Homepage/Marry Me, Engineer/
CHAPTER 36
"Ma'am Ciara, you have a meeting to Gallego Construction Company," she said.
I sighed before I nodded. I stood up before I took my documents.
After what happened kanina ay iniwan ko na siya ron dahil baka iba pa ang pag-usapan namin.
He changed a lot.
At saka matagal na rin kaming tapos 'no. Pag natapos na rin itong project na 'to hindi ko na rin siya makikita. I sighed when I remembered something.
For the past years. I continued my studies in the USA, it was difficult especially since I was new and I was not used to it.
Ngumiti naman ako sa mga bumabati sa'kin. Nang makarating ako sa conference room ay naroon na sila Mommy.
"Hi, Mom," I greeted.
Umupo naman ako sa katabi nitong upuan.
When Mommy found out that I had left the country without her permission she got mad at me.
Pinuntahan pa nga ako ni Mommy para pauwiin lang ako ngunit tumanggi ako kaya mag-isa siyang umuwi ng pinas.
After a months Mom gave birth to my brother.
After a year Mom and Grego got married. I didn't attend on wedding, Mommy tried to convince but I refuse it because I was mad at her because of she did.
I smiled bitterly when I suddenly remembered something. I just shook my head and looked around.
"Where's the other?" I asked my secretary
"Ms Ciara,they are on their way," my secretary said.
Napasandal nalang ako bago hinilot ang aking sentido. Kanina pa masakit ang ulo ko ngunit pinagsalawang bahala ko iyon dahil marami akong tinapos na papers.
Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan ngunit hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin at patuloy pa ring hinihilot ang sentido.
Hindi alintana na may kasama ako rito dahil masakit talaga.
"Sorry. We're late..." Isang mababang boses ang narinig ko.
Napamulat naman ako at umayos ng upo. Hindi na nag-abalang sulyapan dahil boses palang ay kilala na.
"Oh, they're here," my mom said.
"Engineer. Isaiah Gallego, it's nice to meet you again," One of the directors said.
Napakagat labi ako bago ko napagdesisyunan na harapin sila. Tignan ko naman siya bago ang katabi nito.
Tila nanigas ako ng makilala ko kung sino ang kasama niya.
They're still together huh. Congrats then.
Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila at pilit na ngumiti. Tumingin naman ako sa secretary ko bago senyasan na bigyan ako ng tubig.
Tumalikod naman ako sa kanila para makainom ako ng maayos.
"Ciara, I want to introduce to you. Iyong kinuwento ko sa'yo na magaling na Engineer."
Napapikit naman ako ng tawagin ako ni Grego. Even his my mother's husband, I don't want to call him tito or anything.
Binigay ko naman sa secretary ang bottle water bago ako humarap. Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi ko ng magtama ang mga mata namin.
I immediately smiled again. Lumapit naman ako sa kanila at nilahad ang kamay ko.
"Nice to meet you, Engineer. Isaiah Gallegos,"
Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kaniya ng makaramdam ako ng kakaiba. Naroon na rin ang ibang team nito.
Pilit na ngumiti ako at bumalik sa upuan ko. "You're here too, Engineer. Fuentes and Architect Samonte."
"So, let's start?" I asked
Tumango naman sila bago nagsi-upo. Napagat naman ako sa labi ko ng sa harapan ko umupo si Isaiah.
Nagsimula na nga silang mag-usap habang ako naman ay sumandal sa upuan ko.
At hinihilot ang sentido ko dahil sa sakit. Last year ganito din ang nararamdaman ko pero umiinom naman ako ng pain killer para mawala.
Ngayon lang na dumating ako rito sa pinas ay tinigil ko ang pag-inom no'n.
"Ms. Ciara."
Napaigtad naman ako ng may tumapik sakin. Mabilis akong nagmulat at halos lahat ng tao narito ay nakatingin.
"I'm sorry."
"It's okay. So what I said, Ciara. We need your suggest about design, so what's your suggestion?" Grego asked
Napabuntong hininga naman ako bago ko kinuha ang folder na nasa harap ko at tinignan iyon.
Nagbasa ako ro'n ng kaunti at tumingin sa kanila. Ngumiti muna ako.
"I think about it. So the location is in Tagaytay, right?" I asked, looking at the folder.
"Yes, Ma'am," The presenter answered.
"How long would the construction take? In estimation?"
"3 years," Engineer Gallego answered.
Napatango naman ako. Akmang magsasalita pa ako ng tumunog ang phone ko. Napatingin tuloy sa'kin pati na rin si Isaiah.
"I'm sorry. I'll take this call," I said.
"Go ahead," Mom said.
Tumango naman ako bago tumayo at lumabas ng conference room.
"Hello," sagot ko.
"Birthday S*x!"
Napalayo naman ako ng marinig ko ang sinabi nito. Walang hiya babae 'to ang ganda ng pambungad ah.
"Sayie!" Mahinang sigaw ko
Natawa naman 'to sa kabilang linya.
"Umuwi kana pala, hindi mo man lang sinabi sa'kin, Sana nasundo kita," sambit niya na sa tono niya ay nagtatampo.
"Ikaw rin naman ah. Hindi ka nagsabing uuwi ka tapos nalaman ko nalang nasa pinas kana rin," I said.
I heard her laughed again. "Well, I'm sorry beybe. Let's meet again, Xylo?
Napaisip naman ako kung may gagawin ako mamaya o wala. pero sa huli ay pumayag nalang ako dahil kukulitin lang ako nila.
Bumalik na ulit ako sa conference at tinuloy ang meeting. Ilang oras din ang meeting bago natapos.
Nagtungo na ako sa room at tinuloy muli ang mga papeles na kelangan pirmahan.
"Ma'am Ciara, hindi pa po ba kayo uuwi?"
Napaangat naman ng tingin ng pumasok si Lovely, ang Secretary ko. Napatingin tuloy ako sa relo ko. 7:30 na pala ng gabi.
Hindi ko na malayan. Tumingin muli ako sa kaniya at ngumiti. "Later, Love."
Marahan naman 'tong tumango bago ngumiti sa'kin. "Oh, sige po. Ingat ma'am. Uuwi na rin ako, may emergency sa bahay eh."
Tumango naman ako habang siya ay umalis na at ako naman ay tinuloy ang ginagawa ko.
Alas otso napagdesisyunan ko ng umalis sa company. Paglabas ko ng office ay patay na ang mga ilaw at wala ng masiyadong empleyado.
Diretsong lumabas naman ako. Binati pa ako ng guard.
Mabilis akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot iyon pauwi sa condo ko.
I have my own condo. Bumili ako ng condo ko pagdating ko rito. Ayokong mag-stay sa bahay ni Mommy.
Napakunot naman ang noo ko na tila may nakasunod sa'king kotse. Binilisan ko ang pag drive hangggang sa makarating ako sa building ng condo ko.
Mabilis akong bumaba at naglakad papasok. Sumakay naman ako sa elevator. Akmang sasara na 'yon ng may pumigil.
Mabilis akong nag-angat ng tingin, napaawang ang labi ko ng makilala ko iyon, si Isaiah!
Dito rin ba siya nakatira?
Napailing nalang ako bago inangat ang tingin ko. Bakit feeling ko ang tagal umusad ng elevator?
Feel ko parang ang sikip ng elevator kung dalawa lang naman kami. Ako lang siguro ang nate-tense sa aming dalawa.
Mabilis akong lumabas ng elevator ng tumunog na. Hindi naman siguro parehas ang floor namin.
Nakaramdam naman ako ng may sumusunod sa'kin. Mabilis kong tinignan kung sino 'yon.
Huminto si Isaiah sa katabing room ko. Napatigil naman ako ng ma realize kong dito rin siyang nakatira. It's mean kapitbahay ko siya?
Napailing nalang ako bago pumasok. Nilagay ko naman sa sofa ang bag ko at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.
Napatigil ako sa pag-inom ng tubig ng tumunog ang phone ko. Mabilis kong kinuha iyon sa suit ko at sinagot. It's Sayie!
"Nasaan kana ba babaita? Kanina pa kami narito."
Napabuntong hininga naman ako bago ako sumagot.
"Papunta na ako r'yan."
Tanging sinabi ko bago pinatay ang tawag. Mabilis akong nagtungo sa kwarto ko para shower.
Nang matapos akong mag shower ay naghanap ako ng maisusuot ko sa closet.
I decide to wear off-shoulder midi dress. Nilugay ko nalang ang buhok ko na hangggang balikat ko. I put light make up at nang matapos ako ay kinuha ko na ang shoulder bag ko.
"Oh, andito na ang prinsesang laging late," sigaw ni Jillian
Napairap nalang ako bago umupo sa couch.
"Kanina pa kayo rito?" I asked
"Oo, nauna pa nga 'tong si Jillian oh. Broken naman ang ateng niyo," Sayie said.
Hinampas naman siya ni Jillian. "Hindi ako broken 'no. Bakit bawal bang uminom lang kasi gusto ko lang?"
Natawa nalang ako bago nagsalin ng alak. Masamang tinignan ko kung sino ang pumigil sa'kin.
"Hi beybe."
Matalim na tinignan ko siya at mabilis na pinaghahampas.
"W*lang hiya ka. Bakit siya ang ni-recommend mo ah?" Inis na sambit ko sa kaniya
"Oy, teka lang. Beybe sorry na. Marami kasi akong projects kaya hindi na rin masama kung sa kaniya hindi ba? Ayaw mo bang matuloy ang naudlot na magmamahalan niyo?" He said
Napatampal nalang ako dahil sa pinagsasabi niya. Anong naudlot na pagmamahal ang pinagsasabi niya?
"Hoy, sinong pinag-uusapan niyo riyan ah?" Sita saamin ni Jillian
"Iyong ex niyang iniwan niya," sagot ni Neon
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito. Nakangising tinignan niya naman ako at tila nang-aasar pa.
"Ha? Sino? Si Isaiah?" Nagtatakang tanong nito.
Umiwas naman ako ng tingin bago tumango sa kanila. Muli akong nagsalin ng alak at tinuloy pa.
Habang sila naman ay patuloy ang pang-aasar sa'kin. Nakaramdam naman ako ng pagkahilo.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (197)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda po bat bitin? San po next chapter nito?
19d
0so Ganda po
10/07
0maganda
09/04
0Tingnan Lahat