Chapter 4

"Grabe! Nagulat talaga ako kanina. Akala ko hahayaan mo lang siya na sampalin ka. May tinatago ka rin naman palang kamalditahan." Tawang-tawa na sabi ni Ellie
Ngumiti lang ako.
Pumara ako ng taxi. Daldal pa rin ng daldal si Ellie ng tungkol sa nangyari kanina. Masyado ko yatang napahanga.
"Aalis na ako. Mag-iingat ka baka ikaw pag-initan ni Sarah sa trabaho." 
"Subukan niya lang, kahit ipasisanti niya ako sa trabaho wala akong pakialam. Ang bruhang yun, deserve niya nga ang masampal." 
Nang huminto ang taxi sa tapat namin ay sumakay na ako kaagad. Masakit na kasi sa taenga ang kadaldalan ni Ellie.
"Babye na." 
"O sige, dadalaw ako sa inyo mamaya ah!" Sigaw niya kasi tumatakbo na ang taxi na sinasakyan ko. 
Nag-ok sign lang ako 'tapos sinarado na ang bintana. Dumiretso ako sa bahay. Gusto ko nang magpahinga eh. Napagod ako sa away namin ni Sarah. 
          ****
"Mommy!" Sigaw ko kaagad pagkarating ko palang sa gate ng bahay namin.  Nang walang sumagot ay ako na mismo ang nagbukas ng gate. Hindi din naman siya mahirap buksan kaya nagawa ko ang makapasok. 
Sanay ako na pinagbubuksan ni mommy ng gate kaya nakapagtataka talaga na hindi man lang siya lumabas. 
Tiningnan ko ang garahe namin, nandun naman ang kotse ni mommy. Naka-park pa ng maayos. 
May  small  café kasi si mommy na nakatayo sa medyo may kalayuan sa bahay kaya naisipan niyang bumili nalang ng kotse para hindi na siya mahirapan sa araw-araw na pagdalaw niya sa café niya. Siya rin ang naghahatid sa akin sa trabaho every morning pero nagko-commute na ako pag-uwi ko.
Nang mapansin kong dalawa pala ang kotseng nakaparada sa garahe namin ay kumunot agad ang mukha ko. Hindi pamilyar sa akin ang kotse at sa pagkakaalam ko ay hindi nagpapadalaw si mommy nang kung sino sa kaibigan niya. 
Kanino kaya 'to?
Habang papasok sa bahay, dahil naiinitan ako ay hinubad ko na agad ang suot kong office jacket sa pintuan palang. Naka spaghetti strap nalang ako nang makapasok at magtanggal ng sapatos. 
Napansin ko na bukas ang ilaw sa kitchen kaya confirmed na nasa bahay lang si mommy.
Tinawag ko siya. Hindi siya sumagot kaya naisipan kong puntahan nalang siya doon. Dumaan muna ako sa sala para ilagay ang dala kong box at bag pati na ang jacket ko.  
"Mom- Ahh!" 
Biglang lumabas si mommy mula sa kitchen dahil sa sigaw ko. May hawak pa siyang maliit na pinggan na may lamang mirienda.
"Ano'ng nangyari?" Tanong ni mommy. She put the plate down and she comes to me. 
"Mommy..." Tawag ko kay mommy habang ang mga mata ko ay nakatutok sa lalaking nakatayo sa may harapan ko. "Sino 'to?" 
Binatukan ako ni mama. 
"Aray!" Reklamo ko. Pumasok na ulit si mommy sa kitchen, kinuha ang tinitimpla niyang juice. Itong lalaki naman ay umupo sa sala. 
"Mabuti naman at nakauwi ka na. Kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo. " 
Kumuha ako ng dinala ni mommy na juice. 
"Sinong boyfriend?" 
Sinamaan ako ni mommy ng tingin. "Umayos ka Sabrinah." Giit niya. "Si Zhander, kanina ka pa hinahanap. Hindi mo na daw sinisipot. Ano bang nangyayari sa'yo?" 
"Sinong Zhander?"
Nang magsalita ang nasa tabi ng ...
"That's me. Zhander Taylor." Naluwa ko ang iniinom kong juice sa mukha niya... Hindi ko naman sinasadya.
"Ano?!" 
Zhander Taylor? The billionaire? 
Pero... siya yung naka-one-night-stand ko... Prank ba'to?
"Kilala mo na ba siya?" Tanong ni mommy sa'kin.
"Mommy, kilala mo siya?" Tanong ko na tinuturo si Zhander . 
"Oo. Apo siya ng kaibigan ng daddy mo." 
"Sinong kaibigan ni daddy? " 
"Si chairman Samuel Taylor, nakalimutan mo na ba? Yung laging bumibisita sa'yo when you were 5 years old, remember?" Explain ni mommy.
"I don't remember anything. " Sagot ko kay mommy.   "So bakit siya ang pumunta? Bakit hindi yung lolo niya?" 
Tiningnan ko si Zhander at inis-snob-an.
"Well... Before your father died, he and the chairman made a promise."  Tumigil siya sandali. 
Curiosity strikes. Naguguluhan ako kaya tinanong ko ulit si mommy.
"What promise?" I ask. 
"..." - Mommy.
"Marriage." 
Halos sabay na sagot ni mommy at ni Zhander. 
Napaisip pa ako sandali.
Bakit wala akong alam tungkol dito? Ano to, arrange marriage? 
Tumawa ako ng malakas. As in malakas. Grabe naman kasi ang joke nila... To the next level. Upgraded. 
"Stop joking around, mom." 
"I'm not just joking around, Sabrinah. He will be your husband. That's what was in the will and agreement of  your father with Zhander's grandfather, Mr. Samuel Taylor. " Saway ni mommy sa'kin.  
Nang biglang sumeryoso ang mukha ni mommy ay napanganga nalang ako. 
Oh my God! Seryoso talaga to?  Oh come on! This can't be right. Am I still in a dream? Pakisabi naman na panaginip lang to oh. Tama, panaginip lang to. This can't be happening. This is just a dream. 
But how can this be a dream when I can clearly see and hear my mother as she says the curse?
"You are engaged with him since you both were young." 
Oh no! I. Am. Dead. 

Book Comment (264)

  • avatar
    SilvaSamara

    legal

    09/01

      0
  • avatar
    SilvaPamella

    bem legal

    09/01

      0
  • avatar
    BISTARI_ARIFIN

    Zhander + Sabrinah. What a beautiful story. Love it.

    01/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters