A priestess who seeks for the evil. She has missions ordered by the King and Queen of the Kingdom--Krutezia; she needs to accomplish every mission to maintain the peace of the living and dead, and to become the next queen of the North.
"Nariyan na siya! Nakabalik na si Aria!" Sigaw ng nakatalagang tagapag-anunsyo sa bukana ng malaking kaharian sa Hilaga. Lumitaw na ang mga ugat ng malaking lalaki sa leeg nang isigaw nito ang pagbabalik ng prinsesa mula sa huling misyon nito.
Kaagad na nagsilapit ang mga tao sa entrada ng kaharian upang abangan ang pagdating ng dalaga. Halos lahat ay isinantabi ang kanilang mga pinagkaabalahan at tinanaw ang malaking gate ng entratada. Nagsimulang magdiwang at hiyawan ang mga tao nang maaninag nila ang isang anino, at kilalang kilala nila kung sino ang Krutezian na iyon.
"Mahal na prinsesa!" Maririnig ang malalakas na palakpakan at hiyawan ng mga tao. Pagkaraan ng halos isang daang araw, muli nilang nasilayan ang prinsesa.
Tindig pa lamang nito ay ramdam mo na ang malakas na presensya at kapangyarihan nito na kaloob mula nang ito'y pinanganak, tinatawag itong Divine Power. Matikas ngunit elegante ang paghakbang ni Aria papasok sa kaharian na kaniyang tahanan. Balewala sa kaniya ang salubong ng mga Krutezian na malaki ang suporta sa kaniya kung sakali man na maging Reyna ang dalaga. Umismid lamang ang dalaga at dumiretso sa palasyo na kaniyang inuuwian.
"Mahal na prin-"
"Let me rest." Putol niya sa tagasilbi, bago nito nilagay ang bolang kapangyarihan sa kamay at nilagay sa bibig ng tagasilbi, bilang kaniyang pagsalubong.
thank you so much
22/08/2023
0Good
16/08/2023
0⭐⭐⭐⭐⭐⭐
14/08/2023
0ilove story
14/08/2023
0recommended
13/08/2023
0☺️♥️
09/08/2023
0nice
06/08/2023
0very butiefull story
01/08/2023
0cute
01/08/2023
0I love it
26/07/2023
0