Homepage/Thorns within the Shadows/
CHAPTER 1
Alam ko sa sarili kong kaya ko ang sarili at hindi ako gagawa ng bagay na alam kong hahantong sa bagay na kinakatakutan ng lahat.
Death.
I'm scared of death. Who wouldn't? Hindi natin alam kung anong pakiramdam ng mamatay pero alam nating hindi na tayo makakaulit kapag nangyari 'yon.
Kaya tinatawanan ko na lamang ang laging sinasabi sa akin ni Mommy kapag nagigising na lamang ako sa pamilyar na puting lugar. Nakakasilaw dahil mahimbing pala ang naging tulog ko.
"Do you want to die, Adhara Kate?!" Si Mommy na kulang na lang ay sampalin ako sa galit.
Hindi niya naman ako sasaktan. Hindi nila kaya. Hindi nila ako masasaktan dahil mahal nila ako. I'm their favorite. Might as well take advantage of that.
I know I'm such an ass for doing this to myself. Triggering my allergy with sea foods. But this is the only way mom and dad will do my favor! Gusto ko lang naman maranasan ang magkaboyfriend!
Paige and I moved to my cousins' school. I have this cute classmate of mine who confessed that he likes me! I like him too, I said! Gwapo, maputi, mapula ang lips, and lastly, he's mabango! Ang bango-bango niya!
Lalo na noong nagstudy kami sa library. Nang-aakit din kasi 'yung lips niya! Kaya inaya ko siyang maghalikan kami. I learned something from Paige. She said that if ever I'll have a boyfriend, I should always initiate the kiss so it will be longer.
Game din naman si Dave, ang crush ko na 'yon kaya naman tinry namin 'yon. I don't feel anything in it like the one that Paige always say to me.
I should feel turn on with it. Pero wala. Parang simple kiss lang siya but I enjoyed it since Dave knows how to kiss. Pinakilala ko siya kila Daddy na boyfriend ko na. Pero nagalit sila ni Mommy! Bawal pa raw ako magboyfriend!
I'm 17 for heaven's sake!
Kaya nagtampo ako sa kanila and ordered a full seafood meal when they went to work.
Kaya dito ako bagsak ngayon.
"No!" Natatawa kong sabi kay Mommy.
Lalong nastress si Mommy at bumaling kay Daddy na nakaalalay na sa kaniya.
"I don't know what to do with your daughter, Simon!" Mommy hissed. Dad calmed her.
"Our daughter, Hon. I'll talk to Adi" malambing na sabi ni Daddy na ikinasinghap lang ni Mommy at lumabas ng room ko. Sumunod sa kaniya si Paige na tinapunan pa ako ng masamang tingin.
Napanguso ako. Kasi naman eh! Magreready na naman ako sa sermon si Paige sa akin mamaya pagkauwi sa bahay!
Si Paige lang naman ang kinakatakutan ko eh. Kasi naman, she knows me more than anyone! More than Mommy! She knows what I want that Mommy and Daddy couldn't give. Kaya naman siya na lang ang nagpo-provide but mostly for my curiosity.
"Adi... Ano na naman 'to?" Si Daddy na lumapit sa akin at umupo sa kama.
I slumped on my seat and deadpanned him. Dad might be sweeter than Mom but he's still strict as her! At ngayon, akala mo'y hindi niya alam ang dahilan ng pagtrigger ko!
"Dad, I like Dave! Why can't you let me have him as a boyfriend..." I said in a sulking voice. Dad sighed.
"You said you make out in your library?" Anito sa matigas na boses.
"It's normal for a boyfriend and girlfriend, Dad! It's a thing!" I groaned afterwards.
Parang hindi nila ginagawa 'yon ni Mommy! Madalas makwento sa amin ni Tita Sarah na kapag daw nasa bahay nila si Mommy ay dederetso agad sila ni Daddy sa kwarto niya para gumawa ng kung anong kaharutan!
Tapos ngayong namana ng mga anak nila, akala mo kung sinong hindi rin nagmake out sa library ng school nila dati!
"No, Adi. It's not and library is a public place." Dad said in a stern voice.
I sighed. Nauubusan na ng pangbato kay Daddy para lang maging tama ako.
"Then we won't make out in the library again! I want a boyfriend, Dad! Bakit si Paige, pwede?" Malungkot kong sabi. Agad namang lumamlam ang mukha ni Daddy.
There. I used that line again. Doon naman sila laging natatalo eh. Ipapamukha ko ang mga bagay na ayaw nilang iparanas sa akin na pwede kay Paige.
"She's old enough for those--" nairita ako sa gustong sabihin ni Daddy kaay pinutol ko siya.
"She's just 1 year older than me!" I whined.
Daddy touches my face. "You know how much we care for you, right?"
And he's again with that line. Nakakasawa na. If they care for me, they would let me do what I want!
"Dad, nakakasawa na kasing kinukulong niyo ako. I want to explore! I want to try things that gives me excitement! Bakit hindi pwede kapag sa akin? Come on!" I said annoyingly and shook his arm.
Dad sighed. Tumitig lang siya sa akin na para bang pinag-iisipan niya pa ang mga bagay na sinabi ko. I remained my "nagtatampong face". That's one of Dad's weaknesses. He can't resist his bunso.
"You want a boyfriend?" Mabilis akong tumango at sumagot.
"Yes!"
Dad sighed again and kissed my forehead. "Okay. But he needs to pass me before he'll have you, okay?"
I eagerly nods to what Dad said. Finally! Pinagbigyan din ako!
I know I'm excited to have a boyfriend but I'm not dumb just to choose any guy who likes me! Of course, I have an ideal. Paige also gives me some tips on choosing one.
1. He should be HANDSOME.
I am a Riguella and beauty runs in our blood. Syempre, pipili ako ng papantay sa akin, noh! Ayaw ko namang magmukha akong napipilitang pumatol sa taong 'yon.
2. He should be nice and respects me.
Paige always say that to me. That I should choose someone who's respectful and nice. Hindi 'yung basta gwapo lang at mayaman or what!
But I feel like they're no fun. Kung mabait sila at considerate, baka wala akong maenjoy kapag kasama siya! Paano kung gusto ko maghalikan kami tapos ayaw niya kasi nirerespeto niya raw ako?
As if naman wala akong experience at alam tungkol doon! I have my sister as my trainor noh!
3. He should be sexy.
Most of the guys Paige date are sexy guys. Naggi-gym at may abs! And she said that seeing hot guys like that will surely turn you on.
Hindi naman kasi ako mapagbigay ng pansin sa mga ganoong lalaki or tao eh. I don't really look into physical assets. But just like what Paige said, it's one of the important thing on finding a boyfriend.
4. He shouldn't be KJ.
Paano kung gusto ko mag-enjoy sa bagay na taliwas sa kaniyang principles? Ayoko ng gano'n! No fun!
5. He should be totally in love with me.
Nakakakilig kaya 'yon! Like, having someone who deeply loves you and endlessly loves you. Paige already have that. Madalas man ang landian nila ng Nate niya, I can see that Clane loves my Ate so much. I always observe them kaya! Kapag magtititigan sila. Si Paige ay mataray ang mata samantalang kay Clane, halatang nakasulat na sa mukha niya ang salitang "Mahal na Mahal na Mahal na Mahal kita, Vivian Paige".
I want that too! I want that boyfriend of mine to fall in love with me deeply that he can't live without me.
"Uy, Adi! Ano 'yan?" Ang parang kabuteng pinsan ko na si Art ang biglang sumulpot sa aking tabi.
I'm in a nearby bench outside our room. Sa harap ng open fields kung saan maraming estudyante ang nagkalat. Mula sa isang all-girls-school, ni-transfer kami nila Mommy dito sa Nouvaunde University dahil sa naging kalokohan ni Paige noong nakaraan. Sa University rin na ito nag-aaral at nag-aral ang lahat ng mga Alfanta.
I always write the names and the traits of the guys who like me in this notebook. I have already written almost 20 guys on the list, along with their personalities, looks, and morals.
But none of them passed my 5 basis of having a boyfriend. 5 na nga lang ang nilagay ko para hindi ako mahirapan!
Pinakita ko kay Art ang maliit na notebook ko kung saan nakasulat 'yon. He was reading it in his usual low voice. Nang mag-angat naman siya ng tingin sa akin ay nakangiwi na siya.
"What?" Tanong ko dahil ganoon ang reaksyon niya.
"Kailangan talaga 'yung number 3?" Aniya na ikinatawa ko.
Ipinatong ko ang hita sa isa at ipinatong ang siko roon. Pinagmasdan ko ang mga estudyante.
"Of course, Art. Hot guys are such a pleasing view kaya..." Sabi ko at nilingon siya.
Nailing siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Tara na. May review pa ako."
Nginisihan ko naman si Art nang nangingiti niyang sinabi 'yon. I bet that he doesn't really review when he's with Alliana, his crush. Baka nga titigan lang niya ito eh.
Hinatid ako ni Art hanggang sa gate kung saan naroon na ang sundo ko.
Art, my cousin, is the most gentleman I've ever known. Especially sa mga babaeng mahalaga sa kaniya. I'm just his cousin but people tend to believe that we're couples!
Hindi nila alam na magpinsan kami ni Art sa mother side. At kapag may nagshi-ship sa aming dalawa, agad akong tumatanggi. That's incest for heaven's sake!
Pagkauwi ay doon ko lamang napansin na may text pala si Lomi sa akin na pumunta sa kanila. Nag-aayang maglaro ng Minecraft at since Friday naman, pumayag ako. Hindi naman gaano karami ang assignments at may weekends naman.
Naligo muna ako bago magpahatid sa driver namin. Sa aming dalawa ni Paige service 'to pero hindi naman na sa akin sumasabay si Paige dahil lagi silang magkasama ng Nate niya. Madalas din naman akong sumasabay sa kanila o kung sa kaninong magpipinsan. Kung may sasakyan lang sana ni Lomi ay lagi ako sa kaniya sasabay dahil madalas din naman kami magkasama sa kanila.
Pinagbuksan naman ako ng kasambahay nila nang makita ako. Tumungo naman ako sa room nila Lomi sa second floor ng bahay nila kung saan kami madalas pumwesto. Dala ang laptop ko ay kumatok ako sa pinto na 'yon.
"Lomi, si Adi 'to..." I trailed off when the door opened.
Bumungad sa akin ang nakasando at boxer shorts na kuya niyang si Larry. Magulo ang buhok at mukhang may ginagawa doon.
My lips parted when I saw him. Gosh, bakit nakaboxer lang ito! Namula naman ang pisngi ko nang mapagtantong nakatitig pala ako sa kaniyang katawan!
"Adi? Oh shit..." Larry muttered and hide himself behind the door when he realized what he's just wearing.
Hinawakan ko ng dalawang kamay ang laptop bag ko. Napakagat ng labi habang sinisilip sa loob si Larry na mabilis na nagsusuot ng T-shirt at shorts. Napunta ang mata ko sa kaniyang braso na nagfe-flex sa bawat galaw niya.
Gosh, he's hot!
"Adi!" Lumingon naman ako kay Lomi na paakyat ng hagdan. Sumulyap muna ako nang huling beses sa kaninang tinitignan bago salubungin siya.
Gulat niya akong tinignan at ngumiti kalaunan. Tinuro niya ang bag ko. "Updated 'yan, ah?"
Ngumiti ako at tumango. "Of course!"
Tumungo naman siya sa kaninang kwartong pinuntahan ko. Sumunod lamang ako sa kaniya. Kahit siya ay nagulat nang makita ang kuya niya na lumabas dala na ang mga gamit.
"May ininstall lang akong software..." Ani Larry na ikinatango naman ni Lomi. Akma itong aalis nang pigilan siya ni Lomi.
"School work ba 'yan? Pwede ka naman dito na, Kuya. Hindi naman kami maingay ni Adi." Ani Lomi na ikinatingin sa akin ni Larry.
Ngumiti naman ako sa kaniya. Naalala ko 'yung biceps niya kanina na mukhang ang sarap pisilin. Bumaba ang tingin ko sa braso niya na natatakpan na ng malaking gray na T-shirt. Ngumuso ako sa isip ko.
"Sige. May ipiprint pa rin kasi ako eh..." Ani Larry kaya naman pumasok na ulit kami sa loob.
Manly perfume enveloped the room. Binaba ko ang laptop sa isang mesa doon na katabi ng kay Lomi. Bahagya pang natabi sa akin si Larry dahil may sinaksak siya. Agad kong naamoy siya at nasiguradong sa kaniya ang pabangong nanunuot ngayon sa ilong ko.
Umupo naman ako sa gaming chair na naroon din katabi ng kay Lomi. Dahil nasa kaliwa ko si Lomi, nasa kanan ko naman si Larry na may inaasikasong dokumento sa kaniyang laptop.
We began playing pero halos wala yatang minuto ang hindi ako susulyap kay Larry. Madalas kong tignan ang kaniyang daliri na mabilis na nagtitipa roon.
Maugat din ang kaniyang kamay. Maybe nasanay siya sa mabibilis na galaw o 'di kaya'y sa pagbubuhat ng mabibigat.
"Do you have a bucket, Lomi?" I asked him.
"Oo, nasa chest doon sa storage room..." Ani Lomi na ikinatawa ko nang marahan. I saw how Larry glanced at me for a second.
I checked the chest on the storage room na sinasabi niya. Halos mahilo naman ako dahil halo-halo doon ang mga bagay.
"You're so unorganized, Lomi. Ang gulo ng mga gamit dito!" Reklamo ko sa kaniya na ikinatawa ng katabi ko.
Sinulyapan ko naman si Larry na nakapangalumbabang nakatingin sa kaniyang laptop.
"Kahit ang brief niyan, Adi. Nakahalo sa mga damit." Aniya na ikinangisi ko.
Si Lomi naman ay walang pakialam sa aming pinagsasasabi tungkol sa kaniya at busy sa pakikipaglaban sa mga zombies at skeletons. Nasa mineshaft na siya.
Minutes later, nagpaalam si Lomi na iihi muna kaya naman naiwan ako kasama si Larry sa loob. I continued playing while Larry is already printing some papers.
I heard him groaned. Nilingon ko siya at nakitang kunot-noong binabasa ang papel. Saglit namang nawala ang atensyon ko sa laro ang napatitig sa kaniya.
Sa magpipinsang Alfanta, si Larry ang hindi ko pa nakitaan na may kasamang babae. He's friendly naman at masiyahin pero wala siyang girlfriend.
But he looks like a different person right now. Hindi ko siya nakikita pang seryoso o 'di kaya'y hindi nakangiti kaya naman ang makita siyang nakabusangot ngayon ay nakakapanibago.
He's handsome. But his handsomeness is different from his cousins. When he smiles, he looks charming. When he's serious like this, he's intimidating and scary.
Parang kapag tinuturuan ka niya at nagkamali ka, mabubulyawan ka kaagad.
And I find it hot.
"Do you have a girlfriend, Larry?" Sabi ko na ikinalingon niya sa akin.
Nawala ang busangot ng mukha at alangang napangiti sa tanong ko. Siguro'y nabigla rin at hindi 'yon inasahan.
"Wala. Why?" Aniya at bumalik saglit sa papel ang mga mata.
I pursed my lips and removed my eyes on the monitor. Bumungad sa akin ang kyuryoso niyang mukha.
I smiled. "Nothing. It's just surprising that you don't have one." I said honestly.
Tumaas pa ang dalawa niyang kilay na para bang nagulat sa sinabi ko at ngumiti sa akin. "Hindi naman ako kasing landi ng mga pinsan ko..." Aniya na ikinatawa ko.
Ikiniling ko ang ulo bahagya at tinitigan siya. He looks so handsomely fresh with just his usual oversized shirt and hair brushed sidewards.
How can he be so hot by just being alive?
Gosh, Adhara Kate! Hindi lahat ng makikita mong lalaki ay pwede mo nang maging boyfriend just because he's handsome and hot!
"Does having a girlfriend or falling in love excites you?" I hopefully said. What if lang naman na magustuhan ko siya, 'diba?
Natawa na siya sa sinabi ko. Hinintay ko naman ang isasagot niya. He looks so ideal kaya! Personality and looks pa lang, pasado na!
"Not really. I'm contented with my family and friends." Aniya bago balingan ang ginagawa.
Napakurap naman ako sa kaniyang sinabi. Is he real? Talagang wala siyang kilig o ano mang nararamdaman sa iba?
"Wala kang crush or kilig man lang sa iba?" Tanong kong muli na ikinatawa lang niya ulit at umiling.
"Such a curious cat, eh?" Aniya at ngumiti sa akin.
Natutop naman ang bibig ko. Masama bang magtanong? I just want to try!
Nagkibit-balikat ako at bumalik sa nilalaro. Binaliwala ang panunuya sa tingin ni Larry ngayon. I don't like him. Oo, gwapo siya pero base sa kaniyang ugali, hindi siya mahilig sa mga bagay na gusto ko maranasan.
He's too nice to be that someone who'll fill the gap in me that I've been wanting in life. A boyfriend is the first step toward having the freedom I sought in life.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (56)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
it's amazing
05/05
0very good
16/03/2025
0I really loved it I Will wait for Lomy 😍
27/07/2024
0View All