The Billionaire's Regret

The Billionaire's Regret

Youngwoman@29Confirm Password

50141 words

Disclaimer

|

Catalog


    Tag(s):
  • Bilyonaryo
  • Drama
  • Paghihiganti

Pabagsak akong napaupo sa sofa dahil sa sobrang pagod.Masakit ang aking mga paa dahil sa paltos.Buong araw akong naghanap ng trabaho pero wala akong nahanap maski- isa.Walang tatanggap sa akin dahil dalawang taon lang ang natapos ko sa college.Wala akong pambato sa mga kasabayan ko na puro apat na taon at may mga limang taon pa nga.Pinikit ko ang aking mga mata,pagod ako ngunit nagulat ako sa sigaw ng aking ina. "Nandito kana palang bata ka! Maghapon ka na namang wala sa bahay ah! Puro na lang lakwatsa ang nasa isip mo ah!"Dinilat ko ang aking mga mata at nagmano sa aking ina.Pero hindi man lang ako pinansin nito.Gusto na naman tumulo ng aking mga luha,pero pinipigilan ko lang ito.Ayaw kong makita nilang mahina ako. "Tumayo kana d'yan at magluto kana ng hapunan!"Dagdag pa ng aking ina.Hindi ko alam kung bakit palagi itong galit sa akin pero kina ate at bunso naman ay maayos ang pakikitungo niya. "Sige po magluluto na ako."Sabi ko at tinalikuran na ito. "Hi mama!"Dinig kong bati ni ate Zyna kay mama. "Mainit na naman ang ulo mo,ang puso mo ma ha.. "Ay naku! Paano iyang kapatid mo maagang umalis kanina at ngayon lang nakauwe! "Sus,hayaan mo ng gumala iyan ng gumala ano naman ang gagawin kasi niyan dito sa bahay e hindi naman na nag-aaral. "Kaya nga,pwede naman siya dito para makatulong sa mga gawaing bahay ah! Kaysa magbabayad pa tayo ng labandera."Dinig ko sa usapan nila,ang pinipigilan kong mga luha ay kusa ng dumaloy sa aking mga mata.Naiinggit ako kay ate dahil nagpatuloy siya sa pag-aaral ng medisina at ang bunso naman ay abogado.Pangarap kong maging architect engineering pero pinatigil muna ako ni mama at papa dahil kay ate na may apat na taon pang tatapusin sa pag-aaral.

Huling Update

Editor's Choice

Rekomendasyon

Komento sa Aklat (382)

  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda po ng mga nobela mo🥰🥰

    16/10/2024

      0
  • avatar
    Melanie Villena

    ganda

    11/08/2024

      0
  • avatar
    Irish Lagare Patagoc

    Ang ganda Ng sturya

    04/08/2024

      0
  • avatar
    Marvin Villa

    hakwn hala may nanay

    26/07/2024

      1
  • avatar
    RaganasNel

    thank you for all love you

    21/07/2024

      0
  • avatar
    Cristy Vallejos

    Ganda ng Strory

    17/07/2024

      0
  • avatar
    cantaviejacristian

    gkhggh

    10/06/2024

      0
  • avatar
    Shianyyy

    Niceee❤️

    26/04/2024

      0
  • avatar
    Evelyn Ronio

    very good 😊

    16/04/2024

      0
  • avatar
    Kimmy Nabas Llido

    Nice

    27/03/2024

      0