
"Walang sulat?" Naisatinig nito sabay sara at balik na sana sa kung saan ito banda nahulog ng may natinig siya boses na nag-uusap at parang paparating sa pwesto nito. Sabay naman na nagkatinginan ang apat dahil hindi nila alam ang gagawin. Wala silang mapagtataguan dahil sa pinakadulo na sila.
"Narinig niyo yon? May paparating" Kinakabahn na ani ni Bea sa kaibigan, tinignan naman nila si Zia.
"Ano naman ngayon kung may paparating?" Nagtatakang tanong ni Chanel kay Bea
"Baliw! Natural hindi tayo pwede maabutan kasi nga bawal daw pumunta dito"
"Z! Kasalanan mo ito. Alam mo naman palang hindi pwede dito tapos pinapunta mo pa kami" Bulong ni Dalia sa inis. Tumaas naman ang kilay ni Zia sa kaibigan at ngumisi.
"Hindi naman kayo nagtatanong, malay ko ba na hindi pala kayo sasama" Nakangising ani nito. Napanganga naman ang tatlo ng marinig ang sinabi ni Zia.
"Demonyo ka talaga kahit kailan"
"Ikaw ba hindi?" Balik na sambit ni Zia, akamang sasagot pa sana si Bea ng bigla nalang sila hinila ni Zia sa isang maliit na bax na parang kakasya lang ang tatlong katao, dahil apat sila ay pilit na pilit sila sinisiksik ang katawan para hindi sila mahuli.
"Sandali nga, ang sakit ng gilid ko!" Ungot ni Bea.
"Sinong umaapakan sa paa ko? Uupakan ko talaga" Inis din na sambit ni Zia.
"Atras nga ng kaunti na iipit ako!" - Dalia
"Gaga! Parehas lang tayo naiipit lahat" Zia answer in sarcastic way. Awtomatic naman silang tumahimik na apat ng makarinig sila ng boses sa harapan nila mismo nakatayo.
"Sino ang nandyan? Do you know that this is place probihited? Gusto niyo bang maparusaha?" Tinig ng isang istriktong tanong na umalingawngaw sa tahimik na lugar. Halos malagutan naman ng hininga ang apat ng bigla itong humarap sa pwesto nito.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (35)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Congratulations for the author the blurb is really interesting. 💯💕
21/04/2022
0goood
19/02
0my book 2 pa po ba
14/11/2024
0Tingnan Lahat