Homepage/Give Me Your Heart/
KABANATA 14
Author's Note/Please read the chapter carefully! THANKS A LOT!
Kabanata 14
Ang pagbabalik
MAALIWAS ang paligid, maganda ang simoy ng hangin sa bayan ng monsilyo kaurukan, barangay palimpinun, sityo marayot, purok kwatro. Himala nga naman ngayong araw na ito, walang tumatabambay na lasinggero o lasinggera sa mga tabi-tabi diyan at sa may tindahan ni aling kriseng. Tahimik ang paligid, walang pagbabangayang nagaganap sa mga kapit-bahay, walang maingay na piyok na boses este karaoke ngunit maliban sa naglalarong mga bata katulad ng mga larong nuwebenta. Sila naman ay masayang naglalaro sa eskinita de aspalto indiklaro. Tirik man ang araw, ngunit hindi naman nila alintana iyon kase sabi ba naman ng mga may katandaan o tumatanda na 'masarap maging bata ulit.' Sana nga ganito lang talaga ang buhay araw-araw, 'yun bang tahimik lang, simplé ang pamumuhay ng mga iilan, maayos sana kung madalang ang mga pagbabangayan, suntukan, chismisan, hambogera na gira nang gira sa kapwa hambogera. Kung pwede na lang sana, magiging mabuti na ang rayot dito sa purok kwatro.
Nakauwi si marieta, kasama si honeybabe. Lumipas ang limang araw ng pahinga, sa pagbabakasyon nila nung nakaraang semana ay mabuti naman ang resulta.
Huminga ng malalim si marieta, halatang magaan ang pakiramdam niya ngayon, panatag tapos may katahimikang namayani sa buong paligid at ang tanging narinig niya lamang ay ang mga ibong nag-aawitan sa puno ng mangga at ang halakhak ng mga batang naglalaro sa umaga. Ito ang magandang araw na bumungad para kay marieta. Sa mga nakaraang araw ay malayang naramdaman ni damibilbil na malayo siya sa masakit na eksena, tulad ng puro pighati na lamang ang nararamdaman niya, kadramahan, heart break, selos, tapos awa sa sarili, nagmistulang depresyon iyon ni marieta at dumagdag pa ang stress niyang itsura, noong mga bakasyon lang niya iyon na nararamdaman.
Nakangiting pinagmasdan ni marieta ang mga batang naghahabolan sa labas. Naalala ni marieta ang habulan noon, ngunit hindi naman iyon larularu lang, noong hinabol siya ng mga tambay kawatan gang. Tapos naisip ni marieta ang mga bata na katulad ni buknay, mahilig rin sa habulan, 'yun bang ikaw lang naghahabol sa feelings niya. Ay! Ipinilig ni marieta ang kaniyang ulo, utak niya kung anu ano na lang iniisip na kalokohan. Ang totoo kase niyan namimiss na ni marieta si buknay.
'Kumusta na kaya 'yung batang iyon?. Pinapakain ba siya ng mga nag-aruga sa kaniya?.' Inaalagaan at binihisan? Pinapaaral?.' Hindi mapigilang alalang sambit ni damibilbil sa isipan.
Pero hindi dapat ganun ang iniisip ni marieta, dahil mapagkakatiwalaan naman talaga ang kamag-anak ni buknay. Kailangang gumawa ni marieta ng paraan upang sa kasulukuyan ay makita niya ang pagbabago ni buknay balang araw.
Napagdesisyonan ni marieta na bumaba, upang magluto na ng agahan. Balik ang sigla ni marieta, kahit mabigat ang katawan niyang maglakad. Sumisipol na nagtungo si marieta sa kusina, ngunit napatigil siya nang may marinig siyang dagundong ng paghalakhak. Kilala ni marieta ang boses na iyon, syempre ang nagmamay-ari ng bahay na tinutuluyan niya. Si honeybabe. Nakikita ni marieta na may kausap itong lalake na na nakatalikod sa gawi niya. Nagdahan dahan sa paglalakad si damibilbil dahil para pakinggan sana ang pag-uusap ng dalawa. Ngunit napatigil siya sa paghakbang dahil napansin na siya ni kabuutan na papalapit.
Natigilan si kabuutan sa paghalakhak at pagkausap sa binata nang makita niyang papalapit si marieta sa deriksyon nila kaya, tinawag niya ito nang nakangisi pa rin. Napakamot na lumapit si marieta sa deriksyon ni honeybabe at ng kasama nito, wala namang pakialam si marieta sa tindig ng lalake at nang mag angat ng tingin si marieta sa kausap ni honeybabe ay napatanga na lang siyang natigilan at tuluyan nang nakalapit.
'Anong ginagawa niya dito?.' Sa isip ni marieta na may pagtataka at hindi makapaniwalang tinignan ang binata. 'Paano niya natuntun ang bahay ni honeybabe?. Siguro binigay ni kabuutan ang address niya.' Nakangiwi si damibilbil sa isipan niya. Ngunit sa reaksyon niya ngayon, kunot noo at nagwagawapohan pa rin sa binata. Marahas namang bumuntong hininga si marieta saka bumitaw sa mga titig ng binata na para bang sa mga mata nito ay nakikita niya ang pagkislap saka pagliwanag ng mukha. O sadyang imahinasyon na lang niya iyon? Nag g-glow up naman talaga itong si kesterion aderell.
Isang semana rin kaya silang hindi nagkikitang dalawa. Bumuntong hininga si marieta at binalewala ang presensya ni kester. Pero kumakabog kabog ang puso niya sa kaba, hindi alam kung ano ang gagawin. At sa bagay, hindi magawang magpatalo ni marieta, pinansin nga niyang talaga si kester. "Magandang umaga, bakit naparito ka?." Takang tanong ni marieta, casual lang din ang boses, para bang wala silang pinagdadaanan at nagawang salubongin ang tingin ni kester.
Ang binata naman ay hindi makapaniwalang tinuro ang sarili. "Ako?." Nagdadalawang isip pang sabi ng binata habang hindi makapaniwalang tinignan si marieta na may pagtatakang tingin. Aba first time niyang makaranas ng ganito.
"Ah hindi, 'yung upuan siguro?." Sarkastiko pang tinuro ni marieta ang upuan na katabi ni kester. Kalmadong napahalukipkip sa damibilbil pero hindi siya satisfy kase sa katabaan niya. Narinig ni marieta ang pagbungisngis ni honeybabe.
"Ah, sorry 'bout that, naparito ako kase, gusto kong kumustahin kayong magkakaibigan." Napakamot pang sabi ni kester saka nakapamulsa na ring pilit niluwag ang tensyon saka awkwardness sa isa't isa. Tumango si marieta saka palihim na napaismid. Napakabitter niya, sa kaniyang kinikilos. Kaya nilimit niya ang sarili wala siyang karapatan.
"Okay kumain na nga tayo, baka mapanis tong hinanda kong agahan." Bawi na sabi ni honeybabe sa dalawa. Napatikhim naman si kester saka umupo naman. Samantalang si honeybabe ay nagtimpla lang ng kape. Hindi siya nakaramdam ng gutom, para bang nawalan siya ng gana nang dumating si kester dito na dapit umaga pa. Kay aga aga, bumungad sa kaniya ang maamong mukha ni kester ngunit napakadelikado dahil mangangain. 'Mangangain ng feelings ngunit hinda naman nagkagusto sa kaniya.'
"Kumain ka na marieta." Biglang sabi ni kester kaya napatigil na lang si marieta. Magtitimpla na siya nang kape. Napatingin sa kaniya si kester ngunit agad siyang bumitaw ng tingin dahil mataman itong nakatingin kay marieta. Sadya ngang maharot ang puso niya at mapagtantong namalayan niya na lang na sinunod niya ang sinabi ni kester. Parang may buhay ang kaniyang kamay na kumuha ng pinggan. Gusto sana niyang magdabog pero nakakahiya, hindi sa kaniya ang bahay na ito sa pagkakaalam ni damibilbil.
Walang siyang karapatang maging OA.
***
Pagkatapos nilang kumain ay umalis agad si honeybabe dahil may kailangan siyang bilihin. Sasama na sana si marieta ngunit hindi naman siya pinayagan ni kabuutan. Atat na sanang sumama ni marieta ngunit hindi alam ni damibilbil na talagang sinadya ni honeybabe na h'wag siyang isama upang maentertain niya si kester. Kaya ang ending silang dalawa ni kester ang nasa bahay lang ngayon. Hindi rin makakatakas si marieta dahil kay kester. Pero wala sa mood si marieta na makipag-usp sa binata. Gusto niya itong paalisin ngunit nakakabastos naman kung ganun. Boss ni marieta ang binata, wala siyang karapatang magpaalis at sapagkat hindi niya naman ito bahay kung tutuusin. Saka kung pag-uusapan nila ang tungkol sa trabaho niya, ay mas lalong hindi rin siya makakasagot dahil nalilito na siya. Offer ba ni herodes o patuloy ba ang pagtrabaho sa farm ni kester?.
Ngayon pareho na silang nakaupo sa sopa. Tahimik ang dalawa. Awkwardness overload kaya hindi maiwasang mahiya ni marieta, kung kakamustahin ba niya si kester o hindi na lang. Hindi niya alam ang sasabihin at kung saan siya kukuha ng tapiko. Kung tutuusin gustong sabihin ni marieta na...
bakit ka nandito? Sa kabila ng ginawa mo sa akin nung huling bakasyon?. Ikaw pa nga nagsabi sa akin na hindi mo na'ko gustong makita hindi ba? Tumalikod ka na sa akin nung sinabi ko sa'yong sinong pagpipilian mo, sino nga ba ako para mag assume na ako? Syempre pinili mo ang nobya mo.
"Ba't hindi ka na pumasok sa trabaho? Natuloy ba 'yung offer ni herodes sa'yo?." Bungad na tanong ni kester kay marieta. Muli na namang palihim na napaismid si damibilbil. Nasa isip niyang binulyawn ito na halos ang boses niya'y umabot sa kisame ni honeybabe.
"Pwede ba kester h'wag ka ng mag panggap na maayos ka lang at kinausap mo ako ng matino!." Napasigaw ako habang nanlilisik ang mata sa na nakatingin sa kaniya. Para na'kong mangangain ng tao!. Ayaw ko sa Inasta ni kester ngayon!. Sobrang naiirita ako.
"Huh? Anong sinasabi mo?." Napakunot noo siya. Aba nagmaang maangan pa ang duwag!. Walang hiya naman oh!. Basta basta na lang ba kong tratuhin ng ganiyan?. Gusto kong mapaiyak. Bakit? Akala lang ba niya na okay lang sa akin ang lahat ng mga ginagawa niyang pambabalewala sa naganap namin?.
"Paasa ka. Sobra, alam mo bang masakit isipin na parang wala lang sa'yo ang lahat? Sa kabila ng ginawa mo sa akin? Ha?!." Gusto kong maiyak. Sa katunayan nga ay malapit na. Nilunok ko na ang lahat! Maliban sa tam--. Prustrasyon kong ginulo ang buhok ko na parang baliw. Parang nasa diklamasyon lang ang istilo.
Rinig ko naman ang pagsinghap ni kester. Ha?! Anong sinisinghap na diyan?. Umiiyak rin ba siya? Naapektuhan o naaawa na naman sa akin?. Naikuyom ko ang kamao ko. Malapit na'kong manuntok at hindi makapagpigil.
"Okay fine i understand marieta. Pero boss mo'ko kailangan kong kamustahin ka at responsibilidad kita." Nameywang si Kester. Aba sa harapan ko pa!. Pero tila naman atang nanghihina ako sa tindig niya ngayon. Parang napakasarap niyang kagatin sa kung saan-saan. Yun bang gusto na niya lang siyang itali sa kama at doon sa ibabaw niya bumabanat. Hala? Ano yun! Hindi siya cheap! Dapat si kester ang magyaya non! Hindi siya, kababae niyang tao pero desperada nga lang. Napasuntok siya sa lamesa na ikinabigla nito.
"Palagi mo na lang sinasabi 'yan!. Wala ka ng respeto sa nararamdaman ko!. Wala ka ng pakialam sa akin kester, ayaw ko ng mapalapit ka sa akin. Katulad nitong ginagawa mo!." Pang aakusa ni marieta. Puro na lang papansin! Ilang beses na siyang sinabihan na siya ang unang lalayo sa aming dalawa! Dahil lalake siya at walang gusto sa akin!. Hindi ko namalayang napaigik ako sa pagkirot ng aking kamay nang sinuntok ko ang lamesa. Masakit pala kagaya ng pang iiwas at pang iiwan sa akin ni Kester.
"Kung naawa ka lang sa'kin dahil may nararamdaman ako sa'yo, pwes h'wag kang mag-alala dahil mawawala rin itong nararamdaman ko at mawawala rin yang awa mo!. Pakiusap lumayo ka na sa akin!." Pagmamakaawa ni marieta na halos lumuhod na sa harapan niya at magpakitang gilas---. Napasabunot siya sa kaniyang buhok dahil kung anu ano na pumasok sa isip niya. Gusto niya sanang gawin iyon sa kaniya kaso hindi naman siya kay kester. Walang sa kaniya at walang nag mamay-ari. Napahagulgol na lang ito sa isipan.
"Okay, lalayo na'ko sa'yo. Madali lang naman yang ginagawa mo! Para ano pa kung pupunta ako dito eh wala naman akong makukuha sa'yo. Puro ka arte eh, ang pangit mo na nga." May seksing sabi ni kester dahil sa tigas ng tagalog niya kasing tigas ng kaniyang dinadalang sinturon. Ito na, nilait na nga siya, pinuri pa siya sa isip ni marieta. 'Pero teka, lalayo na talaga siya sa akin? Totoo na ba yan? Wala ng bawian. Para naman akong naitulos at parang nauupos na kandila sa kinatatayuan ko.' Sa isip ni marieta.
Marieta's POV
"Bahala ka, i won't bother you anymore." Huling sabi niya saka tumalikod sa akin. Napataranta ako at ikinumpas ang kamay! Hala hindi naman sa ganun eh. Pero totoo na talaga, mahirap sa akin ang nandito lang siya sa harap ko tapos hindi ko naman maabot kahit ang lapit lapit na niya sa akin!. Tinawag ko siyang ng jonggang jongga!.
"Hoy, kester sandali! Nagbibiro lang ako! H'wag kang umalis!." Paghahabol ko pero hindi ko na siya makita pa!. Wala na siya! Asan na yun? Hoy kester balik ka naman ulit dito, please!. Hinanap ko na siya sa ilalim ng lamesa pati sa ilalim ng bangko. Baka nagtatago lang at baka pinrak lang ako ng Loko.
"Kester!!!." Biglang naisigaw ko sa kalagitnaan ng aking pag-iisip. Napahawak ako sa bibig kong mukhang pwet ng manok. Saka ko lang narealise na nakatulala lang pala ko habang nakatingin kay Kester. Napanganga ako ng wala sa oras dahil bigla na namang gumwapo si kester sa paningin ko. Para na naman akong nagayuma. Ako pa talaga ginayuma? Sa mukha kong ito? Ginayuma ni kester?.
"Marieta?." Tawag pansin ni kester sa akin. Napalunok na naman ako nang walang panahon. Halusinasyon ko lang pala ang nasa isip ko kanina!. Nyeta. Nakakahiya kay kester. Ngunit naalala ko namang may kasalanan rin pala si kester sa akin. Bumalik naman sa pagka angry bird ang mukha ko ngunit kay dali namang nawala iyon nang may pumuslit na ngiti sa mga labi nito. Natagpuan ko ang sarili kong nautal. Kaya ang ending...
"H-ha?." Nyeta. Umamo mukha ko pero pinili kong sumimangot ulit. Ayaw ko ng good vibes, walang epekto sa akin iyon.
"Are you with me?. You're not listening." Marahan sabi ni Kester na tila ring nagpapaamo gamit ang boses niya. Palihim akong napaismid at hindi ako madadala ulit sa pang aakit niya na para bang isa siyang pagkain na walang oras kong laplapin at lunukin. Plastikang ngumiti ako tutal hindi niya naman alang ang ginagawa ko. Kunware hindi na'ko naapektuhan.
"Ay sorry. May iniisip lang ako." Oh ayan. Ang ganda ng drama ko pang best actress o pang best extra lang sa eksena. Hindi ako makakapayag nang may tataas pasakin bilang isang bida bida sa mundong ito.
"Okay, naiintindihan kita. Pero ngayon pag-usapan natin 'yung about sa trabaho mo." Seryoso niyang sabi.
Hinihintay nito ang sagot ko. Saka ko lang narealise kung ano ba dapat ang pag-usapan namin ng maayos.
"Ah, oo nga. Ano nga ulit iyon?." Inulit ko lang, lutang ako eh. Andami kong iniisip.
Rinig kong bumuntong hininga si kester at ako namay napalanghap sa kaniyang hininga. Ambango.
"May nahanap ka na bang trabaho? Tinuloy mo na ba yung offer ni herodes?. Lately pansin kong hindi ka na pumapasok, akala ko ano na nangyare sa'yo but thankfully, healthy ka pa rin as always." Ngumsi siya.
Hindi ako ngumisi pabalik. Bad trip ako eh, anong iniexpect ni kester? Na papatulan ko ang ngiti niya. Eh lamukusin ko kaya yan gamit ang labi ko? Tignan ko kung makangiti pa 'yan.
"Pasensya na hindi na'ko pumasok dahil nitong mga nakaraang araw, nagkasakit ako. Pero agad namang naayos ang pakiramdam ko." Pagsabi ko na lamang ng totoo. Matagal na nga rin akong nagtiis sa aking karamdaman. Ewan ko ba kung bakit hanggang lumalaki ako, nam-mroblema ang katawan ko.
"Are you taking your med?." Muntik ng tumaas ang kilay ko sa kaniya.
"Oo." Ano ba yan paasa na naman si kester.
'Malamang marieta concern lang yan as a friend. Ikaw talagang babaeta ka.'
"Good. So, hindi mo pa nasagot ang tanong ko, nakahanap ka na ba ng trabaho?. Tinanggap mo na ba 'yung offer ni herodes?." Tanong niya naman. Natikom ang bibig ko sa kaniyang sinabi at nalaman kong hindi pa talaga sigurado ang desisyon ko.
Pero nangako na'ko kay herodes. At kailangan ko na ring mag-resign.
"Nalilito pa kase ako, gusto ko munang klaruhin ang sarili kong nakapagdesisyon na ba'ko. Ngayon, nakapag isip na'kong mag resign na talaga sa trabaho ko." Napakamot ako sa aking batok. Ba't parang nahihiya pa'ko. Desisyon ko naman ito hindi ba? So dapat lang na papayag si kester?.
"Are you really sure? Agad agad at gusto mo ng mag resign?." Inekis nito ang braso sa kaniyang dibdib. Napalunok ako nang wala sa oras, ba't parang naging sarkastiko ata si kester ngayon?.
Parang gusto kong manakit ng kapitbahay. May background music talaga? May nagkantahan kase sa kabilang kanto. Pwedeng pakihinaaan? Nasasaktan ako ano ba?!. Di bale hahayaan ko na lang basta mailabas ko lang ang sama ng loob ko!.
Napakurap na lamang ako, isa dalawa tatlong kurap. Muli na naman akong napayuko at hindi makatingin sa mga mata niya.
"Oo, pasensya na kester. Alam mo na naman ang kahinatnan ko kapag ikaw palagi ang makikita ko at makakasalumuha kita nang may nararamdaman ako sa'yo. Hindi naman pwedeng palagi akong nandiyan. Minsan kailangan ko ring umiwas lalo na't naapektuhan rin ako kester." Aminado kong sabi. Hindi ko na talagang mapigilang magsabi ng totoo. 'Di ko mapigilang maging prangka sa kaniya.
Kase kapag sasabihin ko ang katotohanan, naging malaya ako. Walang gumugulo sa isipan ko kahit kahihiyan ang tawag, kase pinoprotektahan ko lang ang nararamdaman ko. Makasarili na kung makasarili.
Hindi nakapagsalita si kester.
"Marieta..." Nasambit niya tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Parang natauhan rin siya.
"S-sigurado na'ko na, handa na kitang kalimutan." Tumikhim ako para maibsan ang pagbabara sa lalamunan. Hindi naman ito plema, nakakasiguro akong dulot ito ng pagpipigil ng pag-iyak.
"At saka pwedeng h'wag ka ng magpakita sa aking muli. Hindi maganda ang sitwasyon sa pagitan nating dalawa kester, nung nasa huling bakasyon na tayo. Hindi mo alam kung ilang beses akong umiiyak sa tuwing may pinili kang iba at may mahal kang iba." Malapit ng gumaralgal ang aking tinig. Habang siya naman ay nanatiling nakatitig sa akin. May iba't ibang emosyon sa mata ang makikita. Di ko alam kung awa ba o nakonsensya. Muli akong tumikhim.
"Ako lang itong nahulog sa'yo, kester. Wala akong magawa kung hindi akuin ang lahat at pahirapan ang sarili ko sa tuwing lumalapit ka sakin. Hindi ko na kaya, mas lalo mong pinalala ang sitwasyon." Dagdag ko. Kailangan kong manigurado. Kailangan kong sabihin sa kaniya ang totoo. Mamatay ako kapag palihim ko lang itong kimkimin. Paniguradong walang makaintindi sa akin pag nagkataon.
"Oo nga pala, wala kang kasalanan dito kester, ako kase 'yung tipo na tao na, madaling mahulog sa simpleng kilos lang. Kaya pasensya na, ayaw kong maging malala ang naramdaman ko para sa'yo." Patuloy ko pa. Gusto kong maging klaro sa kaniya. Hindi pa rin siya makaimik. At lumamig ang kaniyang ekspresyon sa mga mata na tila ba ay may mali akong nasabi kahit wala naman.
Ano bang mali sa sinabi ko?. Biko? Buko?.
"Kaya ang mas mabuti pa siguro na, lumayo na lang ako sa'yo. Kung may awa ka man sa'kin, h'wag mo ng itutuloy ang muling paglapit ng loob mo sa akin." Masakit sabihin ang mga ito. Nasasaktan ako ng sobra kahit parang hindi ako makahinga, nakapagpasalita pa rin ako.
"Kakayanin kong idistansya ang sarili ko sa'yo at hindi na magpapakita pa. Kaya ako gumagawa ng paraan upang hindi na muling magkatagpo ang landas natin." Pinal na sabi ko at napalunok.
"I'm s-sorry, marieta. Naiintindihan ko ang sinasabi mo, na ayaw mo na akong makipaglapit pa ulit sa'yo." Ngayon si kester naman ang nagsabi.
Siya naman ang may karapatang komprontahin din ako. Kahit anong sasabihin niya tatanggapin ko ng buong buo kahit masakit.
"Pasensya na kung nasaktan kita." Marahan akong umiling para sabihin na wala siyang kasalanan. Magsasalita sana ako pero inuunahan na niya ko.
"Pasensya na kung ilang beses akong lumalapit sa'yo kahit ako ito mismong nagsabi na h'wag ka ng lumapit sa akin." Napalunok ako sa sinabi niya. Parang may ibig sabihin si kester pero hindi ko lang alam kung ano.
"Wala kang kasalanan kester." At nasabi ko rin. Kailangan kong iparamdam sa kaniya na hindi siya dapat makosensya o sisihin ang sarili niya. Ako lang ang nagkagusto at nagpasimuno ng lahat.
Inamin niya saking mahal niya ko bilang isang tunay na kaibigan. Ngunit mahal ko siya mas higit pa sa kaibigan
Alam kong nahihirapan rin siyang lumayo sa akin dahil sanay siyang nandiyan ang presensya ko sa gilid niya. Nandiyan akong kausapin siya kapag nag-iisa siya. Ako ang kasama niya sa tuwing nangangailangan siya ng tulong. Ako ang kasangga sa kaniyang pinoproblema sa loob ng tatlong taon.
Ako ang nagpapatawa sa kaniya sa tuwing malungkot siya.
Oo at ako na kaibigan niya lang.
Ako na kaibigan ngunit iba ang kailanga.
Ako ang kasama pero iba ang nasa isip niya.
Pero anong karapatan ko para sisihin siya sa nararamdaman ko.
Nasanay ang sarili niya sa akin kahit hindi niya aaminin ay nararamdaman ko.
"Meron, dahil hindi kita magawang suklian." Muli akong umiling at suminghap. Napahigpit ang hawak ko sa aking laylayan ng tshirt.
"I want to be honest with you, i love my girlfriend. I love her so much. Wala akong magawa kung hindi ang piliin siya dahil 'yun ang nasa puso ko." Tinuro nito ang puso niya. Tumatango tango ako habang kumurap at para mawala ang panunubig ng aking mata.
Ilang beses ko na bang narinig iyon?. Ilang panahon ba bago ko nakalimutan agad? Ilang taon rin ba ang kailangan ko para tuluyang magising sa katotohanan. Para tuluyang makaintindi sa sinabi niya.
'Mahal na mahal nga niya talaga si abegail.'
"Ngayon para sa ikabubuti ng nararamdaman mo, patawad ulit at lalayuan na rin kita." Pinal na niyang sabi. Hindi na'ko nagsalita pa. Baka pumiyok lang ang boses ko at magwala sa harapan niya.
Ano bang karapatang kong magwala? Meron ba?.
Anong karapatan ko kay kester, nobyo ko ba siya?.
At anong magpaubaya? Naging kami ba? Naging magjowa ba kami?
Pagpapanggap ba ito? Hindi na.
Seryoso na ito, wala na talaga. Hindi siya ang para sa akin. At parang sirang plaka naman ang puso ko sa pagsambit ng pangalan kay kester.
At higit sa lahat hindi kami pwede. Hinding hindi.
"Maraming salamat pala dahil dumating ka sa buhay ko bilang isang matalik na kaibigan, at patawad din dahil sa pagsasama natin dahil nahulog ang loob mo nang hindi ko namalayan, huli na rin ang lahat dahil may minamahal na'ko kaya kita hindi magawang suklian." Sa baritono niyang boses ay parang walang iyon sa kaniya.
At bakit naman siya maapektuhan?. Ano bang karapatan niyang maapektuhan. Walang pakialam sa akin si kester sa akin. May pakialam siya dahil sa magkaibigan lang kami.
"I will wait for your resignation later."
Tumalikod na ito at ang tanging naiwan niya ay ang pagtulo na naman ng butil na luha sa pisngi ko. Palagi na niya kong iniwan na luhaan. Ngayon, maghihintay na lamang ito sa resignation later ko. Nagsisisi bako sa mga sinasabi ko?.
Wala akong dapat pagsisisihan, bakit kami ba? Kase magsisisi ako?.
Pero aaminin kong kahit hindi kami sa simula pa lang... ay
Oo, malaking malaki ang pagsisisi ngunit para naman ito sa ikabubuti ko.
Bumulong ako kasabay na pagtulo ng luha ko.
'Mahal na mahal kita kester.'
Naramdaman ni marieta na mahal niya ang binata at hindi siya nagkakamali roon. Ayaw niyang umamin kung ano talaga ang tototong nararamdaman niya para sa binata. Malaking bagay na na kay marieta ang magtiis na lamang dahil kailangan niya sapagkat mas piniili niyang manahimik na lamang kaysa sa magsabi ng totoo. Magiging komplikado lang ang sitawasyon kapag aamin siya ng may pagkakamali. Mali ang umibig ang isang tulad niya, pakiramdam ni damibilbil gindi siya normal na tao.
Parang walamg nakakakilala sa tunay na marieta. Kung ano ba talaga ang nararamadaman niya sa simula p lamamng. Hindi niya maiitangging nahihirapan siya, wala din siyang balak mag move on sapagkat mahirapa ang sitwasyong ibaling ang atensyon niya sa iba. Wala siyang balak na ibaling ang atensyon sa iba. Tula atang walang kakayahan si dambibil na pumili at maging masaya. Pinilit niyang makisabay sa sitwasyon nila ngayon sa pagitan ng binata kagit alam niyay wala siyang makukuha na mas nakanabuti para sa kaniya. Minsan ng nangarap si marieta na maging masaya pang habang bubay, kahit nag iiisa lamang siyang nagtaguyod sa kaniyang sarili. Walang may pakialam sa kaniya maliban sa mga kaibigan niya kahit hindi sila magkadugo. Malaki pa rin ang pasasalamat ni damibilbil sapagkat may kaibigan siyang kaagapay.
Basta ang alam ni marieta, hindi na magbabago kung ano man ang pagtingin niua sa binata. Kahit pagbaligtarin man ang mundo, kahit lumuluha pa siyang dugo dahil sa matinding rejection, wala pa ring magbabago, kukunin man siya ngayon ng---este maling usapan na iyon. Basta't hanggang buhay pa siya, hindi siya magsasawang maghahabol kay kester. Kahit abutin ng pagkatanda niya, o ggaamit na siya ng sungkod, si kester pa rin.
Wala siyang pagpipilian, kung hindi si kester lamang na nagpapaibig sa kaniyang bilbil este damdamin. Nagsisinungaling siyang hindi na siya maghahabol pa sabinata dahil ang totoo niyan ay maruppk si marieta, aamin na siya, wala na siyang kawala pasa mga bitag ni kester sa kaniya, ang daya dahil siya lamang ang nakulong sa mga bitag ng binata.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
next chapter po super Ganda po nya gusto ko po Malaman kung sino Ang para Kay damibilbil 🤗🤗🥰🥰
29/11/2024
0pls plskfbcucufhdicichisoosbcudiejdjcjicifieiosidhbciforosoaodjcbiciekwbkfoichsodofojcchjcjifoofofkfkfkfjbccbbcbcbcbdbrjrjjejwisooxcjckowodjbcjfifojjjyfuhuuhhhhhhhhhiij gfggbbbhhjnjjsjsjdhdfhucdjneifivopasjbfhcufiekalpskdncbcuruenxmodlaebbfififjfjfjfjbrbrnsosoxjbccjeisjbcbdkskbdbroscbjfdjieoeonwjsifofbbdksoaowdbfidosjsbefifoejhetogovknnsjeofjbbcidoeojrjfosjjfkeocjhcoeoehcboepwjdbcbfhfhfhhdhfhriowososfbfjowjcncnejdbicjd snudivjdjoaksbfjiedbbcjeijdbxjsjsidhbfbfbfbhdhdhddbhrhrjrjrjrjrjosodowpwxbnci
14/11/2024
0muito legal esse livro
11/10/2024
0Tingnan Lahat