CHAPTER 10

Nang makapasok ako sa room ay wala akong naabutang teacher. MInabuti kong maupo nalang na maupo. Agad kong binuklat ang librong nakapatong sa lamesa ko. Mag rereview nalang ako tutal wala naman atang pumasok ang teacher namin.
Patuloy pa rin ang pag- iingay ng mga kaklase ko, ang iba naman ay nagkukumpulan at nagkakantahan na animo'y walang nag kaklase sa kabilang room.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko hanggang sa mapagod. Maya maya pa ay lumapit naman sakin si Jillian. Nakangiting nakatingin ito sakin.
Anong nangyari sa kaniya at tila masaya siya?
"Bakit ka nakangiti?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya
"Wala, masaya lang ako" sagot nito
"Bakit ka naman masaya?" tanong ko muli sa kaniya
"Ah, kasi maganda ako?" Patanong na sagot nito, napailing naman ako dahil sa sinabi nito
"Saan banda?" nagtatakang tanong ko sa kaniya sabay kunwaring tinitignan ang mukha niya, agad naman ako nitong hinampas sa braso
"Sa mukha te, sa mukha" ani nito at tinuro pa ang mukha niya
"Saan ba mukha mo?" Nagtatakang tanong ko pero gustong gusto ko ng tumawa
"Kinginamo talaga, Namimilosopo kapa eh" ngumuso naman ito, kaya mas lalo akong natawa dahil sa pag nguso niya
"Oh. bakit ka nga kasi nakangiti?" May nangyari ba?" Ang kaninang nakangusong ay ngayon ay malapad na nakangiting nakatingin sakin
Takang tinignan ko naman siya dahil ang panget niyang ngumiti ng sobra, akala mo ay may masamang balak na gagawin.
"Kasi naman eh..." Pambibitin niya
"Oh, ano nga?" pangungulit ko pa
"May date kami mamaya ni Miguel mamaya" yun lang naman pala eh, kelangan niya pabang ipainggit sakin iyon?
"Ah, yun lang pala eh. Huwag mo na akong inggitin" Balewang ani ko, nabigla naman ako ng pinalo muli ako nito sa braso "Aray ko ah, nakakadalawa kana sakin ah" biglang sabi ko sa kaniya
"Eto naman, Sorry hehehehe. Anyways anong yun lang pala? Duh, Isasama kita sympre" binalingan ko agad siya ng tingin dahil sa sinabi nito
Gago, idadamay pa ako oh.
"Ayoko nga. Sasama ako sainyo? Ginawa niyo lang akong thirdwheel dun eh." ani ko sa kaniya
"Ayaw mo nun? Ikaw ang alalay namin" Agad ko naman siyang binatukan dahil sa sinabi nito
Siraulo ito, gagawin pa ko alalay
"Siraulo ka, maghanap ka nalang ng iba sasama sainyo" ani ko sa kaniya tsaka binalingan nalang ng pansin ang librong nasa lamesa
"Dali na. Sumama ka na saamin?" Inilingan ko nalang siya at hindi na pinansin, pinagtuunan ko nalang ng pansin ang pagbabasa ko. Naramdaman ko naman na tila wala na siya sa tabi ko, bumalik na siguro sa upuan niya. Napabuntong hininga nalang ako tila wala ata akong wala sa babaeng dahil kukulit-kulitin pa rin ako nito.
Walang dumating na lecture dahil may meeting daw ngayon ang mga lecture kaya grabe nalang ang pag hiyawan ng mga kaklase ko dahil sa sinabi ng president namin.
Tutal wala naman ang lecture namin ay kinuha ko nalang cellphone ko, dahil tapos na rin naman ako sa pagbabasa. Agad kong binuksan ang instagram ko dahil hindi ko na ito na oopen dahil sa pagkabusy. Minsan lang din naman ako gumamit ng social media kapag nabo-bored ako. Sa notification agad akong nagtungo ng mabuksan ko iyon at may nakaagaw agad ng atensyon ko ng makita ko ang pangalan nun.
IsaiahAdam following you
Napairap naman, bakit naman niya ako finollow? Imbes na i-followback siya ay pinindot ko ang name niya. Agad na bumungad sakin ang mukha niyang panget.
2 Post 9,564 Followers 34 Following
Ay, famous din pala siya. Dalawa lang naman ang post niya pero bakit ang and ani followers niya? Ha ang ako ito maraming post pero wala naman nag react sa post ko, dinelete ko nalang kesa magmukha akong siraulo.
“Hoy, sino iyan?” agad kong nabitawan ang cellphone ko dahil sa pagsulpot ni Jillian
“Jusko, bakit kaba nanggugulat ah?” Inis na tanong ko sa kaniya, ngumuso naman ito at umupo sa harapan
“Eh kasi naman yayain kitang sumama saamin mamaya.” Ani nito
“Hindi nga ako sasa—” napatigil ako sa pagsasalita ng mapatingin ako kay Jillian, nakangiti ito habang nakatingin sa hawak niya
My eyes widened when I realize na phone ko pala ang hawak niya. Akma ko iyong kukunin ng ilayo niya ito sakin.
“Jillian, akin na iyan” ani ko sa kaniya
“Oh My Gosh! Why did you stalk, Isaiah? Huh?” Nanunuksong tanong nito sakin, napaiwas naman ako ng tingin at muli siyang binalingan ng tingin.
“I didn’t stalk him” I said to her pero para wala itong narinig at patuloy pa rin akong titinignan nito habang nakangiti
“Hindi raw pero kitang kita ko na, oh” ani nito sabay tawa pa
Bakit ko pa nga ba siya inistalk? Pahamak din kasi iyang instagram na iyan, kingina.
“Aksidente kong napindot ko lang ang name huwag ka ngang issue” ani ko sabay iwas muli ng tingin sa kaniya
“Ok. Basta sasama ka saamin ah?” inilingan ko agad siya dahil sa pag iiba nito ng topic. Hindi ako sasama, gagawin niyo lang ako alalayan ron tsaka baka inggit lang din ako dahil ako lang mag-isa.
"Hindi nga ako pwede" ani ko pa sa kaniya
"Hindi ka sasama talaga saamin?" Tanong nito, tumango naman ako sa kaniya "Oh, Sige. Sasabihin ko kay Isaiah na inistalk mo siya at crush mo rin siya"
"Don't you dare," ani ko sa kaniya, I rolled my eyes dahil hindi ata ako makakatanggi
Anak ng! Magsusumbong pa
"Sige na kasi, sige sasabihin ko nalang kay Isaiah na iniistalk mo siya" ani nito at akma pa itong tatayo ng hawakan ko ang braso niya
Anak ng! Magsusumbong pa.
"Oo na, oo na. Umupo kana rito" pagpapayag ko
Agad naman nagliwanag ang mukha nito dahil sa sinabi ko, nakakainis. Makikita ko naman ang panget na iyon.
"Papayag ka rin pala eh" nakangiti ani nito. I rolled my eyes dahil sa pangungulit nito, napapayag niya ako.
"Ahh... Kung hindi mo lang ako binlockmail, hindi ako sasama sa date niyo" ani ko sa kaniya, natawa naman ito.
"Yan lang pala katapat mo, huwag kang mag alala may susunod pa" nakangiti sabi nito, inirapan ko nalang siya.
"Date niyo iyon ni Miguel, bakit kasama pa ako?" Tanong ko sa kaniya, malay natin makalusot pako rito kapag tinanong ko siya.
Ayaw ko talaga sumama dahil makikita ko naman siya, sabi kasi ni Jill isamama niya raw eh.
"Sabi kasi ni Miguel isama ka raw, hindi ko naman inalam ang reason kung bakit" ani nito, napakunot noo naman ako
Ano naman kalokohan iyon? Nakakainis. Paano kaya kung bigyan ko nalang ng rason para hindi ako makasama sa kanila?
"Tara, cafeteria muna, nagugutom ko" pag iiba ko sa usapan, tumango nalang ito. Tumayo nako at nagsimula ng maglakad palabas kasama siya.
Nang makalabas kami sa room ay marami ring estudyante ang nasa labas, dahil nga sa meeting.
Napatigil kami ng may tumawag sakin sa likod namin. Agaran naman akong napatingin pati na rin si Jillian.
"Ciara"

Komento sa Aklat (196)

  • avatar
    Delos reyesJunaica ysha

    so Ganda po

    10/07

      0
  • avatar
    ritzie

    maganda

    09/04

      0
  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    10/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata