ALIYA, bata pa lang nang pumanaw ang kaniyang mga magulang dahil sa isang aksidente. Nang mawala ang mga magulang niya ay kinuha ito ng kaniyang tiyahin pero hindi maayos ang trato nito sa kaniya. Nang mag-kinse anyos ay umalis siya sa puder ng tiyahin at nanirahan mag-isa. Sa murang edad, naghanap siya ng trabaho para sa araw-araw na kailangan niya. Habang nagtatrabaho ay nag-aaral din siya. Nakapagtapos nga ito ng kolehiyo sa kaniyang sariling sikap.
DEAN GAVIN, katulad ni Aliya, maaga ring naulila ito. Hindi niya alam kung kamalasan ba ang hatid niya sa mga taong mahal niya sa buhay o sadyang pinaglalaruan lang siya ng tadhana. Tila ba'y natatakot na itong magmahal dahil sa masalimuot na nakaraan. Ayaw niya na ulit mangyari ang karanasan sa nakaraan. Gusto na niya itong kalimutan pero mapagbiro talaga ang tadhana.
Sa maling akala, kinuha si Aliya ng mga hindi niya kilalang lalaki. Akala niya ay hanggang doon na lang ang buhay niya pero hindi niya alam na may darating na taong hindi niya aakalaing magpapatibok ng kaniyang puso. Ang taong poprotekta sa kaniya. Pareho silang may nakalulungkot na karanasan sa nakaraan kaya makaaapekto kaya ito sa kanilang kasalukuyan?
nice stiry
27/07/2024
0nice
03/07/2024
0can i read the whole chapter your story is so good to read it reflects on the fantasy
03/02/2024
0sarap po basahin Ng sulat nyo hindi po sya nakakaborinh
03/02/2024
0so love yu
31/01/2024
0welcome
31/01/2024
0maganda sya
31/01/2024
0super ganda
31/01/2024
0napaka ganda, may kilig at naiiyak ako I can't wait for next chapter😊
31/01/2024
0Ang ganda🥺 paki bilis bilisan ang paggawa ang ganda kasi nakakabitin🤧😅
30/01/2024
0