Chapter Eighteen

Napabaling ang ulo ng Seksyon nina Zia ng may bigla sumipa sa upuan nila at doon nila nakita ang lalaki nakabangga ni Zia sa canteen.
Hindi naman mapigilan mapataas ni Zia ng kilay ng tinignan siya ng mga kaibigan.
"Akala ko ba lie low tayo Z? Eh ano to?" Masungit na sabi ni Bea.
"Oo nga Z, mukhang ikaw ang pinunta nila dito eh" kabadong sabi ni Dalia dahio nakita nito tumingin ang lalaking pumasok kasama ang alagad nito habang matalim ang tingin kay Zia.
"M-may power sila right? Paano kung gawin nila tayong palaka?" Nauutal na ani ni Chantal.
"Really chan? Yan pa naisip mo? Baka nga letsyon na tayo eh, look sa mga tingin niya pala kay Z prito na kaibigan natin" napapailing na sabi ni Bea tumango naman si Dalia bilang sang-ayon.
Alam naman nila na kaya ni Zia yan kung sa mundo sila ng mga tao, sa dami ba naman na gulo na pinag-tutuunan ni Zia, magaling itong magkarate at kung ano oang self defense pero anong magagawa nito kung may mahika ang kalaban nito?
Napaayos ng upo si Zia ng makita na humakbang si Dos habang nakatingin sa kanya.
Pero bago pa ulit maka-hakbang si Dos ay hinaranangan na ito ni Crest habang ngumunguya ng bubble gum.
"Nagkamali ka ata ng pinasukan?" Nakangising tanong ni Crest kay Dos habang matalim ang tingin dito.
Ngumisi rin si Dos pabalik kay Crest at nakakainsulto ito tinapik sa balikat.
"Crest pare! Kamusta ka naman dito? Masaya bang kasama ang mga walang kwentang kaklase mo dito? Sabagay, wala naman silang kwenta, mahihina ang mga kapangyarihan baka nga tutubi---" napatigil sa pagsasalita si Dos ng may lumanding na papel sa mukha nito, gawang eroplano.
"Opps,  sorry" nakangusong sabi nito Zia kay Dos.
Nasalubong naman ang kilay nina Bea  at napailing nalang dahil sa ginawa ng kaibigan.
"Gusto ata ni Z maging prito" mahinang bulong ni Chantal na rinig ng dalawa.
"Sinabi mo pa, sino nga ulit nagsabi na lie low tayo?" Sarkistong sabi ni Bea sabay irap.
"Kaya naman ni Z yan eh, kung hindi sama ang powers nila dito. Kung pisikalan lang kaya kaya ni Z pero may---" Sandali" napatingin sina Bea kay Dalia.
"Bakit?" Takang ani ni Chantal.
"I think my power din si Z, nakalimutan niyo na ba yung sa gubat?" Sabi ni Dalia sa dalawa.
Nagkatinginan ang tatlo at halos lumaki na ang ulo.
"Shit! Bakit ko ba nakalimutan yon?" Halos ipukpuk na ni Bea ang ulo sa upuan nito.
"Type ka ata ng laruan ko kaya dumapo sayo" inosenteng sabi ni Zia kay Dos.
Tumahimik ang lahat ng tumayo si Zia habang si Crest naman ay tumaas ang kilay habang sina Anne sa likod ay umusog para pumunta sa pwesto nina Bea natahimik na ngayon nanood, kampante dahil nasa isip nila may kapangyarihan din si Zia.
Alam ng lahat ang nangyari sa cafeteria kay Zia at Dos, ang pagsanggang ni Zia ng espada nito gamit ang kamay, kalat na kalat. Marami ang humahanga kay Zia, meron din naiinis dahil bagong lipat palang ito ay pasikat na daw agad ito.
Nakita ni Zia na bumaba ang tingin ni Dos sa kamay niya kung saan ang sugat nito na natamo nito.
"Oh, Si Miss fucking new
bae" nakangising sabi ni Dos.
Nakangiti naman si Zia na huminto sa harapan ni Crest at Dos. Tinignan muna ni Zia si Crwst bago nakangiting tumingin kay Dos.
"May nickname na pala ako sayo? That fucking word is good to hear fucker" sabi din ni Zia at pulot ng eroplano papel.
Napasinghap naman ang mga estudyante at ang iba naman ay napangisi dahil sa wakas may babae na din na kumalaban kay Dos, palagi nalang kasi si Crest tapos kung babae naman ang lalaban kay Dos palagi nalang bugbig sarado.
"Ang cool ng kaibigan niya ah, saan ba yan galing at ngayon lang dumating?" Tanong ni Anne kina Bea.
"Yan? Made in lupa ang babaeng yan" lupang taga-tao.
Napa-ismid nalang si Anne dahil sa sagot ni Bea.
"Masyado kang pasikat eh, bakit hindi nalang tayo maglaban?" Maangas na sabi ni Dos na nagpakaba sa lahat.
Kilala nila si Dos at ang nasa isip nila ay matatalo si Zia dahil bago lang ito kahit ang angas nito.
"Bakla ka ba?" Biglang tanong ni Zia na nagpagulat sa lahat.
Napahakbang si Crest at nanood nalang sa sunod na gagawin ni Zia, unang kita niya pala kay Zia alam niya may tinatago itong iba.
"Aba't sino ka sa tingi---" akmang susugod ang isa sa alipores ni Dos ng pigilan ito ni Dos.
"Anong sabi mo?" Salubong ang kilay na tanong ni Dos.
Napangisi si Zia habang gamit ang inosenteng mukha.
"Hindi kalaang pala bakla, bingi ka pa" Zia said and pouted her red lip.
Napaawang nang bibig si Dos dahil hindi ito makapaniwala na ang inosenteng mukhang babae na nasa harapan nito ay pilosopo.
Akmang magsasalita pa sana ang isa rin sa kasama ni Dos ng biglang nagsalita si Zia na nagpagulat sa lahat.
"Sure why not. Sino ba naman akong para tanggihan ang offer mo diba?" Sabi nito habang mariin ang tingin kay Dos.
Hindi naman mapigilan na ngumisi ni Dos dahil sa isip nito ay sa wakas makakabawi na ito sa pagpapahiya sa kanya.
Si Crest naman sa gilid ay awang ang labing nakatingin kay Zia. Napaayos naman ng upos si Bea sa kinauupuan nito.
Gagang babae ito! Kung na atang maletsyon ng maaga! Nag-iisip pa ba to?
Napahilot sa noo si Bea ng marinig ang sunod na sinabi ni Zia at halos malaglag na silang tatlo sa upuan nila, sina Dalia at Chantal.
"Ilan ba kayo? Ang unfair naman ata kung ako lang mag-isa habang madami kayo" matapang na ani ni Zia hindi alintana ang gulat na mukha ng kaklase at kaibigan.
"Pwede ka naman magtawag ng kasama mo eh, lima sa lima?" Nakangising ani ni Dos ganun ang sa likod nito.
Nilingon ni Zia ang mga kaibigan at tinuro sila. "Your in, right girls?"
Halos hindi naman makagalaw sina Bea, Dali at Chantal sa kinauupuan.
"Woah! Ang cool"
"Kakayanin ba nila sina Dos?"
"Bago lang sila pero ang cool niya"
"Yeah, parehas sila ni Princess Freya"
"Pero kilala natin si Dos, hindi nila kaya lalo na't may ranko sila Dos"
"Tignan nalang natin ang resulta"
"Mabuti nalang wala sina Princess Freya"
"Cool, three days, magkita tayo sa magical ring" sabi ni Dos bago lumabas. Pagkalabas palang nina Dos ay sinugod na agad ni Bea si Zia sabay hila sa buhok nito.
"Pahamak ka talagang gaga ka!" Nanggigil na sabi ni Bea kay Zia pero imbis na mainis ay tumawa lang si Zia sabay tingin aa kaklase nito na nakatanga sa kanila.
"Wala na sila, pwede na kayo bumalik sa ginagawa niyo" nakangiting sabi nito.
Tinignan naman ni Zia si Crest na nakatingin sa kanya. Why are you looking at me like that?"
"Are you sure about what your talking earlier?" Tanong ni Crest.
Tumango naman si Zia." Oo naman, mukha ba akong nagbibiro?"
Tinignan ni Crest ng mariin si Zia bago napasinghap.
"Malakas sila---"May pakialam ba ako?" Putol ni Zia sa sabihin ni Crest.
"Alam mo, ang ayaw ko sa lahat ay yung nilalait ako eh. Wala akong paki kung isa ito sa pinakamalas sa buong paaralan, and if your worried about my friends don't worry, mas magaling pa sila sa langgam" sabi ni Zia kay Crest kaya naman mapatuptop ang bibig nito.
D*mn! Sino ba ang babaeng ito? She's kind a dangerous, innocent.

Komento sa Aklat (35)

  • avatar
    DonFelipe

    Congratulations for the author the blurb is really interesting. 💯💕

    21/04/2022

      0
  • avatar
    CortezRowela

    goood

    19/02

      0
  • avatar
    Jenre Yarag

    my book 2 pa po ba

    14/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata