Homepage/Former Squad Series#1: Rising The River/
Kapitolo 27
Natapos na ang lahat ng klase namin at sobrang pagod na talaga ako dahil galing ako sa faculty.
Hindi ako nakaabot kanina sa thesis buti nga kamo binigyan pa ako ng pagkakataon na mabigyan ng thesis basta mapasa ko agad yung pinagawang research paper samin sa History.
Diretsong pasok na agad ako sa loob ng classroom para kunin yung bag ko at makauwi na. Agad na sumalubong sakin si Keisha.
"Ano na? Nabigyan kaba ng thesis?" tinignan ko siya ng nagtatakha.
"Yeah they gave me another chance basta maipasa ko lang yung research paper ko sa History" bagot kong anas sa kanya.
"Pero na-aprove ba sayo or nadeclined yung thesis mo? Ano sagot dali" dumiretso na lang ako sa upuan ko at umupo muna.
Kunot-noo ko siyang pinagmasdan na inaabangan yung magiging sagot ko kaya't bago ko sagutin ang tanong niya kanina ako muna magtatanong sa kanya.
"Why yung sayo ba?" tanong ko ng ikinabagsak lamang ng balikat nito.
"Nope, halos lahat kami ay rejected maliban kay Devon yung sakin naman kase it's already done na kaya yung iba naman ay walang test subjects" nakasimangot na usal nito.
"Ano bang ginawa mo?"
"Ano pa ba? Eh di magre-research ulit, dami ko na namang gagawin hayst" inis siyang napakamot na lamang sa ulo bago bumuga ng hangin.
"So ikaw ba?"
"Na-aprove naman yung sakin"
Her eyes grew wide at bahagya pang napatakip sa bibig ng ikinairap ko naman ng palihim.
"Oh My Gosh buti ka pa!"
Bukas ko na siguro sisimulan yung introduction dahil gusto ko na matapos lahat, malayo pa naman ang deadline kaya't tatapusin ko na lang ng maaga para wala na akong aalahanin na gawain.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya.
"Inaantay ko lang makabalik sina Qadry at Devon dahil sa kanila ako sasabay" sagot nito ng ikinatango ko naman.
"Sige, una na ako sa inyo. Bye" i waved my hand patalikod sa kanya habang palabas na ako sa classroom.
"Bye Hira ingat ka" rinig kong ani niya pagkalabas ko ng room.
Kinabukasan ay nilakad ko naman ang lugar nila Yuwa dahil naisipan kong ako naman ang pumunta sa kanila hindi pwedeng lagi na lang si Yuwa na nasa bahay tuwing umaga bago pumasok sa school diba.
Sa baba pa sila banda nakatira kung nasaan ang compound ng Pag-Asa. Dun sila nakatira hindi sa may bandang taas sa compound naman ng Pagcom dahil halos lahat nandon ang kamag-anak nila ang pamilyang Aguilar at Valencia.
Hindi katulad ng sa kanila na nasa baba na kasama naman nila ang iba nilang kamag-anak na Doliguez.
Kahit sa eskinita namin may kamag-anak rin sila Yuwa sila Ate She yung mga pinsan at pamangkin niya.
Pamilyang Doliguez ang tinuring kong pamilya gayundin sila sakin.
Naasikaso ko rin naman lahat sa bahay wala naman ako masyadong ginawa kaya't napaaga yata ako.
Tapos ko na rin naman ipaghain ng kakaining almusal ni Rhy para makapasok na ito ng eskwelahan.
Pang-umaga siya ngayon dahil half-day lang naman daw sila ngayon.
Nakita kong nagluluto si Tita Aia ng makadaan na ako sa bahay nila bali nakikita ko na agad ang bungad nila na kung saan dun ang kanila kusina hindi mismo sa loob ng bahay nila talaga kumbaga nasa bungad lang ng bahay nila yung kusina.
Napairap na lang ako dahil hindi ko nakita ang mga anakis nito ni Tita Aia ibig sabihin tulog pa sila.
"Good morning po Tita" nakangiti kong bati sa kanya ng makapasok na ako sa loob ng bungad nila.
"Good morning iha!" bati niya pabalik bago ito tumalikod upang maasikaso nito ang kanyang niluluto.
Kaya pumunta ako sa loob ng bahay nila atsaka ko ibinababa yung bag ko sa sofa nila at muling lumabas upang pumunta sa kusina nila.
"Hira pwede bang pakisuyo na puntahan mo naman si Margo sa kwarto niya, baka gising na kapag gising na, palabasin mo na" wika nito sakin kaya tumango ako sa kanya at muling pumasok sa loob ng bahay nila.
Pinuntahan ko ang kwarto ng bunsong anak nilang si Margo na katabi naman ng kwarto ng Kuya niya.
Kumatok muna ako bago ko pinihit yung seruda ng pintuan.
"Margo" tawag ko atsaka ako pumasok.
Lumapit ako sa kama nito at nakita ko itong natutulog pa.
Napangiti na lamang ako dahil sa ka-kyutan nito idagdag mo pa ang maamo nitong mukha.
Inayos ko ang kumot nito at pinagmasdan ko lamang ito kung paano matulog.
Ang gandang bata talaga.
Napatingin ako kay Margo ng matapos itong gumalaw.
Umupo ito at nagkusot-kusot pa ng mata atsaka umunat-unat pa ito.
Napangiti siya ng makita niya akong nandirito sa loob ng kwarto niya.
"Hello po Ate" masayang bati niya at lumapit ito sakin.
Nagulat ako ng bigla itong yumakap bigla sakin at binigyan ako ng isang halik sa pisngi.
"Good morning po" bati niya sakin ng ikinangiti ko naman.
Napatawa ako ng mahina ng dahil sa ginawa nito. Itong bata na ito napaka sweet talaga.
"Good morning din" mabilis akong lumayo atsaka ko kinuha ang suklay na nasa side table ng kama niya.
"Talikod ka baby susuklayin natin yung hair mo" usal ko agad naman itong sumunod sakin kaya sinimulan ko ng suklayin ang mahaba nitong buhok hanggang bewang.
Nang matapos ko ng suklayan itong si Margo ako na rin nagpaligo sa kanya para diretso kain na lang ito mamaya.
Sinuutan ko na ng school uniform itong si Margo. Na kung saan sa dati naming school ni Yuwa ng elementary pumapasok itong si Margo.
Sa St. Anthony Elementary Academy.
"Tara na baby labas na tayo" sabi ko sa kanya ng ikinatango nito at nauna ng lumabas kaya kinuha ko na ang bag nito na di-hila.
"Halah nandito ka pala" nanlaking mata pang sabi ni Ate Bela ng makita ako nito na lumabas sa kwarto ni Margo.
Nakasuot na ng uniporme itong si Ate Bela ng makalabas ito ng kwarto rin.
"Hindi ah, wala ako dito kita mo?" nanunutyang sagot ko kaya napasimangot ito atsaka ako nauna sa kanya maglakad.
Bela Doliguez ang isa sa mga pinsan nito ngunit mas matanda ito ng dalawang taon kay Yuan kaya tinatawag niya pa rin itong Ate niya.
Marami pa siyang pinsan dito sa lugar namin. Ikaw ba naman na puro kamag-anak ang mga kapitbahay mo diba.
"Tara kain na tayo" anas ni Tita Aia ngunit imbis na sumama sa almusal nila dito na lang ako naghintay sa sala nila at nanonood ng tv.
Tumanggi ako sa inalok ni Tita Aia na sumabay sa kanila kumain dahil kumain na ako sa bahay atsaka busog pa ako kaya baka hindi kayanin ng tyan ko yung pagkain baka magtae lang ako sayang pa naman.
Nanonood lang ako rito sa TV dinig ko ang kanilang tawanan sa kusina.
Their laughs hit me so much. Napangiti na naman ako ng mapait.
Paano ako magiging masaya kung laging may kulang?
Pumikit ako ng mariin dahil nagsisimula na namang bumigat yung paghinga ko.
Inayos ko ang upo at bahagyang huminga ng malalim. Paulit-ulit ko yun ginawa para maging maayos na ang aking paghinga.
"Hey"
Hindi ko niligunan si Yuwa ng umupo ito sa tabihan ko.
"What are you doing here? Bumalik ka na doon" sabi ko habang nasa tv pa rin ang atensyon ko.
"I'm done eating na. Iniisip mo na naman ba ang nanay mo?" tanong niya kaya't napasandal ako sa sofa at nilingunan siya.
"I thought hindi mo na hahayaan na isipin mo siya?" nakakunot noo niyang tanong kaya napatawa ako ng mahina.
"Pinagsasabi mo dyan?" kynwareng maang na sagot ko upang hindi na namin pagusapan ang tungkol don.
"Hindi ba yan ang iniisip mo?" anas niya ng ikinailing ko atsaka ako tumayo at pinatay ang tv.
"Tara na alis na tayo tutal tapos ka naman ring kumain" anas ko atsaka ako lumabas upang puntahan si Margo.
Nakita kong tapos na rin naman silang lahat kumain kaya't magpapaalam na ako na papasok na kaming dalawa ni Yuwa.
"Ahm Tita papasok na kami ni Yuwa" ngiti kong saad sa kanya habang nagliligpit ito ng pinagkainan nila.
"Oh siya magiingat kayong dalawa hah, ikaw Yuwa wag mong pabayaan yang si Hira kundi malalagot ka sakin" napakamot batok na lang ako dahil sa naging turan nito ni Tita samin.
"Opo, Ma goodbye papasok na kami" ani nito at binigyan ng isang halik sa pisngi si Tita Aia kaya umiwas ako ng tingin ng maramdaman ko ang hawak ni Margo sa kamay ko kaya napabaling ang tingin ko dito.
"Yes baby?" niyukuran ko siya ng bahagya ng makita ko itong magpapabuhat ito sakin.
Kaya binuhat ko ito hindi naman siya gaano kabigat sakto lang.
"Babye Ate ingat po kayo ah" nakangusong ani nito sakin atsaka ako hinalikan sa pisngi ng ikinangiti ko naman kaya't hinalikan ko rin ito sa pisngi.
"Opo baby ikaw din mag-ingat don't talk to stranger ah magbehave ka sa school nyo para may makuha kang star".
"Yes po Ate mag be-behave po ako para may star akong marami"
Kinurot ko ng bahagya ang lumulobong pisngi nito atsaka ko siya ibinaba.
"Oh" inabot niya sakin yung bag ko.
Siya na rin nagsuot na yon sa likod ko.
"Tara na"
Sinamahan pa kami ni Ate Bela dyan sa may sakayan ng tricycle kung saan sa tapat lamang nila kami maghihintay.
Pumara si Ate Bela ng tricycle kaya sumakay agad ako. Bago sumakay si Yuwa ay hinalikan pa niya si Ate Bela sa noo.
"Mag-iingat kayo ha, ikaw kuya ingatan mo yung mga kapatid ko sayang lahi namin" turan nito kay Manong Driver.
"Opo Ma'am"
Napailing na lang ako dahil sa inastang ugali nito ni Ate kalaunan ay napangiti rin ako dahil may isang tao din pala na tinuturing akong tunay niyang kapatid.
Nang makarating na kami ng school ay nagtanong pa ako kay Yuwa if sabay ba kami umuwi mamaya.
Sabi niya baka hindi raw dahil lagi na lang nahuhuli ang klase nila minsan simula nung nailipat siya sa ibang section.
Kaya hindi ko na gaano nakakasabay sa paguwi minsan si Yuwa dahil nalaman ko sa kanya na hindi na kami magkaklase sa Class-A inilipat siya sa section ng Class-C.
Hindi ko alam kung anong dahilan kaya siya nalipat doon.
Kaya ako na lang mag-isa sa section ng Class-A.
Pero buti na lang at nakakasama ko pa rin silang dalawa ni Maja tuwing breaktime or extra time sa mga subjects namin.
Lunch break na din kaya mag-isa kong tinungo ang cafeteria. Dahil panigurado nandon na rin sina Maja at Yuwa.
Natanaw ko sila parehas na tinatawanan ni Maja si Yuwa na ngayon nakabusangot ang mukha at ang talim ng tingin nito kay Maja kaya lalo ito napatawa kaya't agad akong lumapit sa pwesto nila upang mabaling ang atensyon nila sakin.
"What's going on both of you?" tanong ko sa kanila.
"BWHAHAHAH eto k-kasing si Yuwa HAHAHA hindi marunong manuyo ng babae" natatawang usal nito sakin ng ikinatingin ko kay Yuwa at bahagya akong umiling-iling.
Dahil totoo naman hindi siya nanunuyo ng ibang tao maliban sakin na matalik niyang kaibigan.
Panigurado nag-away o nagtalo silang dalawa ni Cazy malakas kase mang-asar itong si Yuwa talaga.
"Inaway mo?" taas kilay kong anas rito.
"Im not" protesta agad nito sakin ng ikinairap ko naman agad.
Halatang hindi nagsasabi ng totoo.
"Hindi raw siya pinapansin ng nililigawan niya" singit na anas ni Maja.
"Deserve mo yan" matipid kong ani ng ikinabusangot lalo ng mukha nito.
"HAHAHAHAHA" kanina pa tumatawa itong nasa tabihan ko hindi naman siguro clown si Yuwa para pagtawanan niya.
Napairap na lang ako ulit at tumayo papuntang counter upang umorder ng pagkain ko.
Nakabili na ako ng pagkain atsaka ako umupo sa tapat nilang dalawa.
"Hira, turuan mo nga itong manuyo HAHAHA natatawa pa rin ako gagstok" natatawang asik sakin ni Maja ng ikinatawa ko naman ng mahina.
"Seb, pano ba manuyo? Mas sanay akong suyuin ka kesa kay Cazy" kamot batok na turan nito sakin.
Totoo ang sinabi niya na sakin lang siya sanay manuyo kesa sa ibang tao dahil niminsan hindi sila nagaaway nitong sina Yuwa at Cazy maliban na lang kung inaasar ito ni Yuwa.
Malakas ring mang-asar si Cazy kaya quits lang silang dalawa. Ewan ko lang nay napipikon sa kanila pero sa nakikita ko ngayon si Cazy ang napikon ewan ko lang.
"Sige, tuturuan kita kung paano manuyo" sabi ko ng ikinahinga naman ng maluwag nito.
Napangisi ako dahil pagkakataon ko na ito na asarin siya.
"Una, hindi mo kaya kasi mapride kang animal ka" ngisin usal ko sa kanya bago ko isubo itong kinakain ko.
Sinamaan ako nito ng tingin atsaka ako inirapan.
Aba ang taray naman ng Yuan nyo.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (16)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so happy
06/07/2025
0recommend
12/12/2024
0sobrang gandang series na'to❤️🩹😍😍😍😍😍
01/12/2024
0Tingnan Lahat