Homepage/Former Squad Series#1: Rising The River/
Kapitolo 29
Puting kisame agad ang bumungad sakin pagkamulat ko ng mga mata ko.
Nasaan ako?
Napalingon ako sa gilid ko ng may biglang gumalaw roon at nakita kong natutulog si Maja.
Naramdaman kong paggalaw nito at unti-unti niyang iniangat ang ulo niya.
"Hira? Thanks God. Gising ka na" hinawakan nito bigla yung kamay ko atsaka ako niyakap ng mahigpit.
"Hira! Nakakainis ka na! Ano bang nangyayari sayo ha?! Humanda talaga sakin ang impakta na babae na iyon!!" inis niyang singhal sakin.
"Marshal teka lang bumitaw ka na muna sakin" usal ko sa kanya atsaka ko tinanggal sa pagkayakap sakin ni Maja.
"Sagutin mo muna yung tanong ko! Anong nangyayari sayo?! Hindi ba sinabi ko wag mong hahayaan na masaktan ka nila!!" naiinis niya muling singhal nitong si Maja sakin ng ikinangiwi ko naman ng palihim.
May sasabihin pa sana ako ng biglang bumukas yung pinto at iniluwal non si Cliro.
"Is your head okay?" tanong nito sakin.
Hindi ako nakasagot sa naging tanong nitong si Cliro sakin dahil nahihiwaga pa rin ako kung sino ba ang nagdala sakin dito.
Iwinaksi ko ang isipan na yon dahil natural sino ba magdadala sakin hindi namang pwedeng si Maja dahil hindi niya kakayanin yung bigat ko kaya matik na yon na baka si Cliro ang nagdala sakin.
Paano nga kung hindi siya? Oh hindi kaya may ibang nagdala sakin rito.
"Hey woman don't worry ako ang nagdala sayo dito" ani nito pagkatapos niyang pitikin ang noo ko ng ikinasama ng tingin ko sa kanya.
Hindi ko agad napansin na nakalapit na ito sa kinaroroonan ko.
"Are you feeling well Hira?" tanong ni Maja ng ikinatango ko na lamang.
At muli kong ipinikit yung mga mata ko dahil sa nanakit pa yung ulo ko.
Nakarinig ako ng kalabog ng pintuan kaya't agad kong idinilat ang mga mata ko upang tignan ang mapangahas na gumawa ng malakas na ingay.
Nakita kong humahangos at hingal na hingal na si Yuwa na kung saan siya lamang ang kumalabog ng malakas sa pintuan.
Agaran itong lumapit sakin upang ekpeksyonin ang bawat parte ng katawan ko ng makita nito ang naging lagay ko lalo na yung nasa ulo ko na may nakalagay na plaster ay kita ko kung paano umigti ang panga nito.
"Sino ang may gawa sayo nito, Hiraeth?" seryosong asik nito ni Yuwa sakin.
Agad naman akong ngumiti ng tipid at umiling sa kanya.
"Wala lang ito. Hayaan mo na sila" pagtanggi ko.
Alam kong madali lang sa kanya na hulihin ako kung nagsisinungaling ba ako sa hindi. Kaya't hindi nakaligtas yung matalim na tingin niya sakin.
"Tima, hmm anyway why are you protecting your bullies?" naiiling na saad nitong si Cliro sakin.
Ngayon ko lang napansin na nakauniporme pa siyang pumunta dito at may konting bakas pa doon na dugo.
"Labas lang ako bibili lang ako ng makakakain natin, para makauwi na tayong lahat" saad niya atsaka tuluyan ng lumabas ng pinto.
"Come on Hira say it" napabuntong hininga na lamang ako dahil sa turan nitong si Yuwa.
Malalaman at malalaman niya rin naman kung sino ang may kagagawan nito sakin.
Dahil alam ko hindi titigil ang isang yan hanggat hindi niya nalalaman kung sino ang may gawa sakin nito.
Alam ko ang takbo ng utak na meron si Yuwa kaya hanggat maari ay kailangan ko siya mapakalma at makausap ng maayos.
"Yuan, wag na lang natin sila pansinin" bagot kong sabi ngunit iling lang ang ginawa nito sakin.
"Ever since you entered that university, you've been everyone's favorite to bullied, and now you're telling me to ignore them. No way! Not gonna happen what you say"
"Yuan. Ikalma mo buhay pa naman ako" biro ko pero hindi siya natuwa instead sinamaan niya ako ng tingin ng ikinangiwi ko naman agad.
"Stop making fun of me Hira hindi nakakatuwa" malamig na ani nito sakin ng ikinabuntong hininga ko na lang at hindi siya pinansin.
"Tama na yan, kayong dalawa talaga mamaya mag away pa kayo sa harapan ko" awat samin bigla ni Maja na siya namang pagpasok sa loob ni Cliro habang may mga dala itong mga pagkain.
Muli na naman ako tinapunan ng tingin nitong si Yuwa bago ito pumunta sa direksyon ni Cliro na ngayon inaasikaso yung pagkain na binili niya.
"By the way the whole university knew what happened to you" anas ni Cliro samin ng ikinamaang nitong si Maja na para bang hindi niya inakala na malalaman ng lahat agad.
"So then?" ani ko.
"Guess what? Other council members are really mad with some of them when they find out what happened to you" nakangising saad niya habang nakamatang nakatingin sakin kaya't inirapan ko ito.
"Why? What is their connection with Hira that makes them mad?"
"I mean they actually really mad whoever did that to Hira" asik nito ng ikinairap ko lalo.
Mahilig talaga ang isang ito mang-gago kundi ko lang kaibigan siguro ito kanina ko pa ito kinaladkad palabas.
"Can you get up? Maybe your bullies didn't beat you badly diba?" sarkastikong ani ni Yuwa sakin ng ikinaismid ko na lang atsaka ako dahan-dahan na bumangon.
Nang makabangon na ako atsaka naman ako inabutan ng hospital table na naglalaman ng pagkain na ibinili nitong si Cliro.
Umupo naman sa kaliwa kong bahagi si Yuwa na kung saan kanina ay dito rin nakaupo si Maja.
Tumabi kasi itong si Maja kay Cliro ewan ko sa isang yan trip niya siguro itong si Cliro dahil sa taglay na kagwapuhan, hindi niya ba alam na itong trip niya ay may pamilya ng binubuo na.
Napailing na lamang ako at sinimulan ko ng kumain.
Ilang oras ng matapos kami magsikain ay sya naman ang pag-ring ng cellphone nitong si Maja kaya't nagpaalam ito samin na sasagutin niya lamang yung tawag atsaka ito lumabas.
Maya-maya ay bumalik rin naman sya.
"Kailangan ko ng mauna sa inyo dahil hinahanap na pala ako sa amin" sabi ni Maja ng ikinatango ko na lang.
"Ihahatid na lang kita Marshal dahil pauwi na rin naman ako"
"A-ah sige. Pagaling ka Hira pwede ka naman madischarged kung gusto mo ng umuwi" ani nito ng ikinangiti ko na lang sa kanya.
"Sige mauna na kami sa inyo" paalam ni Cliro tska sila lumabas na dalawa.
Hanggang sa kaming dalawa nito ni Yuwa ang naiwan dito.
Kaya't tumingin ako sa kanya hindi pa ba sya uuwi?
"You want to go home?" pambabasag niya ng katahimikan ng ikinatango ko naman dahil baka nakauwi na sa bahay si Papa anong oras na rin pasadong alas sais na malamang nakauwi na yon.
"Okay. Let's go" sabi niya atsaka ako nito nilapitan at inalayaan para makatayo.
Lumabas kami ng hospital at agad kaming nakasakay ng jeep ng may biglang huminto sa harapan namin na papuntang brookside.
Tahimik lang kaming dalawa na binabaybay ang daan pauwi ng subdivision ng makababa na kami ng jeep atsaka kami kaagad sumakay ng tricycle.
Nang makarating kami roon, laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nakaabang samin sa gate ng eskinita namin.
Anong ginagawa niya dito?
"What are you doing here Kuya Carl?"
"What happened to your head?"
Sabay na anas naming dalawa. Napamaang ako dahil sa biglaan na pagpunta nito rito ng hindi ko alam.
Kuya Carl just smirked at me ng mapansin niyang kasama ko si Yuwa.
"Oh Yuan you here salamat sa paghatid sa isang ito" turan nito kay Yuwa.
"No problem with that Kuya"
"Papasok muna ako sa loob, sige ihatid mo na yang bisita mo" biglaang seryosong saad nito habang mariing nakatingin sakin ng ikinabuntong hininga ko na lamang.
Sa mga tingin na ibinibigay ni Kuya ay alam ko na kung anong ibig niyang sabihin.
Papagalitan na naman ako nito panigurado.
Pinangunutan ko siya ng noo pero sa huli ay hindi na rin ako nagreklamo dahil baka umabot pa kaming dalawa sa pagtatalo atsaka kami nito tinalikuran.
Binalingan ko ng tingin si Yuwa ng magsalita ito.
"I don’t know what you are doing Hiraeth why lead to this that you will let them hurt you" malamig na turan nito pero alam ko hindi pa rin ito kalmado base sa tinig ng boses nito sakin.
"Kung ang masaktan lang ako ang makakapagtapos sakin ng pag-aaral ko ay titiisin at hahayaan kong gawin nila sakin, pero ang madamay ang mga taong nasa paligid ko pasensyahan na lang Yuan pero hindi ko hahayaan na iisa sa inyo ang masaktan" seryosong anas ko.
"Yeah, i forgot na hindi ka talaga mapipigilan dahil sa katigasan ng ulo mo pero siguraduhin mo lang na magiging ligtas ka palagi, mag-iingat ka sana"
"Sige, umuwi ka na salamat pala sa kanina" ani ko ng ikinatango na lamang nito bago niya guluhin ang buhok ko atsaka ito tumalikod na.
"Hindi ko masisigurado ang kaligtasan ko Yuan kung ang kapalit lang non para sa ikakabuti nyong lahat" mahinang usal ko habang nakatanaw sa papalayong pigura niya.
Napailing na lamang ako at tumalikod atsaka ko isinarado yung gate.
"Wala si Uncle Arn dito pati si Rhy gayundin pati rin si Aunty Arcel kasama sila ni Mama Al at Papa Leo sa Montalban dahil pupuntahan nila yung burol ng kamag-anak nila magkakapatid" lintanya nito sakin ng ikinakuno't noo ko naman.
"Paano sila Ysha at Kyle?" tanong ko.
"Nandito naman tayo nila Aldri at Uncle Chard atsaka sabi ni Mama dito muna kaming dalawa ni Liam sa inyo"
"Magtatagal ba sila doon?"
"Hindi pwede sila magtagal don alam naman ni Mama yon atsaka sa linggo ng gabi pa sila uuwi" seryosong ani nito.
Uncle at Aunty talaga ang tawag nito ni Kuya sa mga kapatid ng Mama niya.
Nagtakha naman ako kung nasaan yung kapatid nito at kung bakit wala dito.
Napailing na lamang ako dahil matik na yon kung nasan ang kapatid nitong maliit nasa kabila lang yon nakikipaglaro kela Kyle at Ysha.
"So, what happened to your head? Bakit may plaster yang ulo mo? Nakipagbasag ulo ka na naman ba" seryosong bagot na ani ni Kuya habang nakatingin sakin.
"Hindi ako nakipagbasag-ulo Kuya. Nawalan ako ng malay kanina dahil sa tindi ng hilo ko kaya't siguro malakas yung naging impak ng pagkasalpok ko sa lapag, don't worry bukol lang naman meron dito sa ulo ko hindi gaano kalala" mahabang lintanan ko sa kanya atsaka ako huminga ng malalim.
Pasensya na Kuya kung hindi ko magawa masabi sayo yung totoo at nagawa ko pa talagang magsinungaling sayo.
Alam ko kasi ang takbo din ng isip niya magkatulad talaga sila ni Yuan ang pinagkaiba lang ay sya ang magsasabi sa lahat nangyayari sakin sa loob ng eskwelahan namin kay Papa at si Yuan naman ay gagawin ang lahat makaganti lang sa mga gumawa sakin nito.
Tinignan ako nito upang suriin kung nagsasabi ba ako ng totoo sa hindi.
"Siguraduhin mo lang Hira na hindi ka nakipagbasag-ulo na naman sinasabi ko talaga sayo" seryosong aniya niya atsaka siya tumayo.
"Sige na magbihis at kumain kana lang dyan lalabas lang muna ako saglit" turan niya ng ikinatango ko naman agad.
Sabado ngayon, buti na lang at walang pasok para naman makapagpahinga naman ako kahit ngayon araw lang.
Atsaka ayoko rin namang pumasok ng may plaster pa sa ulo. Kakapalit ko palang nitong paninagong plaster dahil kelangan naman talaga palitan ito kahit papaano.
Ilang linggo pa lang naman ako sa section Class-A pero pakiramdaman ko parang sobrang tagal ko na. Hindi ko alam kung paano ko nakakayanan na manatili sa section na yon.
Alas-kwatro pa lang ng hapon kaya't naisipan kong lumabas muna ng bahay para magpahangin.
"Hiraaa!"
"Hiraeth!"
Napangiwi na lamang ako ng makarinig ako ng malakas na pagtawag sakin mula sa dalawang pamilyar na boses.
Agad akong napalingon sa kanila dahil sa lakas ng pagsigaw nila sa pangalan ko na para bang mga taga bundok lamang sila kung makasigaw.
"Problema nyong dalawa?" taas kilay kong anas sa kanila.
"Aba hindi ka na namin nakakasama dahil hindi ka na lumalabas atsaka anong nangyare dyan sa ulo mo?" takhang tanong ni Alisa sakin.
"Wala, nabagok lang" sagot ko.
"Buti hindi ka natuluyan" pabirong asik nitong si Jade sakin atsaka niya ito sinabayan ng tawa.
Nang ikinakunot-noo ko naman at bahagyang napailing na lamang ng makuha ko ang ibig sabihin nito sakin ng isinawalang bahala ko na lamang at hindi binigyan pansin ang sinabi niya.
"Siraulo talaga ang isang ito ikaw kaya tuluyan ko dyan" mapanghamon na sabat naman nitong si Alisa sa kanya.
"Sige nga gawin mo"
"Psh. Tsaka na kapag pumuti na yung uwak" irap na ani ni Alisa sa kanya bago ito bumaling ng tingin sakin.
"Tara tambay ka na muna dito sa labas" anas niya ng ikinatango ko na lamang bago kami maglakad patungo dun sa laging naming pinagtatambayan.
"Ali, Jaja, Hira"
Napalingon kami sa likuran namin ng may tumawag samin habang naglalakad kaming tatlo habang sinasamahan ko sila bumili ng kanilang pagkain.
Iisang tao lang naman ang tumatawag ng Ali at Jaja kela Alisa at Jade.
Nakita namin si Eeya na naglalakad patungo sa direksyon namin.
"Saan kayo pupunta?" agarang tanong nito samin na agad namang sinagot ni Alisa.
"Bibili lang"
"Sama ako"
"Tara"
Nang makarating na kami sa bilihan ng mga meryendang tinitinda nilang halo-halo, mga kwek-kwek, kikiam at kung ano pa na kung saan kela Aling Ging na kapit-bahay naman nila Jade at Alisa.
Pumili na sila ng kanilang bibilhin at ako naman itong lumayo ng kaunti sa kanila dahil medyo nakaharang kase ako kaya't gumilid muna ako upang padaanin yung ibang bibili.
Nang matapos na sila ay agad na sila nagkwentuhan ng kung ano-ano hanggang sa sumingit itong si Eeya at sinabing may bago na naman itong biniling gamit.
"Kanina pala galing kaming MOA at bumili na rin ako ng sapatos tatlo, isang air force triple white, jordan pati sneakers na rin halos magkano na nagastos ko sa tatlong yon bali uhm kung ang air force ay nasa 1,399, at yung jordan ay 1,999 gayundin ang sneakers na nasa 1,200 naman bali lahat ng yon nasa ano na, ano nga ba teka bilangin ko lang lahat" mahabang ani nito samin na halata mo namang ipinagmamayabang ang mga nabili nitong sapatos samin.
"Sige, i-compute mo lahat kung nakamagkano ka" ani ni Jade.
Alam ko ang ugali ng isang yan kahit kaunting butas man lang ng karayom ay alam na alam ko na lahat ng ugali nito.
Hindi niya rin ugaling bumili ng mga ukay-ukay or like divisoria na kung saan don ako lagi nabili.
Kesyo daw ayaw niyang magpunta sa ganoong lugar na alam naman niyang hindi magagandang klase yung ibinebenta nilang mga damit, bag at sapatos.
Gusto niya ay yung laging branded ang mga gamit niya katulad ng gusto niya ay puro limited edition at original pa.
Patuloy pa rin ito sa pagbibilang hanggang sa nainis nito na hindi niya macompute ng maayos gamit ang mga daliri nito.
Napailing na lamang ako dahil utak ang ginagamit hindi ang kayabangan.
"Almost 4,598 lahat" tipid kong sabi.
Gulat na napatingin sakin si Eeya atsaka ito sumimangot sakin.
"Ako dapat mag-cocompute eh ba naman Hira huhu" maktol nito sakin ng ikinataas ng kilay ko.
"Bagal mo eh, halos lahat yata nabilang mo na pero hindi mo pa naii-compute"
"Eh kase naman Hira, nakakabobo naman yang math kaya napupurol utak ko dyan eh" nakabusangot na aniya niya.
Napairap na lamang ako ng palihim dahil sa inaasta nito.
Brat talaga.
Tumayo na ako dahil nauuhaw ako bibili na lang muna ako ng palamig sa compoud ng kapit-bisig.
"Bili lang ako" sabi ko ng ikinatango naman nila.
Iniwan ko na silang nakaupo don sa mga upuan.
"Gala tayo sa BGC don't worry guys libre ko"
"Sama natin si Hira"
"Wag na, baka busy rin ang isang yon atsaka sa totoo lang ayaw ko kasama yon"
Nandito lang ako sa likuran nila hindi naman gaano kalayo pero naririnig ko ang pinaguusapan nila. Nakabili na rin ako ng palamig, nandito lang ako umiinom habang pinakikinggan sila.
"Bakit naman?" rinig kong tanong ni Jade kay Eeya.
"Basta ayoko lang talaga ang kasama ang isang yon masyadong pabida katulad kanina diba" Eeya said.
"Grabe ka naman kay Hira parang hindi mo kaibigan yung tao"
"Duh, kelan ko ba naging kaibigan yon atsaka ninang niya lang naman yung mommy ko knowing her mukhang siyang pera sa totoo lang dapat hindi nyo na lang kinaibigan yon masyado siyang gold digger gaya ng mother niya"
Tignan mo nga naman sisiraan na nga lang ako kelangan pang idamay ang nanay ko.
Napakuyom na lamang ako ng kamao dahil sa mga sinasabi nitong pawang wala namang katotohanan.
Alam kong ipagtatanggol nila ako kay Eeya. Knowing them alam kong hindi nila hahayaan na isa samin ang masaktan through words.
"Hoy hinaan mo nga boses mo, may makarinig sayo pero your right kase medyo pabida at pasikat na rin kase siya diba Jade" asik ni Alisa.
"Oo, atsaka kaya lang namin kinaibigan yon dahil wala naman siyang kaibigan dito, naawa lang kami sa kanya"
"And last masyado rin siyang inggitera you see ba kanina yung reaksyon niya kanina nung sinabi kong almost 4k ang nagastos ko sa limited edition para lang sa tatlong sapatos lang, grabe matatawa ka lang talaga hindi lang yon alam kong pinaplastik lang din kayo ng isang yon"
Nagtuloy-tuloy pa rin sila sa pag kwe-kwentuhan patungkol sakin kasabay ng kanilang pagtawa na para bang isa lamang akong katawa-tawa sa kanila.
Without knowing na mas nakakatawa pa sila kesa sakin.
Napailing na lamang ako dahil nag-expect ako na ipagtatanggol nila ako sa mga sinasabi ni Eeya laban sakin.
Mukhang nagkamali ako, dahil sila mismo ay hindi nila ako kayang ipagtatanggol sa kanila at talagang ginatungan pa nila ng sarili nilang dahilan.
Sila rin mismo may ayaw sakin.
Hindi ko kailangan ng awa ng ibang tao para lang kaibiganin ako dahil hindi ko naman talaga kailangan ng kaibigan sapagkat sila mismo ang nagpumulit na kaibiganin ko sila.
Katulad rin pala nila sila, Walang ibang pinagkaiba.
Almost 6 years to 7 years kaming magkakaibigan gayundin may mga pinagsamahan kami ngunit pawang kaawaan lang pala lahat ng iyon.
Mula pagkabata ay kasama ko ng lumaki si Eeya. Hindi ko naman akalain na ganito rin pala siya ng ibang tao na mukha lang pera ang habol ko sa pagkakaibigan ko sa kanila.
Bumuntong hininga na lamang ako dahil sa matinding nalalaman ko.
Nagsimula na naman bumigat yung paghinga ko kaya't kailangan kong ikalma muna yung sarili ko bago ko sila lapitan.
Tumingala muna ako sa langit dahil nagbabadyang tumulo yung luha ko atsaka ako bumuga ng hininga.
Inubos ko na muna yung iniinom kong palamig atsaka ko ito itinapon.
Gayunding nagsimula na akong lumapit sa kanila pinatili kong blanko at seryoso lamang ang ekspresyon ng mukha ko.
"Basta ayoko siyang kasama wala na kayong magagawa don"
"N-nandyan ka na pala, Hira" utal na anas ni Alisa sakin ng ikinatango ko na lang.
"Why are you stuttering? And Eeya who's your talking about na ayaw mong makasama saan?" kunwareng tanong ko ng alam kong ikinagulat niya pero hindi ito ipinahalata sakin.
Yun kase ang paguusap nila ng makarating ako sa pwesto nilang tatlo.
"A-ah yung pinsan ko balak kasi nilang isama sa gala natin e-eh kaso ayoko hehe" mahinhin na anas nito sakin ng ikinataas ng kilay ko.
"What about gala natin?"
"BGC daw baka gusto mong sumama wag kang mag-alala libre naman ni Eeya" singit ni Jade ng ikinangisi ko.
"Nah, kayo na lang baka mag enjoy pa kayo lalo kapag hindi nyo ako kasama" palabiro kong anas ng halatang ikinatigil nila.
"M-may narinig ka ba kanina?" kinakabahan na anas sakin ni Alisa sakin ng ikinangisi ko lalo.
"Why? May kailangan ba akong marinig?" painosente kong anas sa kanila na agad naman silang umiling.
"N-nothing"
"If you say so" kibit-balikat kong ani.
"Sige mauna na ako" bago ko sila talikuran may binulong muna ako kay Eeya ng nagpatigil sa kanya.
"Hindi ako peke, hindi rin ako tunay, nakabase kasi ang pakikisama ko sa ugaling meron ka. Atsaka siraan mo man ako, hahayaan lang rin kita kahit magpakalinis ka man sa mata ng ibang tao, alam ko kung anong dungis na meron ka" mahabang lintanya kong bulong sa kanya.
Gulat itong napatingin sakin ng ikinangisi ko na lamang.
"Don't worry hindi ako sasama sa gala nyo sa BGC had fan bitches" nakangisi kong anas sa kanila atsaka ko sila tinalikuran.
Sanay naman yung dalawa sakin sa ganong gesture ko ang pag ngisi ko sa kanila ngunit ang kanina ay iba tila ba na para bang panakot ko lamang sa kanila yon.
Pati ang pagsabi ng bitches ko sa kanila ay natural ko lamang iyon sabihin sa kanila. Hindi ko lang alam if mali ang datingan sa ka nila ng ganon.
Kibit-balikat akong naglakad pauwi dahil wala naman akong gagawin kaya't naisipan kong pumunta sa cafe ng Malvar na ikakatuwa naman ni Ate Vara hindi ko lang alam kung nandon siya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (16)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so happy
06/07/2025
0recommend
12/12/2024
0sobrang gandang series na'to❤️🩹😍😍😍😍😍
01/12/2024
0Tingnan Lahat