Chapter 26

Isang araw na din ang lumipas simula nang mangyari ang proposal na iyon at andito ako ngayon sa bahay ni Lisa upang samahan namin siya bago ang kasal nila ni Blue kinabukasan. Kailangan nga kasi daw bantayan ang bride na hindi makita ng groom bago ikasal upang matuloy daw kuno ang kasal.
Kasama namin ang mama ni Lisa at mama din ni Blue dito. Parang girls night na din ito para sa amin. Nagluluto pa nga kami nanghaponan namin ngayon.
Habang kumakain ay may narinig kaming nagdoor bell kaya nagkatinginan kaming lahat. Kaya naman nagrepresenta akong ako nalang ang titingin dahil baka iyon na ang order kong pizza kanina. Balak kasi naming tatlo na magmarathon sa kwarto ni Lisa.
Nang makapunta na ako sa gate ng bahay ay nagulat ako kung sino ito nang pagbukas ko. Nandito ang tatlong ugok magkakasama pa talaga. Mabuti nalang at wala ang makulit na si Eddy at Jomar.
"Ginagawa niyo dito?" Kunot noong tanong ko sa kanila. Tiningnan ko sila isa isa na may halong pagtataka.
"Eh. Bawal ba talaga kaming sumali?" Alanganin pang tanong ni Brandy sa akin.
"Babe, miss na kita!" Maktol ni Zayden sa harapan ko.
Tiningnan ko naman si Blue kung magrereklamo ito, "Yong asawa ko!" Segunda din niya.
Sinarado ko muna ang gate at saka lumabas.
"Gusto niyo yatang mabugbog no? Want niyo pumuntang kasal na naka wheelchair?" Hamon kong tanong sa kanila.
"P-pero babe! Bakit kasali ako?" Reklamo ni Zayden sa may gilid. May panguso nguso pa ito akala mo naman madadala ako sa ganiyan.
"Girls night namin 'to. Saka magm-marathon kami matulog na kayo sa mga bahay niyo!" Matigas kong sabi sa mga ito.
"Ashiannie sino ba 'yan?" Gulat kong nilingon ang mama ni Lisa na palabas na.
"Ito kasi tita ang kukulit." Reklamo ko  sabay lapit sa kaniya.
"Naku mga ihjo magtiis nalang kayo at hindi ako makakapayag. Hala sige magsi uwi na kayo." Matapos iyong sabihin ni tita ay pumasok na kami.
Wala naman silang nagawa kaya naman nagsi uwi na din ang mga ito.
Bago pa man ako makapasok ay dumating na din iyong order ko kaya naman masaya akong pumasok doon at inaya na paakyat ng kwarto ang dalawa. Sayang nga dahil gusto sana naming isama iyong mga babae nila Jomar ang kaso ay hindi pa nito ipinakilala sa amin. Sabi noong dalawa ay bukas nalang  daw sa kasal nila Lisa.
Excited na akong makilala ang nakapagpatino sa dalawang malokong iyon. Ang malas naman nila.
"So ano Abo nakapag usap na kayo ni Zayden?" Pang iintrega sa akin ni Lisa. Kahit kailan chismosa 'to.
"Oo. He said na hindi daw talaga siya nagmasteral abroad." Malungkot kong sagot.
"Oh. Eh. Anong ginawa niya doon?" Segundang tanong ni Trisha habang lumalamon ng pizza.
"Naooperahan daw siya. Kidney transplant. And he suffered comatose for almost five years." May bahid na lungkot sa boses ko. Niyakap naman ako nang dalawa upang gumaan ang kalooban ko.
"Atleast bumalik siya sayo. Grabe ang lala talaga ng pagmamahal sayo no'n." Ani Trisha.
"Oo nga. Naalala ko pa noong tumatambay pa tayong magkakasama panay ang titig ni Zayden sa babaeng 'to tapos si Cyrus naman ang gusto!" Tawang komento ni Lisa.
"Gano'n na ba ako kamanhid?" Pabiro kong tanong sa kanila inirapan naman ako ng mga ito saka natawa.
" Gaga sobrang manhid mo! Naalala mo dati 'yong na detention si Zayden? Dahil 'yon sayo," tawang tawang pagpapaalala pa nito.
Naalala ko nga iyon. Akala ko nga trip lang talaga niya. May nakasuntokan lang daw siyang bumangga sa kaniya. Siraulo talaga.
Napaisip pa nga ako ang babaw naman niya kung sasapakin niya dahil lang binangga siya.
"Hinaharang niya kaya lahat ng manliligaw mo dati kaya akala mo walang nagkakagusto sayo." Sambit ni Trisha.
Magmomove on na kasi talaga ako nong time na 'yon eh.
"Wag niyo na nga ipaalala manood na tayo." Suway ko sa kanila. Ewan ko ba imbes na mainis ako ay kinikilig pa ako sa mga nalalaman ko.
Dahil sa kakapanood namin ay hindi namin namalayan ang oras. Nakatulugan na pala namin ito.
****
Maaga kaming nag ayos dahil maaga gaganapin ang kasal. Ewan ko kung anong trip nilang dalawa at naisipan nilang  garden wedding ang mangyayari. Tumulong pa ako sa paghahanap ng mga red tulips dahil iyon ang gusto ni Lisa.
Pinaglilihian niya. Although kaming tatlo palang naman ang nakakaalam ay hindi namin pinahalata. Kapag may kinicrave si Lisa na food ay palihim lang namin siyang pinapakain para naman hindi masira ang regalo niya oara kay Blue.
(Beware sa scene na'to I'm not really sure about how the father ask)
"LisaMae Hidalgo, do you take Bluemont Duran as your husband?" Tanong ng pari kay Lisa.
"I do father." Sagot naman ni Lisa na mahahalata mong umiiyak dahil sa pagpiyok nito.
"Bluemont Duran, do take LisaMae Hidalgo as your wife?" Tanong naman ni father kay Blue.
"I do father." Sagot ni Blue.
When father announced that they are husband and wife naghiyawan na ang mga tao. Bali kasi nasa mansion kami nila Bluemont. I mean sa family niya ang mansyong ito at dahil may malawak na bakuran ay nag fit dito ang garden wedding nila. Sa loob naman ang reception nila.
"Babe i miss you," yakap agad sa akin ni Zayden matapos ng ceremonya.
Dahil sa kakulitan ng bagong kasal hindi na inihagis ang bulaklak kusa na itong ibinigay ni Lisa sa akin at ang garter kay Zayden. Kami naman daw ang susunod. Mga kalokohan talaga ng mga ito eh.
"Nagkita naman tayo kahapon." Sagot ko sa kalandian niya.
"Kahit na no! Ilang oras din 'yon." Reklamo nito habang nakanguso pa. Hinalikan ko nalang ito bago niyaya na pumasok na muna.
Nagreklamo pa dahil bitin daw kaya naman sinaksakan ko nalang ang bibig niya ng cupcake kaya naman natawa sila Jomar.
"Huy kayo na ang susunod! Damihan niyo ng handa ha." Pags-suggest pa ni Eddy sa amin. Binatukan naman ito ni Zayden dahil sa sinabi nito.
"Magluto ka ng iyo Eddy mahiya ka sa gf mo," biro ko rito. Maganda naman ang girlfriend nito mahiyain nga lang.
"Sweetheart nakakahiya ba ako?" Magpapacute pa nito kay Hina Uy. Half Japanese daw ito na rito na nakabase sa pilipinas.
"Hina kapag sinaktan ka ng uggoy na 'yan wag kang mahiyang magsumbong samin ha. Ako bubugbug diyan." Pabiro ko pang payo dito.
"Sige po ate." Hiyang sagot nito.
"Grabe ka naman sa ate. Kahit pangalan nalang." Biro ko pa dito. Bata pa din naman talaga ito sa amin.
Si Jomar naman ay hindi nakapunta ang gf nito dahil may misunderstanding daw sila. Kaya nga may paemote emote pa ito dito kanina pa.
Inaasar nga nila na tinamaan talaga ng lintel dahil ngayon lang talaga namin nakita na naging ganoon ito. Kahit pa si Eddy.
Masaya ako para sa kanila. Masaya akong masaya ang barkada ko. Sila iyong unang nagapproach sa akin noon at hanggang ngayon ay mas lalong tumitibay.
~dbuiz_

Book Comment (214)

  • avatar
    JalalonAngellove

    I like reading it so much

    25/04

      0
  • avatar
    Julie Rose

    𝚒 𝚛𝚎𝚊𝚕𝚕𝚢 𝚕𝚒𝚔𝚎 𝚝𝚑𝚒𝚜

    08/02

      0
  • avatar
    MuzandakaEunice

    great book

    30/12

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters