Homepage/Fall In Love Again/
CHAPTER 4
Highschool days.
“Isabelle, crush mo oh,” agad akong napatingin sa direksiyon na tinuro ni Val at walang nakitang tao doon kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
Ngingisi-ngisi pa ito nang tignan ko. “Uy! Ikaw ha! Sabi mo hindi mo crush!” panunukso pa nito. Noong una kasi ay dineny ko pa kaya ito lalo akong inasar.
“Hay nako, ewan ko sa ’yo. Tara na, baka dumating bigla si ma’am Marasigan mapagalitan tayo,” sabi ko at mabilis na lumakad.
Agad naman itong sumunod sa akin. “Mapagalitan? Seryoso ka diyan? Ni minsan hindi ka nga pinagsabihan no’n,” sabi nito habang nakasunod sa ’kin.
Totoo ang sabi niya. Matataas naman kasi ang grades ko kay ma’am kaya walang problema sa ’kin. Actually, lahat kaming magkakaibigan, kaya lagi, kami ang tinatawag niya sa harapan kapag sasagot. She never scold us kahit pa ma-late kami ng konti. Minsan nga nagagalit na yung iba sa sobrang unfair pero goods lang din kasi minsan nasa mood naman si ma’am.
Nakarating kami sa room and thank God wala pa si ma’am. Nagpunta ako sa upuan ko at binaba ang bag ko. Nasa iisang table lang naman kaming magkakaibigan kaya hindi mahirap sa ’min na magkwentuhan kapag wala pang teacher.
“Anong chismis?” tanong ni Sadie pagkaupo namin.
“Si Isa, crush talaga si cutie,” sabi ni Val at nginisian pa ako.
Agad naman akong kinantyawan ng iba. I just sigh and didn’t mind them. Nginiwian ko sila bago ko ilabas ang notebook ko para ayusin ang notes ko. Gusto ko kasi palaging maayos mga notes ko para hindi ako mahirapan kapag magrereview na ako.
“Pero sis, tingin ko wala namang gf ’yon. Try to talk to him kaya?” si Louise naman iyon. Ano ba’ng trip nila?
“Hay nako ’wag nga ako. I don’t want to and i’m not planning to talk to him, ever,” I said with finality.
“Sabi niya “Ever” ha, tandaan niyo.”
Nagtuloy siya sa pang-aasar sa ’kin hanggang sa dumating na ang first subject namin. Umayos kami ng upo at nagfocus na lang sa klase.
Katulad ng palagi kong ginagawa, nagnotes ako habang nakikinig sa sinasabi ni ma’am Marasigan. Kapag nagtatanong siya minsan ay sumasagot din ako.
“That’s all for today class,” sabi ni ma’am saka inayos ang mga gamit niya. “Sumunod kayo sa faculty Isabelle and friends,” sabi pa nito bago makalabas ng room.
Natawa naman ang mga kaklase namin sa itinawag ni ma’am sa amin. Gano’n ang tawag nila kasi lagi raw kaming magkakasama hanggang sa tinawag na rin kami ng gano’n ng iba naming teachers. Hanggang sa nasanay na lang kami.
After mag-ayos ng gamit sumunod kami sa faculty. Wala naman kaming secobd period kasi wala yung teacher at may pina-assignment lang kaya dinala na namin ang gamit namin para diretso na kami sa cafeteria. Doon namin hilig magpalipas ng oras. Foodss.
Habang naglalakad nagk-kwentuhan sila hanggang sa mapunta nanaman sa ’kin ang usapan.
“Girl, si cutie oh. ABM siya,” sabi bigla ni Sadie at inginuso ang room ng ABM students.
“Matalino!” sabay na sabi nina Louise at Val at nag-apir pa.
“Sino ang matalino?” sabat ng kung sino. Nang lingunin namin, nakatingin sa ’min ang teacher din namin sa isang subject, our fave teacher at close namin. Siya ang nagtuturo ngayon sa ABM, for sure sa ingay ng dalawa kaya siya lumabas.
“Hi, sir!” bati namin at lumapit dito.
“H’wag niyo akong ma-hi sir, hi sir. Saan kayo pupunta at mga naka-bag na kayo?” tanong niya. Parang pagalit ngunit alam namin na nagbibiro lang siya.
“Nukaba sir, syempre foodssss, sa canteen? Sama ka?” si Val ’yon.
“Hindi, may klase ako. Ilibre niyo ako pagbalik, hanggang mamaya pa ako dito,” sagot naman ni sir. “Si Isabelle ang manlilibre sa ’kin. Balita ko naghighest nanaman sa quiz kahapon sa Pre-Cal niyo.” Napangiwi naman ako doon sa sinabi niya. Naka-chamba lang eh.
“Ay sige sir, mabait naman ’yan si Isa,” si Louise ang sumang-ayon doon. Ay wow ha
“Basta raw sir reto niyo siya sa isang estudyante duyan,” biglang sabat naman ni Sadie.
“Ay Isabelle ha, may tinatago ka pa lang ganyan. Sino ba sa kanila?” sabi ni sir at sumilip sa mga estudyanteng busy sa pinapagawa niya.
“Yung Cutie raw sir. Si ano—”
“Huy ano! Tigilan mo nga ako,” pigil ko kay Sadie ngunit huli na dahil naibulong na ni Valerie kay sir.
“Single siya,” mapang-asar na sabi ni sir. Nginisian naman ako ng mga kaibigan ko saka nagsimula ng maglakad.
Narinig ko pa ang tawanan nila bago ko sil maramdaman sa tabi ko na naglalakad. Nakakahiya, lalo na noong napatingin ako sa loob ng room ay nakatingin siya sa bintana animo’y nag-iisip ng kaniyang maisasagot.
“Bakit ka naman nag-walk out? Pagkakataon mo na e.”
“It’s so embarrassing!! Nakakainis kayo ha.”
“Pero single raw siya, may pag-asa!!”
Napailing na lang ako at hindi na sila pinansin hanggang sa makarating kami sa faculty ni ma’am at kinuha agad ang ipapagawa niya. At katulad ng napag-usapan, diretso kami sa cafeteria para kumain.
“Ate fries po tsaka itong carbonara sa ’min.”
Habang bumibili sila ng kakainin namin, kami ni Louise na ang naghanap ng table na mauupuan namin. Wala namang masyadong estudyante pero gusto kasi namin is comfortable na table and chair tsaka hindi masyadong gitna.
Hindi naman nagtagal yung dalawa, nakasunod na rin sila sa amin dala ang mga pagkain. Ah, my fave. Carbonara.
“Let’s eat!”
“Ah busog na ’ko,” sumandal si Louise sa sandalan ng upuan niya at napahawak pa sa tiyan.
“ABM pala si cutie noh? Bussiness,” sabi nanaman bigla ni Sadie. Ito si Sadie talaga eh!
Bakit ba kasi nila laging sinisingit yung pogi na ’yon?..? Huh? Ano ba!
“Oo nga pala. Akala ko ba sa designs ka, Isa? Bakit nasa Stem ka?” tanong naman bigla ni Val.
Napaisip ako sa tanong nila. Oo nga naman.. bakit ba ako nasa STEM?
“I don’t know?.. uhm,, i just feel like it,” walang kwentang sagot ko kaya naman binigyan nila ako ng tingin na para bang ang laking ginawa kong kasalanan. What? Eh sa iyon nga ang sagot ko eh.
“Ano ka ba! Hindi mo alam bakut ka nag STEM?”
I gave them a sigh. “Alam niyo, kahit saan naman ako mapunta ng strand, kukunin at kukunin ko pa rin naman yung course na gusto ko, ’yon pa rin namang about sa course ko ang pag-aaralan ko,” mahabang linyata ko.
“Sinasayang mo lang oras mo rito, kung nagpunta ka sa strand na connected sa gusto mo, edi mas napadali ka at may nalaman ka bago ka mag-college,” mahabang sabi naman ni Sadie na parang nanay ko kung magsalita.
“Edi yung course na connected sa STEM ang kukunin ko. Ang dami niyo namang problema,” sabi ko na lang sa kanila. Nginiwian lang nila ako.
Nakaupo lang kami doon habang naghihintay ng oras. At nang malapit ng mag-time, tumayo na kami. Hindi ko naman nakalimutang bilhan ng pagkain si sir. Gusto ko siya makita ulit noh.. hehehehhe landi naman Isabelle.
Idinaan namin ang pagkain ni sir ngunit wala ito doon. At ang mga mahaharot kong kasama, talagang hinila ako at tinulak papasok para ibaba sa teacher’s table ang pagkaing hawak ko. Hindu ko ’to naisip na mangyayari...
Naiilang na tinignan ko ang mga ABM students na nakaupo at nagk-kwentuhan habang wala si sir. Sigurado ay babalik pa ito dahil nandoon pa ang mga gamit niya. Pilit kong nginitian sila.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, nang napatingin ako sa pogi ay nakatingin din ito sa direksiyon ko. OMG NAMAN
Umiwas ako agad ng tingin. “U-uhm,, iiwan ko na ’to dito. Just tell sir Macky that it’s from me,” nahihiyang batid ko sa kanila.
“Ano pangalan mo te?” biglang tanong ng kung sinong lalaki.
“Di mo kilala? Si Isabelle ’yan e, yung STEM student na famous,” sagot ng kaklase rin nila. Hindi naman ako nakapagsalita.
“At ano namang ginagawa mo diyan, Isabelle? Sinabi ko bang lumandi ka sa mga estudyante ko?” napalingon ako sa pinto nang marinig ang boses ni sir.
Tinuro ko ang sarili ko. “Me, sir? Grabe ka naman mang bintang, binilhan ka na nga ng pagkain. I even bought you a drink,” sabi ko.
“Ay salamat, mahal na mahal mo talaga ako,” lumapit ito at diretsong naupo sa table. “Guys, si Isabelle pala, crush niya raw ang isa niyong kaklase,” sabi niya bigla na ikinalaki ng mata ko at napatingin sa kaniya.
“Ano ba ’yan sir! Nagkakalat ka ng fake news!” Rinig na rinig ko naman ang tawa ng mga kaibigan ko sa labas kaya sinamaan ko sila ng tingin.
“Hay nako. Itong si Isabelle h’wag niyong lalapitan ha, ayokong masaktan ’to. Baka biglang hindi na magseryoso sa pag-aaral.”
Aww kakatouch naman ng heart. “Hay bahala ka na diyan sir. Alis na ako, may klase pa kami,” paalam ko na sa kaniya.
Nang tumango ito lumabas na ako. Nagpaalam pa sa huli ang mga kasama ko bago kami nagsimulang maglakad pabalik sa room namin. Mabuti at malapit lang ang room namin kung hindi, baka na-late pa kamj ng ilang minuto.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (207)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Fall in love with someone is the happiest moment ,,,just forget all the past ,,, about the boy ho hurt you,,,
25/08/2023
1first chapter okay sya hehehe, sana all nalang mayaman ..she got a dream designer. she have a car..she already go in state and back her in family..it's very good family..
23/08/2023
1I am a beautiful person who is this still available for a while ago and I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day 5665 I am a beautiful person who is this the only way you want it in a relati
23/08/2023
0View All