Kapitolo 18

Kakatapos lang ng subject naming PE. Nandito kami ngayon sa gym dahil nga nagkaroon kami ng activity.
Pinupunasan ko yung mukha ko dahil sa pawis. Umupo na muna ako sa bleachers dahil sa pagod.
"Tara na" aya ko kay Maja ng makarating siya sa pwesto ko.
"Sige"
Tumayo na ako sa pagkakaupo atsaka sumunod sa mga kaklase naming paalis na. Hindi pa kami gaano nakakalayo ni Maja sa paglalakad patungong labasan ng gym ng may biglang tumawag samin.
"Hey the two of you! Let's play the game" rinig kong ani samin nitong si Nikki.
Ano na naman ba problema ng isang to?
"You don't want to play because we might beat you? Come on Marshal, let's play"
Lumingon ako sa likuran namin at nakita ko ang grupo nitong si Nikki. Hawak nito ni Nikki ang bola ng volleyball.
"Don't mind them Marshal" asik kong bulong sa kanya.
"Isama mo na yang kasama mong loser"
Nagtawanan ang tatlong kasama nitong si Nikki.
Nakita ko kung paano kumuyom ang kamay nitong si Maja at pati ang pag-igti ng panga nito.
Nagkatinginan kaming dalawa nitong si Maja.
"What now losers? Too scared?" nakangising sabi ni Nikki.
Napairap na lang ako ng palihim dahil ang creepy niya kapag ngumingisi siya.
Napatingin na lang ako kay Maja ng lumapit ito sa pwesto nila Nikki at pati ang mga kasamahan nito.
Sumunod na lamang ako sa kanya kahit ayaw ko dahil alam kong may maling mangyayari.
Bakit ba kasi napakamainitin ng ulo nitong si Marshal sa tuwing nandyan sina Nikki.
"Sasali din kami" nagsilapitan ang apat naming kaklaseng natira dito sa gym.
Sina Mikaela, Jacky, Iana at Lyka.
"6 vs 5?"
Hindi ako sumali sa kanila dahil sa tinatamad na yung katawan ko. Dahil baka mga ilang oras bumigay na yung katawan ko dahil sa pagod.
"It's fine kung hindi ka na lang sumali mas mabuting magpahinga ka na lang dyan" turan sakin ni Maja ng ikinatango ko na lang.
Nagsimula na ang laro.
Kahit na 6 vs 5 ay nakaya naman tapatan nila Maja ang team nila Nikki dahil sa kumpleto ang mga ito.
Halatang pagod ang magkabilang team ngunit nagpatuloy pa rin ang mga ito.
Ahead ang team nila Maja sa first set pero nakabawi naman ang team nila Nikki.
Na kela Maja ang bola at si Maja ang magse-serve ng bola. Pumalo ng malakas itong si Maja at napunta iyon sa net ngunit pasok naman at hinabol naman nito ni Nikki ang bola upang hindi lumapag ang bola dahil kung hindi kela Maja ang magiging puntos.
"Tignan lang natin kung makangiti kayo kapag natalo namin kayo" Lyka said and then passed it to them.
Palipat-lipat lang ang bola.
"Shut up mga losers!"
That word again.
Umiinit na naman ang ulo ko dahil sa inis dahil sa paulit-ulit kong naririnig yan mula sa kanila at hindi na ako natutuwa don.
Tumayo ako atsaka ko inunat yung katawan ko.
Napagpasyahan kong maglakad-lakad sa gym habang naglalaro sila.
Napahinto ako sa bandang pwesto ng pagse-servan ng grupo nila Nikki. Bali nasa team ako ni Nikki pero ang pwesto ko ay kung saan magse-serve ang player.
Hindi naman ako natatamaan ng bola dito dahil may kalayuan naman ng kaunti para kahit paano hindi ko maabala ang paglalaro ng grupo nina Nikki.
Nang si Nikki na ang magse-serve ng bola ay napalakas ang palo nito at lumagpas ang bola kela Maja.
Kaya halos lahat ng narito ay napangsinghap ng makita naming dumapo ang bola sa isang lalaki.
Kaya napatigil kaming lahat at sinundan ng tingin ang bola.
Ang iba ay hindi halos makahinga ng maayos ng biglang tumama ang bola sa ulo ni Robin.
"Quae est infernum! Haec pila goddamn quis abiecit?"
[What the hell! Who threw this goddamn ball?]
Lahat na nandirito ay nagulat at natuod sa mga kinatatayuan dahil sa hindi inaasahang biglang pagsulpot nitong si Robin.
Gayundin ang mga kasamahan nitong si Robin ay tila nagulat rin sa pangyayari. Hindi ko pa kilala ang iba sa kanila pero alam kong isa sila sa mga council at officer.
Hindi ko naintindihan ang gamit nitong lenggwahe ngunit isa lamang ang masisiguro ko ay dumidilim na ang kanyang awra.
Malakas niyang itinapon ang bola upang lumikha ito ng malakas na ingay. Napaatras ang iba ng biglang itong maglakad palapit samin.
Pero ako ay nanatiling kalmado habang nakatingin sa kanya.
Nakahawak ang kamay nito sa kanyang ulo dahil siguro napalakas ang pagsapul sa ulo niya dahilana para dumugo ang ilong nito.
Marahan niyang pinunasan ang kanyang ilong gamit ang likod ng palad niya.
"Who the fuck threw this ball to my head?" walang emosyong saad nito habang malamig lamang ang naging titig nito samin.
"H-her" napakunot-noo na lamang ako ng bigla akong itinuro nitong si Nikki at nagsitakbuhan kaagad sila palabas ng gym kasama ng mga kagrupo nito kanina.
Hindi ko napansin na katabi ko na si Nikki kanina ngunit may kalayuan pero alam kong sinadya niyang mapalapit ng kaunti sakin para mapabaling yung sisi sakin kahit hindi ko naman ginawa.
Lintek na babae na yon pahamak talaga pati ako dinamay sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
Hindi ko na alam ang gagawin ko ng bigla itong naglakad patungo sa direksyon ko.
Bigla na lamang nablanko ang utak ko dahil sa hindi ako makakilos.
Lumapit ito sakin.
Ngunit napaatras naman ako pero bigla niyang hinigit ang braso ko ng ikinangiwi ko naman ng palihim dahil sa sobrang paghigpit ng hawak nito sakin.
Halos maduling na ako sa kakatitig sa nakakamatay niyang mga mata.
"You'll pay for this"
Nabigla ako ng bigla akong kinaladkad nito nagpupumiglas naman ako sa hawak nito sakin.
"You jerk bitawan mo ako" inis na singhal ko rito.
"Travino"
Napatingin kami sa taong kakapasok lang ng gym.
Lumapit ito saming dalawa atsaka niya ako inilayo rito kay Robin. Nakahinga naman ako ng malawag ng maalis na ang kamay nito sa braso ko.
Pinukulan siya ng masamang tingin nitong si Prof Trovi.
Yes you read it right ang kapatid lang naman ni Robin na si Prof Trovi ang umawat dito.
Umiwas na lamang ng tingin itong si Robin atsaka muling pinunas ang natitirang dugo sa ilong nito.
"What's wrong with your attitude, Altaveros!"
"Tss"
"You're the supreme councilor pero ikaw ang nanakit sa mga kapwa estudyante mo kalalaki mong tao and i'm not gonna tolerate if you hurt a girl"
"It's her fucking fault anyway" malamig na sagot nito kay Prof Trovi.
"But still hindi mo naman kailangan manakit ng tao"
Napaiwas na lamang ulit ng tingin itong si Robin kay Prof.
Dahil tama naman ang punto nitong si Prof Trovi hindi naman niya kailangan manakit ng tao dahil lang sa may nagawa lang na mali sa kanya.
"They're the one pissing me off" inis nitong saad.
"You're getting into my nerves, young man. You're so stubborn!"
Napailing na lamang ako dahil sa pagiging immature nitong si Robin.
"I cura ad infernos?" (The hell i care?)
"Watch your langguage young man kung ayaw mong malaman ni Grandpa ang ginawa mo sa isa sa kanyang estudyante" naningkit ang mata nitong si Robin atsaka kita ko kung paano kumuyom ang kamay nito.
Hindi niya na sinagot si Prof atsaka niya ako muling binalingan ng malamig na titig bago siya inis na lumabas ng gym kasunod ang mga kasamahan nito.
"Irrumabo!" (Fuck!)
Narinig ko pa ang sinasabi nito na halatang nagmura ito gamit ang kanina pa niyang ginagamit na lengguwahe.
Humarap samin si Prof Trovi atsaka niya hinawakan yung balikat ko.
"Are you okay?" tumango na lang ako sa kanya.
"Sorry for my brother's attitude, iwasan nyo na lang siya kapag nakita nyo" sabi niya bago umalis.
Nanatili kaming nakatitig sa pigura ni Prof palabas ng gym.
"Oh shocks! I thought we'll die. Buti na lang hindi ka niya sinaktan Hira" sabi ni Mikaela.
"Grabe nakakatakot palang magalit si Summo" Jacky said.
"Kasalanan talaga ng babaeng bruhilda na yon akalain mo yon talagang nangsisi pa ng ibang tao i can't believe this" Iana.
"Okay ka lang ba Hira? Patingin nga ng braso mo" asik ni Maja sakin atsaka niya tinignan ang braso ko na kung saan hinawakan ni Robin kanina.
"Namumula yung braso" usal niya.
Tinignan ko ang braso ko tama siya namumula nga. Bakas pa ang marka ng kamay nitong si Robin.
Grabe ang sakit kaya.
Binawi ko na yung braso ko kay Maja.
"Buti na lang at iniligtas ka ni Prof kanina"
He really did especially me. Prof Trovino Altaveros, ang lecturer namin sa general biology at kapatid ni Robin.
Napabuntong hininga na lamang ako atsaka ako naunang maglakad.
Gusto ko na munang umuwi sabihan ko na lang sina Maja at Yuwa na i-excuse na muna nila ako sa lahat ng natira kong subject dahil may emergency lang kahit wala naman talaga.
Nasa court ako ngayon ng baryo namin na kung saan may makikita kang mga taong naglalaro ng basketball.
Nandito lang naman ako sa labas para tumambay habang pinapanood ko yung mga naglalaro.
"Hira" napalingon ako sa taong tumawag sakin.
"Bakit?" takha kong tanong sa kanya.
She's the long curly hair na hanggang bewang. She's have a rossy chicks and pinkish lips mahahaba rin ang pilik-mata nito.
I don't know how to described her dahil sa height niya.
Mas matangkad kasi ako sa kanya dahil sa hanggang balikat ko lang siya i think mga nasa 4'11 or 5'1 yung height niya.
Sabi niya kasi sakin noon belated yung height niya kaya napagkakamalan siyang bata pero mukha nga kasi siyang bata dahil sa height nito. Ayoko man sabihin yung term na 'pandak' pero yun talaga siya.
"Pwede ba tayong mag-usap? Sa walang tao sana" asik nito sakin ng ikinatango ko na lang sa kanya bago niya ako talikuran.
Wala akong ideya kung ano bang pag-uusapan namin at wala rin akong alam kung tungkol saan naman.
Sinundan ko na lang ng lakad si Tala na ngayon patungo sa baba ng baryo namin sa St. Paul ng Area 5.
Mukha alam ko na ang pag-uusapan naming dalawa.
"What happen?" tanong ko agad sa kanya ng makarating na kami sa baba.
Ngunit hindi niya man lang ako sinagot kaya binuksan niya yung pinto atsaka pumasok sa loob ng lumang bahay.
Wala na akong magawa kaya pumasok na rin ako sa loob atsaka ko isinarado ang pinto.
Mahirap isara ang pinto dahil sa may yero pa ito sa baba.
Lumang bahay ang pinasok naming dalawa dahil sa matagal na itong hindi tinitirhan kaya ito ang ginawa naming secret house nitong si Tala sa tuwing dito kami tatambay o pupunta kapag may problema man.
Dating tindahan ang lumang bahay na ito. Hiningi kasi ni Tala sa may ari na kung pwedeng samin na lang ito tutal wala namang tumitira pumayag naman yung may-ari.
Kaya kami na rin ang umayos ng loob hindi katulad ng labas dahil sinadya naming hindi ayusin ang labas para magmukha itong lumang bahay at walang magbalak na pumasok.
Maaliwalas ang loob nito ng pumasok na ako siguro'y naglinis itong si Tala dahil sa minsan na lang namin ito puntahan hindi na namin naasikaso itong lumang bahay.
Wala namang nakakaalam na may taong pumupunta dito maliban lang talaga sa dating may-ari dahil sa hiningi na namin ito ay kami na ang nag mamay-ari.
Narinig kong napabuntong hininga itong si Tala bago umupo sa tabing mesa.
"Bigla kong narealize na, hindi pala sa lahat ng oras mahalaga tayo"
Mapait na saad nito ngunit hindi na lang ako nagsalita at nakinig na lamang ako bagkus hahayaan ko na muna siyang maglabas ng hinanakit niya.
Pagak itong tumawa bago mag salita.
"I honestly hate feeling like I'm forcing to talk to me like I s-suffer from breakdowns every night s-sobrang hirap sabihin kahit kanino k-kasi w-wala rin akong gana magkwento puro s-self blame at regrets lang ang g-ginagawa ko. Kung a-ano ano ang pumapasok sa isip ko to t-the point na nadodown na -ako di ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko. P-pagka gising ko magiging okay na ulit pero at t-the end of the day g-ganon ulit" mahabang saad niya habang nakatulala sa kawalan.
Nagbabasag na ang kanyang salita dahil sa pagpipigil niyang umiyak. Namamasa na ang kanyang magkabilang gilid na mata pero pilit niyang pinipigilan.
"Umiyak ka lang hanggang sa mawala yung sakit" saad ko bago ako mag-iwas ng tingin ng tuloy-tuloy yung pagbagsak ng luha niya.
Ayokong may nakikita akong umiiyak sa harapan ko dahil ako mismo yung naawa sa kanila.
Napailing na lamang ako bago ko lapitan si Tala at ikinulong siya saking bisig.
Hanggang sa tuluyan nang humagulgol sa tabihan kong si Tala.
Hindi ko alam kung papaano ko papagaanin ang kanyang looban pero alam ko sa simpleng yakap lang ay agad ding mababawasan ang bigat na dinadama niya.
Nang mahimasmasan na siya ay bumuntong hininga na muna ako bago ako umupo sa tabihan niya.
"Don't beg for someone's attention pag ayaw na, ayaw na gets? And don't make someone priority if you're just their option" saad ko ng humiwalay na ako ng yakap sa kanya.
"Alam mo yung masakit sa pagiging optional? Y-yung iiwanan ka nila kapag hindi ka na k-kailangan, yung pipiliin ka lang kapag wala ang first choice, yung h-hindi ka kayang pahalagahan k-kasi hindi naman ikaw yung priority. Masakit diba? Y-yung alam mong hindi ka nila pipiliin ng pang matagalan kasi a-alam mong iiwanan ka nila kapag n-nandyan na ang mas b-better sayo. K-kapag nandyan na ang mas mahal at priority nila"
Napakagat labi siya ng sunod-sunod na pumatak yung luha niya atsaka sya ngumiti sakin na alam kong pilit lang yon.
Pinunasan ko yung luha niya atsaka ako muling bumuntong hininga at hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.
"Look at me Tala" turan ko sa kanya atsaka ako taimtim na tinignan siya sa mata.
"Kilala kita Tala, hindi ka masaya, kahit anong ngiti mo, kitang-kita sa mata mong malungkot ka, pero alam mo bang proud ako sayo kasi kahit papaano nilalabanan mo yung lungkot na meron ka, kahit pagod kana kinakaya mo pa, sobrang tatag mo as in. I hope na maging okay kana, makakasurvive ka rin okay? Dasal kalang wala namang hinihinging kapalit ang pagdadasal natin" mahabang lintanya ko sa kanya atsaka ko sya nginitian ng matamis.
"Ngayong hapon ay nasaksihan ko na siya, nasaksihan ko na ako pala'y mahalaga" nakangiting aniya niya.
Namatawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Walang nagsasalita parang dinadama na muna namin yung peace kahit panandalian lamang.
Hanggang sa siya na rin ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.
"I"m just thankful because you never left me. I know na iiwan mo rin ako soon Hira, pero still thankyou for loving me now"
"Minsan kailangan mong ilabas lahat ng sama ng loob mo, para malaman nilang hindi unlimited ang pasensya mo" saad ko ng ikinatango niya lamang.
"Tara na" yaya niya sakin ng ikinatango ko na lamang.
Sabay kaming lumabas ng lumang bahay atsaka kami bumalik sa baryo namin.
Nagpasalamat muli sakin si Tala dahil sinamahan ko siya ng ilang oras.
"Sometimes Tala, you gotta pretend everything is okay" asik ko saking sarili ng makita ko siyang nakangiti habang naglalakad papalayo ang kanyang pigura.
Ngayon ko lang napansing mag-gagabi na kaya pala nag-aya na itong si Tala na umuwi.
Napailing na lamang ako dahil kahit hindi ikwento sakin lahat ni Tala ang nangyari alam ko na kung saan nagsimula.
Ginawa siyang second choice ng taong mahal niya kumbaga isa siyang option sa relasyon nilang dalawa.
You know a person who is okay with being alone is a powerful person.
Napangiti na lamang ako sa isipan ko.
Selestala Joyce Rago is my childhood friends. Ako ang tumawag sa kanya ng Tala nung mga bata kami kaya yun na rin ang tawag ng karamihan sa kanya dito sa baryo.
Huminga na muna ako ng malalim bago ako naglakad pauwi.
Umuwi na ako ng bahay dahil may mga aasikasuhin pa pala ako. Nag-una na muna ako ng katawan bago kumilos.
Ang daming nangyari sa araw na ito. Sana naman pagpahingain nyo muna ako sa problema.
"Aalis na ako ha? May pagkain namang nakahain dyan sa lamesa" habilin ko dito kay Rhy dahil aalis na ako para pumasok na.
"Sige, nagchat rin naman si Dylan dahil sabay na kaming papasok mamaya" tumango na lamang ako atsaka ko kinuha yung bag at mga gamit ko.
"Sige na, papasok na ako baka malate pa ako yung binilin ko kanina ah"
"Oo na ako na bahala dito Ate pumasok ka na"
Napatingin kaming dalawa sa pinto ng may narinig kaming kumatom.
"Ang bilis naman ata ni Dylan nandyan na agad" tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat na lamang ito.
Lumapit ako sa pinto para buksan pero hindi ko pa ito nabubuksan ng gaano ng may biglang dumamba ng yakap sakin.
"W-what the?" sa sobrang gulat ko ay muntik pa kaming mawalan ng balanse.
"Ate Tima" sigaw niya malapit sa tenga ko.
Napangiwi ako dahil sa naging sigaw nito.
Lumayo ako sa kanya dahil sa nabibingi na ako ng sumigaw siya malapit sa tenga ko.
"Wahhh Ate Tima namiss po kita sobraaa! Grabe ang ganda nyo pa rin Ate Tima" asik niya.
Grabe talaga tong batang ito
"T-teka lang Sam" turan ko sa kanya at bahagya ko siya tinapik sa balikat dahil sa bigla itong pagkatulala.
"SAMARA!"
Narinig kong suway ng kapatid ko kay Sam na agad naman itong sinunod.
Napanguso na lamang itong si Sam habang lumayo ng kaunti sakin.
"What are you doing here?" iritang tanong ng kapatid ko dito kay Sam.
"Malamang pinuntahan kita bespren para sabay na tayong pumasok" nakangiting aniya niya sa kapatid ko atsaka bahagyang yumakap sa bewang nito.
Bahagya naman akong napatawa ng palihim dahil sa nakikita ko sa kanilang dalawa.
Ang cute nilang tignan
Kahit halata sa kapatid ko na ayaw ang ginagawa nitong si Sam sa kanya.
Ngumiti ako sa kapatid ko na ngayon ay hindi maipinta ang mukha nito.
"Papasok na ako ah? Wag kayo masyadong magbangayan dito" inayos ko na muna yung suot ko atsaka ko binuksan yung pinto.
"Sige Ate Tima, babye ingat ka po!" kumaway-kaway pa itong si Sam sakin ng ikinailing ko na lamang dahil sa kakulitan nito.
Lumabas na ako pero narinig ko pa yung sigaw ng kapatid ko.
"Pwede bang lumayo ka sakin Samara"
Napailing na lamang ako bago ko kunin yung bike ko na nakaparada sa tapat ng bahay.
Ang batang iyon na si Samara ay matalik na kaibigang babae lamang ng kapatid ko atsaka taga dito lamang sa baryo namin yung si Sam bali dun sila sa unahang kanto ng mga angkan ng Kalifa.
Atsaka napagdesisyon ko kasi na magbi-bike na lang ako papuntang school para makatipid ng pamasahe.
Wala namang problema sa suot ko dahil ganon pa rin naman.
Wala pa namang naibibigay na uniform saming mga transfer dahil sa inaasikaso pa nila.
Sinabi ko na rin yun kay Yuwa na hindi na ako magaabalang magcommute. Dahil mas mabuti na lang na i-bike ko na lang papuntang school.
Hindi pa sana niya ako papayagan dahil delikado sa daan baka daw may mangyari pa saking masama.
Sinabi ko naman sa kanya na magtitipid na muna ako ngayon dahil sa kailangan ko pang magipon ng gastusin namin sa bahay kaya wala na siyang nagawa kung di pumayag na lang.

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Maryzcha ElJia Valdon

    so happy

    06/07/2025

      0
  • avatar
    CalicdanMikie

    recommend

    12/12/2024

      0
  • avatar
    Fyang Smith

    sobrang gandang series na'to❤️‍🩹😍😍😍😍😍

    01/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata