Chapter 48 .

- Ysabelle's POV -
"I-Izzy Kiel."
Nandilat ang mga mata ko nang bigla na lang tumakbo si Vanessa papunta kay El at niyakap niya ang asawa ko!
What the!!!!!!
"Ysabelle!" mariing tawag sa'kin ni Pamela nang hindi ako makakilos agad
"I-I'm so sorry, pinagtulungan nila ako." ani Vanessa, hindi pa rin siya lumalayo kay El
"Tanga kang bwisit ka!" sigaw ni Pamela
Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko inaasahan na tototohanin nina Pamela ang balak nila kanina.
"Nauunawaan kong pinagtulungan ka nila." sambit ko kay Vanessa
"Hey Ysabelle!" -Pamela
"What the!" -Jamie
"Ngunit gayu'n pa man..." hinawakan ko ang braso ni Vanessa, "Huwag mong hawakan ang asawa ko!" tapos tinulak ko siya palayo kay El
Tumingin sa'kin si El, tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa kanya kahit alam kong nagulat lang din siya sa biglaang pagtakbo ni Vanessa sa kanya.
"Sh*t! JAMIE ROBIN! SUMUNOD KA SA'KIN!" sigaw ni El
"Mauna na kayo." mahina kong sambit kay El
"Ysabelle?!" halatang tutol siya sa gusto kong mangyari
"Mauna na kayo!" mahina pa rin ngunit mariin kong sambit
Mahina rin siya nagmura pero nauna na nga siyang lumabas kasunod si Jamie.
"Ikaw rin Pamela, sumunod ka sa kanila!" utos ko kay Pamela na mukhang walang balak umalis
"Why? Gosh! I will that animal!"
Tiningnan ko siya at pinapasunod sa pamamagitan ng mga tingin ko. Wala siyang nagawa kun'di sundan sina El sa labas.
Hinarap ko si Vanessa.
"I'm really sorry for the trouble with your husband Ysabelle, but it's true that your friends were against me. Pinagtulungan nila ako." paliwanag ni Vanessa sa'kin nang makalabas na silang lahat
Sa hitsura niya ngayon, mahahalata mo naman talaga na napagtulungan siya.
Tumango ako.
"Yeah, it was obvious." sambit ko
Bigla ay hinawakan niya ang magkabila kong kamay.
"Are you mad at me? Please don't be, wala akong gusto kay Izzy Kiel."
"Then don't call him Izzy Kiel, call him El. That's his nickname."
"E-El? Why? Izzy Kiel is his real name." kontra niya sa malumanay na paraan
Umiling ako sa kanya.
"I, Mrs. Izzy Kiel ALEJOS-Cañeda, didn't allowed you to call him by his real name." ma-autoridad kong sambit sa kanya
Agad nagsalubong ang mga kilay niya, tila nag-iisip siya.
Bagama't hindi ako ang magde-decide para kay El kung anong gustong itawag sa kanya ng mga tao, parte pa rin ako ng pangalan niya, parte ako ng pagkatao niya, we are one, may karapatan ako sa kanya.
Binitawan ni Vanessa ang kamay ko.
"I won't assume things just because I know someone who has a similar surname as you."
Tumango-tango ako sa kanya.
"Yes, you were right. Don't just assume things Ms. Vanessa, but prove things on your own." sambit ko sa kanya, "Anyway, since it comes to this, want me to file a resignation letter for my husband?"
"What? Why would you do that?"
She's asking me why would I do that?!! Of course I would ask that! May issue na kami, duh!
"You don't have to do that, Mrs. Alejos---"
"It's Mrs. Cañeda." pagtatama ko agad sa binanggit niyang apelyido ko
"Yeah, if you say so... As I were saying, you don't have to file a resignation letter for him. Conflict can't be avoided but it should be put aside, am I right?"
Nilapitan ko siya tapos inayos ko ang nagusot niyang blouse.
"Sure Ms. Vanessa." sagot ko habang inaayos ko ang damit niya, "I will talk to my husband about that. But make sure not to do him dirty okay?"
Nginitian ko pa siya. 'Yung ngiting nagbabanta.
Binitawan ko na siya bago ko pa mapunit ang manipis niyang blouse.
"Professional ako sa trabaho, Ysabelle. Makakaasa ka." tugon niya
Tumango ako.
"Okay, nagkasundo tayo. I have to go to my husband now."
"Sure, take care."
Tinalikuran ko na siya at automatic na nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Do something dirty at ako mismo ang kakalbo sa'yo.
May naalala pa akong sabihin sa kanya kaya nilingon ko ulit siya bago pa man ako tuluyang makalabas ng office niya.
"Ms. Vanessa." tawag ko sa kanya
Muli kong ibinalik ang ngiti sa mga labi ko.
"Yes?"
"Next time, call me Mrs. Cañeda... masarap sa pakiramdam e. Bye!" sambit ko tapos tuluyan na akong umalis
Pinagtinginan ako ng ilang workers sa construction site. Tapos na ang lunch break nila kaya naman marami ng tao sa site.
Sinalubong ako ni El habang naglalakad ako.
"Ysabelle---"
"Bumalik ka na sa trabaho mo." inis kong putol sa sasabihin niya
"Sandali, mag-usap muna tayo."
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko siya hinarap. Ayokong mag-away kami dito sa trabaho niya at ayoko rin ibunton sa kanya lahat ng inis ko kay Vanessa.
"Sa bahay na tayo mag-usap okay?" sambit ko
"Mag-half day ako. Hintayin mo ako dito, magpapaalam lang ako kay Mam Vanessa."
"Huwag na El!" inis kong sambit
Medyo lumalabas na frustration ko sa kakapilit niya na mag-usap kami.
"Ysabelle?"
"Magpapahinga na lang muna ako sa bahay. Umuwi ka pagkatapos mong magtrabaho, hihintayin kita."
Hinawakan ni El ang mga kamay ko.
"Okay, hintayin mo ako."
Tumango lang ako. Bumitaw na rin siya sa'kin kaya umalis na ako.
Sh*t! Wala pa akong nako-confirm... wala pa kami sa issue talaga. Pero masakit na sa'kin. Hindi ko alam ang iisipin ko.
Pumara na ako ng tricycle at nagpahatid sa bahay.
Basta ang alam ko lang. Ayokong mangyari sa'kin ang katulad ng nangyari kay Mom. Ayoko. Ayoko.
- Zero's POV -
"Yo, Tappy." bati ko kay Tappy nang makapasok na ako sa gate
Tumahol siya ng tumahol sa'kin kaya hinaplos ko ang ulo niya
"Binantayan mo ba maigi si Ysabelle? Nilibang mo ba?"
Tahol lang siya ng tahol kaya tumawa ako. Magdadalawang taon na namin siyang alaga ni Ysabelle, at least meron akong matatawag na sa'min talaga pareho.
Tumayo na ako at nagpaalam kay Tappy, naglakad na ako papasok sa bahay.
Wala ng magulo at maingay kaya sigurado akong nakaalis na ang mga tanga gaya ni Saijan at Hernandez.
Nakita ko si Ysabelle na nakaupo sa isang sofa at nanunuod ng Netflix.
"Galaw-galaw, baka ma-stroke ka d'yan." sambit ko sa kanya
Pero wala siyang reaksyon sa sinabi ko, 'ni hindi niya ako nilingon.
(-_-)
Gan'yan na siya ka-walang pakialam sa'kin. Tss!
Nilapitan ko siya at ginulat ako. Ayu'n, tiningnan niya lang ako ng walang reaksyon.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansin kong may kakaiba sa mga mata niya.
"Umiyak ka?" tanong ko
Umiling siya sa'kin.
"Hindi."
Tangkang mag-iiwas siya ng tingin sa'kin kaya hinawakan ko ang mukha niya para tingnan mabuti ang mga mata niya.
Sa tagal ko ng binabantayan at tinititigan ang babaeng 'to, alam kong may pinagdaanan ang mga mata niya ngayon!
"Umiyak ka Ysabelle!" mariin kong sambit, sa paraan na hindi siya makakatanggi sa'kin!
Pinalis niya ang dalawa kong kamay sa mukha niya.
"Ano ba Zero! Ang baho ng kamay mo! Hawak ka ng hawak! Baka magka-pimples pa ako dahil sa'yo!" reklamo niya sa'kin
Aba't! Talagang nakuha pang magreklamo sa'kin!
Tumalon ako paupo sa sofa na kinauupuan niya at lalo kong idinikit ang kamay ko sa mukha niya.
"'Yaaaan ng magka-pimples ka! Arteng-arte mo!" sambit ko sa kanya
"Aaaah! Zero naman! Ang baho ng kamay mo! Amoy baboy grabe!"
Hindi ko siya tinigilan. Inasar ko pa siya habang tawang-tawa ako sa kaartehan niya.
"Ang kulit naman o!" reklamo niya pa rin sa'kin
"Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi sa'kin kung bakit ka umiyak, ha."
"Aish! Nakakainis ka na ha, Conrad!"
(-_-)
Tinawag na naman ako sa pangalan ko!
"Conrad ha! Conrad ha!" sambit ko sa kanya
Ipinahid ko naman sa buhok niya ang kamay ko.
"Oh my gaaash! Babaho ang buhok ko Zero! Aaaaaah! Lumayo ka nga sa'kin!"
Tawang-tawa ako sa kaartehan niya. Alam ko kung gaano siya kaartehan pagdating sa buhok niya.
"Ysabelle."
Sabay kaming napalingon sa pinto.
Ah, na'ndito na pala si El.
Tinigilan ko na ang pangungulit kay Ysabelle. Tumayo na rin ako muna sa kinauupuan ko.
Oras na para lumayo.
"Maligo ka na! Bahong-baho mo!" sambit sa'kin ni Ysabelle kaya nilayasan ko na sila
Pumunta na muna ako sa kwarto ko.
Hindi maiiwasang umiyak ng isang tao. Kahit ang pinakamalakas at pinakamatang na tao ay nasasaktan at umiiyak. Basta tao. Hayop nga umiiyak, tao pa!
Pero ibang usapan kapag si El ang dahilan ng pag-iyak ni Ysabelle.
Siguraduhin niya lang na hindi siya ang dahilan dahil...
Dahil....
"Dahil ano ha, Zero?! Gag* ka ba? Tsk!" inis kong sambit sa sarili ko
Naghubad na lang ako at nahiga sa kama ko. Tinamad na akong maligo. Matutulog na lang muna ako.

Book Comment (454)

  • avatar
    HlJoker

    love

    16/05/2025

      0
  • avatar
    AlvesMatheus Rodrigues

    livro muito legal recomendo

    11/01/2025

      1
  • avatar
    HoudaRabehi

    great

    02/01/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters