Homepage/Marry Me, Engineer/
CHAPTER 22
Napakunot ang noo ko ng hindi sumasagot si Jillian sa tawag ko. Ring lang ito nang ring tapos mamaya ay mamatay.
I know she have a problem pero ayaw nito sabihin sakin.
It’s been 2 days at hindi pa rin siya pumapasok, Friday na ngayon. Gusto ko sana puntahan kaso nga lang ay hindi ko alam kung nasaan ang bahay niya.
“Hey, are you okay?” Napatingin naman ako sa kaharap ko, pilit na ngumiti ako
“Im fine. Nag-aalala lang talaga ako kay Jillian, this past few days ay palagi siyang absent” ani ko
“Baka may sakit lang siya o nasa vacation” he said
“Vacation? Duh, hindi pa summer para mag vacation siya” I said
“Well, we don’t know. Baka may sakit lang siya at saka baka papasok na siya sa lunes” he said, I just nodded.
Andito kami ngayon sa bench ng school, vacant class namin ngayon. Tinawagan ko rin si Sayie pero hindi rin ito sumagot, baka may klase pa siya.
“Tapos kana ba riyan sa ginagawa mo?” napaangat naman ako tingin at tumingin sa kaharap ko
“Hindi pa pero malapit na rin ito, tapusin mo na rin iyon sa’yo” ani ko sa kaniya, pinagpatuloy ko ang pag search at sulat sa laptop.
Habang si Isaiah naman ay nag d-drawing habang may sino-solve sa notebook niya. Hinayaan ko nalang na tapusin niya iyon dahil may ginagawa rin naman ako.
Ilang oras din bago ako matapos ako, napatingin naman ako sa katabi ko at halos maningkit ang mata ko ng mahuli ko itong nakatingin sa’kin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay, nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi nito.
“Tapos kana?” I asked, tumango naman ito.
“Gutom kana?” tanong niya, I nod.
Kanina pa ako nagugutom pero pinipigilan ko lang para matapos ko ito. Dahil kapag kumain ako ay hindi naka ako maka focus sa ginagawa ko.
“I’ll buy our food” he said, I nod. Tumayo na ito at naglakad na paalis.
Kinuha ko naman ang phone ko. I opened my instragram account. I started to scroll hangang sa matigilan ako ng makita ko si Isaiah sa isang picture, grupo iyon. May nakayakap sa braso niya, nakatingin lang ito sa camera at walang kangiti ngiti.
The girl is beautiful, she’s look like a model.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Maiinis o Matutuwa.
Wala naman kami, eh.
“Why are you talking to yourself?” napaangat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Isaiah
“Wala” Inis na ani ko at tumingin sa dala niya, nang makita niyang nakatingin ako sa dala niya ay agad niyang binigay ang pagkaing hawak niya.
Mabilis akong sumubo ng cookies and cream na ice cream na dala nito. Sunod na sunod ang ginawang pagsubo ko.
“Dahan dahan lang. Hindi ka naman mauubusan” he chuckled
“Gutom na akcho” ani ko habang may pagkaing nakasalampak sa bibig ko
“Kumain kana nga lang mamaya kana magsalita” saway nito sa’kin
Hindi mo nalang siya pinansin at sunod sunod akong sumubo muli. Napatingin naman ako sa kaharap ko na ngayon ay nakatingin saakin habang tinatawanan ako
“Ang kalat mo kumain” ani nito, napanguso naman ako
“Hindi naman ah” ani ko at hinawakan ko ang mukha ko
“Wala naman ah” ani ko ngunit tumawa lang ito at tumayo, bahagyang dumukwang ito kaya medyo magkalapit ang mukha namin.
“Ang kalat mo kumain pero huwag kang mag-alala maganda ka pa rin” ani nito at pinunasan ang gilid ng labi ko
Namumulang nag iwas naman ako ng tingin bumalik na ito sa pagkaupo. Habang siya naman nakangising.
Nang maubos ko ang ice cream ay agad akong tumayo at itapon iyon, kasama na rin ang pinagkainan ni Isaiah.
“Isaiah” napaatas naman ang kilay ko ng may tumawag sa kaniya
Siya iyong babaeng nakahawak sa braso ni Isaiah. Dito rin pala siya nag-aaral?
“Bakit?” tanong nito habang nakatingin sa ginagawa niya
“Free kaba mamaya? Kung pwede sana ay sabay tayong umuwi” nahihiyang ani nito, napakunot ang noo ko.
Hindi ba siya marunong umuwi mag-isa at kelangan magpasama pa siya kay Isaiah?
“Hindi. Ihahatid ko kasi si Ciara” ani nito at binalingan ako ng tingin at ngumiti
“A-Ah. Edi sasabay nalang ako sainyo, pwede naman siguro iyon diba?” ani nito at tila pilit pa ang pagtawa, nagsalubong naman ang kilay ko.
“W-Wala naman sigurong problema sa kaibigan mo” ani nito at sinulyapan ako
“Angela, hindi pwede. Malayo ang bahay niyo sa bahay niya. Sa La Cresentia kapa, diba? Mahihirapan kang umuwi” he said
“A-Ayos lang naman sa’kin, alam ko naman na h-hindi… hindi mo’ko pababayaan” napairap nalang ako dahil sa pamimilit nito
“Hindi kaba nakakaintindi na hindi pwede dahil malayo ang bahay niyo sa bahay namin?” hindi ko na napigilan ang pagsingit sa usapan nila dahil naiinis na ako sa babaeng ‘to.
“A-Ah.. hahaha. G-Gusto ko lang naman na makasabay kayo sa pag uwi” ani nito at bahagyang yumuko pa
“Hindi pwede, Angela. Pasensiya na talaga, may pupuntahan din kasi kami ni Ciara” napaangat naman ako dahil sa sinabi nito, nagkatinginan tuloy kaming dalawa
May pupuntahan ba kami? Bakit hindi ko alam iyon? Sympre hindi pa sinasabi.
“G-Ganoon ba. Sa susunod na nga lang siguro”ani nito at wala pa sabing tinalikuran kami
She likes Isaiah!
“Talaga? May pupuntahan tayo?” tanong ko sa kaniya ng makaalis si hindi ko kilala
“Oo kaya umupo kana riyan. Malapit na rin ang time may next class pa tayo” he said, tumango nalang ako at inayos na ang gamit ko.
Hinatid muli ako ni Isaiah sa room ko at siya naman ay bumalik na rin sa room niya para sa last class namin.
Hindi ko pa rin mapigilan isipin si Jillian, lalo’t na pa absent, absent siya. Wala naman siguro masamang nangyari sa kaniya. Sana nga.
Pwede siguro kung magtanong ako kay Miguel kung nasaan ang bahay ni Jillian. Siguro naman alam niya iyon.
Nagsimulang nagturo ang teacher namin. Habang ako naman ay tila lumilipad ang isip ko, kakaisip ko kay Jillian.
Kahit naman na ilang buwan palang kaming naging kaibigan ay hindi na ako mag aalala. Para ko na siyang kapatid.
Nang matapos ang klase ay inayos ko na ang gamit ko. Pinaalala saamin ng teacher naming na kelangan na namin mag review para sa paparating na test.
Nakayukong naglakad ako palabas ngunit natigilan ako ng may makita akong dalawang pares ng sapatos na nakatayo sa harap ko.
Napatingala ako at ang sumalubong sakin ang nakangiting si Isaiah.
“May problema ba?” masuyong tanong nito, umiling naman ako
“Si Miguel? Nag uusap paba kayo?” pagtatanong ko sa kaniya habang naglalakad kami, napatigil naman ito sa paglalakad at hinarap ko
“Bakit mo siya hinahanap?” nakataas ang kilay nito, natawa naman ako.
“I just want to ask kung free ba siya bukas?” ani ko at yumuko para hindi niya makita ang pinipigil na pagtawa ko
“Andito naman ako bakit naghahanap kapa?” Inis na tanong nito, napakagat naman ako sa labi ko para pigilan ang pagtawa.
“Ha? Bawal ba?” Inosenteng tanong ko
“Oo” maangas na sagot nito na siyang ikinatawa ko ng malakas
Sorry, hindi ko na mapigilan, eh. Namumula na kasi ang mukha niya pati na rin ang tenga at ilong nito.
“Eto naman, joke lang. Hinahanap ko siya kasi gusto ko lang itanong kung nagkikita paba sila ni Jillian” I said, he sighed.
“Hindi na sila nagkikita, umalis na si Miguel” napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nito
Si Miguel? Umalis? Kelan pa?
“Ha? Kailan pa?” nagtatakang tanong ko
“Last month. Umalis siya at umuwi ng Baguio, doon muna raw siya.” He said, napatango naman ako.
Kinabig naman ako nito papalapit sa kaniya at inakbayan ako nito. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng school habang nakaakbay siya sa’kin.
Pumara naman ng jeep si Isaiah, medyo marami ang sakay ng jeep. Sa dulo kami naupo, napaiwas naman ako ng tingin ng mapatingin ako sa katabi ko, nakatingin ito sa’kin. Tumagilid naman ako ng upo, may space pa naman kaya pwede ako makatagilid.
“Ayos ka lang?” tanong nito, tumango lang ako
“Gusto mo palit tayo ng upuan para komportableng makaupo ka” tumango nalang ako at nagpalit nga kami ng upuan.
Kinuha ko naman ang phone ko at kukunin sa ang earphone ko ng nakalimutan ko palang dalhin ang earphone ko, nakakainis naman.
“Meron kabang earphone diyan?” I whispered, tumango naman ito at may kinuha sa bulsa niya, it’s airpods.
Sabi ko earphone, hindi airpods. Sosyal mo Isaiah, ah.
“Anong name nito?” I asked para i-connect
“IsaiahAdam7” he said, tumango naman ng makita ko iyon ay agad kong pinindot iyon.
Nakangiting pumili naman ako ng kanta. “Like 1999 by Valley” ang napili kong kanta. Kinuha ko naman ang Isa at nilahad iyon kay Isaiah.
Sinenyasan ko naman na kunin niya iyon, kinuha naman niya kaagad iyon at nilagay sa tenga niya.
Napangiti nalang ako at sumandig sa balikat niya.
Ang ganda talaga ng kanta nila.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa balikat ni Isaiah.
De javu….I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (196)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so Ganda po
10/07
0maganda
09/04
0done
10/03
0Tingnan Lahat