Chapter 34

"Tita, it's okay po, hindi na po kailangan," I said, pilit na pinipigilan ang katawan kong madikit kay Trevor.
"Come on, don't be shy, Yuri. You've been idolizing your kuya since you were a kid," she said, which made me look at Trevor, silently mouthing him to do something but ang loko, ngumiti lang at tumayo nang matuwid.
"Right, Yuri. You don't need to act shy," she smiled innocently at me when her mother finally paired us together.
Nagkadikit na yung mga braso namin habang kinukuha ni tita ang cellphone niya mula sa purse bag niya.
"You've called me makapal ang mukha kanina and now shy? Tanga ka ba," labag sa loob kong sabi sa kaniya, which only made him smile even wider.
"Stop the frowning and smile for me, Damian," she said as she reached for my cheeks and stretched them, kaya tinapik ko ang kamay niya.
"Ang mahal ng skincare ko tapos hahawakan mo lang ng madumi mong kamay ang mukha ko," I said while massaging my face because of the pain. Ang bigat talaga ng kamay niya parang madudurog na yung mukha ko.
"Arte talaga," he commented, which made me look at him as he raised his brows, clearly amused.
"Can I take a picture of you now?" sabi ni tita, kaya napalingon kami sa kaniya.
Kanina pa ata siya nakikinig sa amin. Buti na lang at walang sinabing masama si Trevor, kung hindi, uuwi na talaga ako.
"Mom, take the picture on my phone instead," sabi niya habang lumakad papunta sa kaniyang ina at inilahad ang cellphone niya.
Ano na naman ang trip nito? Pareho lang din naman ang brand ng cellphone ni tita at sa kaniya.
"Closer, para naman kayong nag-away diyan," sabi ni tita habang itinutok na ang cellphone sa amin.
Hindi na ako umimik at si Trevor na ang dumikit sa akin. When the flash came on, I smiled the way I naturally do during photoshoots.
"Ano ba 'yan, walang chemistry ang picture niyo. Para kayong nasa preso," reklamo ni tita habang ipinapakita sa amin ang picture.
She was right. Mukhang napilitan lang kami mag-picture sa isa't isa kahit nakangiti kami pareho.
"I'll take another round of pictures," she said as she stepped backward. "Do it cute this time."
Pati sa pag-picture, may standard din.
Bago pa matapos magbilang si tita sa bilang na three, inakbayan na ako ni Trevor. After the flash, doon lang ako nakapag-react at napatingin sa kaniya. Akala ko tapos na si tita, but the flashes kept coming, kaya wala na akong nagawa kundi ngumiti na lang at hindi na magreklamo.
Tinawag pa nga si Levaunni para makapag-picture sa amin, pero this time ay kasama na si tita, hanggang sa kami na ang lahat ang magpa-picture, pati na rin ang mga kaklase namin.
"We look good here," sabi ni Trevor habang ipinapakita sa akin ang mga picture, pero inirapan ko na lang siya.
"Isaksak mo 'yan sa baga mo," sabi ko sabay talikod sa kaniya, habang rinig ko ang tawa niya sa likod.
Nagpaalam na ako kina Troy at tita, sa mga magulang at kuya din ni Yumi, pati kay Zether, dahil kailangan ko na talagang umalis. Halos lahat na rin ng naging kaklase at schoolmates ko ay nagbati sa akin at nakipag-picture. Buti na lang at kinuha na nila ako agad, dahil kung hindi ay baka naabutan pa ako ni Trevor.
"I'm sorry, natagalan ako. Marami kasing gustong magpa-picture sa loob," sabi ko nang makapasok na ako sa kotse niya.
"It's totally fine, ganiyan talaga pag graduation," she said as she started the engine.
"But I shouldn't have let you wait so long," sabi ko, kaya ikinatawa niya iyon.
"Congratulations again, Yuri," she said as she handed me a paper bag that had been sitting at the back of the car.
"Ano 'to?" curiosong sabi ko habang kinuha iyon mula sa kaniya.
"Open it," sabi niya nang may ngiti.
Kaya dahan-dahan kong binuksan iyon, and I was so happy when I saw what was inside. It was the car key to the convertible, along with the papers proving that it was officially mine.
The plan that we'd be eating dinner together was cancelled since tinawagan siya ng parents niya. She was hesitant to say it to me at first, but I told her it was okay. Kaya ngayon, here I am, eating dinner alone, a sandwich that I couldn't figure out why it tasted so different even when I used the same ingredients.
Kinuha ko yung phone ko at nireplyan lahat ng greet sa akin. Marami-rami din, at may nag-mention pa sa akin sa story at stinory din sa akin.
The company said that I am free to post whatever I want, but aside from branded materials that the company didn't sign up for.
@sebastian.colina: congratulations on graduating, Yuri.
May grab na dadating diyan mamaya, I already paid it.
Thank you, Sebastian. :
Nakita ko rin yung mga story ng kaibigan ko na kumakain kasama ang mga pamilya nila sa restaurant at sa bahay nila. Kapag, sinabihan ko sila, mommy, kumakain ba ako sa labas kasama nila o iiyak magdamag dahil nag-aaway na naman sila sa harap ko.
Either way, I'm not alone since I have my pets with me.
"Your daddy won't leave you again. Me being away for two days scared you, right?" usap ko sa kanila habang nakahilata kami lahat sa carpet sa sala.
"But I'll promise you, months away from now you'll meet another amazing person," I added, gently scratching their ears.
Dalawang linggo na, and our bond grew deeper, lalo na ang ingay ng GC tuwing gabi. Sasakit ang tiyan ko at iiyak dahil sa tawa. Kahit nga seryoso at walang ginawa si Kei, natatawa na rin ako.
"Did you say congratulations?" sabi ko habang nilalaro ang mga balahibo nila.
"Alam niyo, nakakagigil yung Trevor na 'yon kanina, tatawagin ba naman akong baby, loko talaga," ranta ko sa kanila kahit hindi sila tumatahol pabalik. Okay na rin 'to para makalabas ako ng saloobin.
"At ang feeling close niya, inakbayan ba naman ako, akala mo talaga hindi mabigat yung braso niya."
"Pero dahil binigyan niya ako ng bulaklak, puwede ko nang kalimutan 'yon," tiningnan ko yung chrysanthemums na nasa vase na ngayon.
Pagdating ko kasi dito, iyon ang una kong inatupag bago naghanda ng sandwich. Ang ganda kasi ng bulaklak at ang bango-bango, kaya doon ko nilagay 'yon sa breakfast table.
Ang bigat ng kamay niya, hanggang ngayon masakit pa rin ang pisngi ko.
"Pero kailangan talaga na sasabihin niya sa mama niya na ex ko si Imelda. Puwede namang hindi masyadong pakialamero," ranta ko sa sarili ko.
Nahinto yung pagraranta ko nang tumunog yung cellphone ko. It was Levaunni. Siya lang at si Imelda ang hindi ko in-off yung notification sound.
He congratulated me and forwarded me the pictures that he took with his digi cam, kasama na rin doon yung sila tita at di Trevor, kaya dali-dali kong sinave yung mga picture naming magbabarkada at stinory iyon.
Hindi man lang nahiya si Troy, at talagang ang picture lang nilang dalawa ni Lev ang pinost.
I saved the video of our TikTok and stinory ko 'yon, minention ko rin sila. Ang saya namin doon. At ito ang isa sa kinatatakutan namin sa college life, dahil alam naming slam kung hindi na ito tulad ng dati na magkakasama kami.
@keillia.ellison: congrats sayo
naks naman ang pogi mo
pwede pa favor?
Sa chat pa lang, natatawa na ako. Paano na kung sa personal? Hindi ko talaga to kakayanin.
salamat, igat.
anong favor ba 'yan? :
Reply ko sa message niya.
@keillia.ellison: huh? unsay igat? ako igat? 😤
Bakit ganito ang reaction nito? Hindi ba baliktad at maging masaya siya? Hindi ata niya gusto na sinasabihan ng igat. Kaya I haha react na lang to her message.
HAHAHAHAHAHHA what favor ? :
@keillia.ellison: pakisabi kay Ashanti congrats hehe
Napatawa ako sa message niya. Akala ko ba hindi to torpe?
Ikaw na.
bat ka mahihiya? wala ka namang hiya. :
Natatawa ako bago ko yun ma-isend. Naiimagine ko na ang reaction niya.
@keillia.ellison: yawa ka yuri
segi na i-forward mo to please lang, bawi mo sa pagtawag sa akin ng igat.
Hi langga, congratulations.
Langga? Badoy ang call sign niya. Hindi niya ba gusto na sasabihan siyang maganda? Baka gusto niya gwapo ang isabi sa kaniya.
Okay na, bigaon:
I forwarded her message kay Yumira, pero hindi pa niya yun sineen busy ata sa dinner.
@keillia.ellison: unsay bigaon? di puwede ga gugma lang gyud nako siya?
Hindi ko nireplyan. Hindi ko naiintindihan yung mga sinabi niya.
@yumira.ash: yuck
langga? who is that?
Napahalkhak ako nang malakas nang nag-reply si Yumi. Kawawa naman ng kaibigan ko, nasabihan pa ng yuck.
admirer mo HAHAHAHAHAHA:
@yumira.ash: block mo yan
At halos naiihi na ako sa kakatawa. Ang mga aso ko ay nakatingin lang sa akin, probably wondering, who the hell made me laugh this hard?
At napahinto ako sa pagtawag nang may tumawag sa akin. Bago ko pa nakuha ang phone, na-end na. Sino kaya iyon? I opened my Instagram and was too shocked to see who it was. Si Trevor lang naman.
@trevorcole: I'm outside
Pagkabasa ko non, ay may biglang bumusina nang malakas kaya dali-dali akong pumunta sa bintana para silipin kung siya ba talaga iyon. And siya nga.
Bakit nandito 'to? Tapos na ba silang kumain? Is he here to ask me to date again? Kung ganiyan, ay hindi na ako lalabas.
@trevorcole: you know that I can see your face peeping through the window, right?
And come here faster, the food is getting colder.
Kaya wala akong choice kundi lumabas. He was now standing in front of the gate, holding a paper bag in his hand. He was wearing his jersey and gray pants, with a baseball cap backwards.
"Why are you here?" I said as I crossed my arms and looked straight into his eyes.
"Mom told me to give this to you," he said, showing me the paper bag.
So, he's here because of tita. Buti naman. Binuksan ko na yung gate nang maliit lang, inilakad ang aking palad. Gutom din ako ngayon, hindi sapat yung sandwich na kinain ko kanina, at yung grab na pinadala ni Sebastian ay hindi pa nakarating.
"What are you doing?" tanong niya sabay taas ng kilay.
"Hindi mo ba yan ibibigay?" sabi ko habang nagturo sa paper bag gamit ang labi.
"I mean, why did you open the gate like that? Hindi mo ba ako papasukin?" Tanong niya pabalik.
"Hindi, bakit ba? Nandito ka lang naman, diba, para ihatid yung pagkain? Bakit ko pa buksan nang malaki ang gate?" Sagot ko sa tanong niya.
"You won't let me in?" tanong niya habang itinago yung paper bag sa likod niya.
Abay, loko to ah.
"Bakit naman kita papasukin?" sabi ko habang kinamot ang ulo ko dahil sa frustration.
"Bumyahe ako nang isang oras papuntang dito, pagod ako. Gusto kong magpahinga," sagot niya habang hinawakan ang gate at tinulak iyon para bumukas nang malaki.
"Puwede ka naman magpahinga sa kotse mo," sabi ko habang pilit na isinarado iyon, pero he was too strong for me.
"Yuri, please?" His brows curled up when he said it, at ramdam ko na rin yung pagod sa boses niya. Kaya hindi na ako umangal pa at binitiwan yung gate.
Umuna na ako pumunta sa loob at iniwan siyang i-lock ang gate. Nakakainis talaga, lahat ng gusto niya, makukuha niya talaga dahil may paraan.
"You're here alone?" tanong niya nang makapasok na siya sa bahay.
Yung mga alaga ko ay daling-daling tumakbo sa kaniyang paanan at nagpalambing, instead of barking at him aggressively. Tatlong beses pa lang siya naparito pero naamo na niya ang mga alaga ko, pero ako, hinding-hindi niya maaamo.
Traydor din tong mga alaga ko. Kung agresibo pa lang sila noon, hinding-hindi talaga 'to babalik dito.
"You're expecting someone else to be here?" sagot ko sa tanong niya habang naghihintay ako dito sa kusina.
Gutom na gutom na ako pero hinihintay ko pa rin na ilalapag niya ang paper bag sa lamesa dahil hindi naman gano'n kakapal ang mukha ko, tulad ng sabi niya.
He was now kneeling on the cold tiles while playing with them, that includes talking to them. He was calling them "you" and not by their names. Totally get him, since hindi ko naman pinakilala sa kaniya yung mga pangalan nila isa-isa.
"That's Chopper," sabi ko nang he was petting the Cocker Spaniel. May nilabas pa nga siyang treats na mukhang galing sa 7/11.
"Caster named this?" He was now carrying it in his arms while standing up. Kinuha na rin niya yung paper bag sa sahig at naglakad papunta sa akin.
Finally, at nakiramdam siya na gutom na gutom na ako.
"Obvious ba?" sabi ko habang kumukuha na rin ng pinggan at kutsara.
"Pilosopo," he muttered, which made me roll my eyes in frustration.
"Bobo," sagot ko sa kaniya habang humaharap, nakaawang ang mga labi.
"Gwapo naman," he shrugged while he put Chopper down.
"Bulag lang ang tanging makakasabi niyan," I muttered low habang kinukuha ko na yung mga pagkain sa paper bag.
It was steak, mashed potatoes, lasagna, and roasted chicken in Tupperware containers. I know that I've gotta keep an eye on my diet, but I allow myself to have a cheat day especially knowing that it's Tita Lilith who cooked this. I know this will be good.
"Ang pangit naman pumili ng pangalan, mas bagay ipangalan dito Brownie," seryoso niyang sabi kaya hindi ko napigilang tumawa nang malakas.
Makasabi ng pangit ang pangalan na Chopper, kala mo naman ang ganda pakinggan ng Brownie. Walang ka effort effort, halatang hindi mahal ng may-ari.
"Bakit ka napatawa? Seryoso ako," sabi niya kaya naupo na ako ngayon sa tiles at hinawakan ang tiyan ko dahil sumasakit na ito sa gutom at kakatawa. May tumulo na ring luha sa kaliwang mata ko.
Ang laki-laki at ang astig niyang tingnan, matalino rin, pero limited nga lang talaga ang choices na ipapangalan sa alaga niya. Brownie talaga?
"Mas ayos pa pakinggan yung Chopper," sabi ko habang natatawa pa rin, at unti-unti ko nang binabangon ang sarili ko, only to find out that he was smiling, kaya napahinto ako.
Hindi naman niya iniisip na okay kami, 'no? Hindi pa rin kami bati. Pinayagan ko lang siya pumasok dito dahil sa pagkain. Yun lang. Bobo talaga siya kung iba na yung iniisip niya.
"Anong ayos doon? Chopper is a reindeer while this Cocker Spaniel is a dog, so the name Brownie is much better. Bagay rin sa balahibo nito," turo niya kay Chopper na walang ginagawang masama at ngayon ay naglalaro lang ng laruan.
"Mas okay nga yung Chopper. Si Troy na mismo ang nagpangalan niyan. Wala ka bang tiwala sa kapatid mo?" sagot ko, may halo na ring inis.
Nakakainsulto rin kasi.
Napatigil ako when he scoffed and started walking my way. Is he mad? Why is he frowning? Masama ba yung sinabi ko? Napikon ba siya sa sinabi ko?
Nang lumingon siya sa akin, I jolted on my seat, only to find out that he was going to the sink to wash his hands.
Fuck, hindi naman obvious na natakot ako sa kaniya kanina, 'di ba? tanong ko sa sarili ko habang nginunguya yung steak.
"Do you expect that I'll hit you?" he said, which made me look at him. He was now crossing his arms while his hips were leaning against the kitchen sink.
"N-no," I said out of nervousness. "I'm sorry if that insulted you."
Hindi ko naman naisip na gagawin niya 'yun. It's just a trauma response after experiencing being almost beaten to death when I was a kid.
"I won't do that to you, Yuri Damian, because the only hit that I'll be doing to you, is that I'm hitting on you."

Book Comment (1)

  • avatar
    Jeffrey Fernandez

    hfhrghhj

    08/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters