Homepage/Former Squad Series#1: Rising The River/
Kapitolo 3
Ilang araw na ang nakaraan ng may mangyari pagnanakaw mula sa convinience store na kung saan namimili ako ng mga pagkain namin.
Sariwa pa naman sakin ang eksenang nangyari na yon na muli ako makakasalamuha ng ganoong tao.
At ngayon naman ay ang araw ng sabado na kung saan ay pupunta ako at ng dalawang kaibigan ko sa Taytay upang mag-take ako ng application for scholarship at mag advance examination na rin sa SC.
Kaya't ngayong araw ay ang alis namin patungong Taytay alas-syete palang naman ng umaga kaya hindi naman kami gaano mahuhuli kung sakaling ma-traffic man lang mamaya kapag aalis na kami.
6:30-12:00 AM ang schedule ng Scholarship Application kaya't madali lamang iyon sagutin dahil requirements lang naman yon.
Sa examination naman ay pwede namang mag-take ngayong araw dahil sabado naman kaya pwede mo ring ipagsabay sa pagsagot yon sa requirements at examination.
Kanina pa naman ako tapos magbihis nakasuot lamang ako ng Puff Sleeve Shirred na kulay Light Purple para sa pang-itaas at High-Waisted Cargon sa pang-ibaba. Nakasapatos naman ako na sneakers.
Kinuha ko na yung bag kong maliit at isinakbit ko na sa likuran ko kaunti lang naman ang laman nito, hindi naman gaano karamihan.
Yung dalawa na sina Alisa at Jade ay nandon inaantay ako sa labas ng eskinita sigurado akong naiinip na yung dalawang yon lalo na't si Alisa mainipin pa naman yon hindi marunong mag-antay ang isang yon.
Lumabas na ako ng bahay hindi ko na isinara yung pinto ng bahay dahil nandyan naman yung kapatid ko lalo na yung mga pinsan ko nasa loob rin dahil manonood raw sila kay Rhy.
"Saan ka pupunta Ate?" rinig kong ani ni Tita Arcel pagkalabas niya pa lamang ng bahay nila, may dala itong payong at nakasuot ito ng shoulder bag.
Mukhang may lakad rin ito si Tita dahil bagong ligo ito at nakapang-alis na suot.
Saan naman kaya ang punta nito?
"Magt-take ng examination sa Taytay, kayo Tita saan punta nyo? Mukhang may lakad tayo dyan ah?" turan kong sabi sa kanya.
"Dyan lang may kukunin lang naman ako" asik nito kaya tinangunan ko na lamang.
"Tara sabay na tayo Tita" aya ko sa kanya.
"Sige"
Tulad nga ng sinabi ko inaya ko si Tita na sumabay na sakin palabas ng eskinita dahil paniguradong nag-aalburoto na ang usok sa ilong ni Alisa dahil sa kainipan nito sa paghihintay.
Kasanalan nila yon psh!
Nang makalabas na kami ni Tita sa eskinita kita ko naman sa bandang gilid yung dalawa na nakatayo ng lumingon sa gawi ko si Alisa handa na niya akong singhalan ng makita niya ang kasama ko na si Tita kaya ayon napatikom agad ng bibig.
Hindi naman kalayuan ang eskinita namin malapit lang talaga ito sa bukawan ng daan ng baryo namin.
"Mauna na ako Ate dun kasi ako dadaan sa kabila" paalam sakin ni Tita ng tinangunan ko naman, binuksan niya ang payong at nagsimula na itong maglakad papunta sa kabilang daanan.
Usually Ate talaga ang tawag sakin ng mga Tita at Lola ko dahil pangalawa ako sa panganay na magpipinsan kaya't Ate ang tawag nila sakin.
Panganay sa magpipinsan samin ay si Kuya Carl, pangalawa ako, pangatlo si Aldri, pang-apat naman ang kapatid ko na si Rhy, pang-lima naman si Kyle at bunso naman si Ysha.
"Hoy babae alam mo bang ilang oras kaming nagantay rito at inip na inip na ako ala—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Alisa sakin dahil nagsimula na naman ito magtalak ng kung ano-ano, nauna na akong maglakad sa kanilang dalawa rinig ko pang tawang mahina ni Jade na nakasunod sakin.
"Aba't lintek na babae yon tinalikuran ba naman ang isang dyosa na kagaya ko buset ka talaga Hira urgh!!!" rinig kong pagtatalak ng sigaw niya sa likuran ko ng ikinairap ko naman agad.
Huminto naman ako sa paglalakad ganun rin si Jade at nilingunan si Alisa na ngayon na nakatayo pa rin sa pwesto nito kanina masyado ng malayo ang pagitan namin.
Psh. Kahit kelan talaga napaka ingay ng bunganga.
"Tara na Marie baka ma-traffic tayo bilisan mo" sigaw ni Jade sa tabihan ko.
Napatawa ako ng mahina ng makita kong hindi maipinta ang reaksyon sa mukha ni Alisa namula pa ang magkabilang pisngi nito dahil siguro sa tinawag sa kanya ni Jade sa pangalawang pangalan.
"Putragis ka Raquel hindi ba't sinabi ko sayo na wag mo akong tatawaging Marie shit! Nakakahiya" maktol na anas ni Alisa kay Jade ng ikinairap naman niya dahil tinawag naman siya nito sa unang pangalan.
Hindi ko alam pero natatawa ako sa mga pinagsasabi nilang dalawa.
Nang mapansin naman nila na tumatawa ako ay nagkibit-balikat na lamang ako dahil alam ko naman ang susunod na sasabihin nilang dalawa kapag ganito na ang senaryo naming tatlo.
"Anong nakakatawa Raya?" sabay na anas nilang dalawa ng ikina-iling ko naman agad dahil wala namang problema sa una kong pangalan dahil maganda naman.
Hira-yath ang tamang pagbigkas ng aking pangalan. Kaya't karamihan sa mga tumatawag sakin ay Hira na lang.
Yung iba gumagawa na lang ng palayaw na madaling itawag sakin.
Katulad ng pagtawag sakin ni Alisa.
Raya
Maganda naman talaga ang kanila kaso siguro hindi pasok sa panlasa nila ang pangalan na kung bakit sa lahat na pwedeng ipangalan bakit Raquel at Marie pa.
Hindi ko alam sa kanilang dalawa pero maganda naman talaga e nakuha pa nga iyon sa bibliya.
Raya ang tawag nilang dalawa sakin dahil sobrang haba talaga ng pangalan ko kaya't gumawa sila ng pwedeng ipangtawag sakin. Bukod sa Hiraeth na pangalan ko may mas ihahaba pa don.
Makalipas ng isang oras ay narating na rin namin ang Taytay kailangan lang namin bumyahe papuntang eskwelahan ng Siena College. Wala naman kasing gaanong traffic kaya't mabilis ang pagkarating namin sa Taytay.
Napatingin na lamang ako sa harapan ng tarangkahan ng Siena na kung saan nakalagay ang malaking pangalan ng eskwelahan sa itaas.
'SIENA COLLEGE TAYTAY'.
Pinapasok naman kami nung nagbabantay sa loob ng eskwelahan. Iginala ko naman ang aking paningin bago ako napalunok. Hindi ko naman inasahan na ganito karami ang interisadong kumuha ng application form para sa scholarship at sa examination.
Umabot sa bilang dalawang daan ata ang masu-swerteng estudyante na kukuha ng examination ngayon.
"Ang dami namang tao" bulalas ni Alisa.
"Masyadong maraming tao kung sasamahan pa natin sa loob si Hira" asik ni Jade sa tabihan ni Alisa.
Napabungtong-hininga na lamang ako at nilingunan sila parehas na ngayon ay abala sa pagtitingin ng mga tao rito.
"Antayin nyo na lang kaya ako rito" asik ko sa kanilang dalawa na kung saan nakatapat kami sa bench na kinauupuan ng mga tao.
"Sige, antayin ka na lang namin rito goodluck sa exam Hira" ani ni Alisa sakin ng ikinangiti ko naman.
"Goodluck for sure makakapasa ka" turan naman ni Jade.
Sana nga.
"Sige na mauuna na ako baka naguumpisa na yung exam pipila pa ako" paalam ko sa kanilang dalawa.
"Goodluck"
"Fight lang Hira makakapasa ka"
Rinig ko pang bulalas nila bago ko sila talikuran. Nagumpisa na ako maglakad sa daan at hanapin ang kwartong pag eexamination ko.
Temporary Room.
Iginala muli ang paningin ko ng marating ko ang room na pag-eexaman ko at doon ko naman nakita ang halos kaedaran kong mga tao.
Halos lahat ang iba sa kanila ay tensyonado at kinakabahan. May mga nakayuko pa nga at mayroon ring nagdarasal.
Dahil wala naman akong kakilala rito ay nilagpasan ko silang lahat at umupo sa pinaka hulihang upuan na katabi lang naman ng bintana. Wala pa naman akong katabi at sana lang talaga walang balak na may tumabi rito sakin.
Hindi pa naman ako socializing na tao. Hindi ko hilig na makisalamuha sa ibang tao, lalo na't hindi ako palakaibigan maliban lang sa mga kakilala ko at kaibigan ko roon sa baryo namin.
Lumipas ang ilang minuto ay nababagot na ako kakahintay.
Anong oras ba magsisimula? Parang ang tagal ata.
Napaaga siguro ang dating ko rito sa room baka mamaya pa ata magsisimula. Kamot-batok na lamang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Napabuntong hininga na lamang ako at napangalumbaba na lang sa desk ng upuan dahil sa kabagutan. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako rito dahil parang may nakatingin sakin.
Tinaas ko ang ulo ko at tama nga ako na may nakatingin sakin kinabahan naman ako dahil nakatitig lang talaga siya sakin at bago niya ako nginitian. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya't tipid na nginitian ko rin siya pabalik.
Ang weird ng guro na yon.
Kibit-balikat na lamang ako umayos ng upo dahil ngayon ko lamang napansin na siya pala ang guro sa harapan. Nawala ang atensyon ko ng makarinig ako ng impit ng tilian ng mga babae sa unahan.
"Shit! Ang gwapo"
"Hala ang gwapo naman sobra"
"Dito ba siya?"
"Baka siya ang magbibigay ng exam natin?"
Pumasok lang naman ang isang lalaki sa room namin. I think estudyante siya rito kagaya namin well i don't know kung anong estado niya rito sa eskwelahan. Nihindi man lang siya nag abala magpakilala at saglit lamang siya nakipag-usap sa guro na nasa unahan. Bago ipamigay yung mga papel na bitbit niya na halata mong mga test paper na sasagutan namin.
Seryoso niyang pinamigay yung mga papel at wala mang kareaksyon ang mukha nito na para bang hindi marunong ngumiti.
Nakarating na siya sa pwesto ko pero nihindi man niya ako tinapunan ng isang tingin. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin dahil maguumpisa na ang exam. Matapos niyang bigyan ang lahat ay wala siyang pasabing lumabas ng room.
"Today we will also release the result of the exam. So that you can pass the free scholarship of this university, it is rare to pass this opportunity so make the most of it. Goodluck everyone! You can start now"
Sa hudyat na yon ay nagsimula nang magsiyukuan ang iba rito upang simulan na ang pagsagot sa papel.
Ngayon agad malalaman ang resulta ng exam? Atleast hindi na kami maghihintay ng matagal para lang sa exam.
Madali lang pala ang exam na ito dahil halos lahat rito ay walang pinagkaiba sa tanong sa eskwelahan ng bayan namin na kung saan ay hindi ako nakapasa sa libreng iskolarsyip ang ibang tanong naman rito ay mahihirap.
Lumipas ang dalawang oras ng matapos ko na ang pagsagot sa papel ay ako ang naunang nagpasa ng exam. Ngumiti ulit sakin yung guro kanina kaya ngumiti rin ako ng tipid sa kanya dahil ang weird niya talaga.
9:07 AM
"The result will be posted at the lobby. Kindly wait until 11 AM."
Mabilis akong lumabas ng room at hinanap ang pwesto na kung saan pinagiwanan ko yung dalawa kong kaibigan.
"OMG! spell o-my-gosh i can't believe it na isinama talaga tayo rito para ipamigay lang itong pesteng papel para sa mga call dirty commoners like duh"
Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng may naguusap.
"Can you please keep calm down, Eeya kailangan nila tayo rito atsaka pwede ba manahimik kana lang dyan baka may makarinig sayo"
Bigla ko na lang narinig ang usapan yon lalo na't yung pamilyar na pangalang binanggit kanina ng kausap nito.
Eeya?
Eeya Borgia ba? What is she doing here? Hindi naman ata siguro si Eeya yun hindi ba? Yung kinakapatid ko? Maraming Eeya ang pangalan sa mundo hindi lang siya.
"Why do they need us here? They can bring for new commoners here why are we still here" rinig kong naiirita nitong boses.
Kibit-balikat na lang ako nagpatuloy sa paglalakad at hindi na lamang pinansin yung nag-uusap kanina.
"Kamusta na ang exam mo? Parang ang tagal naman ata" asik ni Alisa pagkarating ko pa lamang sa pwesto nila sa bench.
"Hindi naman gaano mamaya pa namang alas-onse makikita yung resulta ng exam sa lobby" ani ko sa kanilang dalawa bago umupo sa unahan nila.
"Mas mabuti na yon para hindi na tayo maghintay ng ilang oras o araw para malaman kung anong resulta ng exam mo" asik ulit ni Alisa dahil si Jade ay abala sa paglalaro ng kung ano sa phone niya.
"Kumain naba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa ng ikina-iling agad ni Alisa.
"Tara kain na muna tayo sa Cafeteria nila" paanyaya ko sa kanila. Hindi naman natinag si Jade ng ayain ko sila dahil patuloy parin ito sa paglalaro.
Kanina pa ako nagugutom hmp!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (16)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so happy
06/07/2025
0recommend
12/12/2024
0sobrang gandang series na'to❤️🩹😍😍😍😍😍
01/12/2024
0Tingnan Lahat