Chapter Twelve

Napatakip nalang sa mata sina Bea at Dalia ng makita nila na umilaw ang kaibigan.What's happening?
Kahit si Chanel na nakatago sa likod ng malaking puno ay napanganga ng makita si Zia na umilaw.
Naghanao sila ng makakapitan ng biglang humangin ng malakas at mas lalong lumiwanag ang paligid.
Napamulat sila ng mata at napatingin sa harapan ang nakita nila dun si Zia na nakatayo habanag may hawak na malaking ispada.
Saan galing yun?tanong na nasa isio nina Dalia pati nadin si Chanel na nakatago at mas lalo silang natakot ng makita nila ang walang emosyon na mukha ni Zia na nakatingin sa halimaw.
Sa mga sandaling ito ay walang maramdaman si Zia,parang may kumukontrol sa katawan nito,sa lahat ng galaw niya.
Walang kaalam-alam si Zia sa nangyayari sa labas dahil ang huling naalala niga ay napahimatay ito ito sa pagod.
Pero hindi yun ang nakikita nila Bea dahil ang nakikita nila ngayon malakas na nakikipaglaban si Zia na walang emosyon sa mukha.
Na parang napakadali lang dito na lumaban ang malalaking halimaw.
Napaatras si Bea ng tapunan siya ng malamig na tingin ni Zia sabay salita gamit ang malamig na boses."Umalis na kayo.Dalhin mo si Dalia"pagtapos nitong sabihin ay bumaling ito sa tatlong halimaw na walang awa na pinapapatay.
Napalunok sina Bea sa panunuod sa kaibigan na parang istrangherong tao o tao nga ba?
Napahinga sila ng maluwag ng makita na wala ang tatlong halimaw ngunit nataranta naman sila ng makita bigla nalang bumaksak si Zia sabay liwanag at wala ng ispadang hawak at kahit na namamangha sila ay pinagsawalang bahala nila ito at tumakbo sa kaibigan nanakahandusay.
Pati si Chanel tumakbo na papunta kina Bea.Pinagtulungan nilang buhatin si Zia paalis dun dahil sa takot na baka may dumating ulit na kasama ng tatlong halimaw.
NAGISING si Zia na masakit ang mga katawan nito.
Nilibot ni Zia ang patingin sa palagid at dun niya na malaman na sa loob ito ng kwarto niya parehas ang disenyo.
Nanatili si Zia sa kama habang nakatulala sa kisame.
Lahat ng nanagyayari sa paligid at kahapon ay nasa isip nito.
Una ng makita nito si Arthuro hindi ito natakot kahit ano pa ang mukha nito.
Pangalawa makilala ang iba pang kasama ni Arthuro.
Pangatlo nang malaman niya na may kakaibiang nangyayari sa katawan niya.
Pang-apat ang malaman na hindi siya anak ng Daddy nito.
Pang-lima ang mga halimaw na nakasalamuha nilang apat.
Parang sasabog ang utak ni Zia sa kakaisip sa lahat nangyayari sa kanya.
Nag-umpisa lang naman ang lahat ng pumasok kami sa gubat at nang makilala namin sina Arthuro.
Kung hindi ba nmain sila nakilala hindi mangyayari sakin o samin ito?
Syaka ano bang nangyayari sa kata----Napaayos si Zia na pagkakahiga sabay tingin sa katawan nito.
"Sandali---asan ang mga sugat ko?"nagtatakang tanong nito sabay tingin sa braso,paa ng hindi pa ito na nakonkento ay humarap ito sa malaking salamin para tingnan ang mukha pero ganun nalang ang gulat nito ng makita ang suot na damit.
"What kind of dress is this?"takang sabi ni Zia habang tinignan mabuti ang damit na suot.
Nakasuot ito ngayon ng mahabang kulay brown na halata ang kalumaan nito at may mga butas pa sa ibang parte ng damit.
Matapos tignan ni Zia ang damit ay nilibot niya muli ang paningin sa loob ng silid at dun niya mapagtanto na hindi niya ito kwarto,parehas lang sila ng desenyo pero sa makalumang bagay ang gamit dito.
"Saan ako?Sina Be----Sandali....Sina Bea asan?"nagmamadaling lumabas si Zia at habang palabas ay kumabg ang dibdib nito ng makita ang hindi pamilyar na bagay sa paningin nito.
Napahinto sa paglalakad si Zia ng makalabas na ito at napanganga ng makita ang nangyayari sa labas ng bahay na nilabasan nito.
Maraming tao ang naglalakad,may nagtatawanan habang suot ang damit na suot niya ngayon.
May mga hawak na sibat ang iba.
May naglilinis ng mga hindi pamilyar na gamit sa paningin niya.
"Saan ako?Anong nangyayari?"bulong ni Zia sa sarili habang paatras pero napahinto ito sa pag-atras ng maalala ang mga kaibigan.
"Sina Bea---"naputol ang sasabihin ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
Hinarap ko ang tumawag sakin at nakita ko sina Bea at Dalia kasama ang babaeng niligtas namin na parehas ang suot habang may pagtataka sa mukha nila.
"Z,saan tayo?"salubong sakin ni Dalia na may takot sa mga mata.
"Yeah.Where the hell we are at ano ba tong gamit na to?"naiinis na wika ni Bea sabay tingin sa damit na suot.
"I-i don't know either"nahinang sabi ko sabay tingin sa paligid.
"Inay,mga prinsesa po ba sila?"napatingin kami sa batang lalaki ng marinig namin ang boses nito habang nakaturo ang mga kamay sa deriksyon saamin.
"Hindi iho ano ka ba,napakaimposible naman na mapadpad sa mahirap na lugar ang maharlika lalo na mga prinsesa"suway ng nanay.
Napanguso nalang ang bata habang nakatingin sa kanila.
"Pero inay,ngayon ko lang po sila na kita dito"
Napakurap naman ang ina nang bata ng makita niya kaming apat.
"Oo nga no"sambit nito sabay lapit saamin.
"Mga hija,kanino kayo----"Mga panauhin ko sila Lila"biglang sambit ng isang boses kaya naman nakatingin sina Zia dun at nakita nila ang isang babaeng matanda na nakabistidang luma rin na may mga king ano-anong nakasabit sa katawan nito parang babaylan.
Humingi naman ng paumanhin ang babae bago umalis kasama ang anak nito.
Hinarap ng babaylan ang apat na babae na natahimik lang nakatingin sa kanya.
"Sumunod kayo saakin mga binibini"sambit nito sabay talikod.
Walang magawa sina Zia kundi sumunod.
NAKAUPO sina Zia sa isang de kahoy na upuan habang hinihintay.
Napaayos naman sila upo ng pumasok ang matandang babae na may dalang basket at nang nilapag niya ito nakita nila Zia ang laman nito na kamote.
"Kumain muna kayo,alam kong gutom at pasensiya na rin kung iyan lang pagkain namin"wika ng matandang babae.
Tumango naman ang apat na babae at kumuha ng tig-iisang kamote dahil gutom na talaga siya.
"Ako nga pala si Sita,ang babaylan ng maliit na baryong ito"pakilala ng matandang babae.
"Ako naman po si Chanel"pakilala rin ni Chanel sabay halad ng kamay kay Sita.
Tinignan naman ni Chanel ang tatlong babae na busy sa kakadaldal habang lumalamon,hinihintay na magpakilala.
"Sa tingin mo saang ligar tayo?"mahinang tanong ni Dalia sa dalawa kahit may pagkain sa bibig nito.
"Bakit mo kami tinatanong?"balik ni Bea.
"Malay mo may ediya kayo no"nakasimangot na sabat ni Dalia.
Tinignan ng dalawa si Zia na tahimik na lumalamon at nang mapansin ito ni Zia ay nagtataka niya itong tinignan.
"Bakit?"
"Sa tingin mo---"Hakdog"putol ni Zia sa taning ni Dalia kaya naman napailing nalang si Bea habang si Dalia ay nakasimangot.
"Hmm..guys"tawag ni Chanel sa atensyon ng tatlo.
Hindi naman nabigo si Chanel dahil sabay na lumingon ang mga ito.
"Wala ba kayong plano magpakilala?"ngiwing tanong ni Chanel dahil sa bibig nila na punkng-puno.
Nilunok muna ni Dalia ang kinain bago magpakilala.
"Pasensiya na po,Dalia nga po pala ang maganda sa aming tatlong magkakaibigan"nakangiting pakilala nito kay Sita.
Umalma naman agad si Bea ng marinig nito ang sinabi ni Dalia.
"Ako naman po si Bea,ang pinakamaganda saamin tatlo huwag kayong maniwala sa scam na yaan.Mabaho singit---"Hoy!Ang sama mo"putol agad ni Dalia.
Pinagpag naman ni Zia ang kamay sabay tikhim kaya natahimik sila at inabangan ang sasabihin ng kaibigan.
"Ako naman po si Zia at mas pinakamaganda sa balat ng lahat,huwag kayong magpaniwala sa dalawa na yan kasi walang maganda ang naiihi----"Sisipain kita Z"sabay na sigaw ng dalawa kaya naman natawa nalang si Zia.
"Bakit may angal kayo?"nakataas ang kilay na tanong nito.
Akmang sasagot na sana si Bea nang marinig nila na tumawa si Sita habang nakatingin sa kanila.
Nagtataka naman nila itong tinignan."Ano po ang nakakatawa?"hindi mapigilan na tanong ni Dalia.
"Kayong magkakaibigan,nakakatawa kayong tignan may naalala lang ako sa inyo"nakangiting wika nito sa tatlo kaya naman tumango nalang sila Zia.
Natahimik sila ng ilang segundo ng basagin ni Zia ang katahimikan.
"Saan po pala kami?"magalang na tanong nito kay Sita.
"I almost forgot,oo nga saan po kami?Malapit lang naman siguro to manila diba?"segunda ni Bea.
Tinignan naman sila ni Sita bago sumagot.
"Wala akong alam na may lugar kaming maynila pero masisigurado ko na andito kayo sa baryong Magna"sagot ni Sita.
"Magna?"kunot-noong tanong ni Zia.
"Magna,ang pinakamahirap na baryo at bayan sa buong Monarch Kingdom"patangong sagot nito.
"Sandali---wala kami sa maynila kundi sa Mag----What??Monarch Kingdom?"gulantang na sigaw ng apat na babae sa harapan ni Sita.
Tumango naman si Sita sa kanila.
Nagkatingin ang tatlo magkakaibigan sabay baling kay Chanel.
"Alam mo rin?"takang tanong ni Zia tumango naman si Chanel.
"Oo,narinig ko kina mommy minsan"sagot ni Chanel.
"Akala ko ba hindi nag-eexcist to?"sabay na tanong nang apat sa isat-isa sabay harap kay Sita na nakamasid lang sa apat habang lihim na ngumingiti.

Komento sa Aklat (35)

  • avatar
    DonFelipe

    Congratulations for the author the blurb is really interesting. 💯💕

    21/04/2022

      0
  • avatar
    CortezRowela

    goood

    19/02

      0
  • avatar
    Jenre Yarag

    my book 2 pa po ba

    14/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata