Homepage/Accidentally Married To Stranger.. Mafia Boss?/
Kabanata I
Kiara Pov's Nang imulat ko aking mga mata ay hindi pamilyar na silid ang aking nabungaran. Malawak ito at kulay abo at puti ang kulay ng interior ng silid. Inilibot ko ang aking paningin, pero hindi ko talaga alam kung nasaan na ako. Kanino bang silid ito? Nasaan na ba ako? Ang natatandaan ko lang ay pinilit ako ng tatlo sumama sa bar. SA BAR!! TAMA! Nasa bar ako. Pero teka paano nga ba ako dito napadpad at kanino to? Dahil sa maraming katanungan sa aking isip ay sumakit tuloy ang ulo ko, sumama pa ang hang-over kaya naman doble ang sakit. Napaupo tuloy ako at napasapo ng ulo, at saktong ganong posisyon ko bumukas ang pinto. Napatingin tuloy ako dito na hawak parin ng kanang kamay ko ang aking ulo. Parang nagising ako sa aking nabungaran. Anghel ba to? Bat ang guwapo? Pair deep black eyes na kapag nasinagan ng araw ay nagiging kulay abo. Pointed nose and a perfect lips na masarap halikan--, "Finally your awake." Nagising ako sa pagpapantasya sa kaharap ko ng magsalita ito. Napakurap-kurap pa ako para makabawi. "Teka, nasaan ako?."naitanong ko, para bawas pahiya naman. Baka isipin pa nito pinagpapantasyahan kona siya--na totoo naman. Imbis na sumagot ang guwapong nasa harap ko ay humakbang lang ito papalapit sakin kaya naman nataranta ako. Teka anong gagawin sakin nito. Itinaas ko ang aking isang kamay para pahintuin siya sabay sabing "Diyan ka lang hangga't hindi mo sinasabi sakin kung nasaan ako."nagpapanic kong aniya dito na kinahinto naman nito sa paghakbang at napakunot ang noo. "In my house."matipid na sagot nito at blangko ang mata ako nitong tinitigan. Napatango-tango naman ako, kaya nasagi ng paningin ko ang aking suot. Teka bakit nag-iba ang suot ko? Hindi kaya? Hindi kaya pinagsamantalahan niya ang walang malay kong katawan? Noooo!!! Kaya naman napataas ang tingin ko at masamang tingin ang pinukol ko dito. "Walang hiya ka! Pinagsamantalahan mo ako,huhuhu."akusa ko dito na parang naiiyak na at napatakip ng dalawang braso sa aking dibdib. "Relax miss hindi kita pinagsamantalahan, your not even my type."aniya nito na napailing-iling pa habang may amuse na kislap sa mga mata nito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nito, pero napakunot noo ng ma-realize ang huling sinabi nito. Di hindi niya lang type. Bakit type ko rin ba siya,tsk! Kaya naman pala walang masakit na parte sa katawan ko dahil wala naman palang ginawa. Mabuti naman. Pero teka bakit iba ang suot ko ngayon? Kaya naman napatingin muli ako dito na may naniningkit na mga mata na ikinakunot ng noo nitong muli. "E bakit iba ang suot ko?! Wag mong sabihin na--"hindi kona natapos ang sinasabi ko ng sumabat na ito. "Tss. Si Manang Lisa ang nagpalit ng damit mo dahil nasukahan mo kagabi."sagot nito sa tanong ko. "And get up there and take a bath you smell awful. Kung hinahanap mo ang damit mo, nasa loob ng kabinet at pinalaba kona kagabi para may ipangpalit ka ngayon."dagdag pa nito bago ako tinalikuran na may binubulong sa sarili at niluluwagan ang neck tie nito na lumabas na ng silid. Na stress na ata sakin. Pero ang bastos na lalaki, hindi man lang ako pinagsalita at lumabas agad. Kaya napaismid nalang ako at naisipang amuyin ang sarili dahil sa sinabi nito. Napangiwi ako ng matapos kong amuyin ang aking sarili, ang baho ko, amoy akong vomit. Kaya naman napagpasyahan ko ng bumaba sa kama at dumiretso na sa tingin ko ay banyo. Nang buksan ko ang pinto at makapasok ay namilog pa ang mga mata ko. Oh my gosh, mas malaki pa tong banyo sa kwarto ko. Nilibot ko ang namimilog at may pagkamanghang mata sa buong banyo. Sosyal at kompleto. Hindi kona ididitalyado dahil isang salita lang ang masasabi ko, sobrang yaman nung mukong na yon, as in. Nagtagal pa ako sa paglilibot ng tingin sa paligid ng banyo at pagi-examin nito bago napag-pasyahan ko na nga maligo. Nang natapos maligo ay sinuot ko ang nakahangir na roba na sa tingin ko ay para talaga gamitin ko. Siyaka haler! Hindi pwede akong lumabas ng nakahubad, baka paglabas ko ay nasa labas ang mukong na yon. Di nakita niya ang napaka-sexy kong katawan. And I don't want that to happen, over my dead body. *** Nang natapos akong mag-aayos ng sarili ay napagpasyahan ko ng lumabas ng kwarto. Nagpanganga pa ako dahil sa sobrang ganda ng paligid. Ano to mansiyon!! Ang ganda. I never thought na makakaapak ako sa dream house ko. Ang swerte naman ng mapapangasawa ng may-ari nito. Kainggit! Naglakad na ako papunta sa hagdan. Nalula pa ako dahil sa sobrang taas ng kinatatayuan ko. Nakalaglag panga at namamangha akong humakbang sa hagdan. At napalitan ang ekspresyon ng mukha ng pagod at hingal. Grabe naman kasi sobrang taas ng kwarto at sa 4th floor pa ito. GRABEEE!! Napalibot naman ang tingin ko sa paligid kahit naghahabol ng hininga parin sa hingal sa pagbaba sa pesteng hagdan na yon. Agad naman itong tumama sa isang tao na nakaupo na sa dinning table at seryosong nakatingin na sakin. "Lets eat"biglang sambit nito sa malamig na boses. Kaya naman ay lumapit nalang ako dito at umupo sa kaharap niya na upuan. Syempre aarte paba ako, eh gutom na ang mga baby bulate ko. "Sobrang taas naman ng kwarto"hindi ko napigilang reklamo dito. "Tsk..shut up. Just eat."biglang sambit lang nito sakin. Kaya napakunot ang noo ko at nabuhay ang konting inis sa kalooban ko. Sungit! tusukin ko yang mata mo eh. Dahil sa sobrang gutom nalang din ay kinalimutan ko nalang ang inis ko at kumain nalang. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay bigla akong may naalala kaya napabitaw ako sa hawak kong kubyertos at nag-angat ng tingin sa kanya na seryoso lang sa pagkain at mukhang walang pakialam sa paligid. "Bakit nga pala ako napunta dito sa bahay mo?"naitanong ko. Bigla naman itong napatigil sa pagkain at nabigla pa ako when his gaze met mine. Grabe kasi siya makatingin parang hinahalughog yung kaluluwa mo. Parang ganong feeling. "You dont remember last night"hindi ito tanong kundi final na statement nito. Hindi ko naman maiwasan mapalunok. Dahil nakatingin parin ito sakin. Tumango naman ako at napatikhim bago magsalitang muli at napaiwas ng tingin dito. "A-ano ba ang nangyari k-kagabi?"tanong ko dahil wala talaga akong naaalala kagabi. huhu. Napakunot naman ang noo nito at napailing at nagbaba na ng tingin sa pagkain niya. Kaya naman napahinga ako ng malalim. "Tsk. Stupid, we're married"simpleng sambit nito. "ANO?!" Nagulat ako sa sinabi nito na kahit ang pagtawag niya sakin ng stupid ay hindi ko nalang pinansin. Anong pinagsasabi nito! Anong married-married. Bigla naman may bumuhos na alaala sa akin. Simula sa pilitin akong mag-bar ng tatlo. Hanggang sa nauwi sa dare na ginawa ng mukong na baklitang yon. Napahilamos naman ako sa mukha gamit ang dalawang kamay ko sa naalala. Ano bang kagagahan ipinaggagawa mo Kiara! Bakit sinunggaban mo pa ang dare ng baklitang yon! Huhu. I'm trouble. Kasalanan ito ng mga baliw kong mga kaibigan. Dahil sa litseng dare na yon hindi ako makakasal sa isang itong na hindi maintindihan ang attitude. kainis talaga. Napahinga nalang ako ng malalim at napatingin muli dito na sinusubaybayan lang ang kamiserablihan ko bago ako nagsalita. "Ahmm d-dare lang yong kagabi." nahihiyang na sabi ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito at pagseryoso ng tingin sakin. "If is a dare it doesn't change the fact that were married now."seryosong sambit nito habang walang emosyon sa matang makikita dito. Bumagsak naman ang balikat ko. Parang may malamig na tubig din ang bumuhos sakin. What do I do now? Huhu. Kaya hindi nalang ako nakapag salita pa at kumain nalang kahit nawalan na ako ng gana dahil sa nalaman. Nang natapos na kaming kumain ay nagsalita na ulit ako. Naalala ko kasing may pasok pala ako sa school ngayon at may trabaho pa ako mamayang 6pm sa coffee shop. "Uhm, uuwi na ako may pasok pa ako sa school ngayon"aniya ko na hindi na nagtapon ng tingin dito dahil naiilang na ako. "Okay, i send you home."narinig kong sagot nito. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa lumabas na kami na nakasunod lamang ako. Paglabas sa pinto ay agad may humintong sasakyan sa harap na kulay itim. Nalaglag pa ang panga ko sa sasakyan na nasa harap. A freaking Lamborghini! Bakit ba nagugulat pa ako? Eh halata naman na mayaman ito dahil dito palang sa tinatapakan ko na bahay niya, mansiyon na. Sumakay naman ito sa kotse kaya sumakay na rin ako na namamangha parin. Maya maya lang ay naramdaman kong umandar na ang sasakyan kaya napa-seatbelt agad ako. Safety come first. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa tinitirahan kong bahay. Bigla naman napakunot ang noo ko. Teka nga lang, pano niya nalaman ang bahay ko? eh hindi ko pa naman nababanggit kong saan ako nakatira. Kaya naman naniningkit ang matang napatingin ako dito at kuryusado. "Pano mo nalaman ang bahay ko?"takang tanong ko. "Tss, I have my ways and remember I fetch you later at sa bahay kana titira."aniya lang nito. Kaya naman nganga ang lola niyong lumabas ng sasakyan. Hindi ko nalang namalayan na nakaalis na ang sasakyan habang hindi parin akong makapaniwalang nakatayo sa labas ng bahay. What just happened? Am I dreaming? Please wake me up if I'm dreaming.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (89)
EsmeroCory
grabe amazing story my kilig my actions my magandang samahan ng mgkaka ibigan my pgmamahal s magulang nice story.
grabe amazing story my kilig my actions my magandang samahan ng mgkaka ibigan my pgmamahal s magulang nice story.
03/09/2024
0ay ganda... happy
09/07/2024
0Ganda
14/03/2024
0Tingnan Lahat