"Mom, these are for you. Cheer up, mommy! Always wear your beautiful smile!" paalalang wika sa akin ni Magnus na tinanguan lamang ni Vanus. Hinalikan ko naman sila sa noo at ako'y nagpasalamat. "Thank you, ang bait talaga ng mga baby ko. Parang mga angel na ibinigay sa akin ni Jesus. Tell me, kayo ba talaga ang mga anak ko o mga angel lang kayo na nagpapanggap na mga baby ko?" nagbibiro kong tanong. "We are your sons, mom," sagot ni Vanus at humawak sa aking kamay. "We are your babies and angel mo rin po kami," nangingiting wika ni Magnus na akin namang ikinatawa. "Wow, sige na mga angels, dadalaw na tayo kay lolo!" Tumango sila saka hinawakan ang aking magkabilang kamay at sumabay sa aking paglalakad. Isinakay ko sila sa aming sasakyan at sinigurong maayos silang nakaupo at walang problema saka ako sumakay sa kotse at saka ko ito pinaandar. Nang makarating kami sa lugar kung nasaan ang sementeryo ay bumili kami ng bulaklak at mga kandila sa malapit na tindahan bago pumasok, dumeretso kami sa puntod ni daddy at nagulat naman ako sa aking nakita. May bagong tirik na kandila at fresh na bulaklak, para bang may naunang dumalaw kay daddy kaysa sa amin. Sa totoo lang ay hindi naman na ito bago sa akin, sa tuwing may okasyon o araw ng pagkamatay ni daddy ay lagi akong nagugulat dahil pagdating ko sa kaniyang puntod ay may bulaklak at may kandila na. Nagtataka na nga lamang ako dahil wala namang ibang pwedeng bumisita sa kaniya dahil ako na lamang ang natitira niyang pamilya. Ang mga kaibigan niya ay yumao na rin at ang iba ay nasa ibang lugar. Hindi ko na ito pinalaki pa at tulad ng aking madalas na ginagawa ay hinayaan ko na lamang ito at saka ko itinirik ang kandila at inilagay ang bulaklak na dala ko. "Hello po! Sorry po at ngayon lang kami nakarating, galing po kasi ako sa cafe at sinundo ko pa kasi ang mga apo ninyo. Kumusta na ba kayo d'yan, daddy?" Tumayo ako at lumapit sa aking mga anak. "Hi lolo! I miss you po, miss ka na po namin!" saad ni Magnus saka lumuhod at inilagay ang isang candy. "Sana po maayos kayo at mapayapa, lolo." Lumuhod din si Vanus at ibinigay ang isa ring candy na itinabi pa ata nila. Pinagpagan ko ang kanilang mga tuhod at ako ay nagpaalam na. "Daddy, sorry at hindi kami pwede magtagal, kailangan na rin magpahinga ng mga bata at kailangan ko pa ring maglinis. Mauuna na po kami, miss ka na po namin, I love you, daddy." "I love you, lolo!" sabay na wika ni Vanus at Magnus. Nagpaalam akong muli at saka kami nag-umpisang lumakad papalayo. Nang makarating kami sa aming bahay ay agad ko silang pinagbihis at pinagpahinga, binigyan ko sila ng makakain at pinaupo sa isang tabi. "Maglilinis muna si mommy, behave lang kayo. Okay?" tanong ko sa kanila. "Okay mommy!" sagot ni Magnus at tulad ng dati ay tumango lamang si Vanus. Mag-uumpisa na sana ako sa paglilinis nang biglang tumunog ang aming doorbell. Ibinaba ko ang aking hawak at pinapasok sa kwarto ang kambal. "Baby, pasok muna kayo sa kwarto niyo. Tatawagin ko na lang kayo kapag pwede na lumabas. Vanus, bantayan mo ang kapatid mo, 'wag makulit, behave lang. Dalhin niyo na ang snacks niyo," paalalang wika ko sa kanila. "Okay, mommy." Tumayo si Vanus at Magnus saka umakyat sa kanilang kwarto dala ang kanilang pagkain. Lumapit ako sa pinto at saka ito binuksan, tumambad naman sa akin ang mukha ng aking tiyahin. "Tiana, my dear pamangkin. Kumusta ka na?" malambing na wika nito. Napakalambing naman ng boses mo, tiya. Kung hindi ko lang alam na maitim ang budhi mo ay baka nauto mo na ako. "What are you doing here, Aunt Matilda?" tanong ko sa kaniya. Nawala naman ang ngiti sa kaniyang mga labi at tumaas ang kaniyang kilay. "Tiana, hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Wala kang galang, ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Ay! Pasensya ka na, pamangkin ko. Nakalimutan ko na hindi ka nga pala napalaki nang maayos ng iyong mga magulang dahil abala sila sa sarili nilang buhay," nakangisi niyang wika. Ngumiti naman ako. "Talaga naman pong makakalimutan niyo 'yon dahil wala naman po talagang nangyari na gano'n. Hiwalay lang po sila mommy at daddy pero hindi nila ako inabandona. Hala! Pumasok po muna kayo at baka dahil sa init ay nagdidiliryo na kayo," ani ko. Nawala naman ang kaniyang ngisi at saka siya pumasok sa aking tahanan, inikot niya ang kaniyang paningin sa loob at saka siya malakas na tumawa. "Napakaliit naman ng iyong bahay, Tiana. Hindi ka ba napamanahan ng iyong magulang? Oo nga pala, ulila ang ama mo at itinakwil na ng pamilya namin ang ina mo. Saan nga ba sila kukuha ng ipapamana sa 'yo?" Tumawa siya at lumakad papunta sa aming kusina. "Siguro kukuha sila sa sarili nilang negosyo? Kasi yumaman sila dahil sa sarili nilang kakayahan at hindi sa pamana ng pamilya na babagsak na rin naman ngayon." Ngumiti ako at kumuha ng baso saka juice sa refrigerator. Itinakwil pala si mommy, eh bakit narito ka at ginagambala ako? Ang kapal pa ng mukha at tinatawag mo pa akong 'My dear pamangkin' kaloka ito. "Sabagay, talaga namang magaling at may kakayahan si Allana. Sa lahat ng bagay siya ay pinupuri dahil sa kaniyang galing ngunit hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit nahulog siya sa isang walang kwenta na lalaki. Walang pinag-aralan, walang yaman at walang pamilya. Anong gayuma kaya ang ginamit ni Bernardo para mapaibig niya si Allana?" nagtatakha at nakaloloko niyang tanong. "Hmm, sa tingin ko wala namang gayuma ang nagamit. Siguro ay tamang pag-aalaga, pagrespeto at pagtanggap ang nakapagpaibig kay mommy? Bagay na hindi maiintindihan ng isa d'yan na pati ang kasal niya ay ipinaubaya sa ama." Tumayo siya at hinampas nang malakas ang lamesa saka tumingin sa akin habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. "How dare you?! Huwag mong idadamay rito ang nakaraan!" galit na wika niya. Tumaas naman ang aking kilay dahil sa kaniyang sinabi. Huwag idamay ang nakaraan? Pero siya naman ang nauna? Ako ba ay pinaglalaruan niya? "Tama na ang pag-uusap. Narito ako para sabihin sa 'yo na may binatang investor ang kumpanya. Mayaman ito, walang nobya at matipuno." Umupo siya at inilabas ang isang dokumento at ibinigay ito sa akin. Kinuha ko ito at ito'y aking binuksan. Marriage Contract? Nagbibiro ba siya? Pumunta siya rito para ipakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman kilala? "Tiya, wala akong paki kahit na presidente pa siya o prinsipe siya ng isang mayaman na bansa. May anak na ako, at hindi ako magpapakasal sa kahit na sino." "Nakalimutan ko, may mga bastardo ka nga pa lang inaalagaan. Asan na ba sila? Kung ayon lang naman ang iyong iniisip ay hindi naman mahirap ipaampon ang mga bata." Napakuyom na lamang ako ng aking kamao dahil sa aking narinig. "Hindi ba't parang sumosobra na kayo?" tanong ko sa kaniya. "Ano ba ang iyong sinasabi? Ano ang sumosobra? Masyado ka namang sensitibo, hindi ba kanina pa nga tayo nag-uusap at kanina mo pa rin ako pabalang na sinasagot pero hindi ko naman 'yon sinasapuso? Nagbibiruan lang naman tayo, sige. Ganito na lang, mahilig naman sa bata si Mr. Mariano, kahit na may anak ka na ay tatanggapin ka pa rin naman siguro niya? Sa panahon ngayon ay hindi naman na bago ang paggamit sa mga bagay na gamit na, onting ayos lang at magagamit na rin naman ulit, ano nga ba ulit ang tawag doon? Recycle?" nang-aasar niyang tanong. Huminga ako nang malalim saka ako nagsalita. Sabi ko, "Salamat sa suggestion niyo pero hindi ako interesado. Mahal ko ang mga anak ko at wala akong balak magpakasal sa kung sino man 'yang lalaki na sinasabi niyo. Isa pa, single mother ako hindi plastic para sa recycle. Saka 'wag niyo sana akong itulad sa inyo na nagpapagamit lamang sa asawa kasi contract lang ang kasal nila, kung gusto ninyo ay ipakasal niyo 'yan sa anak niyo, ay teka! Naalala ko na, wala nga pala kayong mga anak, kaya siguro napakadali lang para sa inyong sabihin na ipamigay ko ang mga anak ko." Tumayo ito at lumapit sa akin, akmang sasampalin niya ako ngunit inunahan ko siya. Sinampal ko siya nang malakas at agad namang namula ang kaniyang pisngi. "H-How dare you? Wala ka talagang galang!" sigaw niya sa akin saka muling sinubukan akong sampalin. Sinalo ko ang kaniyang kamay at itinulak siya. "Magalang ako, pero hindi sa mga katulad mo na walang respeto! Kung gusto mong igalang ka ng ibang tao, matuto ka ring gumalang! Pasalamat nga kayo at ayan lang ang inabot niyo." Tumawa naman siya ng malakas. "Ano nga ba ang inaasahan ko sa anak ni Allana? Kung suwail siya ay suwail din ang anak niya. Sana lang ay lumaki nang maayos at malusog ang mga anak mo, Tiana. Because I don't know? Hindi naman natin alam ang maaaring mangyari, kaya humanda ka." Dahil sa galit ko sa kaniyang sinabi ay hinila ko siya palabas ng aking bahay at itinulak palabas ng gate. "Wala ka talagang galang! Para ka lamang mommy mo! Mga walang respeto! Mga walang kwenta! Hindi kayo marunong tumanaw ng utang na loob!" Galit niyang sigaw. "Wala akong utang na loob sa inyo! Kung wala akong kwenta ay mas lalo na kayo! Kung itinakwil na ng pamilya niyo si mommy ay bakit niyo ako isinasama sa problema ng magulo ninyong pamilya?! Alam mo ba? Sobra akong nagpapasalamat sa mga magulang mo dahil itinakwil nila si mommy, hindi ko na kailangan pang maging parte ng magulo ninyong pamilya! At 'wag na 'wag kitang makikitang lumapit sa mga anak ko dahil kapag mayroong nangyari sa kanila o may ginalaw kang kahit isang hibla lang sa buhok nila, sinasabi ko at ipinapangako ko sa 'yo na magkakamatayan tayo!" "Pinagbabantaan mo ba ako? Aba't sige! Magkita tayo sa prisinto!" galit at nagbabantang wika ni Matilda. "Sige! Magkita tayo sa prisinto at tignan na lamang natin kung sino ang mabibilanggo! Go! Bring it on, Matilda!" sigaw ko sa kaniya. Nanlilisik ang mata siyang tumingin sa akin saka tumayo at umalis. Naiwan naman akong nakatayo roon at hinahabol ang aking hininga. "Walang magawa sa buhay, pupunta ka lang dito para manggulo." Dahan-dahan akong lumakad papasok ng pinto. Sinalubong ako nila Magnus at Vanus dala ang isang basong tubig. "M-Mommy, okay ka lang po ba?" tanong sa akin ni Vanus. "Bakit kayo nasa labas? 'di ba sabi ko sa kwarto lang kayo at 'wag lalabas? Bakit hindi kayo nakinig sa akin? Ang kulit niyo!" galit kong wika. "S-Sorry po," malungkot na wika ni Vanus. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ko ang aking inasal. "B-Baby, I'm sorry. Hindi naman sinasadya ni mommy 'yon, hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. I'm sorry, baby. I'm sorry." Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit at pinunasan ang kanilang mga luha. "M-Mommy, ipapamigay mo po ba kami katulad ng sinabi niya? Kaya po ba galit ka sa amin?" ani Magnus. "No, no. Hindi naman galit si mommy, sorry baby, hindi ko naman sinasadya makapagsalita nang gano'n." Sinubukan ko ulit silang yakapin pero nagpumiglas si Magnus. "No! You hate us! Gusto mo na kaming ipamigay para magpakasal! Iiwan mo na kami tulad sa mga sinasabi ng ibang tao!" sigaw ni Magnus saka tumakbo palabas ng bahay. Dahil sa panghihina ay hindi ko na nagawang habulin si Magnus at ako'y napaiyak na lamang. HUMINTO ako sa tapat ng bahay ni Tiana, pinatay ko ang makina ng aking sasakyan at tumingin sa kaniyang bahay. Umaasa ako na masilayan kahit na sino man sa kanilang tatlo. Naupo lang ako sa aking sasakyan at nanatiling nakatitig sa kanilang bahay. Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Tiana hila ang isang babae, pagdating nila sa gate ay itinulak niya ito palabas. "Wala ka talagang galang! Para ka lamang mommy mo! Mga walang respeto! Mga walang kwenta! Hindi kayo marunong tumanaw ng utang na loob!" galit na sigaw ng babae kay Tiana. Nanlilisik ang matang tumingin si Tiana sa nakaupong babae. "Wala akong utang na loob sa inyo! Kung wala akong kwenta ay mas lalo na kayo! Kung itinakwil na ng pamilya niyo si mommy ay bakit niyo ako isinasama sa problema ng magulo ninyong pamilya?! Alam mo ba? Sobra akong nagpapasalamat sa mga magulang mo dahil itinakwil nila si mommy, hindi ko na kailangan pang maging parte ng magulo ninyong pamilya! At 'wag na 'wag kitang makikitang lumapit sa mga anak ko dahil kapag mayroong nangyari sa kanila o may ginalaw kang kahit isang hibla lang sa buhok nila, sinasabi ko at ipinapangako ko sa 'yo na magkakamatayan tayo!" galit na wika ni Tiana. Ano ba ang nangyayari? Bakit galit na galit si Tiana? May kinalaman ba ito sa kambal? Siguro. Dahil hindi ko pa nakikitang sobrang magalit si Tiana, ngayon pa lamang. "Pinagbabantaan mo ba ako? Aba't sige! Magkita tayo sa prisinto!" galit at nagbabanta na wika ng babae. "Sige! Magkita tayo sa prisinto at tignan na lamang natin kung sino ang mabibilanggo! Go! Bring it on, Matilda!" sigaw ni Tiana. Tinignan lang siya ng babae at saka ito galit na lumakad paalis. Naiwan naman si Tiana na nakatayo sa gate at nanginginig. Ilang beses siyang huminga ng malalim saka bulong bago dahan-dahan na pumasok sa loob ng kaniyang bahay. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Lenard. "Lenard, alamin mo nga kung sino ang dumalaw sa bahay nila Tiana ngayon. Babae, I think nasa fifty na siya, naka red dress at red ang sasakyan, hindi ko nakita ang plate number at ang brand ng sasakyan. Hanapin mo then run a background check saka mo isend sa akin." Ibinaba ko ang tawag at binuksan ang makina, papaandarin ko na sana ang aking kotse nang makita kong tumakbo palabas si Magnus habang umiiyak. Pinatay ko muli ang makina at saka ako bumaba ng kotse para sundan si Magnus dahil baka mawala ito o baka mapahamak. Sa pagsunod ko kay Magnus ay parang naikot na namin ang buong lugar, nakita ko rin ang paglingon niya sa kanan at kaliwa pati sa likod at sa harap na para bang hinahanap niya na ang daan pabalik. Nang kaniyang napagtanto na naliligaw na siya ay napaiyak siya lalo saka umupo sa gilid ng sidewalk. Lumapit ako sa kaniya at saka ko siya kinausap. "Hey, Magnus! Bakit ka nakaupo rito at bakit ka umiiyak? May umaway ba sa 'yo?" tanong ko sa kaniya. "Mr. Ice cream? Bakit po kayo narito?" tanong naman niya sa akin. Pfft. Mr. Ice cream, ayon na ba ang tawag nila sa akin? That's really cute. "Naglilibot lang ako, ikaw ba?" sagot ko sa kaniyang tanong. "Naliligaw na po ako, gusto ko na po umuwi pero hindi ko po alam kung saan ang daan," malungkot niyang wika. "Gusto mo ihatid kita?" tanong ko sa kaniya. "Talaga po? Alam mo ang daan, Mr. Ice cream?" Tumango naman ako habang nakangiti at inilahad ang aking kamay, hinihintay na abutin niya ang aking kamay. "I'm tired, I can't move my legs." Sinubukan niyang tumayo pero nanginginig siya at hirap siyang tumayo. Ngumiti ako at iniharap sa kaniya ang aking likod. "Sakay ka na muna sa likod ni Mr. Ice cream. Magpahinga muna tayo roon sa parke at ihahatid kita sa bahay niyo." Tumango lamang siya at sumakay sa likod ko. Siniguro ko namang komportable na siya saka ako naglakad papunta sa parke, umupo kami sa ilalim ng puno at saka kami nagpahinga. "Bakit ka ba umiiyak at bakit ka nagawi rito?" tanong ko sa kaniya. Umiwas siya sa aking tingin at yumuko. "Kasi may pumunta sa bahay naming bad na babae, gusto niyang ipamigay kami ni mommy." "Bakit naman? Saka hindi naman kayo ipapamigay ng mommy mo kaya bakit ka umalis ng bahay niyo?" nagtataka kong tanong. "I know but I'm scared...lagi na lang naming naririnig na may umaaway kay mommy dahil sa amin at nagsasabi na iwan na kami ni mommy, natatakot po ako na baka isang araw mainis na sa amin si mommy at iwan na kami. Ayaw ko po no'n gusto ko magstay si mommy, wala na nga kaming daddy tapos gusto pa nilang kunin sa amin si mommy," ani Magnus habang umiiyak. Hindi ako nagsalita at niyakap na lamang si Magnus. Sa totoo lang ay wala kasi akong masabi at hindi ko alam kung ano ang aking dapat na reaksyon. Hinayaan ko lamang umiyak si Magnus habang yakap ko siya at dahan-dahan na hinahagod ang kaniyang likod. "Your mommy loves you, Magnus. Mahal kayo ng mommy niyo, dapat lagi niyo 'yang tatandaan." Lalo naman siyang naiyak dahil sa aking sinabi. Mukha ngang may nangyari, alam kong masiyahing bata si Magnus at siguro'y sobra lang siyang natakot na baka nga iwan sila ni Tiana. Intensyon ko talaga na kapag nalaman kong anak ko sila ay susubukan kong mabuo ang pamilya namin, kung hindi naman ay balak kong kalimutan na lamang ang lahat at ituloy ang aking buhay. Ngunit ngayon ay nagbago na ito, kung sila ay anak ko ay magsusumikap ako at gagawin ko ang lahat para mabuo kami at hindi na sila masaktan pa ng ibang tao, kung hindi naman ay gano'n pa rin ang aking gagawin, kung tatanggapin ako ni Tiana ay hindi ko na iisipin kung kanino sila at mamahalin ko na lamang sila ng buo na para bang sila ay akin. Hindi ito dahil sa awa pero dahil sa gusto ko silang sumaya, magaan ang loob ko sa kanila at gusto ko silang makasama "MAGNUS!" sigaw ng isang babae. Ako naman ay nanigas sa aking kinatatayuan at dahan-dahan akong lumingon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
igihigidhosdi guess yahoo uu
01/10/2024
0a really good story
17/09/2024
0The content is very good
29/08/2024
0Tingnan Lahat