Kapitolo 30

Pinark ko na ang bike ko atsaka ako pumasok na sa loob. Umupo na ako sa dulong bahagi.
"May i know your order Ma'am?" napatingin ako sa pamilyar na boses.
"Tubig lang" ani ko sabay tinaasan ko sya ng kilay dahil sa gulat pa rin itong nakatingin sakin.
"Ang daya mo!" uupo na sana sya sa harapan ko na bigla ko itong hinila.
"Nasabi na ba sayo ni Manager Angel na may new employee na tayo? Ngayon na yung start niya"
"Lalaki o Babae?"
"Babae sya, mukhang mahinhin ang isang yon at halatang ang bata pa tignan"
"Dito ka muna dahil itatakas kita muna kay Manager" sabi ko ngunit bineletan lang ako nito at umiling.
"Ayoko beh, baka masisante pa ako sa mga kalokohan mo! Tubig lang diba?" tumango na lamang ako atsaka sya tinaboy para makaalis na sya sa harapan ko.
Dahil ayaw niya naman din na manatili dito para lang samahan ako, nagsabi pa naman ako sa kanya na itatakas ko nga muna siya kay Manager kaso ayaw niya.
Edi don't kung ayaw niya hindi ko naman sya pinipilit.
Ang tagal naman ng baklitang yon! Tubig lang naman hinihingi ko parang galing pa yatang palengke sa sobrang tagal.
Habang busy akong nakatanaw sa labas ng glass window naramdaman ko na lang na may taong nakaupo na sa harapan ko ngunit hindi binigyan pansin yon.
"Hi"
Nilingunan ko yung nasa harapan ko at bahagya akong napakunot ng noo dahil nakangiti ito sakin.
Saktong dumating naman si Boris.
"Kilala mo?" bulong nya sakin na agad ko namang ikinailing ng ikinatango naman nya.
"What are you doing here pala, Hira? Sa monday ka pa papasok diba?" tanong sakin ni Boris ng ikinatango ko naman.
"Oo, bakit?"
"We have a new employee now, ngayon yung start niya" napatango na lamang ako dahil nasabi na sakin ni Pupo yan kanina.
"Kung ganon nasaan siya?" sabi ko sa kanya atsaka niya tinuro yung staff room.
Napatango-tango na lamang ako dahil sa baka hindi pa sya handa.
"Bakit pala hindi pa nag se-serve?"
"Wala pa naman daw masyadong costumer" kinunotan ko na lamang ng noo si Boris dahil sa sinabi nito.
Sabagay onti pa naman ang taong nandirito pero kahit na need niya pa ring nandito siya baka kase kailangan din naman if ever na walang kumikilos na kunin yung order ng ibang kostumer.
"Kahit na, tsk! ang arte naman nun" napangisi na lamang si Boris atsaka ito lumakad paalis.
Ramdam ko pa rin yung presensya ng taong nasa harapan ko. Akala ko'y umalis na ito dahil sa hindi ko ito pinapansin at kinakausap.
"Im Elron, You?" hindi ko sya pinansin ng tanungin ako nito dahil nakatingin lamang ako sa labas ng bintana.
Napakunot-noo ako ng makarinig ako ng pag-click ng isang cellphone kasabay ang pag-flash nito ng makita ko ang naging repleksyon ng camera sa bintana.
Napatingin ako sa kanya habang hawak nito ang kanyang iPhone 11 pro max na nakatutok sakin.
"Bakit mo ako kinuhaan ng litrato?" tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin.
"Give me your phone" ani ko ngunit hindi niya rin ako pinansin kaya't huminga na lamang ako ng malalim dahil sa katigasan ng pagmumukha nito.
Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana kesa pagtuunan ng pansin ang batang ito.
"Yeah, fine just delete it na lang" asik ko sa kanya ngunit kita ko ang pag-iling nito ng ikinakuno't noo ko lalo.
"Beautiful shot hehe" usal nito sakin ng ikinairap ko naman.
"Just delete that if not, baka mabasag ko pa yang expensive mong cellphone"
"Just tell me what's your name?" tinaasan ko ito ng kilay dahil sa sinabi nito sakin bago ako nagiwas ng tingin at muling tumingin sa labas ng bintana.
"Ano bang meron dyan sa labas ng bintana at kanina mo pa tinitignan?" takhang tanong nito sakin ng ikinairap ko naman ng palihim dahil sa kakulitan nito.
"Wala rin naman ang gwapo kong mukha dyan para pagtuunan mo ng pansin" napangiwi na lamang ako ng palihim dahil sa kahanginan ng isang ito.
"But i just want to know what's your name lang naman?" asik nito atsaka nya nilapit ang mukha nito sakin.
"O-ouch it's hurt, let me go Ate" impit na ani nito ng bigla itong piningutan sa tenga ng kung sino man.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa dahil sa halatang nasasaktan na talaga siya.
"Talaga nga naman Ron, pwede ka namang lumipat ng table hindi yung nakikiepal ka pa sa costumer, nakakahiya" turan ng babae sa kanya atsaka ito tumingin sakin at ngumiti na para bang nanghihingi ng pasensya.
"Pasensya na po kayo ma'am sa kapatid ko ha, tara na nga bwisit toh nakakahiya ka" atsaka niya hinatak patayo ang kapatid niya at umalis na.
Siguro sya na nga yung bago naming empleyado dahil sa suot nitong uniporme ng cafe.
"Oh day, ito na ang tubig mo" asik na anas ni Pupo sakin pagkatapos nito iabot sakin ang basong tubig ng ikinasalubong naman ng kilay ko dahil bakit ngayon niya lang ibinigay sakin yung hinihingi ko.
"Nako beh, wag mo ako tignan ng ganyan ha alam ko yung klase ng ganyang tingin na ibinibigay mo sakin juscolored beh pinasalinan ko na muna ng panibagong galon yung dispenser ng tubig dahil naubos na, medyo matagal bako?" mahabang lintanya na paliwanag nito sakin sabay tanong ito na kung matagal ba sya.
Inirapan ko nga ito dahil hindi lang medyo matagal, natatagalan ako sa kanya.
Tumayo na ako pagkatapos kong maubos ang tubig atsaka ko naman iniabot sa kanya ang basong wala nang laman.
"Uuwi nako" sabi ko sa kanya ng ikinatango naman nito.
"Sige, magiingat ka ha tatanga-tanga ka pa naman sa daan" palabirong anya niya ng ikinairap ko naman atsaka ako lumabas ng shop para makauwi na ako.
Umagang lunes nang magising ako sa amoy na niluluto kaya naman agad akong bumangon sa higaan at dali-daling maligo. Ilang oras matapos akong makaligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto.
"Oh himala ang aga mo naman ata nandito?" agarang tanong ko dito kay Yuwa habang nagluluto ng silipin ko siya dito sa maliit naming kusina.
"Ayaw mo non sinipag akong pumunta dito para lang paglutuan ko kayo ni Rhy" ani nito ng ikinailing ko naman agad.
"Ano ba yang niluluto mo?"
"Uh tortang talong na may itlog lang" natatawang anas nito.
"Bakit ka tumatawa dyan? Proud na proud kana ba sa sarili mo at nakapagluto kana ng talong na may itlog?" sarkastikong saad sa kanya.
"Syempre ako pa" aniya nya ng ikinailing ko muli at dumiretso na lamang ako sa lagayan ng mga baso at kumuha ng tatlo.
Ako na lang ang magtitimpla ng kape at milo para saming tatlo.
"Matanong ko nga Seb, nakagawa ka na ba ng individual thesis mo?" biglang tanong nito ni Yuwa sakin na agaran ko namang sinagot.
"Hindi pa"
"Bakit hindi pa? Hindi ba dapat kada linggo ay nakakapag-sagot kana?"
"Kalma ka lang, kakabigay pa lang ng thesis namin nung isang linggo hindi ko lang talaga nasisimulan pa" ani ko atsaka ko ipiniwesto ang mga basong natimplahan ko na.
Agad naman akong umupo at ininom ang kapeng tinimpla ko para sa sarili ko.
"Ganun ba, kelan mo balak umpisahan ang chapter 1 para sabay na lang tayo" aniya niya pagkatapos niyang patayin ang kalan at inihaain niya na sa hapag.
"Baka ngayong friday na siguro dahil may ibang activity pa ako gagawin"
Tulad ng kay Miss Delgado naalala ko palang may presentation palang ipinapagawa siya samin about sa Fundamentals of Geology na yan.
Actually medyo nalilito na rin kase ako sa mga nagiging subject lecturer namin.
Si Miss Detablan ay Science Lecturer ko but yung kay Miss Delgado ay nakahiwalay, i mean yung kalahati ng topic ng Science ay na kay Miss Delgado katulad ng Earth and Life Science.
Yun nga lang by pair ang naging presentation. I don't know how to approach the President of Class-A.
Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim atsaka ko pinagpatuloy ang paginom ko ng kape.
"Ang lalim naman non, parang problemado ka dyan" turan nito ni Yuwa ng makadating na ito galing sa kwarto namin ng kapatid ko dahil ginising niya lamang si Rhy ngunit hindi niya ito kasama siguro'y bumalik na naman sa pagtulog ang isang yon.
Sabagay maaga pa naman anong oras pa lamang mga 6:10 na pero ang pasok ng kapatid ko ay 7:30.
Kadalasan ay pumapasok ito ng mga alas-otso dahil mga alas-syete daw ay wala pang masyadong mga estudyante sa school nila.
Napailing na lamang ako dahil public school lamang ang kanila pero ang kanilang mga schedule ay daig pa private katulad lang ng samin.
"Hayaan mo na yang kapatid ko dyan, malaki na ang isang yan" sabi ko dito kay Yuwa ng ikinailing na lamang nito atsaka na umupo sa gilid ko.
"Baka ma-late sya sa first class niya" ani nito ngunit agad akong umiling.
"Hindi yan, kadalasan ay mas late pa pumasok ang teacher sa klase kesa sa mga estudyante. Atsaka panigurado pupuntahan din naman siya mamaya ng mga kaibigan niya dito" sabi ko na lang at sinimulan ko ng kumain.
"Ah sila Dylan at Samara ba, sabagay may makakasama rin naman pala siya kapag na-late sila" napatawa na lamang ito at agaran ding sinimulan kumain katulad ko.
Maagang kaming pumasok nito ni Yuwa bandang 6:20 ng umaga ay nandito na kami.
Parehas kaming humiwalay agad dahil sa sarili naming mga landas sapagkat siya ay didiretso daw muna siya sa classroom at ako naman sa library.
Wala pa namang masyadong estudyante kaya mas piniling ko na lamang talaga dumiretso sa library para gawin yung ibang parte ko sa presentation namin sa science ni Devon.
Hindi ko pa siya nakakausap tungkol don sa magiging presentation namin.
Kaya ginawa ko yung iba kong parte para kapag nakausap ko na siya tungkol don ay kaunti na lamang ang aabalahin naming dalawa.
Nililigpit ko yung mga gamit ko dahil sa wakas natapos na rin ang sadya ko rito.
Pagkatapos nito ay diretso naman akong locker para ilagay dun ang iba kong gamit.
Ililigpit ko na sana lahat ng may biglang tumabig sakin.
"Tabi!"
Napatingin ako sa taong yon, i don't know her name but she's the one in my classmate in Class-A.
Tinignan lang ako nito bago ako talikuran. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi man lang humingi ng depensa dahil sa ginawa niya.
Napailing na lamang ako atsaka pinagpatuloy yung pag-aayos ko ng gamit hindi ko pa naman nasisiayos ang lahat ng gamit ko ng may bigla na naman ulit tumabig nito kaya't nagsilaglagan ang iba kong gamit.
Napatingin muli ako sa taong gumawa non. Isa na naman siya sa kaklase ko sa Class-A.
"Bakit ba kase paharang-harang ka dyan?" iritadong usal nito habang nakatingin sakin bago ako nito irapan.
Hindi ako umimik.
"Sa susunod kase wag pakalat-kalat ang mga basurang katulad mo"
Pagkatapos niyang sabihin yon atsaka na ako nito tinalikuran. At bahagya pa syang nag flip hair bago makalabas ng library.
Huminga ako ng malalim at tinignan ko ang mga gamit kong nasa lapag na nagkakalat-kalat na dahil sa mga papel.
Matapos kong maipulot ang mga gamit ko atsaka ko inayos muli. Sinuot ko na ang isang strap ng bag ko sa balikat atsaka lumabas na.
Napapikit na lamang ako ng mariin dahil alam kong hindi na naman magiging maganda ang araw ko ngayon.
Nakarinig na rin ako ng tunog ng school bell hudyat na maguumpisa na ang klase ng lahat.
Kaya't binilisan kong makapunta sa locker area para ilagay ang iba kong gamit.
Pagkarating ko sa locker area may mga ibang estudyante na naglalagay ng mga sarili nilang gamit na para bang silang nagmamadali.
Sabagay humudyat na rin ang school bell dahil nga ilang oras ay maguumpisa na ang klase.
Napadako ng tingin ko ang isang bulto ng lalaki habang may mga kasama ito na malapit sa locker ko kaya't kibit-balikat na lamang akong naglakad patungo sa locker ko.
Ganun na lamang ang gulat ko ng biglang humarap ang lalaki sa direksyon ko gayundin ang mga kasama nito ngunit hindi ko iyon pinahalata sapagkat hindi ko magawang alisin ang tingin ko mula kay Robin.
Nasalubong ko ang malamig niyang tingin. Ngayon ko lamang siyang nakita ng malapitan muli.
His dark brown eyes, lalo na ang mapupula nitong labi.
Mapapansin mo agad ang katangian nito na hindi talaga siya pure filipino dahil sa kutis nitong mala-alaska at sa matangos na ilong nito.
Nang makatapat ko siya sa pwesto ko ay ramdam kong naging estatwa siya sa kinatatayuan niya ngayon.
Dahil sa makalapit naming pwesto, i could almost smell his minty breath.
Nilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kanya kaya't lalo kong naramdaman ang mainit niyang hininga.
Kita ko kung paano rin ito lumunok ng ilang beses hindi ko alam kung bakit ngunit natutuwa ako dahil sa may epekto rin pala ang presensya ko sa kanya.
Napangisi na lamang ako sa isipan ko sapagkat nakaharang lamang siya sa locker ko, hindi niya siguro iyon napansin.
"Excuse"
Napamaang na lamang ang bibig nito at agad ring isinarado dahil sa biglaan kong pagsalita.
"Damn!" rinig kong mahinang bulong na ani ni Robin.
Napadako ang tingin ko sa tatlong kasamahaan nito sa opisyal at ang isa sa kanila ay para bang may sinasabi through his eyes and hand gesture nito kay Robin.
Unti-unting tumatabi si Robin upang padaanin dahil nga sa nakaharang nga siya sa pintuan ng locker ko.
Agad ko din naman inilagay ang mga iba kong gamit sa locker atsaka iyon sinarado agad.
Napatingin muli ako sa kanila na ngayon nakatingin din sakin lalo na si Robin na ngayon ay sobrang lamig ng titig nito sakin na pra bang may nagawa akong mali.
Kibit-balikat na lamang ako at napadako ang tingin ko sa katabi kong locker.
021: Aoki
Muli akong tumingin sa kanya na nakatingin na naman sakin agad nangunot ang noo ko dahil sa kanina pa silang nakatingin.
Sabagay baka inaantay nila akong umalis dahil sa hindi natapos nung Aoki ang paglalagay niya ng gamit niya sa locker niya.
Tinalikuran ko na lang sila ganun na lang ang pagkaharap ko ng maraming estudyanteng nakatingin samin.
Ngunit hindi ko na lang iyon binigyan pansin at sinimulan ko ng maglakad patungo sa klase ko.

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Maryzcha ElJia Valdon

    so happy

    06/07/2025

      0
  • avatar
    CalicdanMikie

    recommend

    12/12/2024

      0
  • avatar
    Fyang Smith

    sobrang gandang series na'to❤️‍🩹😍😍😍😍😍

    01/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo