Homepage/Former Squad Series#1: Rising The River/
Kapitolo 19
Inabala ko yung aking sarili sa pagbabasa ng libro dahil sa nababagot akong maghihintay sa upuan dahil sa wala pang gurong pumapasok sa loob ng klase.
Wala sina Yuwa at Maja dito siguro ay nahuli ang mga iyon ng gising o hindi kaya baka magkasama na naman ng dalawang yon.
Hindi na ako magtakha baka isang araw na lang ay mabalitaan ko na may something sa kanilang dalawa pero malabo may nagmamay-ari na ng puso nitong si Yuwa kaya malabong magkarokn ng relasyon ang dalawa.
Napaangat naman ako ng tingin nang pumasok na si Prof Trovi.
Tinago na rin ng mga kaklase ko ang mga sarili nilang mga gamit gayundin ang ginawa ko ibinalik ko ang libro sa tabihang upuan ko na kanina ko lamang iyon nakuha hindi ko alam kung sino ang may-ari ng libro na yon siguro naiwan ng may ari.
"Good Morning, Class" seryosong pagbati samin.
"Good Morning, Prof" bati ng ilan sa kanya atsaka kami umayos ng upo at inilibot niya ang kanyang tingin sa buong klase hanggang sa madako ang tingin nito sakin.
Napataas ang kilay nito ng ikinakunot noo ko.
"Ms. Polenta" tawag nito sakin.
May nagawa ba ako? Tungkol ba iyon kahapon?
Dahang-dahan naman akong tumayo kahit nagtatakha na baka tungkol iyon sa nangyari kahapon.
"Yes, Sir?" bakas ang pagtatakha sa mukha niya.
"Why are you still here in my class?"
Nagulat man ako ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kanila.
Parang may nagbara sa lalamunan ko kaya nahihirapan ako magsalita.
"Pardon, Sir?" tanong ko baka sakaling nagkamali lang ako ng pagkarinig.
He stares at me
"What i said you don't belong to this class anymore" seryosong asik nito sakin ng ikinabilis naman ng tibok ng puso ko.
B-bakit?
Expelled ba ako dahil sa nangyari kahapon? May nagawa ba akong mali para paalisin ako sa school na ito? Tinanggalan nila rin ba ako ng scholarship?
Hindi ako nakapagsalita habang nakatingin lang ako kay Prof.
"Ms. Polenta wala bang nagsabi sayo tungkol dito?"
Umiling ako.
"Wala, Sir"
Takha niya ako muling tinignan bago ito magsalita.
"You've been passed the examination of Class-A Highen today, Ms. Polenta" para akong nabingi sa narinig ko mula sa kanya.
Narinig ko ring napasinghap ang mga narito.
Alam kong kahit sila ay hindi makapaniwala.
Ako din naman pero hindi ko naman inakalang ang bilis naman nila naipreseso ang paglipat ng mga nakapasa lalo na't naasikaso nila agad yung mga nakapasa sa exam.
"And you've been transferred to the Siena Class today. Come on pack your things! Your class starts at exactly" tumingin siya sa relo niya bago niya ako balingan ng tingin.
"Five minutes"
Napamaang na lamang ako dahil limang minuto na lang ay magsisimula na ang klase ko.
Dali-dali kong niligpit yung mga gamit ko atsaka ko kinuha yung bag ko.
Tumango na lamang ako kay Prof Trovi bago ako tumakbo palabas.
Napakamot na lang ako ng ulo dahil unang-una hindi ko alam kung saan ko hahanapin yung room na lilipatan ko.
Naririnig ko lang ang section na yon pero hindi ko pa nakikita kung saang lupalop ba nagtatago ang section na yon.
Paano ako makakaabot sa klase ko within five minutes kung hindi ko naman alam kung saan sila?
"Bwiset! Nasaan na ba yon?" bulong ko sa sarili ko.
Nagpalinga-linga ako sa magkabilang side ng mga room dito.
Makalipas ng ilang minuto ay nahanap ko na rin sa wakas.
Nasa first floor lang pala ang hinahanap ko.
Inayos ko na muna yung sarili ko at kaunting suklay gamit ang kamay ko sa nakapusod kong buhok.
Nakailang pag hinga pa ang ginawa ko bago pako kumatok sa magandang pintuan ng sinasabi nilang Class-A Highen.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at bumungad sakin ang mapanuring tingin ng mga magiging kaklase ko.
"Miss, sorry I'm late" turan ko.
Hindi ko magawang tignan ang mga kaklase ko dahil sa masyado sila matataas hindi ko kayang makipagsabayan sa kanila.
"You must be Ms. Polenta? You were transferred from TR to Class-A, right?"
"Yes, Miss"
Narinig naman akong samut-saring bulong ng mga taong naririto. Yung iba naman ay napapangiwi na lang, yung iba parang wala lang sa kanila at habang yung iba naman ay nakatingin sakin ng masama.
"You're ten minutes late"
"I wasn't informed. Kanina ko lang nalaman" atsaka napaiwas ng tingin hanggang sa madako iyon sa pamilya na mukha sakin.
Yuwa.
Nandito ka lang pala.
Kaya pala wala siya kanina sa dati naming room dahil kasama ko rin siyang inilipat dito.
Kung nandito siya? Nasaan naman si Maja?
"Introduce yourself Miss" asik nito ng ikinatango ko na lang bago ako tumingin sa harapan.
"Settle down, Class" tumahimik naman ang lahat atsaka sila tumingin sakin.
Huminga ako ng malalim atsaka ko hinawakan ng mahigpit yung isang strap ng bag ko.
Pilit ko muna pinakalma ang pakiramdam ko bago ako nagsalita.
"Hiraeth Polenta" tipid kong pakilala hanggang sa may mga naririnig na ako kung ano-ano tungkol sa kanila.
"Yocs may squatter na nakapasok"
"Her name doesn't suit her fashion"
"Seriously? That's it?"
Wala akong naging reaksyon sa mga sinasabi nila. Hindi ako nagpapaapekto sa mga pinagsasabi nila.
Hindi nila ako kilala kaya madali lang sa kanila kung manghusga ng tao.
Nakarinig pa ako ng ilan na bulungan bago ito tuluyang mabasag ng isang malamig na boses.
"You should learn how to shut your goddamn mouth"
Kahit hindi ako tumingin sa kaniya ay kilala ko na ang boses nito.
Devon.
Tumahimik ang lahat ng sinabi niya ito.
Bahagya kong tinignan si Devon na nakaupo sa bandang likuran at may katabi itong dalawang babae.
Keisha and Qadry.
"You may seat beside Mr. Doliguez and Ms. Polenta"
Tumango na lamang ako atsaka ko tinigna ang row na nasa likod na kung saan si Yuwa ay katabi nito ni Kei.
May isang bakante na upuan sa tabi nito ni Yuwa. Kaya wala na akong magawa kundi umupo na lamang sa tabihan nito.
"Oh, Hi Hira" usal nito ni Kei sakin ng ikinatango ko na lamang at bahagyang binigyan ng matipid na ngiti.
"I want you to meet my friend Qadry, Hira" pagpapakilala ni Kei sakin kay Qadry.
Kilala ko siya Keisha, kilalang-kilala.
I want to say sana kay Kei kaso wag na lang sayang sa laway.
"Hi, Hira"
Tumango na lang ako atsaka ako pilit na ngumiti.
"And lastly this is Devon kilala mo na siya diba, Hira?" sabi ni Kei atsaka niya kinalabit itong si Devon.
"Come on Josh don't be so rude"
Umayos siya ng upo saka ito tumingin sakin ng walang reaksyon.
Akala ko magsasalita siya para sabihin yung pangalan niya sakin ngunit ngumisi lang ito sakin saka niya ako iniwasan ng tingin.
"He's always like that Hira, pag pasensyahan mo na ang isang yon" Keisha said ng ikinatango ko na lamang at nginitian ng tipid.
Maybe transferring at the Class-A Highen wasn't bad at all.
I wish for that.
Dumiretso na lang ako sa paglalakad pabalik ng room hanggang sa may nakabangga ako.
"What the? Next time, watch your move!"
Naningkit ang mga mata ko dahil sa pagsigaw nung lalaki sakin. I should be the one shouting here because first of all ako yung binangga niya.
Napailing na lamang ako atsaka ko muling binalingan ng tingin yung lalaking nakabangga sakin bago ako naglakad papalayo.
Maybe my day is really not that good.
Nakarating na ako sa room.
Pagkarating ko roon ay halos wala pa ang iba. Iilan lamang ang naririto. Wala din dito si Yuwa dahil nagpaalam iyon sakin na saaamahan niya na muna si Kei sa cafeteria dahil nagugutom daw ito kahit hindi pa oras ng breaktime.
Kahit yung si Devon at Qadry ay wala din dito.
Later ko pa dadaanan si Maja sa Class-B Middle High dun pala siya inilipat dahil sa may kulang ng estudyante sa Class-B kaya si Maja na lang ang napiling ilipat doon kaysa sa makasama namin dito sa Class-A.
Isinalpak ko na lamang sa tenga ko ang dalang earphone dahil sa wala pa naman dumadating ng lecturer.
"Look who's here?"
Hindi ko pa naman naii-play yung song list na gusto kong patugtugin ng may isang taong gusto pang magpapansin sa araw ko ngayon.
Lumingon ako sa pinto ng makita ko ang taong gustong magpaluhod dapat kay Maja.
Si Zoe.
Walang alinlangan itong pumasok sa loob ng classroom bago ito naglakas-loob na lumapit ito sakin.
Hindi ko na lang ito binigyan pansin atsaka ko binalingan ng atensyon sa pagpindot ng play button.
Kaso bigla nitong hinila ang earphone ko bago niya itinapon sa labas ng bintana na malapit lang sa tabihan ko.
Napapikit ako ng mariin.
"Class-A kana pala?"
Nilingon ko siya.
Ngumisi ito sa akin atsaka niya ako tinaasan ng kilay.
Inis man ngunit hindi ko iyon pinahalata bagkus ay isinandal ko ang aking sarili sa upuan bago ko siya binigyan ng mapang-asar na ngiti.
"Ofcourse im part of Class-A now because i deserve it right? Ikaw ba?" ang kanyang ngisi sa mukha ay napalitan ng pagkainis.
Kaya ako naman ang ngumisi sa kanya.
Akala ba niya ay maiinis niya ako ngayon araw. Hindi niya yon sure.
"Argh y-you hindi pa tayo tapos let's go girls" padabog siyang umalis sa harapan ko kasama ang mga buntot nito.
Hindi pa siya nakakalayo ng tawagin ko ito upang lumingon ito sakin habang magkasalubong na naman ang kilay nito.
"Normal pa ba yung galit ka sakin kahit hindi kita inaano?" tanong ko ng ikinataas ng kilay nito sakin.
"What?"
"Oh nevermind na lang"
Paalis na sana siya ng muli ko na naman ito tinawag.
Wala lang gusto ko lang siya asarin.
"What else would you say?" pikon na asik nito sakin ng ikinangisi ko naman ulit.
"Kung may galit ka sakin isama mo si dora hanapin nyo pake ko" turan ko ng ikinakunot noo nito sakin.
"Who's that dora?" anya niya ng ikinataas ng kilay ko.
Seriously hindi niya kilala si Dora? Halos lahat ng mga bata alam kung sino si Dora tapos siya?
Nevermind.
I forgot na anak mayaman pala ang isang to. Literal na hindi niya kilala si Dora.
Napairap na lang ako ng palihim dahil sa sinabi nito sakin.
"Nothing" asik ko.
Sinamaan niya ako ng tingin bago siya padabog na lumabas kasama ang mga buntot nito.
Tsk. Pati ba naman si Dora hindi niya kilala.
Panay gala kaya ang negra na yon imposibleng hindi niya nakakasalubong o nakikita man lang si Dora.
Napailing na lamang ako bago bumuntong hininga.
Lumabas na lang ako ng room atsaka ko hinanap yung earphone ko na hinagis nung Zoe na yon.
Pagkakita ko nun ay sakto namang may napadaan na lalaki na pamilyar sakin pero hindi ko naman kilala hanggang sa maapakan niya ito.
Sinubukan ko siyang tawagin ng ilang beses ngunit parang bingi lamang ito na walang naririnig na may tumatawag sa kanya.
May lalo namang dumoble ang inis ko ng makita ko itong tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad kaya hinila ko ito sa braso hanggang sa magkaharapan na kami.
Allen.
"What the hell is wrong with you?" inalis nito ang headset niya atsaka siya tumingin sakin ng masama.
"Sinira mo ito. I don't know kung bulag ka lang talaga o sadyang tanga lang" asik ko sa kanya atsaka ko dinampot yung nasira kong earphone.
Sana naman ay hindi siya tanga para hindi niya malaman kung ano ang tinutukoy ko.
"I can pay that" saad niya bago ito tumalikod at para bang may kukunin na alam ko namang pera yon.
Napailing na lamang ako ng dahil sa kanyang sinabi.
Anong gusto niyang mangyari?
Na dadaanin niya nalang sa pera yung nasira niya?
Dahil sa sinagad niya lalo ang inis ko pinaharap ko ulit siya sakin.
"What?" inis na tanong nito sakin.
Tinapon ko sa mukha niya ang nasira kong earphone.
I glared at him.
"Hindi tungkol sa pera ang kailangan ko" asik ko sa kanya bago ko siya talikuran at muling pumasok sa loob ng room.
Ngayon ko lang pala napansing maraming nakatingin samin.
Lalo na sakin.
Tinaasan ko sila ng kilay na siya namang ikinaiwas ng mga nandito bago ko sila irapan ng dahil sa inis.
Inis akong napakamot batok dahil sa bibili na naman ako ng panibagong earphone.
Napairap na lamang ako ulit dahil sa inis na naman. Sira na naman ang araw ko.
Kung hindi si Zoe ang sisira si Allen naman.
Ewan ko ba doon kay Zoe kung bakit galit na galit sakin hindi naman siya inaano ng ganda ko.
Atsaka kahit umabot pa ng mars yun galit niya sakin, wala pa rin akong pake mukha pa rin siya tae sa paningin ko.
Sa lahat ho ng may galit sakin pasensya na wala po akong pakialam.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (16)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so happy
06/07/2025
0recommend
12/12/2024
0sobrang gandang series na'to❤️🩹😍😍😍😍😍
01/12/2024
0Tingnan Lahat