Kapitolo 15

Kasunod ko lang yung pinsan ko mula sa likuran pauwi na kaming dalawa sa bahay. Gusto kong makausap ang kapatid ko kung bakit niya nagawang sapakin ang anak ni Tocong alam ko ang puno't dulo ng lahat yon dahil sa sinabi ng anak ni Tocong.
Pero may iba pang dahilan na gusto kong malaman sa kapatid ko. Alam kong may dahilan siya bukod sa pagsapak don sa anak ni Tocong.
Yung anak na yon ni Tocong ang mabully sa baryo namin porket na may kaya ang pamilya kaya pati bata pinapatulan tsk.
Marami na akong naririnig na pati ang kapatid ko ay inaasar niya hindi lang siya pinapatulan ng kapatid ko siguro inaantay niyang patulan pa siya para manahimik na.
Kaya ayan nahanap niya na yung katapat niya. Bellow the belt na kasi ang pinagsasabi ng bata na yon sa kapatid ko.
Ayos lang naman sa kapatid ko na asarin mo siya hindi naman siya ganon kadaling mapikon pero mabilis uminit ang ulo non lalo na kung babanggitin mo ng wala sa oras ang nanay namin dalawa kahit palabiro man o hindi mapipikon at iinit ang ulo ng kapatid ko.
Asarin mo man o pagtripan ang kapatid ko ayos lang pero wag kang magsasalita ng kung ano tungkol sa nanay namin laban sa kanya baka hindi ka na sikatan ng araw kinabukasan.
Yun namang pamilya ni Tocong ay talagang dakilang mga nanghihimasok ng buhay ng tao kumbaga mga pakialamera.
Bakit alam ko ang bagay na yon? Naririnig ko lang yung kung saan-saan.
Alam niyo naman may pagka-chismosa talaga ako minsan hindi lang halata.
Kahit hindi ko pakinggan ang mga sinasabi nila sadyang may naririnig lang talaga ako kung ano-ano about dun sa mga angkan ni Tocong pero hinayaan ko na lang dahil hindi rin magtatagal lilipas din naman.
Binuksan ko na yung pinto ng bahay pati ilaw. Pero walang Rhyniel akong nakita dito siguro hindi siya umuwi rito ng magwalk-out siya kanina.
Aminin ko man sa hindi sa tuwing tungkol sa nanay naming dalawa ang pinaguusapan atras ako.
Kapatid ko lang ang iniintindi ko lalo na yung mararamdaman niya kapag tungkol na sa nanay namin. Nagiging matured ang kapatid ko kapag dumating sa punto na yung nanay na namin ang topic.
Kailangan ko pang hanapin ang kapatid ko pero sa tingin ko bibigyan ko na muna siya ng espayo para sa sarili niya. Alam kong gusto niyang mapagisa pero ayoko naman kasi na isarili niya na lang dahil sabi ko nga kanina atras ako kapag usapang nanay na namin. Pero para sa kapatid ko gagawin ko yung best ko para damayan siya.
Alam na alam ko kung saan siya tumatambay kapag gusto niyang mapagisa o may problema siya sa buhay.
Magpapalit na muna ako ng suot bago ako kumilos dito sa bahay dahil ayokong magalit si Papa. Takot akong magalit yon hindi sa pananakit ng pisikal kundi sa mga masasakit na salita na nabibitawan niya sa tuwing nagagalit siya.
Mahina ako pag dating sa emosyonal na pakiramdam as in super ultra mega. Pero sa pisikal active ako dyan lagi mo ba namang ka-wrestlingan ang kapatid mo.
Kikilos na muna ako rito sa bahay dahil malapit ng umuwi ang tatay ko. Mahahanap ko rin naman yung kapatid kong yon tsk! Ako pa ba alam na alam ko talaga kung nasaan siya.
Ilang oras ng matapos na ako gawin lahat ang mga dapat kong gawin ay kumain na muna ako bago ko puntahan yung tambayan ng kapatid ko.
Nauna na akong kumain sa kanila dahil panigurado ubusan na naman ng kanin mamaya. Ang lakas kaya kumain ng tatay ko pati yung kapatid ko. Kaya ang ending nun ako ang nauubusan ng kanin at muli na namang magsasaing para sa sarili ko.
Kinuha ko yung bike na nasa tapat lang ng bahay namin atsaka ko tinanggal ang pagka-padlock nito. Magbi-bisikleta ako papunta roon sa tambayan ng kapatid ko masyadong malayo pa rito sa baryo namin ang tambayan non.
Binaba ko na yung stand ng bike para hindi ito matumba. Tanaw ko na siya sa itaas prenteng nakaupo habang nakatingin sa kawalan.
Ngayon ko lang napansin na nandito pala yung bike niya.
Ginamit niya na pala yung bike papunta rito na kung saan binigay ito sa kanya ng nanay namin.
Dahan-dahan akong umakyat upang hindi niya mapansin ang presensya ko kung bakit nandito ako ngayon. Nang makaakyat na ako muli ko na namang nasilayan ang ganda ng view rito sa taas.
Hindi ko pa ring maiwasang hindi mamangha sa ganda ng view dito.
Kitang-kita mo ang ganda ng mga kislap at ilaw na nagmumula sa mga malalaking bahay dito. Over looking ang tawag ng lahat sa ginagawa ko ngayon ang pagtanaw sa mga ilaw sa naglalakihang bahay sa paligid.
Papaano pa kaya kung mga malalaking bulding na ang tatanawin ko ngayon sa paligid? Siguro sobrang ganda rin katulad nito. Ang pinagkaiba lang nila mas maraming ilaw ang mga building kaysa sa mga malalaking bahay.
"Anong ginagawa mo rito?" nagbalik ulirat ako ng biglang magsalita ang kapatid ko. Hindi ko namalayan na naramdaman niya na agad yung presensya ko. Masyado akong nagandahan at namangha sa mga nakikita ko.
"Dahil nandito ka?" patanong kong anas na para bang hindi ko siguradong sabi sa kanya. Bigla ba naman magsalita hindi ko naman alam ang sasabihin ko.
Masyado akong na-enjoy sa mga nakikita ko masisi nyo ba ako.
Dinig kong pagak itong tumawa na siya namang ikinakunot ng noo ko.
Ano namang nakakatawa?
"Sana'y hindi ka na lang nagpunta dito dahil hindi naman kita kailangan" walang kabuhay-buhay na turan nito sakin habang ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin sa kawalan.
Napatingin ako sa kanya.
"Bakit hindi na ba pwedeng pumunta dito kahit nandito ka?" saad ko ngunit hindi niya ako sinagot.
Walang nagsasalita samin dalawa nanatili lamang kaming hindi nagsasalita habang tanaw lang namin ang maganda paligid.
Tanging kuliglig lang ang maririnig namin.
Pakiramdaman lamang ang ginagawa naming dalawa sapagkat inaantay kung sino bang magsasalita samin.
Bumuntong hininga na muna ako bago ko basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawang magkapatid.
"Pumunta ako dito dahil kailangan mo ako" anas ko at muling tumingin sa magandang tanawin kahit alam kong gabi na pero ang gandang pagmasdan.
"I don't need you" seryosong ani niya ngunit mababakasan mo ang pagiging walang buhay niyang tono.
"Pero kailangan mo pa rin ako kahit sabihin mong hindi mo ako kailangan" sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa kawalan.
"I said i don't need you" ulit niyang sambit sakin.
Napakuyom ako ng kamao ng dahil sa sinabi niya sakin. Hindi ko na lang binigyan pansin ang sinasabi niya sakin kanina.
At muli ko siyang tinignan bago ako ulit magsalita.
"Ano pang dahilan mo kung bakit mo nagawang sapakin ang anak ni Tocong?"
"Ahm-because i want to punch his annoying face?" patanong niyang saad.
"Pinagloloko mo ba ako? Tinatanong kita ng maayos kaya sumagot ka rin ng maayos" mahinahong sabi ko habang nakakuyom pa rin ang kamao ko.
"Tsk. Alam mo na ang dahilan kanina diba bakit mo pa tinatanong?"
"Gusto ko lang naman malaman na bukod sa pagsapak don sa anak ni Tocong alam ko may iba pang dahilan don"
"Kung alam mo naman pala may iba pang dahilan don bakit ka pa nagtatanong? At bakit ba nandito ka?"
"Dahil nga nandito ka" inis kong singhal rito.
"Hindi nga sabi kita kailangan dito bakit ba ang kulit mo? Ilang beses ko na ba sinabi sayong hindi kita kailangan huh?" mariin niyang saad sakin atsaka niya ako binalingan ng tingin.
"Kapatid mo ako kaya alam kong kailangan mo ako" sabi ko.
"Sinabi ko na nga sayong hindi kita kailangan diba? Bakit ba paulit-ulit na lang tayo hindi ka ba nakakaintindi na hindi kita kailangan hah?" mariin niyang singhal sakin ng ikinatitig ko sa mga mata niya na wala na ngayong reaksyon na nakatingin sakin.
"Parang nagtatanong lang naman ako kung ano pang dahilan mo bukod don sa pananakit mo sa anak ni Tocong" sambit ko sa kanya atsaka ako bumuntong hininga bago muling magsalita.
"B-bakit kung makataboy ka sakin na para bang hindi mo na ako kailangan dito-" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw ng ikinagulat ko.
"Dahil hindi naman talaga kita kailangan" sigaw niya. Napasinghap ako ng palihim dahil hindi ko inaasahang sisigawan niya ako ng ganon.
"Lalo na sa buhay ko. Hindi kita kailangan sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng karamay" seryosong wika niya pero may bakas na diin ang bawat salitang binibitawan niya habang nanatiling nakatingin siya sa mga mata ko.
Napadiing napakuyom ang mga kamao ko ng dahil sa mga sinasabi niya sakin. Hindi ko akalain na sisigawan niya ako ng ganon at pagsasalitaan.
"Kaya pwe-pwede ba umalis kana at iwan mo ako kailangan ko lang mapag-isa baka biglang magbago ang tingin ko sayo bilang nakakatanda kong kapatid" sambit niya sakin ngunit nakatingin pa rin siya sakin. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko na para bang ayaw kumilos ng katawan ko.
"Ayaw mong umalis pwes ako ang aalis" napakurap ako ng bigla niya akong lagpasan. Nanatili pa rin akong tulala sa kawalan na siya naman nakaramdam ako ng pag-iinit ng aking magkabilang gilid ng mga mata.
Kinapa ko ang mga mata ko. Tama nga ako basa nga ang aking mata. Muli na namang lumandas ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.
Sunod-sunod na tumulo ang luha sa aking pisngi. Hinayaan ko yung sarili kong umiyak.
M-masama ba akong mag-alala sa kapatid ko?
Nag-alala lang naman ako sa kanya? Ano bang masama don? B-bakit parang kasalanan ko pa? Nag-aalala lang naman ako.
Lalo na't siya pa ang mas higit na naapektuhan saming dalawa sa tuwing pinaguusapan na namin yung taong ayaw kong pagusapan.
Nag-aalala lang naman ako sa pakiramdam ng kapatid ko. Ibang-iba siya sa ugaling masiyahin noon na para bang walang problema sa buhay pero ngayon iba na. Ibang-iba na talaga siya malayo sa kapatid kong sobrang bait at hindi nagsasalita ng pabalang.
"B-bakit parang kasalanan ko pa kung bakit ko napabago yung kapatid ko ng hindi ko namamalayan?" wala sa sarili kong anas habang nakatingin sa kawalan.
"B-bakit parang kasalanan ko pa na kakailanganin ako ng kapatid ko sa tuwing may problema siya? M-masama na ba ako kung mag-alala? G-ganun na rin ba ako kasamang kapatid sa kanya para h-hindi na niya ako kailanganin sa buhay niya? G-ganun ba?" huminga muna ako ng malalim upang maging maayos ang aking pakiramdam.
Sobrang bigat ng nararamdaman ko kaya kahit papaano ay pilit kong inaayos ang aking paghinga. Hindi ko maiwasang hindi maisip o maitanong saking sarili kung ano bang masamang ginawa ko?
Bakit ganun na lang ako kung ipagtabuyan ng kapatid ko? Hindi ko pa kasi nasasanay yung sarili ko na ganon na talaga yung kapatid ko kung ipagtabuyan ako. M-may ginawa ba akong masama?
Hindi lang isang beses itong nangyari kung papaano niya ako kung ipagtabuyan ng ganito kahit hindi tungkol sa nanay namin ganitong-ganito siya.
Hinayaan ko yung sarili kong mapagod sa kakaiyak atsaka ako ngayon uuwi ng bahay. Hindi ako pwedeng umuwi ng bahay ng namamaga ang dalawa kong mga mata.
Nakasanay ko na ring gawin ang hindi umuuwi ng namamaga ang mga mata ko. Dahil ayaw kong makita ni Papa na umuuwi akong umiiyak. Dahil panigurado marami na naman siyang sasabihin sakin.
Naalala ko nga yung sinabi niya sakin noon na wag na wag daw kaming uuwi ng umiiyak sa bahay dahil mapapalo niya kami sa pwet. Kung anong problema namin sa labas problema na namin yon. Dahil hindi niya pro-problemahin ang problema namin sa labas.
"Wag na wag kayong uuwi dito sa bahay ng umiiyak dahil kung anong problema niyo sa labas huwag niyong dadalhin dito sa bahay maliwanag?" seryosong panenermon samin ni Papa saming dalawang magkapatid na siya naman ikinasang-ayon namin dalawa ni Rhy.
"Kaya oras na makita ko iisa sa inyong umuuwing umiiyak talagang mapapalo ko kayo sa pwet kung anong problema niyo sa labas problema niyo na yon" nagbabantang ani ni Papa samin ng ikinatawa naman namin ni Rhy dahil sinabi niyang papaluuin niya kami sa pwet.
Nakunoot ang noo ni Papa ng makita niya kaming napatawa ni Rhy.
"Bakit kayo tumatawa sa tingin niyo ba nagbibiro ako na papaluin ko kayo sa pwet?" sambit niya samin ng ikinailing ko na lamang dahil alam naman namin dalawa ni Rhy na nagbibiro lang talaga yan si Papa.
Hindi lang namin maiwasang mapatawa dahil sobrang seryoso niya talaga kung manermon samin. Kahit ganun ay hindi ko maiwasang mamangha kay Papa dahil kahit tatlo na lang kami magkakasama sa buhay nagawa niya pa rin ang responsibilidad niya bilang nanay at tatay samin ni Rhy.
Nabalik wisyo ako ng humangin ng malakas. Napabuntong hininga na lamang ako at muling tumingin muli sa paligid.
Nung araw na sinermunan kami ni Rhy non yun din ang araw na umiyak na umuuwi yung kapatid ko sa bahay dahil sa inaway siya ng mga kalaro niya. Ilan taon pa lang kami non siguro mga anim na taong gulang pa si Rhy at ako sampung taon pa lamang.
Si Rhy ang madalas talagang umuuwi sa bahay ng umiiyak at iisang dahilan lang naman yon. Inaaway siya ng mga kalaro niya o hindi kaya hindi siya sinasali sa paglalaro. Ako naman ay hindi pa ako umuuwi ng umiiyak sa bahay yun ang kwento sakin ni Papa bukod sa pag-susumbong ko sa kanya tuwing may umaaway sakin ay wala na.
Bukod kasi kay Papa si Lola talaga ang unang nagsasabi sakin nan nung na nasa caloocan pa ako nakatira. Simula bata pa ako lagi kong naririnig kay Lola na wag uuwi ng umiiyak nung minsan napagalitan niya yung pinsan kong babae na si Aurea.
Nandito ako ngayon sa loob ng tindahan ni Mamala dahil gusto ko lang siyang tulungan. Hindi naman gaano kalakihan ang tindahan ni Mamala sakto lang ito para sa negosyo niya.
Simula nung dumating ako dito sa caloocan para magbakasyon biglang dinagsa ng mga bumibili ang tindahan ni Mamala. Natuwa naman ako dahil paniguradong ubos na naman ang ibang paninda niya.
Hindi ko alam kung anong nangyayari basta ang alam ko mabenta na si Mamala sa mga paninda niya simula nung umuwi ako rito sa kanilang magkakapatid para magbakasyon. Imbis na si Mamala ang nag-aabot ng mga binibili nila ako na ang nagaasikaso para hindi na mapagod pa si Mamala.
Nang matapos nako magasikaso sa mga bumibili ay agad akong umupo sa tabihan ni Lola.
"Apo ayoko niisa sa inyo ng kapatid mo ang uuwi sa bahay na umiiyak dahil kung anong problema nyo sa labas huwag nyong dadalhin sa bahay" wika ni Mamala sakin na agad ko namang tinango dahil alam kong sasabihan niya rin ako nan tulad ng kay Aurea.
"Wala namang masamang umiyak apo ang akin lang wag kayong uuwi sa bahay ng luhaan dahil yun ang nagiging senyales na mahina ka. Walang mahina sa pamilya natin apo lalong-lalo na sa angkan natin. Lahat tayo may kanyang angking tapang at tatag" mahabang saad ni Mamala sakin na siya namang naintindihan ko.
"Apo kaya sana wag kang uuwi ng umiiyak kahit nagdadalaga kana alam ko maraming magiging pagsubok na dadating sa buhay mo kaya maging matapang at matatag ka apo" pagtapos niyang sabihin yon sakin ay nginitian ko si Mamala ganun din siya sakin.
Alam kong maraming pagsubok ang dadating sa buhay ko. Kaya para sa sarili ko magiging matapang at matatag ako kahit papaano. Ayokong umuwi ng umiiyak gaya ng sabi ni Mamala.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatunganga rito. Nang maramdaman ko ang pangangawit ng aking paa, umayos ako ng tayo at muling binalingan ang maganda paligid bago ako bumaba patungo sa pinadarahan kong bike.
Tahimik akong tinutungo ang direksyong pauwi sa baryo namin. Hindi ko alam kung anong oras na paniguradong nasa bahay na si Papa. Ewan ko lang sa kapatid ko kung nakauwi na.
Ilang oras nakadating na rin ako sa baryo namin. Bumaba ako bike at naglakad patungong iskinita habang dala ko yung bike ayoko magbike ng tuloy-tuloy sa iskinita dahil may mga dumadaan rin.
Ayokong sakupin ang daan kahit sabihin na nating bike ang dala ko. Makakaabala pa rin ako dahil hihinto pa sila sa paglalakad para lang padaanin ako. Kaya mas mabuting ako na lang ang mag-adjust para sa kanila.
Pinarada ko na yung bike sa tapat ng bahay nila Tita. Dito talaga namin pinaparada yung mga bike dalawang bike ang nakaparada which is yung samin magkapatid. Tapos yung dalawa pang bike na pagmamay-ari naman nila Tita ay sa loob nila pinapasok.
Dahil hindi pwede sa tapat namin iparada yung mga bike dahil yung motor ni Papa pinapasok pa sa iskinita. Tuwing umaga ko lang nililipat yung mga bike sa tapat namin.
Nadatnan ko si Papa na nakatayo habang inaasikaso niya yung mga speaker.
"Saan ka galing?" tanong ni Papa ng makapasok na ako sa loob ng bahay.
"S-sa labas po" utal kong ani.
Inilagay ko yung aking kamay sa likuran saka iyon paminsan-minsan na kinukurot.
Ayaw ko sanang magsinungaling kaso kailangan para rin sa kapatid ko. Ayaw ko siyang mapagalitan ng dahil lang sakin baka lalo pang sumama ang loob niya sakin.
"Alam mo ba kung anong oras na? At talagang lumalandi ka na namang bata ka. Kating-kati kana ba Hiraeth?" mahinang wika niya ngunit bakas ang kaseryosohang tinig.
"Hindi ko po alam ang pinagsasabi nyo. Nasa labas lang talaga ako" turan na anas ko at bahagya kong nilagpasan si Papa atsaka ako umupo sa higaan.
"Walang saysay. Parehas talaga kayo ng nanay mo malandi. Wala ka na ngang kwenta rito sa bahay nakuha mo pang lumandi sa labas tsk!" mahinang wika niya ngunit sapat ko na para marinig ang kanyang sinasabi.
Napayukom na lamang ako habang tulalang nakatingin sa kawalan. Sa tuwing nagagalit siya o hindi kaya sinesermunan niya ako lagi niyang pinapasok sa usapan ang nanay ko.
Hindi ko mawari na sa tuwing magtatalo kami ni Papa bukam bibig niya na lang yung nanay ko sa tuwing may pagkakamali akong nagagawa.
"May nakapagsabi sakin na sinasagot sagot mo raw yung nanay nung batang sinapak ng kapatid mo" napalingon ako kay Papa nang sabihin niya yon.
Nangunot ang noo ko ng dahil sa sinabi niya.
"Sinong nagsabi?" tanong ko.
"Yung kaibigan mong sina Alisa at Jade" sagot niya sakin ng ikinatakha ko naman.
Bakit naman sasabihin ng dalawang yon tungkol sa kanina kay Papa? Nandun ba sila kanina? Kung nandun sila hindi ko sila napansin dahil masyadong natuon ang atensyon ko kanina sa magnanay.
"Hindi ko po sinagot-sagot yung nanay nung bata dinipensahan ko lang po yung sarili naming magkapatid" paliwanag na saad ko bago ako nag-iwas ng tingin kay Papa na ngayon ay nakapabaling ang tingin sakin.
"Kahit na hindi pa rin tama na sumagot-sagot na lamang kayo sa mas nakakatanda sa inyo" turan niya ng ikinailing ko na lamang at hindi inimik si Papa.
Hindi ko na kailangan ulit magpaliwanag dahil panigurado hindi rin naman niya maiintindihan kaya mas mabuting manahimik na lang ako at hayaan na lang ang diyos ang humusga sa mga taong katulad ni Papa.
"Kawawa wala ata akong kausap dito tsk! Ugaling Gamelo ka talaga. Nakakahiya ka sinagot-sagot mo yung nanay nung bata na yon at dun pa talaga ikaw gumawa ng kahihiyan sa baranggay" pagpapatuloy niyang sermon sakin ng ikinapikit ko na lang ng mariin at sumandal sa pader.
Napabuntong hininga na lamang ako at isinawalang bahala ang mga pinagsasabi ni Papa tungkol sakin. Tumayo na ako at nilagpasan na lamang si Papa.
"Wala ka talagang modong bata ka kinakausap pa kita tapos lalayasan mo lang ako" aniya niya ngunit hindi ko na lang pinansin.
Huminga na muna ako ng malalim bago tumingin sa langit at bahagyang pumikit dahil ayokong bumagsak ang mga luha ko ng dahil lang sa mga pinagsasabi sakin ni Papa atsaka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Ayokong umiyak because God teach me how to be strong.
Tatawagin ko na yung kapatid ko dahil hindi pa siya kumakain baka siya naman itong pagalitan ni Papa.
Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Papa kanina na ugaling Gamelo ako. Bakit? Magkaugali ba talaga ang ugali ko sa kanila? Napailing na lamang ako dahil ayoko masyadong isipin ang mga iyon dahil ang pokus ko sa ngayon ay may pasok pa ako bukas.
Ayokong maging lutang bukas sa araw ng klase. Dahil panigurado magiging lutang ako kung sakaling patuloy ko pa rin iniisip ang mga bagay na yon. Nadako ang paningin ko sa dalawang naglalakad habang nagtatawanan.
Alisa at Jade.
Napaiwas ang tingin ko ng madako ang tingin sakin ni Alisa tatawagin niya sana ako ng maglakad na ako papalayo sa kanila. Hindi ko maisip na sila mismo ang magsasabi sa tatay ko ang bagay na hindi naman dapat.
Nagsumbong sila kay Papa na sinagot-sagot ko raw ang nanay nung bata kahit hindi naman. Dinipensahan ko lang naman ang sarili naming magkapatid.
Ilang oras ng makauwi na kami magkapatid ay hindi na lang kami nagkibuan ni Papa. Gusto kong magpahinga dahil ang daming nangyari sa araw na ito. Nakakapagod grabe.

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Maryzcha ElJia Valdon

    so happy

    06/07/2025

      0
  • avatar
    CalicdanMikie

    recommend

    12/12/2024

      0
  • avatar
    Fyang Smith

    sobrang gandang series na'to❤️‍🩹😍😍😍😍😍

    01/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata