CHAPTER 7

Nagising nalang ako ng may tumatapik sa pisngi ko, agad kong minulat ang mata ko para matignan ko kung sino ang tumapik sa'kin, nang malaman ko kung sino iyon ay nilibot ko na rin ang tingin ko, nasa jeep pa pala kami, napatingin naman ako sa labas, malapit na kami sa bahay.
"Malapit na tayo kaya ginising na kita" sabi nito kaya tinanguan ko nalang siya
Nang nasa tapat na kami ng subdivision ay agad akong pumara, pinauna akong pababain ni Isaiah habang nakasunod naman siya sa'kin, nang makababa kami ay agad ko siyang tinignan
"Sarap ng tulog mo sa jeep, naglalaway kapa" natatawang saad nito, sinamaan ko naman siya ng tingin. Kinapa ko naman ang gilid ng labi ko, baka nga may laway talaga pero wala palang basa
"Niloloko mo ata ako eh" naiinis na saad ko natawa naman ito
"Bakit kita lolokohin, wala naman tayo" natatawang saad ko kaya agad ko siyang hinampas ng bag ko
Tarantadong lalaki ito, pilosopo amputa
"Siraulo ka hindi iyan ang ibig sabihin ko" naiinis na saad ko sa kaniya kaya natawa naman ito
Lakas ng trip ng lalaki ito
"Biro lang eto naman, hindi mabiro" saad nito
"Siraulo ka pala eh" naiinis na saad ko
Nagsimula nakong maglakad papunta sa subdivision namin, sumunod naman sa'kin si Isaiah, nahatid niya na ako pero bakit sumusunod pa rin siya?
"Ang ganda pala ng mga bahay rito" saad nito
"Magaganda nga, swerte rin ni Mommy dahil dito kami" sabi ko sa kaniya tumango naman siya
Nang nasa tapat na kami ng bahay ay agad ko siyang hinarap
"Tss. Salamat ah?" Saad ko sa kaniya, napanguso naman Ito
"Parang napipilitan ka lang eh, tsss. Sama nito" nakanguso g saad nito na siyang ikinataas ng kilay ko
"Siraulo ka pero seryoso. Salamat dapat hindi mo na ito ginagawa" seryosong sabi ko sa kaniya pero siya nakangiti pa rin
"Ayos lang nga diba mag kaibigan tayo?" Sagot nito kaya marahan naman akong tumango
"Aishh ewan ko sa'yo tsaka nga pala gusto mo pumasok muna?" Tanong ko sa kaniya
"Pwede?" Sagot nito kaya tumango naman ako at lumapit sa gate at binuksan iyon
Kaming dalawa ang tao rito sa bahay ni Mommy. Walang maid kasi si mommy lang ang gumagawa rito at sympre ako rin naman
Nang makapasok kami sa gate ay agad kaming pumasok sa pintuan, hindi na'ko kumatok dahil bukas naman ito
"Diyan mo muna lagay sapatos mo" sabi ko sa kaniya sabay turo sa lagayan ng sapatos
Diretso diretso akong pumasok sa bagay, nilagay ko muna sa sofa ang bag ko.
"Upo ka muna, teka lang ang punta muna ako sa kusina" sabi ko sa kaniya, umupo naman ito
"Mommy, andito na'ko" tawag ko sa kaniya ng makapasok ako sa kusina
Nagluluto ito, agad naman siyang tumingin sa'kin at ngumiti. Lumapit agad ito sakin
"Hi, anak. How's your day?" Tanong nito sabay halik sa pisngi
"Ayos lang po mommy, by the way may kasama po pala ako, nasa sala po siya" saad ko sa kaniya kaya ngumiti naman ito at pinatay ang kalan at lumabas patungo sa sala kaya sumunod naman ako sa kaniya
Nang makalabas kami ay naabutan ko si Isaiah na nakayuko habang nakaupo sa sofa.
"Hi, hijo." Nakangiting bati ni Mommy sa kaniya na siyang ikatingin nito sa kaniya
Napatayo naman ito at hinarap si mommy
"Good evening po" bati nito sa kaniya
"Ah Isaiah si mommy pala, mommy si Isaiah" pakilala ko sa kanila
"Hi mommy este Tita pala" natatawang saad nito kaya natawa naman si mommy
Siraulong lalaki iyon
"Hi, Isaiah. Cia ihanda mo na ron ang pagkain natin, and hijo you can join us" sambit nito kaya sumunod naman ako, pumasok muli ako sa kusina.
Naglagay ako ng tatlong pinggan sa lamesa, tatlong baso at mga tinidor para saaming tatlo. Nilagay ko na rin sa Isang malaking bowl ang kanin at sa isa ring bowl ang ulam. Nang mailapag ko iyon ay agad ko silang tinawag, agad naman silang nagsiupo ng makapasok sila
Agad akong nagsandok ng kanin at ulam, ganun din ang ginawa nilang dalawa. Nang makakuha ako ng kanin at ulam ay agad kong nilantakan ang pagkain ko
"Anak hinay hinay, hindi ka mauubususan ng pagkain" natatawang ani ni Mommy sa'kin, narinig ko naman tumawa ang katapat ko, inirapan ko lang sila at pinagpatuloy ang pagkain ko
Nang matapos akong kumain at tinignan ko naman si Isaiah, patapos na rin siyang kumain, nang matapos ito ay uminom siya ng tubig at tumingin, nagtama agad ang mga mata namin, ngumiti ito sa'kin pero inirapan ko lang siya
"Kaibigan mo lang ba itong anak ko hijo o baka naman higit pa?" Napatingin naman ako kay mommy dahil sa sinabi nito
"Mommy" Tawag ko sa kaniya tumingin naman siya saglit binalingan ng tingin si Isaiah, natawa naman si Isaiah dahil sa sinabi nito
"Kaibigan ko lang po siya pero pwede rin pong more than friends" saad nito na siyang ikinataas ng kilay ko
Anak ng?!
Natawa naman si mommy sa kaniya at binigay ako ng nanunuksong tingin kaya napanguso nalang ako
Napagtulungan ata ako rito, siraulong lalaki kasi ito eh
"You look good together" She said
Kami look good together nang hinayupak na iyan?
"Ay grabe naman kayo tita look good together, friends lang kami niyan, ayaw ko sadista eh." Natatawang saad nito sabay tingin sa'kin, agad ko siyang sinamaan ng tingin at sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa
Sadista pala ah.
"Aray aray" pag aaray nito, napangisi naman ako sa kaniya
"Are you okay hijo?" Nagtatakang tanong nito
"ah.. oo po, ayos lang. May kumagat lang sa'kin na malaking langgam" saad nito sabay tingin sa'kin ng masama pero nginisihan ko lang siya
Mahaba pa ang naging usapan nila mommy, na oop na nga ako sa kanila eh.
Hanggang sa nagpaalam na umuwi si Isaiah, gabi na rin at konti lang ang masasakyan
"Hatid ko lang po siya sa labas mom" sabi ko kay mommy kaya tumango naman ito
"Matutulog na rin ako, pagkatapos mong mahatid si Isaiah umakyat kana rin ah?" Saad nito, nagpaalam na rin si mom kay Isaiah at umakyat na ito
"Ihahatid na kita sa labas" yaya ko sa kaniya, at lumakad na palabas, sumunod na rin ito sa'kin
Nang makalabas kami ay agad akong humarap sa kaniya
"Dito nalang kita mahahatid. Salamat ulit sa paghatid ah, Mag gagabi na kaya umuwi kana." Sabi ko sa kaniya kaya tumango naman siya sa'kin habang nakatingin
Nailang naman ako sa titig nito kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya
"Bakit ganiyan ka makatitig ah?" Tanong ko sa kaniya pero ngumiti lang ito sa'kin sabay iling
"Salamat sa dinner, Ciara.." pasasalamat nito kaya tumango naman ako sa kaniya
"Uuwi na'ko, goodnight." Sabi nito sabay talikod, hanggang sa mawala siya sa paningin ko ay pumasok na'ko. Nilock ko muna ang gate at pumasok sa bahay, nilock ko rin ang pintuan at umakyat na sa kwarto ko
Nang makapasok ako ay agad akong humilata saglit na at nagpadeisyonan na mag half bath.
Agad kong tinungo ang banyo at agad nag half bath. Ilang minuto rin ang tinagal ko sa banyo bago matapos. Nang matapos ako ay agad akong nagbihis ng pantulog at nahiga sa kama
Kinuha ko muna ang cellphone ko at nag online muna sa facebook. Pagbukas ko ng facebook ko ay nag I friend request akong na receive, agad ko itong tinignan kung sino iyon
Si Isaiah
Inaccept ko naman ito at pinagpatuloy ko ang pag scroll. Hanggang sa dumaan sa newsfeed ko ang picture ni Isaiah na nakasalamin habang naka side view, ang gwapo niya rito.
Namalayan ko nalang na pinindot ko na ang profile niya at nagscroll sa timeline niya, onti lang ang mga photos niya at Isang shared post na sobrang daming nag rereact, famous. Marami ring nag post sa timeline niya, pamilyar sa'kin ang mga pangalan dahil sa ka building ko, at ang iba hindi na.
Hanggang sa umabot na'ko kaka scroll sa pinakahuling post niya, bigla kong napindot ang like kaya agad akong umalis sa timeline niya at akma na ring papatayin ang cellphone ko ng may magchat sa'kin
Agad ko itong binuksan at halos magsalubong ang kilay dahil sa message nito sa'kin
Isaiah Adam;
"Ikaw ah, stalker pala kita. Crush mo'ko no?"
Chat nito sakin
I'm not your stalker. kahit totoo naman.
Ciara;
"Kapal ng mukha mo, ulol." Chat ko sa kaniya sabay patay ng cellphone ko at nilapag sa lamesa, pinatay ko na rin ang ilaw na at pinikit ko na ang mga mata ko at natulog na

Komento sa Aklat (196)

  • avatar
    Delos reyesJunaica ysha

    so Ganda po

    10/07

      0
  • avatar
    ritzie

    maganda

    09/04

      0
  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    10/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata