Homepage/Marry Me, Engineer/
CHAPTER 8
Napamulat ako dahil sa sinag araw na tumama sa mga paa ko, agad kong tinignan ang alarm clock ko kung anong oras na.
At halos mahulog ako sa kama ng makita ko kung anong oras na.
Anak ng 7:00 na at ang klase ko ay 8:00, Isang oras ang byahe papunta sa school.
Tarantado kasing Isaiah, oo tarantado talaga siya, siya may kasalanan kung bakit hindi ako makatulog eh, nakakainis.
Agad akong pumasok sa banyo at agad naligo, ilang minuto lang ang tinagal ko sa cr dahil malalate na'ko. Ayaw na ayaw ng lecture na may malate, sisigaw iyon kapag nagkataon.
Agad kong sinuot ang uniform ko at agad na bumaba. Wala na ron si mommy. Maaga atang umalis si mommy, pumunta muna ako sa kusina at may nakita ako sa ibabaw ng pinggan na note. Binasa ko naman ito.
Good morning anak. Your breakfast is already there, Don't forget to eat before leaving, I love you, take care.
— Mommy
Napangiti naman ako ron, ang sweet naman ni Mommy pero hindi ko na ito makakain kasi malalate na'ko. Kumuha nalang ako ng dalawang lumpia at tatlong hotdog at kumuha na rin ako ng plastic para ilagay ko ang kinuha ko.
Agad akong lumabas at sinarado ang bahay bago umalis. Nang makalabas ako sa subdivision ay sakto rin na may taxi. Mag taxi nalang ako, matatagalan kapag naghintay pa'ko ng jeep.
Agad kong sinabi kung saan ako. Hanggang sa makarating kami sa school ay agad akong nagbayad at lumabas na, late na'ko.
Hindi nalang kaya ako pumasok sa first class ko? Tama pero sympre joke lang.
Diretso diretso akong pumasok sa school pero napatigil din ako ng mapatingin ako sa bench malapit sa gate.
Si Isaiah nakaupo habang nakayuko, anyare sa kaniya?
Agad ko itong nilapitan, hindi pa niya ako napansin kaya lumapit pa ako ng konti hanggang sa mag angat ito ng tingin sa'kin.
Agaran siyang ngumiti ng makita ako at umayos ng upo
"Anong ginagawa mo rito? Diba dapat nasa klase kana? Tsaka bakit parang ang lungkot mo" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya, napakamot naman siya sa batok
"Late na'ko eh tsaka hindi na rin naman ako papasukin ng lecture kasi late na'ko" saad nito habang nakangiti sa'kin "tsaka hindi ako malungkot no, happy ako" natutuwang saad nito kaya tumango naman ako
Napatingin muli ako sa relo kaya halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang oras, sobrang late na'ko.
"Late na'ko, paano ba iyan. Aalis na'ko" paalam ko sa kaniya at tumayo na at akma na sanang maglalakad ng pigilan ako nito kaya napatingin ako sa kaniya
"Bakit?" Takang tanong ko sa kaniya, hindi ito nagsalita at mariin lang akong tinignan
"Huwag kana pumasok, papalabasin ka rin naman ng lecture mo" saad nito na siyang ikinasalubong ng kilay
Paano niya naman nasabi?
"Ganiyan ang ginagawa ng lecture kapag late" saad nito
Paano niya nalaman?
"sa expression mo, mukha kang tanga." Sambit nito, agad ko siyang sinamaan at inisang hakbang ang distansiya namin para naman mabatukan siya
"Aray, sadista ka talaga kahit kelan" reklamo nito kaya tinaasan ko lang siya ng kilay
"Sinong tanga ah?" Naiinis na saad ko sa kaniya
"Ikaw ay este ako pala iyon hehehe" saad nito pero sinamaan ko lang siya ng tingin at umupo sa katabi niyang upuan
Tahimik lang ako umupo sa tabi niya, hindi nalang ako pumasok. Sa second subject nalang ako papasok, letse kasi eh.
"Ikaw ha, Crush mo pala ako ah" basag nito sa katahimikan namin kaya agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin
Nakangisi ito sa'kin at tinignan ako ng nanunuksong tingin
"Kapal ng mukha mo, hindi kaya" tanggi ko pa
"Dineny pa. Stalker nga kita eh" natatawang saad nito, naalala ko naman iyong kagabi kaya namula naman ako.
Agad kong tinakpan ang mukha ko para hindi niya makitang namumula ako at baka asarin pa'ko nito at baka batukan ko lang siya
"Hoyyy hindi ako stalker no" tanggi ko muli pero ngumisi lang ito sakin
"Hindi raw pero na like yung matagal tagal ko ng post, pati na rin iyong shared post ko last year" mahabang lintaya nito na siyang mas lalong ikinapula ng mukha ko
"Ang kapal. Dumaan lang iyon sa feed ko" sabi ko sa kaniya pero umiling lang ito sa'kin
"Weh? Talaga ba?" Pang aasar nito kaya binatukan ko siya agad
"Manahimik ka, sasapakin kita" saad ko sa kaniya sabay pakita ng kamao ko pero tumawa lang ito sa'kin kaya inirapan ko siya
"kaya mo? Ang liit liit ng kamay mo oh" sabi nito sabay hawak ng kamay ko, agad ko naman itong winaksi at inis na tinignan niya
Tuwang tuwa pa ang loko.
"Hindi maliit ang kamay ko, malaki kalang" inis na saad ko pero tinawanan niya lang ako
"Wala, maliit talaga kamay mo pati height mo maliit din" pang aasar nito na siyang ikinasama ng mukha ko, sa inis ko ay hinampas ko siya ng bag ko at agad na umalis sa bench na iyon, narinig ko pa ang daing at natawa niya na ikinainis ko
Bakit ba ako nagpapaloko sa lalaking iyon na huwag na pumasok, bahala nga siya riyan nakakainis.
Agad akong pumunta sa building ko at pumasok sa room ko, mabuti nalang makakadiretso ako sa room namin.
Mabuti nalang pagpasok ko, wala na ang lecture namin. Ilang minuto rin kaming nag usap ni Isaiah, nakakainis iyong lalaki na iyon.
Napatingin naman ako sa katabi ko ng kalabitin ako nito, agad ko siyang tinignan ng kunot noo
"Aga aga nakakunot noo kana? Bad mood?" Natatawang saad nito pero inirapan ko lang siya at iniwas ang tingin sa kaniya
"Anyare ba sa'yo?" Tanong muli nito kaya tinignan ko siya muli
"Nalate ako ng gising tapos ano ng ano.. Si ano
"Si ano ni ano si ano ng ano, ano ba talaga? pinutol nito ang sinabi ko
"Wala pa bang lecture?" Pag iiba ko sa usapan
"Hindi nga umattend si Mr. Santos eh, nakakainis na terror iyon" saad nito kaya natawa naman ako
Mabuti nalang at hindi niya na inungkat ang usapan namin kanina kundi matatawa rin ito.
Sumunod na klase ay dumating na din ang lecture namin.
Tahimik lang ako nakikinig at kung magtatanong ito about sa topic ay sumasagot din ako.
Nang mag break time ay agad akong tumayo at inayos ang gamit na nilabas ko kanina, kinuha ko nalang ang wallet ko, tutal madali lang naman kami
"Oyy tara, break time" ani ko kay Jillian ng maayos ko ang gamit ko, tumango naman ito sa'kin at sinukbit ang kamay nito saking braso
"Kamusta date niyo ni Herrera?" Tanong ko sa kaniya, agad naman itong namula at umiwas ng tingin
May nangyari eh, ayaw sabihin
"Hoyyy" tawag pansin ko sa kaniya ng hindi ako nito sagutin
"Ok naman tsaka kumain kami sa labas" saad nito sabay iwas ulit ng tingin
"Yun lang ba talaga?" Nang aasar na saad ko sa kaniya kaya mas lalo pa siyang namula
"oo nga kulit nito" naiiritang saad nito kaya natawa naman ako, namumula kasi siya.
"Edi oo na... Hmmm.." natatawang saad ko sabay tingin sa kaniya ng nanunuksong tingin pero inirapan niya naman ako
Nang makapasok kami sa canteen ay agad akong bumili, ganun din siya.
Burger at Juice lang binili ko, tutal hindi pa naman ako gutom. Nang makabili ako ay agad kong pinuntahan si Jillian pero bago pa ako makapunta kay Jillian ay may humarang na sa'kin, napatigil naman ako at tinignan ng masama ang humarang sa'kin
Walang hiya ‘to, nagpakita pa talaga sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan, sa gilid niya nalang ako dadaan pero hinarangan niya rin ako kaya inis ko siyang tinignan
"Anong problema mo?" Naiinis na saad ko sa kaniya
Malawak naman siyang ngumiti sa'kin at nilapitan ako
"Wala naman" nakangiting saad nito sa'kin, inirapan ko nalang siya at pinuntahan si Jillian, agad ko naman siyang nakita, papunta na rin pala sa'kin.
Agad ko siyang sinalubong at tumabi sa kaniya para sabay kaming maglakad
"Tara na sa room" yaya nito sa'kin, tumango nalang ako
"Kita ko kayo ni Isaiah kanina" saad nito sa kalagitnaan ng paglalakad namin, agad ko naman siyang tinignan
"Wala iyon, nang iinis lang ang gago" saad ko sa kaniya, mahina naman itong natawa
"Type ka ata ni Gallego eh" panunukso nito sa'kin, inis na tinignan ko lang siya
"Hindi ako type nun. Hindi kami bagay" saad ko sa kaniya
"Nasabi mo lang iyan pero kapag nagtagal na magugustugan mo rin siya" saad nito na siyang ikinatigil ko
May chances ba na magkagusto ako ron? Hindi kami bagay at hindi ko rin naman siya magugustuhan. Aishh nakakainis
Malabo naman siguro na magkagusto ako sa kaniya.
Agad akong umupo nang makapasok ako sa room, maya maya ay dumating din ang lecture namin kaya tahimik nalang akong nakinig.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (197)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda po bat bitin? San po next chapter nito?
19d
0so Ganda po
10/07
0maganda
09/04
0Tingnan Lahat