Homepage/Her Patient Heart/
His Dad
Pagka-baba ko pa lang sa kotse ay agad akong inalalayan ng isang Butler na may bigote. Binuksan niya ang pinto sa backseat para sa akin at nilagay ang kamay niya sa parte ng pintuan na katapot ko para hindi ako maumpog pag-labas ko.
I smiled at him and give him sweet smile and said, "Thank you po," pero walang nagbago sa ekspresyon nito at iginiya ang kamay na senyales para mauna ako sa paglakad kaya tumango ako sa kanya at naglakad na.
"Bakit ka nandito?" Takang tanong ko sa kanya. Akala ko ay may sarili siyang bahay kung saan niya ako dinala noong nilagnat ako.
"Ikaw ang tatanungin ko, Marasigan. What are you doing here?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong sa akin ni Sorren.
Napa-nganga ng kaunti ang bibig ko pero agad ko naman itong tinikom. He just wrinkled his forehead and stared at me na parang hinihintay na sagutin ko ang tanong niya pero kumibit-balikat lang ako dito bilang sagot na mas lalong ikina-kunot ng noo niya.
Humalukipkip ito at tumingin sa dalawang butlers nila na kaninang sumundo sa akin at ngayon ay nakasunod na sa likod ko."What is she doing here, Butler Olin?"
"Pinapatawag siya ni Mr. Ramon," tugon ng Butler na may bigote na tinawag ni Sorren na Olin.
"Why!?" Tanong ni Sorren.
"I don't know, Sir. Aalis na kami," saad nito pero pinigilan lang siya ni Sorren sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso nito.
"You really don't know?" Tanong nito pero inalis lamang nito ang kamay niya sa braso nito at nilagpasan na lamang siya nito.
Seems like her father's butler is distant to him. Why? Hindi ba kasali sa sahod nila ang pagpansin kay Sorren?
Tumingin siya sa akin at humakbang na ako papunta sa direksyon niya dahil nakaharang siya sa daan.
"You should tell me after kung ano pinag-usapan niyo," seryosong saad nito pero kumibit balikat lang ako.
Biglang napatikom ng mariin ang mga labi nito, isang senyales na napipikon na siya. Bago ako tumalikod sa kanya ay nakita ko ang pag-tiim baga nito at ramdam ko pa rin na nakatitig pa ito sa amin.
I'm sorry pero hindi ko rin alam kung bakit ako pinatawag ng ama mo.
Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Hindi ko pa rin naikakalma ang mabilis na pintig ng puso ko at ang nanlalamig ng kamay ko habang nasa sasakyan ako. Pakiramdam ko rin ay may malamig na pawis na tumatagktak ngayon sa noo ko.
Kanina pa kami naglalakad at iniikot ko rin ang tingin ko sa kabuuan ng mansyon nila. Masasabi kong napakaganda at sobrang moderno ang interior designs ng bawat sulok ng bahay ng mga Gonzales, hindi maipagkakaila na sobrang yaman talaga nilang pamilya.
Ang gara.
Napatingin rin ako sa labas kung saan tanaw sa glass wall ang isang area na puno ng bulaklak. Kung hindi lang ako pumunta rito dahil sa ama ni Sorren baka malaya pa akong makapagmasid sa garden pero hindi iyon ang sadya ko ngayon.
Dumiretso kami sa isang pinto kung saan may nakalagay na pangalan ng ama ni Sorren.
Napabaling ang tingin ko sa direksyon sa kaliwa ko kung saan nakatayo si Sorren na nakasunod lang pala sa amin. Nagkasalubong ang tigin namin pero binawi ko rin agad dahil sa pagkatok ng kasama namin ni Butler Olin sa isang pinto na nasa harap namin,"She's here, Sir," saad nito.
"Let her in, Cosmo," malalim at ma-awtoridad nitong tugon.
"Come in," saad ni Butler na tinawag na Cosmo ni Sir Ramon at marahang binuksan ang pinto kaya pumasok na ako. Napalingon ako sa likod at nakita ang papasarang na pinto.
Binalingan ko ito nang tingin at sakto naman itong napatingin sa akin habang walang kaemo-emosyon ang mukha na parang isang blankong papel. Ang kaninang pangamba na nararamdaman ko ay mas lalong na-trigger pa.
"G-Good morning, S-Sir," bati ko rito. Pilitin ko man na kumalma pero sobrang nakakatakot ang mga titig niyang sing-lamig ng yelo at ang mukha niya na parang sobrang striktong tatay na ayaw mong makaharap kapag sinuway mo ang gusto. Ganun ang nararamdaman ko ngayon.
Noon ay hindi ko natitigan ang mukha niya 6 years ago pero ngayon talaga nakaka-intimidate ang mga titig na ipinupukol niya sa akin.
"Do you want to know, kung bakit kita ipinatawag?" Tanong nito habang walang kurap na nakatingin lang sa akin na parang sinusuri ang katauhan ko.
"Y-Yes, Sir," utal ko pa ring saad.
"Seat," tipid na saad nito at iginiya ang kamay sa upuan na nasa harap niya.
Tumango lang ako at umupo na habang nakayuko. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Wala rin na akong gana pa na libutin nang tingin ang office niya dahil kanina pa ay hindi na ako mapakali.
Narinig ko siyang tumikhim kaya napatingin ako sa kanya.
"It's about the news last night," panimula nito. Hindi ako umimik at pinaglaruan ko lang ang dulo ng kuko ko. Minsan naman ay napapakagat labi na lang ako para pigilan ang panginginig nito."I'll make an offer for you, only if you want to clean your name from the issue na kumakalat ngayon tungkol sainyo ng anak ko," saad nito kaya muli ay napa-angat ang tingin ko sa kanya."Or is it really true?"
"N-No, Sir."
"That's good, then," saad nito habang naka-angat ang sulok ng labi nito.
Ito na ba? 'Yung sasabihin niya na layuan mo ang anak ko at bibigyan kita ng pera?
Dahil sa naisip ay hinintay kong bumuka ang bibig niya kaya agad ko itong pinigilan.
"Hindi ko po, Sir intensyon na sirain ang pangalan ng anak niyo. Wala rin po kaming relasyon ni Sorre- I mean ni S-Sir Sorren n-nagkataon lang talaga na nandun kami pareho sa m-ma-"
"I know." Putol nito sa pagsasalita ko.
He knows? How?
Kunot-noo naman akong napatingin sa kanya.
Kung alam niya bakit niya ako pinatawag?
"My wife said last night that you just hapenned to be there and I can trust her, but not Sorren," saad nito.
"We just accidentally met there, Sir." Paliwanag ko rito.
Hindi ako magsasawang sabihin sa kanya na aksidente lang ang nangyaring pagkikita namin sa mall dahil 'yun naman talaga ang totoo.
"Do you think people will just easily buy that reason, after knowing that you are his secret lover?"
"B-But that's the truth, Sir," pagpipilit ko dito.
"I don't care Ms. Dianne Marie. You have no choice but to do what I tell you to do, because if you don't, you have to face their accusations against you."
"But S-"
"Stop complaining! I can say to the press conference tomorrow na wala kayong ugnayan ni Sorren but only if you memorize it dahil magsasalita ka sa harap nila at sabihin 'yang mga linyang nakalagay dyan," saad nito.
May tinapon siyang isang white folder sa akin kaya napatingin naman ako dito, biglang nagunot ang noo ko at dahil sa gustong kong malaman ang nakalahad dito ay agad ko itong binuklat. Nanlaki ang mata ko sa nabasa mula dito.
Script?
"You have to memorize that bago pa man maganap ang press conference bukas. Be sure to be prepared at 'wag kang papalpak," puno ng awtoridad na saad nito.
Napatingin lang ako sa documents pero hindi pa rin ako makapaniwalang magsisinungaling ako dahil sa wala namang katotohanan na ipanaparatang sa akin ng mga tao.
"Wala naman po talaga kaming relasyon ni Sir Sorren," paliwanag ko pero nagtiim baga lang ito. Mukhang hindi ata nagustuhan ang sinabi ko.
"Alam ko, pero sa paningin ng iba meron. Hindi mo alam, maybe its really a coincidence na nagkita kayo, pero my company depends on this situation, ano na lang ang iisipin ng mga stakeholders ko? Na isang babaero ang anak ko? Na tino-tolerate ko siya to have another woman kahit na nakatakda na itong i-kasal sa nag-iisang tagapag-mana ng Labyrinth?" Inis na saad nito habang dinu-duro ang papel na nasa harap naming dalawa."Ikaw ang sisisihin ko kapag nalugi ang kompanya ko, Ms. Dianne," matiim na saad nito. Nadismaya ako sa sinabi niya. Bakit ako? Bakit parang ako pa ang sinisisi nito?
"Pe-pero Sir-"
"If you can't do that, sasabihin ko mismo bukas sa harap ng maraming tao na binayaran kita dahil ayaw mong lubayan ang anak ko dahil isa kang desperadang babae na humahanga at naghahabol dito."
Napatigil ako sa sinabi niya.
Totoong naghahabol ako sa kanya pero hindi para ipagpilitan ang sarili ko dito.
"Isa pa, baka mapaalis ang kaibigan mo sa trabaho dahil damay rin sya sa issue niyo. You don't know what I can do, Ms. Dianne Marie," seryosong saad nito.
Una si Ms. Ynez ang nang-blackmail sa akin tapos ngayon ay ang ama niya sa parehong dahilan lang, dahil kay Sorren.
Lumamlam ang mga mata ko at pilit na ngumiti sa kanya habang nanginginig ang mga labi ko.
"Guess, I have no choice, Mr. Gonzales. Marami ka ng alas laban sa akin, hawak mo na rin ako sa leeg," saad ko rito at tumayo na habang dala ang document na binigay niya sa akin kanina lang.
Akala ko ay sapat na ang makapasok ako sa kompanya ni Sorren para mas lalong mapalapit dito pero mas lalo lang kaming nilalayo sa isa't-isa na parang ako lang ang pumipilit sa tadhana na kaming dalawa ang para sa isa't-isa. Napaka-hirap kalabanin ang tadhana lalo na't kaya nitong paglaruan ang puso ng isang tao. Nakakatuwang isipin na kung ano ang gusto mo 'yun pa ang hindi mo makuha-kuha.
"Makaka-asa ka, Mr. Gonzales," walang emosyong saad ko dito sabay talikod. Nanginginig pa rin ang kamay ko sa ngayon pero hindi na dahil sa takot sa kanya kundi dahil sa galit na pilit kong pinipigilan.
"It will benefit you, Ms. Dianne," saad nito kaya napahinto ako sa paglakad at tumingin sa kanya.
Benefit? How can this benefit me?
Nawala bigla ang takot na nararamdaman ko sa kanya at napalitan iyon ng pagka-inis pero gusto ko siyang respetuhin dahil ama siya ni Sorren.
"You can be go back here after the conference para sa payment," dagdag pa nito.
Now he is offering Payment to me? Is that the benefit he is talking about?
Napahigpit ang hawak ko sa dokumento at seryosong humarap sa kanya.
"You don't need to pay me, Sir. Salamat na lang."
"Are you sure?"
Tumango ako dito at ngumisi na dahilan para kumunot ang noo nito,"Now, I know kung kanino nagmana si Sorren."
Kita ko ang bahagyang pagbuka ng bibig niya dahil hindi niya siguro inaasahan ang sinabi ko.
"What do you mean?" Tanong nito sa akin.
"You both don't consider the feelings of a person. Masyado kayong makasarili," prangka ko rito. Wala ng preno ang bibig ko. Ang alam ko lang ngayon ay mailabas ang nararamdaman ko.
Kita ko ang pandidilim ng mukha nito dahil sa binitawan kong salita.
"Cosmo! Olin!" Tawag nito sa dalawang butlers habang nakatingin pa rin sa akin.
"I'll agree whatever you want me to do, but don't ever implicate my friend with this dahil wala siyang kinalaman," seryoso kong saad dito.
"Palabasin niyo na siya," saad nito sa dalawang butlers na nasa likod ko na pala.
"Let's go," hila sa akin ni Butler Cosmo na hinawakan ang wrist ko. Binabawi ko ito sa kanya pero mahigpit lang ang hawak nito.
"Get your hand off her," seryosong saad ni Sorren na nasa harap ko na ngayon at mabilis na inagaw ang kamay ko kay Butler Cosmo.
"Huwag kang makialam Sir Sorren inutusan lang kami ni Mr. Ramon," saad nito.
"So? Am I not your boss?" Tiim bagang saad nito.
"You are not our boss," sabat ni Butler Olin.
Kita ko ang mabilis na paghinga ni Sorren, halata na parang sasabog na ito dahil sa galit.
Mabilis kong inalis ang kamay ni Sorren na nakahawak sa akin at tumingin sa dalawang butlers.
"Lalabas akong mag-isa," saad ko rito at tinalikuran ko na sila.
Ngayon sinisisi ko ang puso ko na bakit? Bakit siya pa ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko? Bakit siya pa ang nagustuhan ko? Bakit siya pa? Bakit hindi na lang doon sa mahal ako tumibok itong bwisit na puso ko?
"Marasigan!" Habol na sigaw ni Sorren pero hindi na ako lumingon dito at mabilis na naglakad takbo.
"Marasigan! Stop right there!" Sigaw nito na umalingangaw sa open area na nilalakaran ko papunta sa malayo-layo nilang gate.
"Nabingi ka na ba?" Inis na saad nito dahils a magkasalubong na mga kilay nito.
Hindi ko siya tiningnan sa mata at nilagpasan lang ulit siya.
"What did you and Dad talk about?" Tanong nito habang sinasabayan ang maliliit kong hakbang.
Bakit niya ba ako kinukulit?
"Nothing." Tipid na saad ko pero hinawakan lang nito ang braso ko at hinila paharap sa kanya. Nabungaran ko ang seryos niyang mukha pero may bakas ng pag-aalala... o namamalikmata lang ako?
Hindi ko alam kung mag-aalala ba sa akin ngayon si Sorren gayong apektado ngayon ang fiancee niya.
"Sandali lang," saad niya at sinagot ang tumatawag sa cellphone niya.
Hindi ko naririnig ang sinasabi ng nasa kabilang linya pero sa ekspresyon niya ay nahulaan ko agad ito.
"It's not what you think! How many times did I tell you, Ezra, it's just a mis-understanding. I'll explain to you later when I get there, okay? Bye," saad nito at bumaling ng tingin sa akin.
"Don't worry about the issue about us Sorren, i'll do my best to clear your name."
"Clear my name? What are you talking about?" Takang tanong nito pagkatapos ay lumapat ang tingin niya sa dala kong folder kaya agad ko itong tinago sa likod ko.
"What is that?" tanong niya.
"Wala."
"You're hiding something from me, Marasigan," tiim bagang saad nito.
"It's my stuff."
"No, I didn't see you carrying that a while ago."
"Aalis na ako. Malalaman mo na lang bukas."
"What the damned hell are you talking about, Diem!?" Sigaw nito aay napahilamos sa mukha niya. Pulang pula na rin ang mukha niya pati na ang magkabilang tenga nito.
"Pinapatawag ka ni Mr. Ramon," saad ni Butler Olin at tumingin kay Sorren.
"Bakit daw?" Tanong ni Sorren dito.
"He didn't tell us why, pero pumunta ka raw agad 'dun, Sir," walang kangiti-ngiting saad nito kay Sorren at pagkatapos ay tinapunan ako ng tingin."Ipinapahatid ka ni Mr. Ramon, this way Ms. Dianne," giya nito sa daan. Hindi pa rin makapaniwalang tumingin sa akin si Sorren pero nginitian ko lang siya, isang pilit na ngiti.
Whatever the risks, Sorren, kaya kong harapin, dahil ito ang consequences ng pagmamahal ko sa 'yo.
This one-sided love will stay forever just for you, Sorren. Hindi na ako tulad noon na immature, na ipinipilit ang sarili sa 'yo. I'll keep on liking you even if it means destroying myself and tearing my heart apart, I will keep on loving you, Sorren, for my heart beats only for you.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (155)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
its a nice story
15/07
0Perfect
17/09/2025
0nice author
07/09/2025
0View All