CHAPTER 18

Shamara's POV
NAGISING ako dahil sa tunog ng alarm clock ko.
Naginat muna ako bago dumeretso sa Banyo para maligo.
Araw ng Sabado ngayon kaya't balak kong pumunta sa mall.
Agad na'kong lumabas pagkatapos kong maligo.
Pero nagulat ako ng makita ko si daddy sa kwarto ko habang nakaupo sa kama ko.
"Good morning." Nakangiting bati n'ya ng makita akong kakalabas lang ng kwarto.
Hindi ko s'ya pinansin at dumeretso lang ako sa walk in closet ko para magbihis.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas.
Napabuntong hininga ako dahil paglabas ko ay nananatili padin sya'ng nakaupo.
"What are you still doing here?." Tanong ko.
Napatingin s'ya sakin at ngumiti.
"Nag-aayang lumabas ang tita Isabella mo." Sambit n'ya.
Tumaas ang isang kilay ko.
"So?." Ani ko.
"Baka gusto mong sumama." Patuloy n'ya
Medyo natawa ako dahil sa sinabi n'ya.
"Seriously?." Sambit ko.
"Sumama ka anak, para naman may bonding tayong pamilya." Turan n'ya.
Pamilya? The heck!
"No thanks, may sarili akong lakad." Sambit ko.
Kita ko ang paglamlam ng mga mata n'ya.
"Anak." Mahina nya'ng ani.
"Maybe Next time, dad." Pilit ngiting ani ko bago lumabas ng kwarto.
Nakasalubong kopa si Bella na kakalabas lang ng kwarto n'ya.
Nakapambihis s'ya ng pang-alis.
Ngumiti s'ya sakin ng makita ako.
"Ate sasama ka samin?." Tanong n'ya.
Umiling lang ako bago ko s'ya nilagpasan.
"Oh hija, buti naman at sumama ka sa lakad n'yo." Nakangiting turan ni manang ng makita ako.
"Hindi po manang, aalis ho ako ngayon." Ani ko.
Unti-unti namang nawala ang ngiti n'ya.
"Akala ko naman, saan kaba pupunta?." Tanong n'ya.
"Kahit saan manang." Sambit ko.
Mahina naman sya'ng natawa.
"Dito kaba kakain ng umagahan?." Tanong n'ya.
"Hindi napo manang, aalis na din po kasi ako." Turan ko.
"Ay ganun ba? Osige mag-ingat ka." Ani nya.
Ngumiti lang ako bago ako tumalikod sa kanya
Napatigil ako ng makita ko sila daddy na sabay-sabay bumababa sa hagdan.
Agad akong nagiwas ng tingin ay nagpatuloy sa paglabas ng bahay.
...
Bumaba na'ko ng kotse ng makarating ako sa parking ng mall.
Dumeretso muna ako sa Korean restaurant para kumain ng umagahan.
Konti lang ang inorder ko dahil wala akong masyadong ganang kumain.
Nang matapos akong kumain ay binaba ko sa table ang bayad ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Tsk hindi ko alam kung bakit naisipan kong pumunta dito.
Pero mas okay na yon at least hindi ako nakasama sa lakad nila daddy.
Napagpasyahan ko nalang na pumunta sa grocery para bumili ng mga pagkain.
Ng makarating ako ay kumuha ako ng isang cart para paglagyan ng mga bibilin ko.
Kumuha ako ng mga biscuits at junk food.
Kumuha na din ako ng limang Stick-O na magkakaibang flavor.
Pati mga chocolate ay kumuha na din ako.
Ano paba?
Nang wala nakong maisip na bibilin ay dinagdagan ko nalang ang mga binili ko bago dumeretso sa counter.
"Good morning Ma'am." Bati sakin ng babae ng makarating ako sa counter.
Ngumiti lang ako bago ilagay ang mga binili ko.
"Ma'am Your bill is 5,400." Sambit ng babae.
Inilabas ko ang card ko at inabot sa kan'ya.
"Thankyou." Sambit ko ng binalik n'ya sakin ang card ko.
"Kayo n'yo poba ito Ma'am?." Tanong ng lalaki sakin habang nakaturo sa mga pinamili ko.
Napatingin ako sa mga binili ko.
Napailing ako dahil hindi ko napansin na madami akong nabili. Lalo't magisa lang ako dito.
"May kasama poba kayo?." Tanong n'ya.
Tumingin ako sa kan'ya at umiling.
Magsasalita na sana s'ya pero bigla may nagsalita mula sa likod ko.
"I'm with her ."
"Christian." Gulat kong pagtawag sa kan'ya.
Ngumiti lang s'ya sakin bago lumapit sa mga binili ko.
"Ako ng bahala dito." Ani n'ya sa lalaki.
"Ako na sa iba." Sambit ko at kumuha ng dalawang plastic.
...
"Bakit wala kang kasama?." Tanong ni Christian habang naglalakad kami.
"Sino naman isasama ko?." Balik tanong ko.
"Kahit sino, driver n'yo. Nag grosary ka ng magisa." Sambit n'ya.
"Wala naman talaga akong balak maggrosary, naisipan ko lang." Turan ko.
"Okay fine, you win." Natatawa nya'ng ani.
Napangiti lang ako pero hindi nako nagsalita pa.
"Uuwi kanaba?." Tanong n'ya.
Tumango ako." Oo, hindi naman ako makakapaglibot ng maayos kapag dala ko to." Sambit ko.
"if you want I'll call my driver and then we'll send home all the things you bought." Sambit.
Napatingin naman ako sa kan'ya.
"Hindi na, nakakahiya. Tinulungan mo na nga ako dito e." Sambit ko Sabay taas ng dalawang plastic na hawai ko.
"No, it's okay." Sambit n'ya.
Tsk makulit din.
"Stay here, I just call my driver." Aniya ng makarating kami malapit sa exit ng mall.
Binaba muna n'ya ang hawak bago umalis sa harapan ko.
Ilang minuto lang ay bumalik na s'ya.
Kinuha n'ya muna ang plastic na binaba n'ya kanina bago tumingin sakin.
"Bigay mo sakin yung hawak mong plastic." Sambit n'ya dahilan para magtaka ako.
"Bakit?." Tanong ko.
"Ako nalang ang magdadala kay manong, dito ka nalang." Turan.
"Sasamahan na kita." Sambit.
Agad sya'ng umiling.
"Stay here, mabilis lang ako." Turan n'ya.
Kahit ayaw ko ay binigay ko nadin yung hawak kong plastic.
"Kaya moba yan?." Tanong ko.
"Of course." Nakangiting sambit n'ya.
Edi ikaw na!
" Bibigay ko muna to' kay manong." Sambit n'ya.
Tumango lang ako.
Ngumiti muna s'ya sakin bago umalis.
Umupo muna ako sa gilid habang hinihintay si Christian bumalik.
Lumilinga-linga lang pero sa paligid pero bigla akong napatigil.
Kung titignan para silang masayang pamilya at parang wala silang problema.
Ang saya-saya nilang tignan.
Hanggang ngayon ay nakatingin padin ako kila daddy na masayang kumakain sa isang restaurant. Ang sakit makitang masaya s'ya na kahit wala ako.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako habang nakatingin sa kanila.
Ramdam ko nadin ang paninikip ng dibdib ko.
Masaya sila kahit wala ako.
Agad akong tumakbo palabas ng mall dahil hindi kona kinakaya pa ang mga nakikita ko.
...
"Ahh!." Sigaw ko habang pinagpapalo ko ang manobela ng sasakyan ko.
Walang tigil sa pagtulo ang luha ko dahil sa nararamdaman ko.
Masaya sila shamara kahit wala ka!
Kaya nila kahit wala ka!
Hindi ka nila kailangan!
Hindi ka nila kailangan sa buhay nila!
Napadukdok ako sa manobela ko dahil sa panghihina.
Lalo mo lang pinaparamdam sakin dad na hindi mo na'ko kailangan. Na hindi mo na'ko mahal.
Masaya kana sa bago mong pamilya.
Masaya kana kahit wala ako.
Bumuo ka ng sarili mong pamilya na hindi na'ko kasama.
...
"Jusko! Shamara okay ka lang ba?!." Nagaalalang tanong ni manang ng makita ang itsura ko.
"Gusto ko napong magpahinga manang." Mahina kong sambit at nilagpasan s'ya.
Kahit rinig kopa ang pagtawag n'ya sakin pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ng makapasok ako sa kwarto.
Agad tumulo ang luha ko ng maalala ko ang nakita ko kanina.
Pesteng luhang to' ayaw tumigil.
Ayoko ng umiyak, pagod na'kong umiyak.
Napatingin ako sa bag ko ng tumunog ang cellphone ko.
Ilang minuto akong nakatingin doon bago ko kuhanin ang phone ko.
UNKNOWN CALLING...
Kumunot ang noo ko dahil eto ang bumungad sakin.
Ilang beses kong pinagisipan kung sasagutin koba o hindi, pero nagpagpasyahan kong sagutin ang tawag.
"Hello?." Mahina kong sambit.
"[Hello, shamara where are you?!."]
Agad kong nailayo ang cellphone ko sa tenga dahil sa lakas ng boses sa kabilang linya.
Pero pamilyar ang boses n'ya.
Si Christian?

Biglang nanlaki ang dalawang mata ko ng may narealize ako.
Sh*t agad akong umalis ng hindi nagpapaalam sa kan'ya.
Unti-unti kong binalik ulit ang phone ko sa tenga ko.
"[Hello, Shamara, andyan kapaba? Magsalita ka please? Hey please speak up. I'm worried]."
Medyo nakaramdam ako ng guilty sa ginawa ko.
Ramdam ko ang pag-aala sa tono ng boses n'ya.
"[Shamara please. I'm begging, please speak up]."
"Ahm, C-Christian." Nauutal kong pagtawag sa pangalan n'ya.
"[Shamara? F*ck! You make me worried]."
"I'm sorry hindi nako napagpaalam sayo, may biglang emergency lang dito sa bahay." Pagsisinnungaling ko.
Ramdam kong naka hinga s'ya ng maluwag dahil sa sinabi ko.
"[Are you okay?]."
Medyo natigilan naman ako sa tinanong n'ya.
"Ah yeah, I'm o-okay. Don't worry about me." Turan ko.
"[Mamaya nalang shamara, may inuutos pa si Dad sakin. I'll just call you later, when I have time to call]."
Hindi ko maiwasang mapangiti.
"You don't have to call me Christian." Sambit ko.
"[I'll just call you later, bye]." Sambit n'ya sa kabilang linya sabay patay ng tawag.
Napairap ako dahil sa kakulitan n'ya.
Pero aaminin ko medyo gumaan ang loob ko dahil sa kan'ya.
Nakatulala lang ako sa kisame habang iniisip ang nakita ko kanina.
Nang makaramdam ako ng antok ay kaya't hinayaan kong lamunin ako ng antok.
...
"Shamara hija, gumising kana."
Minulat ko ang isang mata ko dahil sa boses na naririnig ko.
"Manang." Mahinang sambit ko ng makita ko sya'ng nakatayo sa paanan ko.
"Jusko kang bata ka! anong bang ginawa mo at mukang pagod na pagod ka." Sermon ni manang sakin.
Hindi nga pala ako nakapagbihis kahit sandals ko ay hindi ko nahubad. Bigla nalang akong humiga dito kaya't nanenermon si manang ng ganito.
"Bumaba kana at kumain." Sambit n'ya at lumabas sa kwarto ko.
Anong oras naba?
Kinapa ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na.
Halos lumaki ang dalawang mata ko ng makita ko ang oras.
8:50 P.M?!
Agad akong bumangon sa pagkakahiga at dumeretso sa banyo para ayusin ang sarili.
Jusko hindi ko namalayan ang oras.
Ganon ako katagal natulog?
Lumabas nako ng kwarto ng matapos akong maligo.
Tahimik lang akong umupo sa dulo ng dinning table habang sila daddy ay nagkukwentuhan.
"Salamat manang." Sambit ko sa kan'ya matapos n'ya akong pagsadukan ng pagkain.
Tahimik lang akong kumakain, susubo na sana ako pero bigla akong napatigil ng marinig ko ang sinabi ni Bella.
"Dad, ulitin po natin yung ginawa natin nila mommy kanina, Sobrang saya ko daddy." Rinig kong turan ni Bella, halatang masaya talaga s'ya dahil sa tono ng boses n'ya.
"Sure, anak." Sagot ni daddy.
Umangat ang tingin ko sa kanila.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng mapait.
"Thankyou nga pala daddy sa teddy bear." Sambit ni Bella sabay halik sa pisge ni dad.
Kita ko kung paano napangiti si Daddy dahil sa ginawa ni bella sa kan'ya.
Nakatingin lang sa kanila si Tita Isabella habang nakangiti.
Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ano mang-oras tutulo na ang luha ko.
"Masaya ako sa tuwing kasama ko kayong dalawa. Sobrang saya ko kanina Kahit tayong tatlo lang, Anak."
Agad bumalik ang tingin ko kay daddy ng marinig ko ang sinabi n'ya.
Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko dahil sa narinig ko.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Mabilis nanggilid ang mga luha ko.
Gulat silang napatingin sakin ng bigla akong tumayo.
"Shamara, anak." Gulat na sambit ni Daddy.
Inis akong tumingin sa kan'ya dahil parang pinaparating ng pagtawag n'ya sakin ay parang hindi n'ya alam na kanina pa'ko nandito at naririnig ko ang mga pinaguusapan nila.
Agad na akong umiwas ng tingin.
"Excuse me." Malamig kong sambit at tumakbo papunta sa kwarto ko.
"Ah F*cking this Life!." Sigaw ko sabay balibag ng base na nakita ko.
"I hate you so much!." Sigaw kong muli.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis na nararamdaman.
"Anak."
Agad akong lumingon sa pinto ng marinig ko ang boses ni daddy.
"What are you doing here?." Malamig kong sambit.
"Huwag kang lumapit sakin." Madiin kong turan ng tangkain nya'ng lumapit sakin.
"Shamara, anak. Ano bang nangyayari sayo?." Tanong n'ya.
"I hate you." Galit kong sambit habang nakaturo sa kan'ya.
"Anak." Nanghihina nya'ng pagtawag sakin.
"I saw you, I saw you with them earlier at the mall. I can see that you are happy with them even without me." Paiyak kong sambit.
Kita ko kung paano lumambot ang emosyon s'ya.
"Shamara anak, you know that's not true." Sambit n'ya.
Umiling ako." No dad, totoo yon, dahil yon ang nakikita ko sa mga mata mo." Giit ko.
Umiling-iling s'ya sakin.
Ngumiti ako sa kan'ya ng mapait.
"But don't worry, I won't be mad at you, do you know why? Because for a long time. I was able to even without you by my side. You don't love me anymore." Mapait kong sambit.
"I said don't come near me." Gigil kong sambit ng tangkain nanaman nya'ng lumapit sakin.
Pero hindi s'ya nakinig sakin bagkus ay lumapit pa s'ya sakin.
Agad akong napaluha ng yakapin n'ya ako ng mahigpit.
"Please, don't say all that, because you know that's not true. You know how much I want to be with you. You know how much I love you, but you are the one who always avoids. You are the one who always goes away. I'm hurting because you're trying to distance yourself from me." Mahinang sambit ni dad sakin habang nananatiling nakayapa sakin.
Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa mga sinasabi nya dahil alam kong nasasaktan ko ang daddy ko dahil sa mga ginagawa kong pagiwas at paglayo.
Nasasaktan ako dahil sa katotohanang Nasasaktan ang daddy ko dahil sakin.
"Please Shamara anak, Don't stay away from me. Don't take yourself away from me. Let me make up for the times I am not by your side. Give me another chance to be your father again." Turan ni daddy.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha kong kanina kopa pinipigilan.
Namalayan ko nalang ang sarili kong gumati ng yakap sa mahigpit na yakap sakin ni daddy.

Komento sa Aklat (50)

  • avatar
    MatugasAmylyn

    very nice

    23/05

      0
  • avatar
    Romalyn Duka Rabi

    𝐦𝐤𝐡𝐟𝐳𝐟𝐢𝐢𝐢𝐣𝐣𝐡𝐠𝐠𝐜𝐜𝐜𝐭𝐟𝐤𝐲𝐟𝐲𝐟𝐮𝐡𝐨𝐣𝐥𝐡𝐢𝐯𝐢𝐯𝐛 𝐣𝐨𝐠𝐠𝐢𝐠𝐠𝐠𝐨𝐝𝐭𝐝𝐞𝐞𝐭𝐮𝐨𝐥𝐛𝐝𝐰𝐞𝐲𝐨𝐤𝐡𝐜𝐜𝐯𝐛 𝐬𝐞𝐮𝐨

    02/12/2024

      0
  • avatar
    Camilia Damian

    hhhb

    30/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata